When Brats Meets The Badass

Por KingX-Tian

24.7K 5.4K 3.9K

Isang retreat house ang muling binuksan makalipas ang isang taong pagkakabakante para sa mga kabataang may pa... Más

Disclaimer
Author's note
Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69

Chapter 27

288 38 10
Por KingX-Tian

Winter's Point of View.

"Ang daming activities pagkatapos ng Acquaintance Party nuh."

Magkakasabay kaming naglalakad papuntang classroom. Kakatapos lang namin tumingin sa bulletin board ng school at oo. Ang dami ngang nakapilang activities dun. May pang sports, pageants at academics. Open na rin ang different clubs para sa mga bagong estudyante.

"We should enjoy it. Ngayong month lang 'yan dahil sa mga susunod ay puro projects at assignments na," sabi ni Carla.

"Pero ang daming clubs dito nuh? Pwede bang madaming salihan? Hindi man sa pagmamayabang pero madami akong talent." Pagmamalaki ko. Aba! Totoo naman. I can sing. I can dance, huwag lang 'yong sinayaw namin n'ung nakaraan dahil nakakastress 'yon. I can act too.

May narinig ako sumipol. Buong akala ko ay si Philippe 'yon dahil siya lang naman ang nang-aasar sakin pero mali ako. Seryoso lang siyang nakikisabay sa paglalakad namin.

Ano kayang problema nang isang 'to? Napapansin ko kasing hindi na niya ako masyadong kinukulit o binabara. Siguro napagod na siya? Mabuti naman. Para manahimik na ang buhay ko.

"Oo naman. As long as kaya mong e-manage bakit hindi?" sagot ni Carla sa kaninang tanong ko.

Pumasok na kami sa room. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Mr. Alonzo. Ang history teacher namin na sobrang boring at nakakaantok magturo pero sobrang strict.

"Nandiyan na naman siya." Bulong ko kay Rainne.

"Makinig ka na lang."

At dahil hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi dahil nagkwentuhan pa kaming apat. Naramdaman ko ang labis na kaantukan ng magsimula siyang magturo. Hay. Pipikit na ang mata ko.

Ilang sandali ay naramdaman kong may yumuyugyug sakin kaya mabilis kong naimulat ang mata ko. Nakatulog na pala ako.

"A-anong meron?" Kinukusot-kusot ko pa ang mga mata ko.

"Gaga, may quiz. Kakanta daw sa unahan kapag bagsak." Bigla akong natauhan sa sinabi niyang 'yon. Saka ano daw? Kakanta? Paano kaya kung ibagsak ko 'yong quiz? Para marinig nila ang boses ko? This is my time to shine!

Nagsimula nang magtanong si Sir.

Kampante ako habang nagsasagot. Hindi dahil sa alam ko ang isasagot ko kundi dahil nanghuhula lang ako. Wala na akong pakialam kung bumagsak akk. Ngayon lang naman. Gusto kong kumanta, e bakit ba? Saka hindi naman ako nahihiya dahil may boses naman ako.

Nang matapos kaming mag-quiz ay nagcheck din agad. At malamang pa sa malamang, I got two points out of 20 item. Thanks God!

"Gaya ng napag-usapan natin. Kakanta ang bagsak sa quiz na binigay ko." Nakangiti akong nakikinig sa sinasabi ni Sir. Sa lahat ng sinabi niya. Ito yata ang pinakamaganda sa pandinig ko. "Sakto dahil ako ang may hawak ng Glee Club. Baka may mga bagong sasali sa mga new students dito."

Sinabi niya na dalawa ang nakakuha ng mababang score. Isang lalaki at isang babae daw. Siguradong ako na 'yong babae doon. Wala na akong pakialam sa isa basta kakanta ako! I'm so excited!

"Ms. Winter Campbell."

Taas noo akong tumayo at pumuntang unahan. "Hi, sir. Thanks for giving a chance to show my talent." Nagulat pa si Sir sa sinabi ko.

Sinimulan ko nang kumanta.

I Like You So Much, You'll Know It (我多喜欢你,你会知道) - A Love So Beautiful OST [English Cover] by: Ysabelle Cuevas
Lyrics:

I like your eyes, you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you wear
I like you more, the world may know but don't be scared
Coz I'm falling deeper, baby be prepared

Nakikita ko ang saya sa mukha nila habang kumakanta ako sa harapan nila. Minsan ay sumasabay pa nga sila. Isa lang ang ibig sabihin n'un. Maganda ang boses ko at pwedeng pwede na ako sa Glee Club.

Nagpasalamat ako nang matapos akong kumanta.

"You have a beautiful voice, Ms. Campbell." I know right Sir.

"Hindi naman po,"

Umupo na rin ako pagkatapos.

"Ikaw na ang may magandang boses," pagbibiro pa sakin ni Rainne nang makaupo na ako. I just winked at her.

Neready ko na ang sarili kong makinig sa susunod na kakanta. Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin ni Sir ang pangalan ni Philippe. So siya? Siya 'yong isang bagsak.

Hmm. We'll see kung may talent siya sa pagkanta. Magaling na siyang magsayaw. Sabi nila kapag magaling kang sumayaw, panget na ang boses mo. Hindi pwedeng lahatin mo ang talento sa mundo. Well, meron namang nabiyayaan talaga. Nang mga panahon na nagpaulan si Lord ng talents ay ligong ligo sila, lunod na lunod pa.

But I know, Philippe is not one of them.

Kampante akong nakatingin sa unahan habang nakacross ang mga braso. Hiniram pa niya ang gitara ng kaklase namin. May props pa siya ha?

He started to play the guitar. Hmm. Magaling din siyang mag-gitara. Nakita kong nagsisimula nang matuwa ang mga kaklase ko lalo na ang mga babae. I'm sure, madi-disappoint kayo kapag kumant-ta... n-na.. yan.

Oh my God!

Tama ba 'tong naririnig ko?

B-bakit ang lamig ng boses niya?

Love Yourself
Justin Bieber

For all the times that you rain on my parade
And all the clubs you get in using my name
You think you broke my heart, oh girl for goodness sake
You think I'm crying, on my own well I ain't

Natulala ako nang magsimula na siyang kumanta. Tama ba talaga 'tong naririnig ko ngayon? Siya talaga 'yong kumakanta? Wait!

And I didn't wanna write a song 'cause I didn't want anyone thinking I still care
I don't but, you still hit my phone up
And baby I be movin' on and I think you should be somethin'
I don't wanna hold back, maybe you should know that

He has this kind of voice that can capture every heart. I hate to say this but yes. Ang lamig at ang ganda sa tenga ng boses niya. Kahit sino ay kikiligin at hahanga kay Philippe.

Nang matapos siyang kumanta ay pinuri din siya ni Sir. Sinabi pa na ilalagay niya kaming dalawa sa official list ng Glee Club.

Hanggang ngayon na naglalakad kami papuntang cafeteria ay hindi maalis sa utak ko ang boses niya. Parang paulit-ulit kong naririnig ang malamig at maganda niyang boses.

Ano ba 'yan?! Kanina lang ay nilalait ko siya pero ngayon ay humahanga na ako sa kaniya. Ang lalaking 'yon! May talent pala sa pagkanta?

Sa labis na pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na katabi ko na pala siya sa counter. Hay. Bakit ba ganito ako ngayon? Narinig ko lang naman siyang kumanta.

Hindi niya ako kinakausap. Nakakapanibago talaga siya ngayon. Ano kayang nakain niya? Bakit hindi na siya nangungulit.

"Hoy." Sinundot ko ang tagiliran niya. Umawang ang bibig ko ng hindi man lang niya ako nilingon. Aba! Kailan pa siya natutong magsungit?

Hindi ko na lang siya kinulit.

Hanggang sa mag-uwian kami ay isip isip ko pa rin si Philippe. Hindi na dahil sa pagkanta niya. Oo, inaamin ko na talented talaga siya. Hindi lang halata.

Iniisip ko kung may nasabi o nagawa ba ako kung bakit hindi na niya ako kinakausap. Hindi ko naman sinasabi na namimiss ko ang pangungulit niya. Naninibago lang talaga ako.

"Okay ka lang ba? Ang lalim yata ng iniisip mo?" Kasabay ko sa trike si Derek at Thunder. Nauna na sina Rainne kasama si Philippe, Aviana at Cloud. Hindi na kasi kasya kaya dito na kami sa kasunod sumakay.

Baka naman may alam si Derek? Hindi naman siguro masama kung magtatanong ako sa kaniya.

"Ah, Derek. Wala ka bang napapansin kay Philippe?"

"Ha? Ano namang mapapansin ko d'un?" Tumawa siya.

"E kasi hindi na niya ako kinukulit, e. Naninibago lang ako. Galit ba siya?"

Para siyang nag-isip sa tanong ko. "Actually sinabi niya sakin kung bakit."

Sinabi sakin ni Derek ang dahilan. Tama nga ako. Nagagalit nga siya dahil sa pagtawag ko ng bading sa kaniya. Dahil doon lang? Napaka-defensive naman niya masyado! Kung hindi totoo 'yon dapat hindi siya magagalit sakin. Baka kasi totoo.

"Napapahiya na kasi si Philippe, Winter. Hindi naman sa tinatakot kita. Pero ibang magalit si Philippe."

Hindi ako nagsalita. Grabe na ba talaga ang mga sinasabi ko sa kaniya? Ang babaw naman niya masyado. Para 'yon lang, e.

"Anong gagawin ko para hindi na siya magalit?"

"Sorry. Just a simple sorry. Okay na siya doon."

Nakarating na kami sa bahay. Nang makapagpalit ako ng damit ay agad ko siyang hinanap. Kung may nagawa man ako na hindi na niya nagugustuhan. Siguro hindi masama ang humingi ng sorry sa kaniya. Besides, napag-isip isip ko din na mali nga ako.

Nakita kong nasa labas siya ng bahay. Lumapit ako sa kaniya. "Uy, Philippe."

Tumingin naman siya. "Anong kailangan mo?"

"Galit ka daw sakin. Sorry na."

"Anong nakain mo at nag-sosorry ka sakin?"

Ano bang gusto niyang mangyari? Ito na nga oh, nag-sosorry na ako. Dami-dami pa sinasabi.

"Tanggapin mo na lang. Ang galing mo palang kumanta." Pag-iiba ko ng usapan. Baka sakaling mag-iba ang ihip ng hangin. Baka kapag pinuri ko siya ay hindi na siya magalit.

"Tss. Umalis ka nga."

Tinataboy niya ako? Okay, fine. Kung ayaw niyang tanggapin ang sorry ko. Eh di wag!

"Ang choosy mo naman! Ako na nga 'tong nag-sosorry! Bahala ka! Itutuloy ko pagtawag sayo ng bading! Bading!"

Seguir leyendo

También te gustarán

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
115K 5.4K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...