Other 9

9.7K 84 9
                                    

Note: I am sorry if i will disappoint you guys i know you're expecting a lot but i have a storyline to follow :)

____________________________________

“So you're having a Dinner with Gonzales Family?”asar sa akin ni Shiela at kanina pa nila ko inaaasar ni Guia, Silang dalawa inaasar nila ko kay Panda bwisit yung lalaking yun talagang tumawag pa talaga dito sa Boutique para ipaaalala ang Dinner kuno tsk!



“Ugh! How many times do i have to tell you guys na i am going there for my job hindi para maki-chuchu besides TJ is bringing his girlfriend.”sabi ko sabay role eyes at bumalik ako sa pag-sketch as if i care if he bring his girlfriend.



“Oh who's TJ si Mr. Gonzales ba? Close na agad kayo?”tanong ni Guia at siniko ko kaya naman gumulo ang sketch ko, Sinamaan ko siya ng tingin.



“And i can smell the Jealous Cornelia.”sabi sinabing iyon ni Shiela napa-iling na lang ako. Ako? Magseselos kanino? Sa pandang yun? Tsk imposible sobrang imposible!



“Hay naku bahala nga kayo sa pinag-iisip niyo basta ako wala as in wala period.”sabi ko at binura ang sobrang lines na nasanggi ng lapis sa pagsiko sa akin kanina ni Guia.



“So hindi ka pupunta sa Dinner? Malapit ng mag-7pm.”sabi ni Shiela umiling na lang ako sabay tayo at nilagay ko ang sketch ko sa Clearbook sabay linis ng desk ko. Kinuha ko ang bag ko sabay alis sa lugar na iyon and all i can hear is a teasing joke from Shiela and Guia.


Pumasok na ko sa kotse at nagdrive na ko papunta sa Gonzales Residence. There's even a traffic and i waited parang ngayon ko lang na-enjoy ang Traffic ewan siguro dahil sure akong mababanas ko si TJ and bukod pa doon kapag tinanong niya kung bakit ako na-late then i will tell him the truth i am late because of the Traffic.


Nang umusad na ang daloy ng trapiko lumiko ako para maka-shortcut ako sa Subdivision nila, Hanggang sa pinark ko ang sasakyan ko sa may tapat ng gate nila. Nag-doorbell ako at pinagbuksan ako ng Katulong nila ngumiti naman ako sa kanya at ngumiti rin siya pabalik sa akin.



“Ma'am Cornelia tatawagin ko lang po si Sir Tristan.”sabi ni Manang kaya naman tumango na lang ako ng mag-ring ang phone ko and it's Shiela.



“Hello.”sagot ko sa kanya. I heard a giggle and i am pretty sure kay Guia galing iyon.



“So do you meet the girlfriend? Maganda ba siya? Kabog ang beauty mo?”tanong sa akin ni Shiela from the other line napa-role eyes na lang ako.



“Oh please Shiela, Tigilan mo ko! Tigilan niyo ko ni Guia! TJ and i are not even that close remember we are enemies and we will stay as that Forever until i die itaga niyo yan sa mga kukote niyo.”asar na sabi ko kay Shiela at isang malakas na tawanan lang ang narinig ko sa kanila, Napadako ang tingin ko sa isang babae na nakatingin sa mga bulaklak hindi niya ko napansin pero ako napansin ko siya. Tinignan ko siyang mabuti at ng makita ko ang side view niya nanlaki ang mata ko, Nanigas ako sa kinatatayuan ko.



“Hey Cornelia still there?”rinig kong sabi ni Shiela, Hindi ako makalagaw sa kinatatayuan ko. Sure akong hindi ako namamalikmata. Pumikit ako at tinitigan ko ang babaeng nakatayo at hindi nga ako namamalikmata it's.. Mom.


Bumilis ang tibok ng puso ko, Nahihirapan din akong makahinga dahil sa nakikita ko. D-don't tell me ang girlfriend ni TJ ay ang Mom ko?! Impossible super duper impossible! TJ is obviously from a well known family, Imposibleng huthutan niya si Mom ng pera na inaasahan kong kabit ni Mom.



“Hey Cornelia may problema ba?”rinig kong sabi ni Shiela na nag-aalala ang tono. Napakagat ako ng labi ko naluluha na ko. Hindi ako maniniwala until walang matibay na pruweba..



“Hey Mais nakarating ka akala ko hindi mo na kami sisiputin.”sabi ni Tristan napatitig lang ako sa kanya, Pakiramdam ko nawala ako sa pag-iisip ko.



“Ang gwapo ko ba ha?”sabi niya kaya nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang sigaw nila Guia at Shiela.



“Hey are you okay?!”sabay na sigaw nila kaya nanlaki ang mata ko saktong papatingin si Mom dito kaya naman tumalikod ako.



“Ha? Ano? Nasagasaan si Shiela?!”kunwaring sabi ko at naglakad na palayo.



“Anong pinagsasabi mo Cornelia? Hindi ako nasagasaan.”rinig kong sabi ni Shiela.



“Hala sige papunta na ko diyaan lang kayo ay hindi call 199 now!”kunwaring sigaw ko at binaba ko na ang phone ko saktong hinarangan ako ni TJ.



“Anong nangyari?”tanong niya tinatakpan ko ang mukha ko ng buhok para hindi ako makita ni Mom i know naglalakad na siya papunta sa amin.



“Nasagasaan yung bestfriend ko kailangan ko ng umalis sige una na ko next time ko na lang sila susukatan bye!”nagmamadaling sabi ko sabay takbo palabas ng gate nila. Nangangatog ang kamay ko habang pinipindot ang key ng kotse ko pagpasok ko sa kotse, Nanginginig ang kamay ko habang nilalagay ang susi sa keyhole ng sasakyan ko.



“Cornelia!”sigaw ni TJ kaya naman napasigaw ako sa gulat, Sinamaan ko siya ng tingin.



“Bakit ka ba nanggugulat ha?! Aalis na ko wag kang magulo nasagasaan si Shiela!”sabi ko sabay drive palayo dahil lumabas si Mom sa may gate. Lumiko ako sa isa sa kanto at inikot ko ang isang street para makabalik ako sa bahay nila. Huminto ako sa may kanto, Itinigil ko ang engine ng kotse ko at tinignan ko lang kung si TJ nga ang kabit ni Mom.


Nagulat ako ng nag-ring ang phone ko. Sinagot ko agad.



“Hello Cornelia anong problema anong pinagsasabi mo?”rinig kong sabi ni Shiela sa akin, Napahinga ako ng malalim.



“Shiela if ever tumawag sa inyo si TJ please sabihin mo nasagasaan ka okay?”sabi ko kay Shiela sa kabilang linya.



“Why naman?”rinig kong sabi naman ni Guia. I bit my lips and a tear escape from my eyes.



“I will explain later but please just cover up for me.”sabi ko at binaba ko na ang phone ko. Napaiyak ako please wag sanang si TJ ang kabit ni Mom hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon.


After an hour mga Quarter to twelve na ay may lumabas na apat na tao sa gate nila TJ napatitig akong mabuti sa kanila. Naka-akbay si TJ kay Mom habang nakikipag-usap sa dalawang Couple, Sumakay na ang dalawang couple sa kotse nila at pinagbuksan ni TJ si Mom ng pinto ng kotse niya pero ang nagpagimbal ng gabing ito nasaksihan ko ang paghalik sa labi ni TJ sa labi ng nanay ko. Napaluha ako, Nandidiri ako, Naiinis ako, Nagagalit ako, Nagpupuyos ang damdamin ko at iisa lang ang alam ko purong galit ang nararamdaman ko ngayon. Umalis ang kotse ni Mom and all i can see is the Happy Smiling Face of TJ while watching my Mom's Car. Nang makapasok siya sa loob ng bahay nila i drove away from that place.


Umiiyak ako habang nagmamaneho, All this time kasama ko ang kabit ng nanay ko? Napatawa ako ng mapait habang umaagos ang luha sa mata ko. Bumalik sa utak ko ang masayang mukha ni TJ habang minamasdan ang papalayong kotse ni Mom. So habang kami umiiyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman namin sa pagkasira ng pamilya namin nakangiti siya? Habang nasasaktan kami ng kapatid ko sa sobrang bigat ng dala naming problema nakangiti siya at masaya? He's a selfish jerk! Sobrang sama niyang tao!


I want to kill that fcking guy! Hininto ko ang kotse ko sa may gilid at doon ako nag-iiyak. Why? Sa lahat ng lalaki sa mundo bakit siya pa? Unti-unti kong naaalala ang sinabi ni Mom kay Dad noon sa library that makes me more believe that TJ is My Mom's Other Guy..



“Mahal ko si Tristan!”



Napasubsob ako sa manibela dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, I am in serious pain right now. Hindi na kailangan malaman ni Coraline ito i need to hide this from my Sister ayoko siyang masaktan ng sobra sobra tama na, Na ako lang ang makakaalam ng tungkol dito. A thought struck my mind.. Dahil kay TJ nasira ang pamilya ko, Dahil kay TJ nangabit din ang tatay ko, Dahil kay TJ muntik ng ma-depress si Coraline at Dahil kay TJ nasasaktan ako ng ganito.


I will make him pay! I am sure that i will make him pay! Gagawin ko ang lahat paghihiwalayin ko sila ni Mom. I will seduce that home wrecker and if he madly fall inlove to me i will left him broken..





=======
=======


“Cornelia what happened?”nag-aalalang tanong sa akin ni Shiela, Napatayo naman si Guia ng makita nila ang mugtong mata ko.



“Na-kabog ba ng girl na iyon ang beauty mo? Nasaktan ka kasi mahal mo na si Tristan?”tanong ni Guia kaya sinamaan ko siya ng tingin napatikhim naman siya habang nakatingin sa akin.



“I will never ever love that man! Tandaan niyo yan hinding-hindi ko siya mamahalin nandidiri ako sa kanya.”sabi ko kay Shiela ramdam kong sa bawat pagbitaw ko ng salita may halong galit ang mga iyon.



“Ha? Bakit anong nangyari?”nag-aalalang sabay na tanong nila sa akin. Tumulo ang luha sa mata ko, Napapikit ako ng madiin at nangangatog ang tuhod ko.



“Tristan James Gonzales is a Home wrecker, He is a no other than My Mom's Other Guy.”sa sinabi kong iyon napa-gasp si Shiela, Nanlaki naman ang mata ni Guia. Napahinga ako ng malalim at tumulo ang luha ko.



“H-How?”gulat na sabi ni Guia pero siniko siya ni Shiela at nagtitigan silang dalawa na parang nag-uusap lumapit sila sa akin at yinakap nila kong dalawa, Doon na nanlambot ang tuhod ko hindi na kinaya ng katawan ko ang lahat ng nalaman ko.


Pinaupo nila ako sa Sofa habang hinahagod ni Guia ang likod ko inabutan ako ng tubig ni Shiela kaya naman agad kong ininom iyon, Napatingin silang dalawa sa akin.



“So Cornelia what's your plan?”tanong ni Guia sa akin, Napayuko ako iisa lang naman ang plano ko eh aakitin ko ang lalaking yun, paghihiwalayin ko sila ni Mom at iiwanan ko siyang sobrang nasasaktan.



“I will seduce him and i will play his heart.”simpleng sabi ko sa kanila ng mahimasmasan ako. Tinignan ko silang dalawa at halata ang gulat sa mukha nila.



“Cornelia are you really sure about that?”tanong sa akin ni Shiela, Ngumiti ako kay Shiela as if i am okay.



“Oo sigurado ako paglalaruan ko ang puso niya at iiwan ko siyang nasasaktan, He really deserves that.”sabi ko kay Shiela then umusog sa akin si Guia. Tinaasan ko siya ng kilay pero nginitian niya lang ako.



“Hindi kaya ikaw lang ang masaktan sa huli?”tanong sa akin ni Guia, Napatawa naman ako sa sinabi ni Guia. Ako masasaktan sa huli? Ha! Hinding-hindi ako mahuhulog sa lalaking iyon.



“Guia mind you hinding-hindi ako mai-inlove sa kanya, Nandidiri ako sa kanya.”sabi ko sa kanila huminga ako ng malalim.



“Susuportahan niyo ba ako?”tanong ko sa kanilang dalawa, Nagkatinginan muna sila bago ako yakapin.



“We will always support you Cornelia, Nandito kami lagi sa likod mo siyempre magkakaibigan tayo.”sabi ni Shiela yinakap ko silang dalawa, Supportive Bestfriends as ever!



“Saka kapag nasaktan ka kung sakali nandito pa rin kami.”sabi ni Guia sa akin, Naglakas kami ng yakap at tinignan ko si Shiela.



“Bukas lagyan mo ng benda ang paa mo para kunwari nasagasaan ka.”sabi ko kay Shiela at napa-nguso siya sa sinabi ko.



“Bakit kasi ako pa? Tsk!”sabi ni Shiela napasimangot naman ako sa sinabi niya.



“Akala ko ba supportive bestfriend ka? Tatlong araw lang naman eh incase lang.”sabi ko at tumango na lang si Shiela.



“Fine! Ayoko sa paa sa braso na lang para makapag-heels ako you know how i hate flats.”sabi ni Shiela at nag-flip hair pa napatawa naman kami ni Guia sa ginawa ni Shiela. Now Tristan James Gonzales be ready the Daughter will enter the game and i will play bad. Nag-smirk ako at kinuha ang phone ko.



“Oh sino tatawagan mo?”tanong sa akin ni Shiela, Napangiti ako ng nakakaloko. I mouthed the home wrecker's name at napa"O" ang labi ng dalawa may plano akong nabuo sa utak ko.



“Hello Cornelia! Kamusta si Shiela?”tanong niya sa akin naiinis ako pero pinipigilan ko kitang-kita sa mukha ko ang asar ko habang naririnig ko ang boses niya.



“Ayos lang si Shiela actually buhay pa siya kaya wag kang mag-alala iisipin ko na may gusto ka sa kanya.”sabi ko sa kanya na nasa kabilang linya. Pinalo naman ako ni Shiela at sinamaan ako ng tingin.



“Hello may girlfriend na ko saka nakita mo naman siya kanina di ba? Sayang hindi kayo nakapag-meet ng maayos.”sabi niya sumama naman ang mukha sa sinabi niya i mean lalong sumama ang timpla ng mukha ko.



“Mas maganda na hindi kami nagkita dahil kapag nagkita kami maghahalo ang balat sa tinalupan.”wala sa loob kong nasabi. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ko pinandilatan ako ni Guia at Shiela.



“Anong sabi mo? Di ko narinig nagpatugtog ng Rock Song si CJ eh.”sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag, Thanks to CJ talagang pasasalamatan ko ang kapatid nitong kabit na ito.



“Ah wala ang sabi ko sa susunod na lang kapag walang aksidente o may time ako saka wala naman akong pake kung may girlfriend ka eh.”sabi ko sa kanya narinig ko naman siyang tumawa pero naka-pokerface naman ako.



“Ouch ang sakit mong magsalita mais.”sabi niya kaya napa-role eyes ako. Mais siya ng Mais Cornelia ang pangalan ko ang layo ng Mais sa Cornelia.



“Bakit ba mais ka ng mais? Cornelia ang pangalan ko tigilan mo ko.”asar na sabi ko sa kanya, Mabilis uminit ang dugo ko sa kanya lalo na at nalaman kong kabit siya ng magaling kong nanay.



“Mais kasi Corn edi ba CORNelia ang pangalan mo.”sabi niya kaya naman umiling na lang ako at tumawa ng sarkastik.



“Ha.Ha.Ha grabe nakakatawa ang pinagsasabi mo sumakit ang tiyan ko nagpagulong-gulong ako sa sahig.”sabi ko at binaba ko ang phone ko sa sobrang asar ko sa kanya, Bwisit siya!



“Kamusta naman daw ang hatred mo kay Tristan at halata talaga ang galit mo sa kanya.”sabi ni Shiela ngumiti na lang ako ng pilit at nag-role eyes. Pumikit ako sa sobrang asar ko, Paano ko maaakit yung mokong na yun kung sa boses palang niya nagagalit na ko?

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon