Official 10

7.3K 115 14
                                    

Masayang-masaya ang mukha ni Trick, Hindi ako sigurado pero sa tingin ko si TJ ang dahilan ng malaking ngiti ni Trick.

“Trick get in the car, Male-late ka na.”sabi ko kay Trick at agad siyang sumakay sa shotgun seat ng kotse ko. Napangiti ako dahil masaya si Trick, Pumasok na ko sa kotse ko at ini-start ko na ang engine ng sasakyan ko.
 

Habang papunta kami ni Trick sa Academy na pinag-aaralan niya iniisip ko na kuhanan siya ng school bus dahil sigurado akong magiging busy ako for the next few days dahil aasikasuhin ko ang utang ng Building sa Couture at ang problema sa Pabrika.

“Ma..”tawag sa akin ni Trick ng maalala kong kailangan na naming bisitahin ang Grandparents ko dahil tutal nandyan na naman si Jaiden at gustong-gusto na nilang makita si Trick. Last time na nakita kasi nila si Trick nung baby pa ito nung bumisita sa States ang Grandparents ko.

“Naalala ko Trick, Mamayang uwian susunduin kita kasi kailangan nating dalawain ang Lolo’t Lola mo kasama ang Tito Jaiden mo.”sabi ko kay Trick, Nasabi ko na sa kanya iyon last week pero baka nakalimutan niya kaya pinaalala ko sa kanya. Nandyan na rin si Jaiden kaya bibisita na kami at tutal tapos na rin ang showcase kaya may oras pa ako bago ko asikasuhin ang mga problema kaya kami umuwi ni Trick dito.

“Pero ma may usapan kasi kami ni papa, Tuturuan niya po akong mag-basketball mamaya.”sabi sa akin ni Trick kaya naman napatingin ako sa kanya saglit bago ko ibalik ang tingin ko sa daan.

“Trick matatanda na ang Lolo’t Lola mo pwede ka namang turuan ng papa mong mag-basketball kaya lang matapos nating bumisita.”paliwanag ko kay Trick narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Ito ang ayaw ko ang nagtatampo sa akin si Trick.

“Trick ganito, Pagkagaling nating dalawa sa Lolo’t Lola diretso kayo ng papa mo sa pagba-basketball.”sabi ko kay Trick at tinignan ko siya na napatingin sa akin. Naging masigla ang mukha niya kaya naman napangiti ako. Ayokong alisan ng kasiyahan si Trick, Kung masaya siya kay TJ go pero natatakot din ako dahil ito na ata ang kinatatakutan kong unti-unting pagkuha ni TJ kay Trick sa akin.
 

Pagkadating namin sa harapan ng gate ng Academy agad na bumaba si Trick, Bumaba rin ako para ihatid siya hanggang sa makapasok siya sa gate ng school.

“Excuse me po kayo po ba ang Guardian ni Trick Glenn?”tanong sa akin ng isang magandang babae na nakasuot ng Teacher uniforme, Siya siguro ang homeroom teacher ni Trick.

“Ako ang mother niya, Bakit may problema ba kay Trick?”tanong ko sa babae at tinignan ko si Trick bago ko ibalik ang tingin ko sa babae.

“Ako po ang homeroom teacher ni Trick Glenn, Wala naman po siyang problema siya pa nga po ang nangunguna sa klase ko kahit na bago palang siya. Iinform ko lang po sana kayo dahil may activity po ang mga bata, May Family Day po kasi sa sabado.”sabi sa akin ng homeroom teacher ni Trick at may inabot siyang flyers. Tinignan ko ang flyers saka ko binasa.
 

Isa sa nakakuha ng atensyon ko ang isa sa nakasulat sa flyer. Ang father and son Baskteball Game, Eto ba ang dahilan kaya nagpapaturo si Trick kay TJ? Oh my.. Ang tanga ko! Bakit ko ba inisip na aagawin sa akin ni TJ si Trick kung sinabi nga sa akin ni TJ noon na ako ang aagawin niya?
 

My Guy (series)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt