Only 11

8.6K 86 10
                                    

“Saan ba tayo pupunta?”tanong ko kay TJ habang naka-sakay kami sa sasakyan niya, It’s already 8:30pm saang lupalop naman kami pupunta? Sinundo niya pa nga ako kanina sa Boutique buti na lang at hindi niya naabutan si Colton na sinundo si Guia kungdi magkakatalo na.

“Secret basta mahalaga sa akin yung lugar na ito.”nakangiti niyang sabi sa akin habang binabagtas namin ang daan papunta sa lugar kung saan man. Maya-maya huminto kami sa isang lugar, Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Napangiti ako ng makita ko ang langit puno ng stars at visible ang moon mula dito.

 

“Whoa! Ang ganda naman dito.”masayang sabi ko kay TJ at hinawakan niya ang kamay ko, Nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

“Tara.”tawag niya sa akin at may naka-handa na pala doong sapin at may basket pa, Ano yan? Picnic at night lang? Napangiti naman ako dahil todo effort. Umupo siya at naiwan naman akong nakatayo, He look at me bago niya i-tap yung space sa harapan niya kaya umupo ako doon ng nakangiti.

“Anong ginagawa mo?”tanong ko sa kanya dahil may kinuha siyang kumot ata sa basket na medyo malapit sa apoy na siya pa ata ang nag-sindi.

“Ah, Medyo malamig kasi dito lalo na kapag gabi kaya babalutan sana kita nito.”sabi niya at napangiti ulit ako kasi ang sweet talaga, Hindi ko ikakaila na kinikilig ako sa ginagawa niya. Binalot niya yung kumot sa likod niya at pinulupot niya ang arms niya sa waist ko para mabalutan din ako, Nakangiti akong sumandal sa dibdib niya at nakakaramdam ako ng warmth.

“Pwede mo ba kong kantahan?”request ko sa kanya habang nakatitig ako sa ulap na puno ng bituin, Gusto kong makarinig ng kanta.

“Hindi maganda boses ko kaya hindi ako kumakanta.”sabi niya kaya naman nilingon ko siya saka ako tumawa, Siniksik ko pa ang sarili ko sa kanya.

 

“Hindi ako tatawa kahit pumiyok ka pa kaya kantahan mo ako.”sabi ko sa kanya at ngumiti muna siya saka ako tinitigan sa mata ko.

“I wanna make you smile, whenever you’re sad.”simula niya kaya naman napangiti ako, Hindi naman masama ang boses niya ah. Napapikit ako at bumalik sa dati kong pwesto kung saan ako nakasandal sa dibdib niya.

“Carry around when your atrithis is bad, All I wanna do is to grow old with you.”hindi nawala ang ngiti ko sa labi habang nakapikit ako at pinapakinggan siyang kumanta. It’s soothing, Nakaka-relax yung pagkanta niya ng Grow Old with You ni Adam Sandlers sa movie na The Wedding Singer. Nang matapos niya ang kanta nilingon ko ulit siya na nakangiting nakatitig sa akin.

“Hindi naman masama yung boses mo.”sabi ko sa kanya, Totoo naman eh nakaka-relax nga yung pagkanta niya sa akin.

“Hindi ba? Akala ko kasi pangit yung boses ko kapag kumakanta.”sabi pa niya kaya naman umiling ako at hinalikan siya sa labi niya. He made the kiss tender and sweet. It was really a passionate one, What more can be sweet to a guy who could cuddle you under the stars while singing a song to you and will kiss you more sweeter? Who’s that guy? It’s TJ.
 

My Guy (series)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant