My Guy (series)

By cynthus_writes

532K 5.6K 707

Love is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen onc... More

My Mom's Other Guy
Other 1
Other 2
Other 3
Other 4
Other 5
Other 6
Other 7
Other 8
Other 9
Other 10
Other 11
Other 12
Other 13
Other 14
Other 15
Final
My Mom's Only Guy
Only 1
Segue way~
Only 2
Only 3
Special Chapter (Coraline's Side)
Only 4
Only 5
Only 6
Special Chapter (Cornell's Side)
Only 7
Only 8
Only 9
Only 10
Only 11
Only 12
Special Chapter (Amelia's Side)
Final
My Offical Guy
Official 1
Official 2
Official 3
Official 4
Official 5
Official 6
Official 7
Official 8
Official 9
Official 10
Official 11
Official 12
Official 13
Official 15
Official 16
Official 17
Official 18
Official 19
Official 20
Final
My Guy Series (Epilogue)
Foolish Hearts (Teaser)
Random Facts

Official 14

6.1K 107 7
By cynthus_writes

“Coraline..”tawag ko pa ulit sa kanya at inalis niya ang tingin niya kay TJ, Napunta sa akin ang tingin niya saka ako inilingan bago siya nag-decide na hatakin ang maleta niya palabas ng bahay. Agad akong umalis sa harapan ni TJ at sumunod kay Coraline pababa.

“Coraline! Coraline sandali.”sabi ko sa kanya at napatigil siya sa paglakad saka ako nilingon. Inayos niya ng tayo ng maleta niya saka ako hinarap.

“Ano ate? Ipapaliwanag mo sa akin kung bakit kasama mo ang kabit dati ni Mommy na ama ni Trick?”mangiyak-ngiyak na sabi niya sa akin. Agad akong lumapit sa kanya pero umatras siya kaya naman nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, Hindi ko maatim na nasasaktan talaga si Coraline

“Coraline please makinig ka.”sabi ko sa kanya at umiling-iling siya sa akin. Napatingala siya sa itaas kung saan nandoon si TJ na nakatingin lang sa amin, Lumapit ako sa kanya saka ko siya yinakap pero tinulak niya ako ng mahina. Doon na ako todo nasaktan sa ginawa niyang pag-tulak sa akin dahil parang sinasabi niya na sa akin na tinataboy na niya ako bilang ate niya.

“Ate nakalimutan mo na ba? Nakalimutan mo na ba na siya ang dahilan kung bakit tayo nasira? Siya ang dahilan kung bakit nasaktan ako, ikaw, si Daddy at si Mommy? Nakalimutan mo na ba kasi kung oo ipapaalala ko sa iyo na naging miserable tayo!”sigaw niya habang patuloy sa pag-agos ang luha niya, Tumulo na rin ang luha ko sa nakikita at naririnig ko kay Coraline.

“Ate marami siyang sinaktan! Anong ginawa niya bakit ganoon mo lang siya tinanggap? Bakit parang ang bilis at ang dali lang ate? Bakit?”tanong niya sa akin at napaluhod siya kaya naman agad ko siyang dinaluhan. Marupok ang kapatid ko, Sobrang rupok ni Coraline at sa tingin ko mukhang mali na nakipag-balikan ako kay TJ pero papanindigan ko ang ginawa kong makipag-balikan sa kanya. Papanindigan ko si TJ dahil mahal ko siya, Ama siya ni Trick at kailangan namin siya ng anak ko.

“I thought..”agad kong inilagay ang palad ko sa pisngi niya at pinunasan ang luha niya. I know she needs me after all at tulad ng pagka-kailangan niya sa akin, Ganoon din kami ni Trick kay TJ.

“Trick needs him, I need him too Coraline and i am sorry dahil nasaktan kita pero hindi ako nagso-sorry dahil mahal ko si TJ. Hindi ako nagso-sorry dahil tinanggap ko si TJ.”sabi ko kay Coraline at napayuko na lang siya habang umiiyak. Yinakap ko siya ng mahigpit para maibsan yung sakit na nararamdaman niya. Hinimas ko rin ang likod niya para hayaan siyang umiyak at ilabas ang lungkot niya.

“Ate sinaktan niya tayo.. Siya ang dahilan kung bakit nawalan ako ng magulang sa murang edad, Siya ang dahilan kung bakit hindi ko magawang mahalin ng buo si CJ dahil magkapatid silang dalawa, Siya rin ang dahilan kung bakit muntik ng magkapamatay si Daddy at higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit naging miserable si Mommy sa huling oras niya sa mundo.”napa-awang ang labi ko sa sinabi niya at hinarap ko siya. Anong ibig niyang sabihin sa huling sinabi niya? Dahilan nang pagiging miserable ni Mom sa huling oras niya sa mundo? Anong ibig sabihin niya?

“Nakalimutan mo rin ba yung sakit na naramdman mo dahil sa kanya at ang paghihirap mo kay Trick?”tanong niya sa akin kaya naman huminga ako ng malalim at bago ko siya sagutin.

“It’s my choice not to dwell in the past anymore Coraline, I let go that painful past for Trick. Hindi mo alam kung gaano kasaya si Trick nung nakilala niya si TJ, Hindi mo alam kung ano yung naramdaman ko nung nakita kong masaya si Trick.”sabi ko kay Coraline at yinakap niya ako ng sobrang higpit. Hinagod-hagod ko muli ang likuran niya para ipakita sa kanya na nandito ako para sa kanya at damayan siya kahit na iniwan ko na yung nakaraan para ipagpatuloy ang ngayon para sa hinaharap.

“Now tell me what do you mean sa sinabi mong huling oras ni Mom sa mundo?”tanong ko kay Coraline at napatingin siya sa akin ng seryoso. Pinunasan ko ang luha sa mata niya, Napatingin din siya sa likuran ko kaya naman nilingon ko kung sino ang tinitignan niya iyon pala si TJ.

“May sakit si Mommy noong naghiwalay silang dalawa, May Cancer si Mommy noon at stage four na kaya hindi naagapan.”sabi ni Coraline kaya naman napa-awang ang labi ko sa sobrang gulat na may cancer pala si Mom, How come hindi niya sinabi sa amin noon?

“A-ano?”gulat na tanong ni TJ mula sa likuran ko at ako naman naramdaman ko yung kirot sa puso ko. Dalawang dahilan siguro, Yung reaksyon ni TJ dahil baka hanggang ngayon may nararamdaman pa rin siya sa kinilala kong ina at sa nalaman kong patay na ang Mommy ni Coraline.

“P-Paano mo nalaman?”tanong ko kay Coraline, Suminghot muna siya bago siya umupo ng maayos sa harapan ko.

“Nakilala ko yung doktor na gumamot noon kay Mommy sa Cebu, Nakilala niya ako dahil madalas pala tayong i-kwento ni Mommy noon sa kanya at kung paano siya nagsisisi sa ginawa niya sa atin noon. He also told me that before Mommy passed away na ibigay daw sa atin ito.”sabi ni Coraline sabay bigay sa akin ng isang envelope na medyo brown na dahil sa tagal na nito.

“He’s Mommy and Daddy’s Highschool friends.. Kilala niya rin ang mommy mo ate who’s Brenda Fuentabella.”sabi ni Coraline sa akin at binuksan ko iyon ang letter. Napasinghap ako ng makita ko ang header ng letter.

‘My baby Cornelia’ Napahawak ako sa bibig ko at napaiyak. I remember when i was a kid na madalas akong tawaging baby Cornelia noon ni Mom. Hindi pa pinapanganak noon si Coraline at pinagbubuntis palang siya noon ni Mom. Binasa ko ang sulat niya at wala akong nagawa kung hindi ang umiyak habang binabasa ko kung paano siya humingi ng tawad at kung paano siya nagpasalamat sa akin na kahit na nalaman kong hindi ko talaga kapatid si Coraline hindi ko siya binitawan. Napangiti na lang ako sa huling sinulat ni Mom para sa akin dahil alam din niya pala na ako ang minahal ni TJ.

‘Tristan is for you, Kayong dalawa dapat ang magkakakilala sa gabing iyon kung hindi ka lang umalis papuntang Paris. Kung nandito ka lang sana noon ikaw ang dapat kong inutusan sa Party na iyon and everything fall in the right place, Maybe walang ganitong sakitan na nangyari. I am sorry.’ Sobra-sobra ang iniyak ko sa huling sulat ni Mom para sa akin. Kahit sa huli sorry pa rin ang sinabi niya sa akin kahit na ako dapat ang humingi ng tawad sa mga kalokohan na ginawa ko para guluhin sila noon ni TJ. Naibaba ko ang papel at napayuko ako sa pag-iyak ko, Yinakap ako ni Coraline at naramdaman ko ang kamay ni TJ sa kamay ko na hawak-hawak ang papel.

Napatingin ako sa kanya at nginitian niya lang ako kaya naman medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kahit na may kirot at sakit pa rin medyo nabawasan naman iyon kahit papaano.

“Kuya Tristan, I am sorry po sa mga sinabi ko.”sabi ni Coraline kay TJ pagka-kalas niya ng yakap sa akin at hinarap si TJ, Inilingan lang siya ni TJ.

“No ako dapat ang mag-sorry dahil nasaktan kita for the past seven years, Dahil sa akin nagkasakitan pa kayo ni CJ humihingi ako ng dispensa sa mga nangyari.”sabi ni TJ kay Coraline at umiling naman si Coraline na nakangiti kay TJ.

“Bakit kayo nasa sahig na tatlo? Ano iyan? Camping o Chika-chika lang?”singit ng boses kaya naman napatingin kami sa pintuan at nandoon si Jaiden na naka-halukipkip na nakatingin sa amin habang nandoon sa likuran niya si Jairus at si Alexa kasama si CJ.

Napatingin ako kay Coraline na agad na tumayo at hinatak ang maleta niya pa-akyat sa itaas. Napatingin naman ako kay CJ na tinitignan lang si Coraline na umaakyat.

“Jaiden..” “Fuentabella.” sabay na sabi namin ni TJ sa pinsan ko na nag-kibit balikat na lang sa sinabi niya nang maabutan kaming tatlo dito sa sahig kanina.

“Papa!”sigaw ni Trick na pinatabi pa talaga sina Jaiden papasok kasama si Ashley na diretso lang kung maglakad habang si Tiray nasa likuran nila at kilig na kilig kay Jaiden.

“Pupunta po kayo bukas di ba? Bukas na po ang Family Day at kailangan daw po na maaga po tayo.”sabi ni Ashley sa amin ni TJ kaya naman napatango ako. Bukas na pala ang Family Day ng dalawang bata. Tumayo ako at tinulungan si Ashley na alisin ang bag niya at ganoon rin ang ginawa ko kay Trick.

“Tiray tara na, Kailangan na nating mag-luto ng lunch.”tawag ko kay Tiray at ngumiti naman si Tiray sa akin na umiling-iling pa.

“Naku ate! Ako na lang po mag-luto please? May specialty po kasi akong ihahanda para ngayong lunch, Sana magustuhan niyo.”sabi ni Tiray na nakatingin lang kay Jaiden kaya naman napailing na lang ako sa inaasal ni Tiray pero hinayaan ko na lang siyang pag-pantasyahan ang pinsan ko dahil bukod sa gwapo naman si Jaiden eh alam naman siguro ni Tiray ang limitasyon niya. Para na rin may inspiration siyang magsipag, Haha.

“Uh.. Kuya.”tawag ni CJ kay TJ at parang nag-senyasan silang dalawa na mag-usap. Nagpa-alam muna si TJ sa akin kay Trick na mag-uusap lang daw muna sila ni CJ sa may Garden kaya hinayaan ko na.

“Habang wala pa yung lunch gumawa muna kayo ng assignments para wala na kayong gawin mamaya.”sabi ko kay Ashley at Trick, Si Trick naman hindi ako pinansin at naglaro lang ng PSP niya habang si Ashley kanina pa buklat-buklat ang libro niya at nagbabasa.

“Trick.. Isa kapag hindi ka sumunod babawiin ko yang PSP mo.”sabi ko kay Trick at tinignan lang ako ni Trick bago ibalik ang focus niya sa PSP niya.

“Trick.”banta kong tawag sa kanya at bumuntong-hininga ang anak ko. Ayaw kong pinapagalitan si Trick pero kapag hindi siya sumusunod sa akin doon ko na siya babantaan bago pa umabot na pagalitan ko siya. One time kasi na pinagalitan ko iyan nag-layas bumalik lang nung kinagabihan kaya nga sobra akong nag-alala noong tumakbo siya palabas ng bahay nung nakaraan.

“Ma nagawa ko na sa school kanina yung homeworks isa pa sisiw lang naman.”sabi ni Trick habang ang focus nasa PSP pa rin niya hanggang ngayon. Inilingan ko na lang ang anak ko at tinignan ko si Ashley na nagbabasa ng libro.

“How about you Ashley?”tanong ko kay Ashley na dahan-dahang binubuklat ang pahina nang librong binabasa niya.

“Ginawa ko rin po sa school kanina kaya po naga-advance study ako ngayon.”sagot ni Ashley kaya naman hindi ko na siya inistorbo, Silang dalawa ni Trick. Mayabang si Trick eh porket napuno ng puri na matalino siya kaya ayan hindi na nag-aaral, I wonder kung saan minana ni Trick ang ganyang ugali dahil hindi naman ako ganyan nung nag-aaral ako.

“Little Cousin yung noo mo kunot na kunot.”sabi ni Jaiden sa akin at binaba niya ang kunot sa noo ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin habang naglalakad kaming dalawa sa counter ng kitchen. Sina Jairus at Alexa naman sinundan sa itaas si Coraline.

“Si Trick kasi hindi ko alam kung kay TJ ba nag-mana, Porket matalino hindi na naga-advance study tignan mo si Ashley.”reklamo ko kay Jaiden. Hindi naman sa kinukumpara ko si Trick kay Ashley pero ni minsan hindi ko nakitang hinawakan ni Trick ang libro niya, Ever kahit nung nasa Los Angeles pa kami.

“Kaya nga sabi ko sa iyo noon di ba? Gonzales na Gonzales si Trick, Ganyan na ganyan yung ama niya noon kaya nga inis na inis ako dahil puro babae ang inaasikaso nung lokong iyon samantalang ako puro libro pero natataasan pa rin ako bwisit lang.”matawa-tawang sabi ni Jaiden kaya naman napakunot ang noo ko. Babae? Puro babae ang inaasikaso ni TJ noong nag-aaral pa sila?

“Hoy Fuentabella wag mo nga akong siraan kay Cornelia.”asar na sabi ni TJ nang umupo siya sa high chair sa tabi ko. Napatingin ako kay Jaiden nang magsalita siya.

“Bakit hindi ba?”nakangising sabi ni Jaiden na nasa gilid ko kaya tinignan ko ng masama si TJ habang siya naman nakatingin kay Jaiden ng masama.

“Eh hindi naman kasi talaga.”defensive na sabi ni TJ kaya naman inirapan ko siya. Tsk! Babaero pala itong gagong ito kaya hindi na lang ako magtataka kung mapo-fall out siya sa akin.

“Talaga hindi? Eh nung third year tayo may babaeng unknown ang identity na nakita nila Martinez na kasama mo, Umiiyak pa nga raw! Hindi ba yung babaeng iyon yung dahilan kung bakit kayo naghiwalay ni Reyes yung girlfriend mong cheerleader na selosa nung nalaman niya yung chismis?”matawa-tawang sabi ni Jaiden kay TJ kaya naman inilingan siya ni TJ sabay uminom na lang ng tubig sa gilid ko. May pinaiyak noon si TJ na babae na naging dahilan ng hiwalayan nila nung girlfriend niya? Sht ka TJ!

“Hindi nga Jaiden? Seryoso?”tanong ko sa pinsan ko at tumikhim naman si TJ sa tabi ko na parang nagseselos kay Jaiden pero sorry siya hindi ko siya papansinin babaero pala siya noon. Tsk bunyag na kalokohan mo Tristan James Gonzales!

“Hindi ko nga kasi pinaiyak yung babaeng iyon, Kahit itanong mo pa kayna Marc hindi talaga. Pinatahan ko lang yung babaeng umiiyak pramis ang ingay kasi kausap ko si mama napagalitan pa nga ako noon eh.”sabi ni TJ at halatang asar na asar siya. What the heck?! Bakit sobrang defensive niya? Imbes na mainis natawa na lang ako sa pagka-asar niya. Ganito pala maasar ang isang Tristan James Gonzales, Gwapo siyang maasar. Siya yung klase ng lalaki na kahit na nagagalit gwapo pa rin.

“Sabi mo eh, Geh may kakausapin lang ako bahala kayong dalawa magkaroon ng Lover’s Quarrel diyaan.”sabi ni Jaiden na tinapik pa ang balikat ko at kinindatan pa ako, Minura naman ni TJ si Jaiden.

“Gago lumayas ka na Fuentabella, Huwag ka ng babalik.”sabi ni TJ at nang tignan ko siya nakita ko ang masama niyang titig sa pinsan ko. Nagpangalumbaba na lang ako sa harapan niya habang nakangisi.

“I love you too na lang, Gonzales.”sabi ni Jaiden bago humahalakhak palabas sa Garden. Kitang-kita ko ang asar na mukha ni TJ kaya hindi ko maiwasan na magwapuhan talaga sa kanya lalo, Sorry na lang sa lahat ng ex niya dahil sa akin na siya. Isa pa may anak na kami kaya hindi siya makukuha sa akin, Hahawakan ko ng mahigpit si TJ para hindi siya makawala sa akin. Yung higpit na may pagmamahal para hindi siya masakal.

“Cornelia..”malumanay ang boses niya ng tawagin niya ang pangalan ko. Nakapalumbaba ako sa harapan niya at tinitignan siya, Ang gwapo niya talaga.

“What?”tanong ko sa kanya at inayos ko ang pagkakaupo ko habang nakangisi sa kanya. Hindi ko talaga makakalimutan yung asar niyang mukha at gusto ko pa ulit makita.

“Promise, Hindi talaga ako babaero.”sabi niya sa akin kaya naman napatawa na lang ako ng mahina sa pinagsasabi niya sa akin. Bakit ba parang ang defensive niya? Hinawakan ko ang colar ng polo niya saka ko siya hinigit sa akin para mahalikan ko siya sa labi.

“Don’t be too defensive TJ, Kung hindi talaga hindi at kung sakaling babaero ka nga sorry ka na lang hindi ka na makakapambabae dahil itatali kita sa akin gamit ang pagmamahal ko para hindi ka makawala at mambabae.”sabi ko sa kanya pagkalas ko sa sariling halik. Umangat ang labi niya habang nakatitig sa akin.

“Hindi talaga kaya kung gusto mo ngayon mo na ko itali para sigurado dahil sabi ko nga sa iyo gusto kong dumikit na lang sa iyo na parang bubblegum tapos tinawag mo pa akong clingy. That hurts you know?”biro niya sa akin at napahawak pa siya sa dibdib niya at umarte na masakit ang dibdib niya. Napatawa na lang ako sa kalokohan ni TJ bago ko siya ilingan.

“Ate handa na po ang foods, Tatawagin ko na po sila saka po si Sir Jaiden. Hihi!”sabi ni Tiray pagkalabas niya ng Dinning Area. Bumaba ako sa high chair at inalalayan pa ako ni TJ, Natawa naman si TJ dahil nalaman niyang trip pala ni Tiray si Jaiden na pinsan ko.

Wala namang special na nangyari habang lunch bukod sa specialty menu ni Tiray na hinanda niya para magpa-goodshot kay Jaiden. Medyo awkward lang ang atmosphere sa banda nila CJ at Coraline dahil nga may problema ang dalawa na sana maayos na nila para hindi sila ganyan dahil pansin din iyon ni Jairus na nakakabatang kapatid ni Jaiden na pinsan ko rin. Siyempre parang pinsan na rin ni Jairus si Coraline dahil sa akin at bestfriend ni Alexa si Coraline.

=======
=======


8am ang start ng Family Day kaya thirty minutes before 8am pumunta na kami sa Academy. Pag-park ng kotse namin sa labas ng Academy kung saan maraming kotse rin ang nakapark, Pinagtinginan kami dahil sa sasakyan ni TJ it’s too flashy. Lalo na nung bumaba kami suot ang shades namin. Paano ba naman kasi trip ni TJ ito, Naka-wayfarers si TJ habang ako naka-aviators. Yung dalawang bata naka-kiddie shades pink yung frame nung kay Ashley while red yung kay Trick.

“Stuffs.”sabi ni TJ nang buksan niya ang trunk ng sasakyan niya. Napangiti na lang ako sa pagiging maagap ni TJ, May sports bag kasi siyang binigay sa akin. May dala naman kami kaya lang bag pack lang ni Trick at Ashely extra shirt and towel ng dalawa dahil baka pagpawisan at magkasakit pa. Foods? Bibili na lang siguro kami sa Cafeteria o sa labas.

“Ano laman nito?”tanong ko kay TJ habang binubuksan ko yung sports bag na may number lock.

“Extra shirt nating dalawa, Some snacks na gusto nung dalawa at may water jug din sa loob baka mabasa yung mga damit paki-ingat.”sagot ni TJ sa akin at nginisian ako bago niya isara ang trunk ng kotse niya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya agad kong ipinagsalikop ang kamay naming dalawa papasok sa loob. Nag-register muna kami at may ibinigay sa aming program, After registration naunang maglakad sina Ashley at Trick na mukhang may pinag-uusapan pero nagsisikuhan naman. Hindi na lang namin pinansin ni TJ dahil hindi naman siguro mang-aaway ng babae si Trick.

“Wow naman family na family ang dating.”matawa-tawang asar ni Colton sa amin kaya naman napa-role eyes na lang ako behind my aviators. Nakalimutan ko bang dito rin nag-aaral si Cean kaya nandito sina Guia at Colton?

“Shut up Colton.”sabi ko sa kanya at napahagikgik naman si Guia na nakahawak sa magkabilang balikat ng anak niya. Nag-apir naman sina Cean at Trick mukhang friends ang dalawa. May lumapit namang dalawang babae kay Ashley kaya sumama siya kaya lang para siyang inasar-asar, Typical kids.

“Natawa ako sa kwento ni Cean sa akin nung nalaman niyang schoolmates sila ni Trick, Magkasama sila every breaktime at tuwang-tuwa ang anak mo habang kinukwento kung gaano raw kagaling sa basketball ang papa niya.”kuwento ni Guia sa amin ni TJ, Natawa naman si Colton at nakipag-fist bump kay TJ.

“May the best man wins bro, Walang personalan and let’s just have fun. I don’t care kung ikaw pa ang Most Valuable Player nung Highschool but remember ako pa rin ang Team Captain ng varsity.”pagmamayabang ni Colton at natawa na lang ako ng makita kong ngumiwi si TJ.

“Team Captain? Lokohin mo lelang mo si Marc ng Team Captain noon, Sub ka lang tuwing wala siya.”matawa-tawang sabi ni TJ na binuking ang nangyari kay Colton, Natawa naman ako dahil pinagmamayabang sa akin noon ni Colton nung College na Team Captain siya dati nung Highschool. Iyon pala substitute everytime wala ang Team Captain na si Marc.

Napatingin ako sa paligid at napansin kong medyo marami ng tao at inabutan ako ng apat na number para sa Fam-Marathon na sabay-sabay tatakbo ang mga Families na isa sa mga activities. Nakita ko ang mga activities sa program na ibinigay sa mga parents pag-pasok namin sa gate kung saan kami nag-register kanina.

“Ikaw ang makakasama ni Ashley sa Mommy & Daughter Cooking Contest?”tanong ni Guia sa akin at tumango naman ako habang tinitignan ang program na hawak ko. Narinig ko ang pagtawa ng maliit ni Guia kaya naman napatingin ako sa kanya, Wala si TJ at Colton nag-uusap silang dalawa na within the reach naman ng mata naming dalawa ni Guia.

“Aampunin niyo ba si Ashley? O Sandoval pa rin ang gagamitin niya besides she’s really a Sandoval i remember Jason and Ashlyn mabait ang dalawang iyon.”sabi Guia sa akin habang nakatingin kay Ashley kasama ang mga kaibigan niya.

“TJ told me na hinayaan niyang maging Sandoval si Ashley, Naging guardian lang si TJ ng bata saka inisip ko rin na tanggapin si Ashley para naman hindi manghingi ng kapatid si Trick.”matawa-tawa kong biro kay Guia, Iniisip ko kasi na huwag ng sundan si Trick dahil medyo marami pang problema pero kung iyon naman ang blessing ni God why not?

“Naku! Si Cean? Nanghihingi ng baby bro hindi ko mapapagbigyan siya pa nga lang ang hirap palakihin tapos baby bro pa? Baka mag-away pa ang dalawa saka na kapag malaki na si Cean.”sabi rin ni Guia sa akin maya-maya nag-call na ang mga Organizers, PTA and Faculty staffs na magsisimula na ang Family Day. Paano ko nalaman? May malaki kasing nakatatak sa likuran ng shirt nilang Organizer, PTA and Faculty. Tinawag ko na si Ashley at Trick dahil magsisimula na at kailangang i-gather lahat ng mga bata.

“Good morning po sa inyong lahat, Parents and students of St. Emerald Academy. Ang objective po ng ating Family Day ay para magkaroon ng bonding si Mommy, Daddy at siyempre ang mga bulinggit. Para na rin po magabayan ang ating mga anak pati na rin na mapasaya natin ang ating mga sarili kahit na every weekends mula sa stress na trabaho at pag-aaral. Hindi naman po kasi dapat na trabaho at pag-aaral na lang dapat po magkaroon din ng Fun para hindi ma-stress ano po?”sabi ng isa sa member ng Faculty na nagsasalita sa stage. Napatango na lang ako dahil kahit na busy ako sa Couture at sa problema ng pabrika kailangan ko pa rin paglaanan ng oras ang anak kong si Trick lalo na at dumagdag si Ashley. Walang magulang si Ashley kaya kailangan kong mag-focus din sa kanya para hindi niya ma-feel na isolated siya sa pamilya.

“Uumpisahan na po natin ang ating activity matapos ng isang Panalangin, Awit ng Lupang Hinirang at munting paalala para po sa ating lahat.”dagdag pa ng nagsasalita sa stage. May umakyat na Organizer at siya ang nag-lead ng prayer. After the prayer umayos ng tindig ang lahat at nilagay ang kanang kamay sa dibdib para sa awit ng Lupang Hinirang na sure akong music teacher ang nagkukumpas.

“Munting paalala lang po na kapag nawalay ang mga bata sa kanilang magulang maari kayong lumapit sa Help Desk para maipanawagan, Ganoon rin ho sa mga magulang na kapag nawalay kayo sa inyong mga anak lumapit din po kayo sa Help Desk. Keep your valuable things attended and enjoy the day.”sabi ng isa pang member ng Faculty Staff. May nagpaputok ng confetti and poppers na ang ibig sabihin magsisimula na ang activities para sa Family Day.

“Let’s have fun.”matawa-tawang sabi ni TJ habang nag-aantay kami sa tent dahil magsisimula na ang Fam-Marathon. Kinarga ni TJ si Ashley at nilagay niya sa balikat niya habang ako naman ay hawak ko ang kamay ni Trick habang nakatingin kay TJ na tuwang-tuwa.

“Bleh! Mas matangkad na ako sa iyo Trick.”pagmamayabang ni Ashley kay Trick at natawa na lang ang anak ko sa childish side ni Ashley na bumehlat pa kay Trick habang tawa ng tawa. Napangiti na rin ako dahil masaya ang mag-ama ko pati na rin si Ashley.

________________________

6 Chapters to go ;)

~Cynthia

Continue Reading

You'll Also Like

38.3M 789K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...