Other 7

9.6K 76 7
                                    

Nakasandal lang ako sa may pader malapit sa Office niya, Naririnig ko ang pagiyak niya. Nakonsenya ko lalo na nung sinabi niya sa akin yung mga salitang binitawan niya, Kahit na alam kong hindi para sa akin yung sinasabi niya tumatama talaga sa akin.

“Hindi na talaga ako maniniwala sa Forever kahit anong pilit mo TJ! Bakit? Sige given na hindi nga sila nakatadhana kuno sa akin pero TJ alam mo yung sinasabi ko sa iyo isang example ang Broken Family.. Hindi ba yung mag-asawa nagsabi rin sila na Forever silang-sila na dahil kinasal na sila at nagka-anak na di ba? Pero may dumating na kabit at yung kabit na iyon.. Yun ang sumira sa pamilya kaya sige nga na saan ang permanente doon? Na saan ang Forever?”

Nasilip ako saglit sa kanya na patuloy sa pag-iyak, Pinikit ko ang mata ko at naglakad paaalis. Masakit din sa part ko ang sinabi niya dahil alam ko sa sarili ko na kabit ako at nakasira ako ng pamilya. Ganyan din kaya ang nararamdaman ng mga anak ni Amelia? Ganyan din kaya sila kung masaktan tulad ni Cornelia?

Huminga na lang ako ng malalim, Nakasalubong ko pa yung girlfriend ni Colton mukhang kausap siya kasi hindi ako napansin. Sumakay ako sa kotse ko at habang nagda-drive hindi mawala-wala sa isipan ko ang lagay kanina ni Cornelia, Hindi mawala-wala sa pandinig ko ang mga katagang binitiwan niya at paulit-ulit kong naririnig. Nabalik ako sa realidad ng tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko ang earphones at sinagot ang tawag.

“Kuya TJ salamat sa bagong game ko sa Xbox yun lang saka nga pala kailan babalik si Ate Cornelia sa atin? Ang saya niya kasing kalaro eh.”sabi ni CJ mula sa kabilang linya napatawa naman ako naaalala ko kagabi naglaro sila ng Chess ni Cornelia wala ngang nanalo kasi nag-abangan lang sila ng 16 moves parehas kasing King ang natira sa kanila.

“Hindi ko alam busy si Cornelia may trabaho siya.”sabi ko kay CJ at hininto ko ang kotse dahil nag-red light.

“Talaga? Well girlfriend mo ba si Ate Cornelia kuya? Bagay kasi kayo eh.”pagkasabi nun ni CJ ay tawa ko ng tawa. Kami ni Cornelia bagay? Sus! Imposible sobrang imposible dahil unang-una may girlfriend na ako at pangalawa mahal na mahal ko si Amelia para ipagpalit kay Cornelia.

“Hay naku CJ may girlfriend na ko at kaibigan ko lang si Cornelia.”sabi ko kay CJ at tumawa na lang siya sa sinabi ko sa kanya. Nag-drive ulit ako dahil greenlight na.

“Sige kuya baba ko na ito next time na lang tayo ulit mag-usap may emergency!”sigaw ni CJ at binaba ang phone ng hindi man lang nagpaalam kaya naman umiling na lang ako sa kapatid ko habang tinatanggal ang earphone sa tenga ko.

Dumiretso na ko sa Hotel & Resort namin, Remember doon ko ise-set up ang Date namin ni Amelia and i want everything special and best for her. Mahal na mahal ko siya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin. For now kuntento ako na bumabalik pa siya sa akin natatakot lang ako na dumating yung araw na hindi na siya bumalik sa akin lalo na at alam na ng pamilya niya ang tungkol sa aming dalawa.

Nang makarating ako sa Hotel & Resort namin ay after lunch na kaya dumiretso ako sa napag-usapan naming lugar ng isang kakilala.

“Goodmorning Sir Tristan.”bati sa akin ng mga staffs sa hotel ngumiti naman ako at ini-spot ko si Jason, Acquintance ko nung college at General Manager din dito sa Hotel & Resort namin.

“Uy Jason!”tawag ko kay Jason na naka-abang sa akin sa may lobby natawa naman ako dahil inantay niya talaga ako, Nang makita niya ko tumayo siya at sinalubong ako.

“Ready na yung beach?”tanong ko kay Jason while we’re walking to one of the restaurant here in our Hotel gutom na talaga ako.

My Guy (series)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin