ITIM AT PULA [ ON HOLD]

By ClaraSaejo

39.6K 1K 86

Ito ay kwento ng isang lalaking tao na piniling kalabanin ang buong lahi ng mga halimaw para ipaglaban ang pa... More

Overview
Simula ng Lahat
Maia at Elyhenia
Si Lavender
Messiah?
Trouble is a friend
Ang mga nilalang sa kapaligiran
Fateful Love
Pagkawala ng pag asa
Unang yugto ng umpisa
Ang nangyayari sa kapaligiran
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney I
Sa loob ng kanyang munting mundo
Ang tunay na halimaw
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney II
Ang tunay na halimaw II
Angelic Howl
Ang aming Unang Halik
Ang Pag-gising ng kanyang kapangyarihan
Inlove agad?
Ang Unang Ingkwentro pt.1
Ang Unang Ingkwentro pt.2
Ang Unang Ingkwentro pt.3
Ang Unang Ingkwentro End
Anong bago sa umpisa ng taon?
Tatlong Baliw
Triple Treat
Sumalungat sa kapalaran
Kaibigan
Kalaban sa dilim I
Kalaban sa dilim II
Kalaban sa dilim III
kalaban sa dilim IV
Extra Chapter - Ala ala ng Isang Tao sa Nakaraan
kalaban sa dilim V
Kalaban sa dilim VI
Royal Rumble
" Pagod na Ako"
Extra Chapter - Ang bagay na binigay mo sa akin
Katangian ng isang pinuno
Hangang sa muling Pagbangon

Ang Mga Angkan

1.5K 41 0
By ClaraSaejo

Matapos ang mahaba habang gabi na puno ng kababalaghan ay nagpasya muna akong umuwi sa aking apartment.

Naglalakad sa daang masukal ay dama ko ang lamig ng umaga sa aking balat sa muli ko ulit pagdaan sa simenteryo kung saan naiwan ang bangkay ng tiktik.

Tulad ng aking inaasahan ay may mga tao na sa pinangyarihan at maging ang mga pulis ay naroroon na rin at gumagawa na ng imbestigasyon.

Dahan dahan akong naglakad para lapitan ang kinalalagyan ng bangkay at tulad sa nakikita sa mga forensic film ay napapaligirap ng yellow tape ang paligid ng bangkay at syempre hindi rin mawawala ang mga chismosa chismoso osyosero osyosera sa paligid habang pakunwaring nag i-imbistiga ang mga pulis na wala namang alam talaga kung ano ang nangyayari.

"!!!!"

Nang masilip ang bangkay ay laking gulat ko ng hindi na bangkay ang aking nadatnan kundi tanging kasootan nalang at mga piraso ng hinangin na abo na kumalat sa lupa.

Kailangan ko nang umalis.

Para hindi masira ang aking araw ay matapos kong makita ang kinahinatnan ng bangkay ay nagpatuloy na akong maglakad pa uwi sa aking tinutuluyan.

Nang makarating sa apartment ay parang nabawasan ang bigat na dinadala ng aking utak.

Hindi ko alam kung anong rason at bigla na lamang ako nakaramdam ng pagkabanayad nang makarating na ako sa lugar na pamilyar sa akin at lagi kong nakikita.

Maging ganun rin sa mga tao, sobra akong nahihiya sa mga estranghero ngunit ganon naman ang aking pagka walang hiya sa aking mga kakilala.

"Uhgg....gutom.na ako"

Pag pasok sa loob ng apartment ay agad akong pumunta sa kusina para magluto ng almusal.

"Haaaa......*sight* "

Tinapay at itlog ang aking napiling kainin , na kahit merong longanisa,Ham, at bacon sa fride ay hindi ko eto magagawang isubo dahil sa nakita ko kagabi.

Matapos mag almusal ay agad kong tinungo ang aking kuwarto para magbihis at makapag handa na papunta sa aming paaralan.

hindi ko na binalak maligo at nagmadali na ako sa paglabas ng bahay para pumasok ng paaralan.

habang naglalakad ay binabasa ko ang journal na hiniram ko kay sir.

The very same journal na hawak niya nung kausap niya si maia.

"buti nalang pinahiram niya sa akin ito"

Habang naglalalad sa gilid ng kalsada ay minabuti ko itong basahin at nang madiligan ang ugat ng mga katanungan sa aking utak, agad kong hinanap ang mga keyword na narinig ko kahapon tulad ng mga binangit ni elena sa journal na aking hawak hawak.

A...ano tong mga to?, parang kinuha sa isang fantasy story?...totoo ba talaga ito?.

Hindi ako makapaniwala sa aking nalalaman habang patuloy ako sa pagbabasa ng hawak kong journal kasabay ng paghahanap ng refference sa internet gamit ang aking smarthphone.

Pangunahin at pinaka basic na nalaman ko ay ang tila ba lana na pinapahid ng mga aswang sa kanilang katawan para itago ang kanilang totoong pagkatao mula sa mga ibang nilalang sa kanilang paligid at kung anong uri sila ng halimaw.

Ayon ang deodoran na binangit ni elena.

"Deodoran...bakit kasi deodoran....yung nilalagay tuloy sa kilikili ang pumasok sa isip ko!"

Nahahalintulad ito sa nornal na langis na ginagamit ng mga tao pang hilot sa pilay ngunit gawa sa kakaibang kasangkapan na tumutubo lang sa
southern region ng bansa ang katas nito.

Nalaman ko rin na ang angkan na binangit ni elena at nabangit rin ni maia ay tungkol pala sa mga grupo ng mga aswang na may sariling kaharian , teritoryo at sari-saring pagkakakilanlan sa kasaysayan.

Mga kaharian?.

"In short may kings and queens rin sila na namumuno at may kanya kanyang kaharian?"

Sa mga angkang ito ay may tatlong kasalukuyang pinakamalakasnat siyang namumuno sa mga maliliit na angkan.

Ang pinagmulan, kung kanilang tawagin. ang tatlong angkan na kumukontrol sa mundong hiwaga.

Una ay ang pinakamalakas na angkan sa tatlo na siyang naghahari sa lahat ng mga halimaw, ang angkang kanluran.

Isang angkan na hinirang na pinakamalakas sa lahat dahil sa mga hindi mabilang nitong myembro na may hindi masukat na kapangyarihan.

Sumunod sa kanluran ay ang kaalyansa nitong angkang timog na may pinakamaraming myembro ng aswang at tinaguriang pinakamarahas at masama sa tatlo, isang matriarch o sa wikang tagalog ay isang kaharian na reyna ang pinaka mataas at nasusunod at  hindi hari.

Panghuli sa bilang sa tatlo ay ang angkang silangan na kinabibilangan ni elena bilang isang prinsesa na ayon sa journal ay isang angkang mapayapa at walang pinapanigan, ang angkan kung saan ay karamihan ng myembro ay mga aswang na mahahaba ang buhay at matatagal tumanda, ayon din ang rason kung bakit nagkaroon sila ng papel bilang ang angkan na taga tala ng kasaysayan sa mga susunod pang henerasyon ng mga aswang.

Angkang silangan?

"Kailangan ko pa ng description! saan ba naka pwesto ang mga nasabing kaharian ng mga ito?"

Angkang silangan.

Teritoryo ay norte ngunit nakakalat sa buong bansa ang iba nilang kalupaan.

Angkan ng timog.

Teritoryo ay nakakalat sa buong bansa ang pinakamalaki ay nasa luzon.

Huh?...teka?...dito ang kanilang main kingdom?!. Ano sa mismong lalawigan namin!.

What the?.

Angkang kanluran.

Ang kasalukuyang namumuno sa lahat ng mga halimaw sa bansa ang pinaka makapangyarihang angkan at nasasabing binubuo ng mga makapangyarihang aswang na anyong tao lamang.

Angkan na nagmamay ari sa kabuoan ng visayas ang ankan na merong pinakamalaking teritoryo.

"teka?, timog?, silangan?, at kanluran?....parang may kulang?"

hilaga?.

hilaga?...teka sadyang tatlo lang ba eto?...kung may kanluran,silangan , at timog nasaan ang hilaga.

Binuklat ko ng binuklat ang journal para mahanap kung may hilaga nga at makalipas ang mahaba habang paghahanap ay laking gulat ko ng meron pala talaga.

" ayun!...hilaga..."

Hilaga

Ang dating naghahari sa mga angkan ng mga haliwaw 600 taon na ang nakalilipas.

Ang angkan na matagal ng wala.

Walang gaanong impormasyon tungkol sa kanila at hindi masasabi kung saan ang kanilang kaharian dahil wala pang pangalan ang lugar sa bansa dati.

ano to?.

Walang nakaligtas sa kanilang lahi at pinagpapatay maging ang kanilang mga taga sunod.

Nabura pati ang kanilang mga iniwang patunay na sila ay namuhay sa mundo kasama ang kanilang mga kasulatan kagamitan at iba pang bagay na konektado sa kanila.

Ano to? joke?

Wala nang gaanong nakasulat sa jounal tungkol sa hilaga at ang sabi ng author ay wala ng ibang impormasyon tungkol sa hilaga basta ang malinaw ay sila ang dating namumuno sa lahat ng halimaw.

"kailangan ko pa ng inpormasyon"

Tila ba naka tuklas ng mundo na di ko akalaing totoo ay bigla na lamang ako nahila ng aking kyuryusidad para palalimin ang aking kaalaman tungkol sa aking natuklsan.

Binuklat ko ang bawat piraso ng journal na tila ba may hinahanap ngunit hindi ko alam kung ano iyon, tuloy tuloy sa pagbuklat na parang kulang na lang ay baliktarin na ang bawat mga pahina nito ay bigla na lamang tumunog ang aking cellphone.

"Tumatawag?"

Agad ko etong kinuha at sinagot ang tawag.

"ah..hello...sino po sila"
wika ko.

"oh!, jonathan kamusta na?"
isang boses ng babae ang nagsalita.

hah!, si tita emi also known as tita emilia

si tita emi ang nagsilbing ikalawang magulang ko nung mamatay ang aking mga magulang sa isang aksidente nung bata pa ako.

siya ang nagpalaki sa akin since then at siya rin ang kasalukuyang nagpapa aral sa akin.

ayaw ko siyang mag alala kaya isinekretong naoperahan ako nung ako'y maapendicitis last week.

"ok lang naman po tita, kayo po tita kamusta?"

"hehe..ok lang naman...ang lamig pala dito sa sweden tuwing ganitong buwan"
wika niya.

"ahahaha"
wika ko.

always naman na malamig dyan ah.

"by the way..kumakaen ka ba ng mabuti dyan?, kamusta pag aaral?"

"ok lang naman po tita, ok lang po"

"hmm...ah..sige sige i guese makaka uwi ako dyan sa pinas mga around feb siguro, pakisabi nalang sa tito mo ah"

"ah..ok po"

"sige bye"

"ingat rin po"

ha....

tumigin ako sa orasan ng cellpon.

6:14 am.

Matapos ay nagpatuloy na ako sa pagbabasa.

Sa ibaba ng diskription ng bawat angkan sa journal.ay may nakasukat na mga naiibang kakayahan at katangian ng bawat angkan

"sa tingin ko ay hindi nalalayo sa aking edad ang author neto, at least sa ugali, milenials na milenials ah"

kanluran- Mga halimaw na anyong tao kahit nagpalit na ng anyo.
Mabilis ang kanilang abilidad na gamutin ang kanilang sarili at mabagal silang tumanda ngunit hindi sila immortal at pwede silang mamatay sa katandaan.

Ginagamit nila ang kanilang malakas na pang amoy at matatalim na pangil at kuko para magapi ang kanilang kalaban.

Mabibilis sila at malalakas na lalo pang lumalakas kapag naka inom ng dugo o kapag tirik na tirik ang buwan kung saan sagana ang enerhiya ng kalikasan.

Pangunahing mabababang uri ng myembro nila ay mga tiktik at kubot.

Ang mga dugong bughaw niya ay kinabibilangan ng mga makakapangyarihang aswang na nasa anyong tao.

Silangan-Ang mga halimaw na halos immortal na kung ituring dahil halos hindi sila tumatanda, sila ang angkan na walang kinakampihan at nagsisilbing taga kwento ng kasaysayan sa mga sumusunod na henerasyon ng mga halimaw.

Pangunahing tagasunod nila ay ang mga tulad rin nilang mahahaba ang buhay, mga halimaw gubat katulad ng kapre, tikbalang at iba pang halimaw na halos hindi lumalabas sa lunga at kadalasang nasa kagubatan,bukod pa doon ay may dibisyon din sila ng mga aswang tubig tulad ng mga serena.

Ang mga namumunong dugong bughaw sa angkang ito ay pinaghalong mga aswang na nakakapagpalit ng anyo at mga matataas na uri ng aswang tubig.

Timog-karamihan sa kanila ay aswang na nagpapalit ng anyo sa hindi maintindihang hugis at itsura, hindi hayop at hindi din mukang tao, magaling din ang timog sa pagamit ng mga maiitim na majika.
Tulad ng kanluran ay mabagal silang tumanda ngunit nahahalintulad lang sa normal na tao ang kakayahan nilang pagalingin ang sarili.

Makapangyarihan sila sa sarili nilang kakayahan dahil karamihan sa mga halimaw na to ay nasa larangan ng pulita sa bansa at nagmamay ari ng mga companya sa industria ng kalakaran.

Ang kanilang pinuno ay isang kilala at kinatatakutang aswang na gumagamit ng mga malalakas na itim na salamangka at sumpa, ang kabuong pamilya ng dugong bughaw nila ay kinabibilangan ng mga pinaghalo halong lahi.

"really?...may mga high profile at may mga politiko, weird...teka?.. kanino ba tong journal na to?"

Aswang ,taong lobo,mandurugo at mananangal

geeee!....ang hirap paniwalaan ang mga ganitong bagay ah!.

"Teka akala ko ba Horror tong kwento ko, bakit naging action mystery?"

Ipagpapatuloy ko sana ang aking pagbabasa ngunit may bigla akong nabanga.

Naglalakad ay may tumamang isang matigas na bagay sa aking  braso na nagpahinto sa aking paglalakad.

Agad kong tinignan ang aking nabanga at nalamang kaibigan ko pala ito.

si dante?

"tol?"
Nakanguso at malagkit ang titig sa akin.

"Tol!!"

"oh tol?, anong binubulong bulong mo?"
agad na tanong sa akin ni dante na kanina pa pala nakatingin sa akin.

"ahaha....wala wala, hindi ko alam na biglang nagkaroon ng additional genre ang kwento"

"hah?, karagdagan? genre ? hindi ko ma gets"

" hindi mo naman kailangan ma gets ang sinasabi ko...anyway...goodmorning tol!"
wika ko habang inaalam kung saan na ako napadpad habang nagbabasang naglalakad nang nakatutok sa libro ang diwa.

"hahahah.....magandang umaga din, busy ka ah, ano yan?"
tanong ni dante sa binabasa ko.

i siyet! kailangan ko itago tong librong ito!, baka mapagkamalan pa akong baliw!.

" ah..eh..yung detective novel na paborito ko...yung ano ey...isa sa mga hit  novel ni flowee"

"Ha!, Yung Wheelchair and the azalea flower? .....binabasa mo ulit yun?, naka ilang re-read kana niyan ah, teka?..ang taba naman niyan?"

Ang daming namang tanong nito bwisit hindi pa manahimik.

"ahahah, eto yung limited edition na compilation magmula nung 1st book hangang 3rd bago nagtapos"

"hmmm.....ganun ba?, pero bakit ka pa bumili ng compilation kung meron ka naman nung tatlong magkakahiwalay"

Ang kulet! mauubusan na ako ng palusot parang awa mo na awat na!.

"Trip ko lang!, Oo mas maganda kasi kung nasa iisang libro lang siya"

Biglang napahawak si dante sa kanyang baba habang umangkla ang kanyang mata sa hawak hawak kong journal.

No!...No!...NOOOOO!!

"ganun ba...Ok?"

Naniwala siya!.

"nga pala tol, diba galing ka sa simenteryo, nadaanan mo ba yung sinasabi nilang may binaril nanaman yung mga pulis?"

binaril?, ah!, yung tiktik sa simenteryo, pffft! binaril ng mga pulis , well hindi na ako magtataka dahil sa imahe ng mga naka unipormeng asul ngayon sa bansa ay malamang mahihila din siya sa bandwagon effect.

"hindi eh, pero kawawa naman kung sino man yun, sa tingin ko Ejk nanaman yun eh"
Wika ko at sinakyan ko na lamang ang kanyang opinyon para magtapos na ang usapan at maka alis na kami para maalis na din ang atensyon niya sa aking hawak hawak na journal.

"ah..ganun ba?...oh ano tol?...tara na?"
pagyayaya niya sa akin.

"tara!"
wika ko at isinilid ko na sa aking bag ang journal at naglakad na kami papasok sa eskwelahan.

                            +++++++


Matapos makapasok sa school campus ay agad pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ni maia na ang nagpapatakbo sa school ay mga aswang.

Tinititigan ang mga estudyante at napapadaang staff sa loob na naglalakad sa aking paligid ay para akong isang praning na nakatitig sa ibat ibang parte ng katawan ng mga napapadaan habang naghahanap ng kakaibang ekstensyon tulad ng pakpak pangil at matatalim na kuko.

W..wala naman silang pangil?.

Teka teka!...kaya nila mag anyong tao sa pamamagitan ng kanilang salamangka at magpalit anyo tulad nia maia at elena...ibig sabihin nakabalat kayo sila ngayon..

teka kung ganun....si dante ba..at si rhod- hindi hindi hindi!...tulad ng sabi nila maia...karamihan ay tao pa sa paaralang ito at pili lang ang mga aswang!.

O..Oo ganun ganun....

Napaparanoid lang ako.

Oo.

"bakit pa kasi ako nag enroll dito!"

"eh?, tol ok ka lang?..kanina ka pa bulong ng bulong ah"

" dont mind.me.."
wika ko.

"eh?"

Nang makapasok sa silid ay nakita ko sina maia at elena na para bang walang nangyari kagabi.

As always ay nakikipag kwentohan si elena sa kanyang mga kaklaseng babae at palagi namang nagbabasa ng pocket book si maia kasama ang mga katulad niyang pocket book nerd.

Parang panaginip lang talaga ang nangyari kagabi.

Hirap pa ring lunukin ang lahat.

"tol?..."
wika ni dante na naka upo na pala sa aming upuan habang ako naman ay nakatayo pa sa harap ng pintuan.

Agad na akong naglakad papunta sa aking upuan at umupo.

"ok ka lang tol?, bakit parang puyat ka ata?"
agad na tanong sa akin ni rhodney na kanina pang naka upo bago kami dumating ni dante.

"uhg....puyat ako tol"
wika ko.

"aha!...porn pa more!, ang lalim ng mata mo tol baka mapagkamalan kang adik ng mga parak baka bigla kang barilin sa daan mamayang uwian ahahah!"
wika ni rhodney.

"hahaha! wag ka manuod ng porn..maghanap ka na kasi ng girlfriend mo"
wika ni dante.

"kung makapagsalita ka!, ikaw kailan mo na siya liligawan!, sabi mo magpapasama ka kahapon?, eh bigla ka namang nawala"
wika ko kay dante.

biglang nag flashback lahat ng pangyari kagabi lalo na yung part na nakita kong hubot hubad si elena.

Arrrrgh! Cannot unsee!!.

Dante yung crush mo may pangil.....yung crush ko...may pakpak.

"ah!...alam ko na!,  paunahan nalang tayong magkaroon ng girlfriemd"
taas noong wika ni rhodney.

teka teka? since when did naging contest to?.

"oy! loko tol, hindi laro ang love"
nahihiyang wika ni dante.

Ayyyyeiiiiiouu...ano daw!.

Nagsitaasan ang aking mga balahido sa kanyang sinabi.

"o...oo nga!, loko ka ah!"
kahit na co-cornihan ay sumangsang ayon ako kay dante.

"ahem...ahem.."
wika ng isa naming kaklase na nasa aming likoran.

Agad tumingin sina rhodney at dante sa likod at Nalaman na kasalukuyang nakakunot ang noo ng isa sa mga babaeng pocket book nerds na nagbabasa ng libro sa aming likuran.

Sila ang grupo ng mga kababaihan sa aming klase na mahilig magbasa ng mga local romance pocket books.

Kabilang si maia sa grupo kasama ang dalawa niya pang katabi kaya marahil ayon ang rason kung bakit ang tambayan nila ay sa pwesto ni maia sa aming likuran.

Bukod pa doon ay ang pwesto nila maia ay last row sa sitting arrangement kaya perfect place maging tambayan ng mga estudyanteng gusto ng kaunting katahimikan at privacy...privacy kahit nagtuturo na ang guro sa pisara.

"boys....."
mahinang wika ni maia.

"ah?"
wika ni rhodney.

"yes?"
wika ni dante.

"ah!...maia!...may boyfriend ka ba?...pwede ka bang ligawan?"
Biglang wika ni rhodney na parang isang baliw na agad agad nagtatanong ng bagay na wala sa ayos.

N..nag confest ba siya?..Hindi!...nag alok siya ng ligaw!.

Walang hiya!.

Bigla akong nakaramdam ng selos matapos niyang magsalita.

A..ano to?..sumisikip ang aking pakiramdam sa dibdib?.

Agad nagsitinginan kay rhodney ang mga kaklase naming nakarinig sa sinabi niya.

"pssst! narinig niyo yun?"

"oi! may sinabing kakaiba si rhodney oh"

"ano daw?"

Unti unting naakit ng grupo namin ang atensyon ng buong klase......nanaman.

Siguro kami talaga ang main character sa classroom na ito....kahit kami ang itinuturing na clown sa klase.

Nakuha ang atensyon ni maia ay nakangiti siyang tumingin kay rhodney.

Sa ikalawang pagkakataon ay muli nanaman ako nakaramdam ng kirot sa aking puso.

Nagseselos talaga ako?! my gad!!.

r..rhodney seryoso ka?...may pakpak yan! ililipad ka niyan!.

"o..oy!, rhodney?..anong pinagsasabi mo
wika ko.

"tulad ng nadinig mo, nililigawan ko si maia"
wika niya habang nakatingin kay maia.

"ahg?"
Bigla kaming na pa hampas sa mukha ni dante.

"Hmmm?"
Isang nakaka akit na tinig ang nadinig mula kay maia nang marinig ang iwinika ni rhodney.

Rhodney! mag ingat ka sa daan kapag naging kayo ni maia!.

"hahah....biro lang ni rhodney yun maia...nagbibiro lang siya"
wika ni dante.

Tumingin si maia kay rhodney ng seryoso.

wag wag wag wag..i mean! rhodney! hindi yan tao!.

"Seryoso ako"
Wika ni rhodney ngunit halatang sarkastiko ang pagkakasabi na kahit papaano ay nagbigay ng kaunting liwanag sa akin.

"hmmm.....rhodney , energetic ka at interesting tiyak maraming babae ang magkakagusto sayo kaya maghanap ka nalang nang iba ok?"
wika ni maia at sa isang iglap ay muling patuloy sa pagbabasa ng pocketbook.

"ue?..."
wika ni rhodney.

Kasalukuyang walang idea si rhodney sa sinabi ni maia sa kanya o sa bilis ng nangyaring pag reject sa kanya.

Pffft! nireject siya.

Napangiti ako sa aking nadinig.

" ang ganda ng paraan ng pag re-reject mo maia ah"
wika ni dante.

"ah...ganun ba?...salamat, naisip ko lang maging tackfull para kapag na reject rin ako ng taong hinahangaan ko ay sana maging tackfull rin siya sa akin"
wika ni maia habang patuloy sa pagbabasa ng pocket book.

..maiA....wait what!, taong hinahangaan?.

Bigla akong napatingin kay maia at kita ko sa kanyang mga mata ang emosyon sa kanyang mga katagang sinabi.

Hindi ako makapaniwala na ang babaeng ibon kagabi ay nagsasalita tungkol sa pag hanga na parang isang normal na tao lang.

"taong hinahangaan?"
agad na tanong ng kanyang katabi.

ah!, of course baka ka uri niya.

Heheheh...tandang...

Hen at Cock.

A!bastos!.

" ha!...oy bes sino? sino?, kaklase ba natin siya"

Agad tinanong si maia ng mga seatmate niya at ang atensyon ng klase ay nalipat sa kanila.

uhg?....realy? pffft!!, maniwala kayo dyan eh lumilipad yan eh!.

"ok....out of place na ako"
wika ni rhodney sabay talikod na parang isang gamit na tissue na wala ng kwenta.

"sino siya bes...ano name niya ~, klasmayte ba natin siya?, anong section?, anong year?"
wika ng katabi ni maia na parang police kung makapag interogate.

pero......kung maalala ko ay walang nilalapitang lalaki si maia dahil may phobia siya sa lalaki?.

pero kung iisipin, baka gawa gawa niya lang ang phobia sa lalaki para hindi siya lapitan ng mga kalalakihan.

Duh

Biglang isinara ni maia ang kanyang binabasang libro.

"kapag lang yun bes...kapag, hindi pa ako interested sa mga ganyang bagay, kung romance rin lang eh di magbabasa nalang ako ng libro"
wika ni maia sa kanyang mga kasama.

gueh?...so booring!. Pero ayun ang gusto ko sa kanya. Straitforward cold.

"jonathan?..."
biglang wika ni maia.

"huh?"
wika ko.

"kanina ka pa nakatingin sa akin ah, may mali ba sa muka ko?"
tanong ni maia.

what the !!!, hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya!.

Agad tumingin ang aming mga kaklase sa amin.

Nakangiting nakatingin sa akin sina rhodney at dante na para bang may gustong sabihin, pawang nakataas ang mga kilay at maroong karumal dumal na ngiti.

"Uii~....jonathan!, may gusto ka pala kay maia ah"
biglang wika ng katabi ni maia.

hah!. Wa..wa....what!, may gusto agad agad agad!, anong logic yan!.

Lahat ng atensyon ng aking mga kaklase ay napunta sa akin....nanaman!.

Lahat sila ay tumingin sa akin.

Sa gitna ng suspisyon ay  nagpatunog ng daliri si rhodney.

"Ok..new inspiration para sa aking web novel, mag best friend nagkakagusto sa isang babae, nagtapat ang isa ngunit na reject!, itinago ng isa ang kanyang nararamdaman dahil ayaw niyang masaktan niya ang kanyang kaibi-"
hindi naituloy ni rhodney ang pag momonologue ng batukan siya ni dante.

" tol!, wag ka magulo,gusto mo ikaw saktan ko!!"
wika ni dante.

"Sinaktan mo na nga ako eh"
Pagrereklamo ni rhodney kay dante.

"sinakta-"

Magkakaroon sana ng sariling usapan ang dalawa ng bigla ko ulit kinausap si rhodney para linisan ang aking sarili.

" rhodney ano ba!, hindi ah~"
sigaw ko at muling napunta sa akin ang atensyon ni rhodney.

"G..ganun ba?"
wika naman ni rhodney na tila ba tinatapos na ang sinimulan niyang issue.....

ngunit...

"weh...deny deny pa ah...wooooooo..si jonathan may gusto kay maia! oh!"
sigaw ng isa pa sa mga kasama ni maia.

may asungot na sumawsaw!!.

"oh nadinig niyo yun!"

"Oh! si jonathan naman daw!"

"Ano nanaman ba yan!"

Ano ba tong mga to! kami na lang palagi! ano ba!.

Kasalukuyan akong pawis na pawis sa presure samantalang si maia naman ay patuloy sa pagbabasa ng libro na para bang wala lang sa kanya ang nangyayari.

Kailangan ko linawin ang lahat!..este! pabulaanan na wala akong gusto kay maia!.....

Kailangan ko siya kausapin.

Huminga ng malalim ay inipon ko ang lahat ng aking tapang sa aking dibdib at tumingin ng seryoso kay maia.

Lahat ng aking mga kaklase ay napatahimik ng mapansin ang aking ginawang paghahanda.

"mai-"

*SwFfffffffffffffffffFfffT!!!!  PAK!!*

Sa kawalan ay may tumamang mabigat na bagay sa aking ulo at nalalaglag eto sa sahig.

"aray!"
pasigaw kong wika.

Nagsitinginan ang aking mga kaklase sa akin habang hawak ko ang parte ng aking ulo na tinamaan ng bagay.

Ang sakit!, bumukol ata ah!..a..ano to! bukol nga! bukol!!!.

"No to?"
Yumuko si dante at pinulot ang bagay na tumama sa aking ulo.

"Yung latest na iphone!!,?"
wika ni dante ng i-angat ang hawak ng bagay.

Agad ko kinuha sa kamay ni dante ang cellphone at tinitigan itong mabuti.

iphone  ? teka ang bigat niyan ah!.

" kanino to?"
Pagalit kong tanong sa aking mga kaklase sa paligid.

Walang nagsalita sa aming mga kaklase.

"ah!, sakin yan! "
biglang wika ng isang babae sa aming harapan habang naglalakad papalapit.

"ah...sorry, jonathan, nadulas sa kamay ko"
wika ni elena habang nakangiting aso.

Nadulas!! anong klaseng nadulas yan!! dire diretso sa ulo ko at nadulas!!.

ba....bakit ganyan ang ngiti niya!, parang ngiti ng isang serial killer.

Biglang tumaas ang aking mga balahibo ng maalala ang sinabi niya sa amin kaninang umaga na huwag na huwag kong kakausapin silang dalawa ni maia kung gusto ko pang mabuhay.

what the fudge!, seryoso siya!, papatayin niya ako!. Hindi yun aksidente...ibinato niya sa akin yung mala bloke na iphone.

Gusto niya ako magkaroon ng brain hemorrage!

"ah!, elena , sayo pala, eto oh"
wika ni dante sabay biglang kuha sa kamay ko ng cellphone at abot sa kamay ni elena habang nakangiti.

woah!!.

Nabigla si elena sa ginawa ni dante kaya napunta ang atensyon niya sa kay dante.

"..sa...salamat...."
Nahihiyang wika ni elena.

Namumulang naglakad paalis si elena sa aming pwesto.

wha....what..did just happen?.

Tumingin ako kay dante at nalamang namunula rin siya.

what the!, ano ka dalagang in love!!.

Nakatitig ang buong klase sa amin ng biglang may kumalampag ng malakas sa bandang pintuan ng aming klassroom na naka agaw sa atensyon ng aming mga kaklase.

"Hah? ano nanaman yun!"

" si ano oh! nadapa!"

" si press!."

" nadapa siya!"

"ngee"

Isa sa aming mga kaklase ang nadapa sa classroom.

Hmmm? si sherly na aming class president?...late siya ngayon ah?

"pssst....just so you know...crush ka ni elena, dante"
wika ni maia habang patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro na parang nasa ibang dimension kung mag focus sa kanyang binabasa.

Hindi nadinig ng aming ibang kaklase ang iwinika ni maia kaya hindi ito nagsimula ng bulungan.

Nakatingin ako kay dante ng biglang umabot tenge ang kanyang ngiti at doon ko nalaman na mas nakakatakot pa ang nakangiting mukha ni dante kumpara sa mga aswang kagabi.

gwuah!,

Hindi ko kasalukuyang maintindihan ang facial expression ni dante na para bang naka-shabung urangotan na kakatapos lang magpa plastik surgery sa isang palpak na ospital.

"pssst...to...totoo?"
tanong ni dante kay maia.

"yup.."
wika ni maia.

realy stop that face, nakakakilabot na.

"oi! si sir!!"

" ui~ si sir!"

" andyan na si sir fernandez!"

"dumating na si terminator"

wika ng aming mga kaklase.

terminator!!

Humarap ako at nakita ang aming homeroom teacher na naglalakad papunta sa pisara.

Late sila press at terminator ngayon ah..kakaiba dahil tandem ang dalawang yan eh...palaging maaga ang dalawa na iyan usualy Hmmm...

" ok class!, back to you're seat now, magsisimula na ang homeroom"
wika ng aming guro.

Kasalukuyang naka tayo si sir fernandez sa pisara habang may hawak na chalk sa kanyang kaliwang kamay.

Tanging ang table , ang chalbox, ang hawak niyang chalk, ang blackboard at siya ang nasa harap.

usual athmosphre ay tahimik ang lahat kapag si sir fernandez na ang nasa harapan.

"tUmayo......................"
iginalaw ni sir fernandez ang kanyang ulo na kahalintulad sa isang komamdante sa militar habang nag e-exicute ng utos.

Napalunok ako ng laway dahil sa sobrang intense ng athmosphere na kahit na mahigit 3 buwan na naming ginagawa ang bagay na to ay napre presure pa rin ako.

"Na!~"
Sigaw ni sir fernandez ng malakas na palaging nagtatapos sa isang malakas na echo ngunit ngayon ay naiba.

"Na~"

"Na~"

"Na~"

nag echo ang kanyang pagpuyok sa buong silid aralan ngunit walang tumawa dahil alam na ng buong klase na kapag may tumawa sa klase ni sir fernande na hindi niya naman nabigyan ng pahintulot ay authomatic punishment at ang masaklap pa doon ay fault of one fault of all.

Tumingin ako sa buong klase at nakitang halos hindi na maipinta ang mukha ng aking mga kaklase habang pilit pinipigil ang kanilang pagtawa.

Sa hindi sinasabyang pagkakataon ay napatingin ako kay dante at muling nakita ang kanyang sinumpaang mukha.

hindi ko alam kung bakit tuwing pinipigil niya ang paglabas ng kanyang facial expresion ay nagiging karumal dumal ang kanyang mukha.

oh bathala!, bigyan mo ako ng lakas ng loob para hindi matawa sa mukha ng aking katabi.

Isang mukhang sloth na nahihirapan sa pagbabawas na parang kakatapos lang kumain ng isang kilong siling pula habang nakatapak sa mga uling na nagliliyab.

Bigla akong napangiti.

Please no!, i'm beeging you!, emotion no!.

Noooo!.

Nahhhhhhhhhwwww!.

"Bwhuahahahahahahahaha
........ahahahahahahHahaHahah!........ahahahhahaHwhahahahahahahajahahahahahha!!"
biglang bumulusok sa kakatawa si rhodney habang nakatingin sa akin.

huh?...bakit ako?

"bwahahahahahah........hahaahahahaha....hahaha"
maya maya pa ay bigla na rin akong tinawanan ni dante.

anong problema niyo?.

"hahaha...yung tiyan ko ang sakit na..
ang sakit...hahahahaha"
wika ni rhodney.

"aherm....ehem!"
wika ni sir fernandez.

naloko na mag pu-push apin kami for sure.

"oh....si dante kasi at si rhondney!"

"tsck!, mga pasaway!"

" pa epal naman tong mga to!"

"grabe sila oh!"

"boys talaga oh!"

sari saring reaction ng aming mga kaklase ang natangap nila rhodney at dante sa ginawa nilang pagtawa.

" quite class!, i have an announcement!"
wika ni sir fernandez.

lahat ng atensyon ay napunta kay sir fernandez.

napalunok ako ng laway.

"fortunately, may meeting ngayon ang ibang mga teachers kaya cancel muna ang klase, hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi nalang nila hayaan ang mga ibang teachers na hindi kasama sa meeting na magturo nalang...well rules are rules....wala ako magagawa....ok class dismis"
matapos magsalita ay naglakad si sir fernandez papunta sa isang bakanteng upuan at umupo nalang.

Kasalukuyan pa rin kaming tahimik dahil sa bilis ng pagsasalita ninsir fernandez.

"huh?...so...ayaw niyo ring umuwi ng maaga?, wala akong problema dyan"
wika ni sir fernandez sabay tayo sa kanyang inuupuan.

Agad namang nataranta at nagsilabasan ang aking mga kaklase sa pintuan.

tama ang spekulasyon ni maia.

magkakaroon ng meeting ang mga faculty members na involve.

ok so, kailangan na naming mag regroup sa infirmary

"aba...ayos ah"
wika ni sir fernandez at muli ng umupo.

naglabas siya ng libro sa kanyang bag at nag umpisang magbasa.

kasalukuyan kaming naiwan nila dante, rhodney at pito pa sa aming mga kaklase na may inaasikaso pa kabilang si maia na nagbabasa pa rin ng libro.

"ano tol?....tara na?"
wika ni rhodney sa amin ni dante.

"saan tol?"
tanong ko.

"umh?.....ah!. computer shop!, tara offline games tayo!"
pagyayaya ni rhodney.

"sorry tol, may pinapanood pa akong anime eh, balak ko sanang tapusin ngayon"
wika ni dante kay rhodney.

"tapusin mo nalang bukas...wag ka KJ!, grabe tol ah!"

"ehehe...may report kami bukas ni jonathan eh, kaya mawawalan na ako ng oras mag handa"

ah!...oo nga yung report pala!.

"pano ba yan mga tol!, bukas nalang ah"
pagpapa alam ni dante bago maglakad pa labas ng silid.

"ah......umh...ok sige sige ingat ka tol!, ...ano tara jonatha-"

biglang sumimangot si rhodney ng makita ang aking muka na nakangiti.

" wag mong sabihing may gagawin ka rin?"

"yup!,"
wika ko at nag umpisa na akong maglakad paalis ng classroom.

ha....makapunta na nga lang sa infirmary.

Naiwan si rhodney sa loob ng classroom kasama si sir fernandez.

"Human"
Nadinig kong wika ni terminator habang nakatingin ako sa kanya.


*************

Continue Reading

You'll Also Like

284K 7.2K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
38.8K 1.6K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
45.8K 1.8K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
138K 4.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...