Only 8

8.7K 95 11
                                    

May humawak sa braso ko at agad akong yinakap. It’s my cousin, Jaiden. Nakita ba niya? Nakita niya ba yung ginawa ni TJ kanina?

“Kilala mo si Gonzales?”bulong niya sa akin at tumango naman ako ng maka-kalas kami sa yakap.

“Kilala ko siya, Kilalang-kilala.”sabi ko and ginulo niya ang buhok ko, He also lift my head.

“My only cousin is inlove to my Highschool Rival.”nakangising sabi ni Jaiden, Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at inalalayan akong makapasok sa kotse ng may tumawag sa amin.

“Cornelia I am sorry please let’s talk.”sabi ni TJ, Kung nakikipaglaro pa rin ako sa kanya matutuwa ako dahil ito. Ito ang hinihingi ko but it’s too late. Umiling na lang ako pero hindi ko talaga alam kung bakit may tumutulong luha sa mata ko. Sumakay na agad ako sa kotse ni Jaiden at nilagay ko yung mga palad ko sa mukha ko.

Seriously Cornelia why are you crying? H-Hindi mo rin naman gusto si TJ d-di ba? Napatingin ako kay TJ at Jaiden na nag-uusap tinapik muna ni TJ ang balikat ni Jaiden bago pumasok sa loob ng kotse si Jaiden.

“Gusto mo bang marinig ang sinabi niya sa akin tungkol sa’yo?”sabi ni Jaiden pero umiling na lang ako, Ayokong marinig. Wala na naman akong pake, Madali akong kausap. Kung ayaw mo sa akin at gusto mo kong lumayo eh lalayo ako sa’yo.

Tahimik lang kami sa kotse, Kinagat ko na yung lower lip ko para hindi ako maiyak lalo pero bakit ba nagsisilabasan ang luha ko ng walang dahilan? Hanggang sa nakarating kami sa A Towers tumigil man ako sa pag-iyak ay tulala pa rin ako.

“Gonzales really likes you little cousin and sa nakikita ko may malalim kang nararamdaman sa kanya kasi ganyan ka na lang kung umiyak at magdamdam.”sabi ni Jaiden habang nasa elevator kaming dalawa, Nakatitig lang ako sa lapag at nakakaramdam ako ng hilo bigla. Napahawak ako sa braso ni Jaiden pero agad din namang nawala yung hilo ko kaya nakatayo ako agad.

“Okay ka lang?”tanong niya at tumango na lang ako hanggang sa nagpasya siyang ihatid na lang ako sa Unit. Pagbukas namin ng unit namin ni Coraline may kumalambog kaya naman agad akong napatakbo doon.

“Coraline!”sigaw ko kay Coraline ng makita kong may dugong tumutulo sa pulso niya agad naman kaming lumapit ni Jaiden at tinapalan ni Jaiden ng panyo niya ang pulsuhan ni Coraline.

“Anong ginawa mo?!”tanong ko kay Coraline pero umiiyak lang siya, This is the first time na umiyak siya ng ganito sa akin to the point nakapaglaslas na siya.

“A-Ate i am sor..”nanlaki ang mata ko ng biglang hinimatay si Coraline kaya naman nataranta ko, Hinawakan lang ako sa braso ni Jaiden.

“Call 199 habang pababa tayo sa A Towers.”kalmadong sabi ni Jaiden at binuhat niya si Coraline habang ako nanginginig na nagda-dial ng emergency number sa phone ko. Nakababa agad kami sa A Towers nasalubong pa namin si Shiela at halatang nataranta siya ng makita niya ang dugo sa pulsuhan ni Coraline.

“Oh my gosh! What happened?!”shocked na tanong ni Shiela sa amin, Hindi kami nakapagsalita at agad na sinakay si Coraline sa sasakyan ni Jaiden sumunod naman si Shiela habang ako nasa passenger seat at inaalalayan si Coraline.

Nang makarating kami sa Ospital agad na inasikaso si Coraline dahil marami ng dugo ang nawala sa kanya, Nakatitig lang ako kay Coraline dito sa Emergency Room.

“Marami na po ang nawalang dugo sa kanya we need a donor.”sabi nung doktora kaya naman nawala ako sa pagiisip ko at ako ang nag-presinta. Naglakad kami palabas ng Emergency Room para mai-check kong legible ako sa pagdonate, Sinundan naman ako ni Jaiden habang si Shiela naiwan kay Coraline kasama ang nurses na umaasikaso kay Coraline.

My Guy (series)Where stories live. Discover now