Official 12

6.4K 142 18
                                    

Wala po talaga akong confident dito still, Enjoy!

_________________________________

“Saan ito kinuha?”tanong ko kay Cornelia habang nakatingin ako sa picture ng mag-ina ko habang buhat niya si Trick na baby pa dito sa picture sa phone niya.

“Sa dating building ng Couture sa Los Angeles.”bulong ni Cornelia sa akin habang nakahilig siya sa braso ko at nakapikit. Hinalikan ko siya sa noo niya at napadilat siya.

“Inaantok na ko TJ, Umuwi ka na sa inyo at may pasok ka pa bukas.”antok na sabi sa akin ni Cornelia, Napatingin ako sa orasan sa side table niya. Alas-tres palang naman saka hindi na lang ako papasok para makasama ko si Cornelia. Hanggat maaari gusto kong punan ang pagkukulang ko sa kanya, Sa kanilang dalawa ni Trick sa loob ng pitong taon.

“Gusto kong matulog sa tabi mo Cornelia.”bulong ko sa kanya at umiling naman siya sa akin.

“You should go home TJ, Sige na.”sabi niya sa akin sabay nguso kaya naman napangisi ako, Nakaka-frustrate! Gusto kong dumating ang araw hindi ko na kailangang umuwi sa bahay namin nila mama kasi dito na ko uuwi kay Cornelia.

“Okay Mrs.Gonzales, See you tomorrow kayong dalawa ni Trick.”sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang noo niya saka ako tumayo sa pagkakahiga ko. Kinumutan ko rin siya bago ko suotin ang white shirt ko at ang pantalon ko.

“I love you.”sabi ko pa sa kanya at hinalikan ko siya sa labi, Nakangiti naman siya habang nakapikit. Napangiti na rin ako at lumabas ako ng kwarto niya. Kung saan ako dumaan papasok kanina iyon ang dinaanan ko palabas.

Pasipol-sipol ako habang nakangising naglalakad papunta sa bahay namin. Mabuti na lang at nakatira ako sa kanto malapit sa bahay nila Cornelia, This is so convenient. Pagpasok ko sa bahay namin naabutan ko si Manang na nagulat ng makita ako, Papungas-pungas pa si Manang.

“Sir saan po kayo galing?”tanong sa akin ni Manang, Ngumisi ako kay manang bago ko siya sagutin. Saan nga ba ako galing? Hindi naman kasi ako tanga kung sasabihin ko kay Manang kung saan ako galing.

“Jogging.”at umakyat na ko sa kwarto ko para umidlip, Namimiss ko na agad si Cornelia wala pa ngang isang oras simula ng umalis ako sa bahay nila.

=======
=======

“Daddy.”tawag sa akin ni Ashley ng maka-alis si Cornelia sa building ng Fab. Napatingin ako kay Ashley na ngayon ay nakatitig lang sa akin at alam kong malalim ang iniisip niya. Lumuhod ako para mapantayan si Ashley na yinakap ako ng mahigpit.

“Daddy stop being stupid. I don’t care if you love each other but she’s hurting you and it’s too much so i hate her.”sabi sa akin ni Ashley habang yakap ako kaya naman yinakap ko siya pabalik dahil sa sinabi niya sa akin. Okay na lang na sabihan akong tanga kasi totoo naman iyon eh. Tanga ako kasi sinaktan ko si Cornelia, Tanga ako kasi wala akong kwenta.

“Tristan.”tawag sa akin ni Lyka kaya naman napatingin ako sa kanya na may dala-dalang paperbag. Bago kumalas sa akin si Ashley sa yakap may binulong pa siya.

My Guy (series)Where stories live. Discover now