Other 2

11.6K 99 16
                                    

Pagod na Pagod ako galing sa trabaho ko at dahan-dahan kong binuksan ang Condo Unit ko and to my surprise someone hug me pagpasok ko.

“Hi Tristan.”nakangiting sabi niya sa akin kaya naman yinakap ko siya pabalik. Feeling ko nawala ang pagod ko ng makita at mayakap ko siya.

“Buti nakapunta ka?”nakangiti kong sagot kay Amelia ng magkalas kami ng yakap. She kiss my lips before she hug my waist.

“Yeah talagang pupunta ako kasi miss na miss na kita.”sabi niya at yinakap pa ako ng mahigpit napa-chuckle naman ako at yinakap din siya.

“I miss you too.”sabi ko sabay halik sa temple niya. I really love this woman at kahit na alam kong pangalawa lang ako sa buhay niya dahil bukod sa may pamilya na siya and matanda pa siya sa akin ng Twenty two years, I don’t gave a damn dahil talagang mahal na mahal ko siya. Age doesn’t matter ika nga.

“Nagluto ako ng Dinner mo kasi napansin kong puro Instant ang kinakain mo."sabi niya kaya naman kinilig ako sa sinabi niya, Kahit lalaki ako kinikilig din naman ako.

“Talaga? Ano niluto mo?”tanong ko sa kanya.

“Uhm.. Surprise? Tara-tara.”sabi niya at hinawakan ang kamay ko at kinaladkad ako sa Dinning Area. I intertwined our Hands at napatigil siya at napatingin sa akin, I smiled at her ang ganda niya talaga.

“I love you.”sabi ko sa kanya, She held my face using her free hand and kiss me.

“I love you too.”sabi niya and i kiss her passionately, I held her closer to me and deepen the kiss. Hindi ko maisip na minahal ko siya, Nakilala ko siya sa isang Party ng kakilala and her beauty stand out. Nung una akala ko Single siya saka magkasing-edad lang kami at akala ko nagbibiro siya nung sinabi niya sa akin na may asawa siya at 43 years old na siya pero totoo pala sadyang Baby Faced at Sexy lang siya kaya inakala ko na bata pa siya.

“Tara na baka lumamig pa yung pagkain natin.”sabi niya sa akin ng magkalas kami sa halik at pinagdikit ko ang noo naming dalawa.

“Pwede bang ikaw na lang ang kainin ko?”biro ko sa kanya kaya naman nakatanggap ako ng palo sa dibdib ko.

“Puro ka naman biro eh, Tara na nga.”sabi niya at hinatak na ko ng tuluyan sa may Dinning Area. Umupo na ako at pinagsandok niya ko ng kanin at ulam na Afritada. Nagulat naman ako sa niluto niya pero eto ang First Dish na niluto niya simula ng magkaroon kami ng relasyon na alam kong bawal.

“Nagustuhan mo ba? Masarap?”tanong niya ng makasubo ako ng niluto niya. Tinignan ko siya at sumama ang timpla ng mukha ko.

“Hindi.”simpleng sabi ko sa kanya at halata sa mukha niya ang disappointment dahil hindi maganda ang critic ko sa luto niya, Napangiti naman ako saka sumubo ulit.

“Uy wag mo ng kainin kung napipili-”pinutol ko siya at natawa ako.

“Seriously? I don’t like it because i love it saka hindi siya masarap kungdi SOBRANG SARAP.”sabi ko sa kanya at nakahinga naman siya ng maluwag, Nabunutan siguro ng tinik sa lalamunan.

“Ikaw! Pinakaba mo ko.”sabi niya sabay bato sa akin ng Table napkin kaya naman napa-chuckle ako.

“Masyado ka kasing atat sa sasabihin ko ayan tuloy.”sabi ko at nag-pout naman siya sabay cross arms. Naku alam na! Nagtatampo siya. Tumayo ako at lumapit sa kanya saka ko siya yinakap.

“Wag ka ng magtampururot diyaan hala sige ka mautot ka.”biro ko sa kanya at pinalo naman niya ko.

“Naman eh! Pero masarap ba talaga? Bak-”i put my finger in her lips to hush her. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

My Guy (series)Where stories live. Discover now