Other 1

17.6K 141 14
                                    

“So see you na lang tomorrow sa Boutique?”sabi sa akin ni Shiela habang binababa ko ang isang maleta ko mula sa Trunk ng sasakyan niya.

“Yeah and yung dress na pinapatahi ni Mr. Gonzales last week is it already done?”tanong ko kay Shiela then she smile to me.

“Yes all done, Tumawag na si Guia sa akin kanina lang and she said tapos na nga raw.”sabi ni Shiela then i just nodded.

“Magpapahinga muna ko for today, You know jet lag.”sabi ko kay Shiela, Galing kasi kaming Paris for a Fashion Exposition.

“Sige una na ko.”sabi niya bago sumakay sa kotse niya habang ako naman kumatok sa gate ng bahay namin. Wishing that si Mom or Dad para ma-surprise sila! Oh how i missed home, It’s been Three months since umalis ako.

Biglang bumukas ang pinto and i was bit disappointed because i thought it would be Mom or Dad but it’s okay, Si Manang naman pala.

“Oh anak, Umuwi ka na pala edi sana nagpasundo ka di ba?”sabi ni Manang sabay kuha ng maleta ko and and i just smiled to Manang.

“Manang this is what you called surprise! Sure akong matutuwa si Mom and Dad.”sabi ko kay Manang at nginitian niya ko ng alanganin i don’t know pero parang alanganin yung ngiti niya pero hindi ko na lang pinansin baka kasi isa rin sa effect ng Jetlag ito.

“Sina Mom and Dad po saka si Coraline?”tanong ko kay Manang ng makapasok kami sa pintuan ng bahay namin.

“Si Coraline nasa school pa habang si Sir at Ma’am naman nasa.. Nasa Library.”alanganin din sumagot si Manang pero di ko na lang talaga pinansin baka hiningal lang siya sa pag-akyat ng maleta ko kaya naman kinuha ko na lang kay Manang.

“Ako na po.”sabi ko at nginitian si Manang habang inaakyat ko yung maleta hanggang sa may itaas and iniwan ko muna para pumunta sa Library, I am so excited!

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may narinig akong sumigaw at alam ko kung kayninong boses iyon kay Mom.

“Mahal ko si Tristan!”rinig kong sigaw ni Mom sa loob ng Library, Napahawak ako sa bibig ko. My Mom loves somebody?

“Mahal mo siya paano ako Amelia? Paano ang dalawang anak natin?”gargal ang boses na sabi ni Dad kaya naman napakapit ako sa door knob ng pinto dahil feeling ko nanlambot ang tuhod ko sa narinig ko. Nanlalabo din ang mata ko dahil sa namumuong tubig sa mata ko.

“Yung mga anak natin, Mahal ko sila pero Cornell i am sorry.. Hindi na kita mahal.”and there tuluyan ng tumulo ang luha ko, My mom cheated.

“Cornelia anak.”bulong ni Manang na nasa likod ko kaya naman nilingon ko siya at pinunasan ang luha ko sa mukha.

“Manang kailan pa?”basag ang boses kong sabi kay Manang. Inalalayan niya ako sa likod habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko.

“Hindi ko alam anak at ayokong maki-sawsaw sa gulo dito.”sagot ni Manang habang hinihimas ang likod ko, Pumasok naman si Yaya Helen na may dalang baso ng tubig at inabot kay Manang. Binigay naman ni Manang sa akin yung tubig para inumin ko.

“Pero Manang kailan pa nagkakagulo dito sa bahay? Bakit hindi ko naman nababalitaan?”tanong ko kay Manang nagkatinginan sila ni Yaya Helen.

“Siguro ayaw lang nila Sir at Ma’am na mag-alala ka anak.”sabi ni Manang sabay hagod sa likod ko. Pinilit ko na lang ngumiti kahit nasasaktan ako, Knowing your Mother cheated your Father and if possibly it will all end in a Broken Family.

My Guy (series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora