Official 19

4.7K 119 10
                                    

Nakahiga lang ako sa kwarto ko dito sa bahay naming mga Fuentabella. Dito kami umuwi ni Trick kahapon at si Jaiden na rin ang nagsabi na dito kami umuwi. Buong maghapon, Nakahiga lang ako parang nawalan ako ng gana dahil sa nangyari kahapon.

May narinig akong katok bago buksan ang pinto at si Tiray lang pala. Sinundo siya kahapon ni Jaiden nung umuwi kami dito.

“Ate nasa ibaba po si Ate Guia at Ate Shiela.”sabi ni Tiray kaya naman hindi ako sumagot. Tumango ako kay Tiray at lumabas na siya ng kwarto ko. Pinag-isipan ko kung bababain ko sila, Ayoko silang makita dahil galit ako pero sa huli binaba ko rin silang dalawa.

Magkaharap kaming tatlo sa Living Room ng bahay naming mga Fuentabella. Tahimik lang kaming tatlo at walang nagsasalita, Pero hindi ko kinaya ang pagmumukha ni Guia dahil sa tingin ko magpapaliwanag lang siya kung bakit niya ko tinraydor at dahil na rin sa galit ko sa kanya.

“You don’t need to apologize and explain everything to me Guia, Alam kong traydor ka talaga.”malamig na sabi ko kay Guia. Wala akong pake sa nararamdaman nila dahil sinaktan nila ako.

Pinikot nila ako. Niloko nila ako.

Tumayo ako at tinalikuran ko sila, Aakyat na sana ako nang magsalita si Shiela.

“Ang sakit mong magsalita kay Guia, Cornelia.”sabi ni Shiela sa akin na tumayo pala. Nilingon ko siya gamit ang malalamig kong tingin, I have enough!

“Bakit hindi niyo ba ako sinaktan? Hindi niyo ba ako niloko? Pinagkatiwalaan ko kayo Shiela.”sabi ko kay Shiela at hindi lang para kay Shiela kung hindi para na rin kay Guia.

“Saka totoo naman di ba? Traydor si Guia. Noon palang kay Colton pero pinalagpas ko iyon dahil pinapahalagahan ko yung pagkakaibigan namin, natin. Pero anong ginawa ni Guia ngayon? Tinraydor na naman niya ako.”sabi ko habang nakatingin kay Guia na umiiyak na ngayon. Wag niya akong iyakan dahil sobrang mali ang ginawa niya sa akin.

“Pero kahit na Cornelia! Ginawa lang iyon ni Guia dahil gusto ka niyang maging masaya, Kayo ng anak mo.”sagot naman sa akin ni Shiela kaya naman ginapangan na naman ako ng inis ko dahil sa sinabi ni Shiela sa akin. Para maging masaya kaming dalawa ng anak ko.

“Ginawa ni Guia ang pagtatraydor niya para lang maging masaya ako? Bakit masaya ba ako ngayon?”tanong ko sa kanilang dalawa at napatayo si Guia sa sinabi ko.

“Ginawa ko lang kung ano ang sa tingin ko ang tama Cornelia.”mariin na sabi sa akin ni Guia habang umiiyak kaya naman napangisi ako sa sobrang asar ko sa kanya.

“So tama pala ang pagtatraydor Guia?”sabi ko sa kanya at umiwas siya ng tingin na napaluha pa.

“Tama pala na lokohin at paikot-ikutin niyo ako ano?”sarkastikong sabi ko kay Guia at Shiela, Napatingin silang dalawa sa akin na para bang hindi sila makapaniwala.

“Cornelia buksan mo ang isipan mo, Take a risk. Hindi lang ikaw ang sa tingin naloko at pinaikot-ikot. Sa tingin mo ba hindi naramdaman ni Tristan iyon? Cornelia naramdaman din niya iyon nung iniwan mo siya at nawala ka ng parang bula. Naramdaman niya din ang nararamdaman mo ngayon lalo na nung nalaman niyang akala niya pinaglaruan mo siya.”paliwanag sa akin ni Shiela pero hindi ko tinanggap ang mga paliwanag niya. I am hurt right now, Hurt so much to hear any explanation from them.

“Cornelia we already helped you enough as your bestfriends, Sana naman consider Tristan’s feelings too. Hindi mo siya nakita kung paano siya magmakaawa sa amin ni Colton seven years ago nung nawala ka. Hindi mo alam kung paano niya away-awayin si Marc at kung paano niya sisihin ang sarili niya nung nawala ka.”paliwanag naman ni Guia kaya naman napangiwi ako. Sa tingin niya tatanggapin ko ang kwento niya eh isa siyang traydor? Bestfriend? Bestfriend ba maituturing ang taong tinraydor ka not once but twice?

My Guy (series)Where stories live. Discover now