When Brats Meets The Badass

By KingX-Tian

24.7K 5.4K 3.9K

Isang retreat house ang muling binuksan makalipas ang isang taong pagkakabakante para sa mga kabataang may pa... More

Disclaimer
Author's note
Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69

Chapter 23

351 60 7
By KingX-Tian

Derek's Point of View.

Papasok na sana kami nang magpaalam sina Rainne at Winter na gagamit muna sila ng cr. "Hintayin na lang namin kayo dito." Tumango sila bago tuluyang umalis.

Hindi pa sila nakakalayo nang agad akong inakbayan ni Philippe, "May gusto ko na kay Rainne, ano? Umamin ka."

Mabilis kong inalis ang pagkakaakbay niya sakin, "Saan ka naman nakakuha ng idea na 'yan, bro?"

"Bro. Kilala na kita. Alam ko kung may gusto ka sa isang babae o wala. Yes, you're a member of NGSB pero ilang beses ko na ring nakita ang mga mata mo kapag in love ka." Pinagcross niya ang mga kamay niya. "And I currently see it right now."

"Huwag kang maingay baka may makarinig sayo." Tumingin ako sa paligid.

"Totoo?!" Nanlalaki ang mga mata niya. Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako. "Finally bro! Magkaka-gf ka na. Finally! Sayang naman ang gandang lalaki natin kung hindi 'yan magagamit habang bata pa." Umiling ako sa sinabi niya.

"Bro, don't be such an exaggerated. Gf agad 'yang iniisip mo. Hindi ba ay ligaw dapat muna?"

"Sus, d'un din naman ang punta n'un." Sabay kaming tumawa.

Since the day that I felt those strange feeling everytime that Rainne's around. I knew that there's something.

"Kailan nagsimula?"

Naglalakad-lakad muna kami sa hallway habang hinihintay silang dumating, "I don't know. I just felt it."

"Hmm. Kaya mo ako kinukulit tungkol d'un sa sinabi ko?" Mahina niya akong siniko. "Naramdaman mo ba lahat?" Kumikindat pa ang loko.

Tinulak ko siya. "O-oo." Nag-aalangan kong sagot.

"Nagbibinata ka na talaga. I'm so proud of you bro." Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.

Siguro, hindi batayan ang ikli ng panahon para magkagusto ka sa isang tao. Okay na siguro 'yong makita mo ang bad at good side niya, and yet, you still accept her by what she is. 'Yong napapasaya niya ang buong pagkatao mo sa tuwing magkikita kayo. Ang sarap para sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay lumilipad ang puso ko.

Natawa ako sa mga naiisip ko. Ang oa ko ma-in love. Parang tanga.

"Hoy!" Mabilis akong napatingin kay Philippe na ngayon ay nasa harapan ko. Iniiling niya ang kaniyang ulo. "Masama na 'yan. Tumatawa ka na mag-isa. Ang weird mo rin ma-in love bro nuh?"

Ilang minuto na kaming naghihintay sa kinatatayuan namin pero wala pa rin silang dalawa. Late na rin kami sa first subject namin at hindi na kami nakapasok. Nasaan na kaya ang dalawang 'yon?

"Puntahan na kaya natin?"

Maglalakad na kami nang makasalubong namin ang mga tinatawag nilang Queens. Mukha silang iritado dahil nakakunot ang mga noo nila at halos sumabog ang mga mukha dahil sa sobrang pula. Tumigil sila harapan namin.

She point her finger on me, "Pagsabihan mo 'yang mga kaibigan mo. Hindi nila magugustuhan kapag napuno ako," sabi nito bago tuluyang naglakad palayo samin.

Nagkatinginan na lang kami ni Philippe at sabay na tumango. Mukhang may ginawa na naman silang kalokohan.

Patakbo na kaming pumunta papunta sa cr ng mga babae. Hindi pa man kami tuluyang nakakarating ay naririnig na namin ang tawanan nila. "Ano nangyari?" Agad na tanong ko nang marating namin sila.

Tuwang tuwa sila habang nagkwekwento nang ng nangyari. Akala mo ay isang napakalaking achievement ang nagawa nila.

"You guys are really unbelievable. Mamaya magsumbong 'yon sa tatay niya at ereport tayo kay Ms. Quinta. Mabuti kung kayo lang ang malalagot. Paano kung madamay kaming mga wala namang ginagawa?" Philippe look pissed.

"Hoy, bading. Huwag ka ngang mangialam dahil hindi mo naman nakita ang nangyari." Nakapamay-awang na si Winter sa harapan niya. Ito na naman silang dalawa. Hindi na tumigil sa bangayan.

"I told you to stop calling me gay!" Si Philippe naman ngayon ang namumula. He's losing his temper.

He has this kind of personality. Ang liit lang ng pasensya ni Philippe. Dahil lang siguro sakin kaya nagagawa niyang pigilan ang sarili at huwag patulan si Winter. Alam niya kasi kung gaano ako mag-value ng babae. Kahit sino. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ako naggi-girlfriend gaya ng ilang teenager na kasing edad ko. Ayokong pumasok sa relationship na hindi ako sigurado kasi alam kung sa huli ay makakasakit lang ako.

But I know that everyone has their own limitations. Winter should be aware of that. Mapagbirong tao si Philippe pero kapag uminit ang ulo niya. Hindi siya mapipigilan ninuman.

Tinapik ko ang balikat ni Philippe bago pa siya tuluyang lamunin ng emosyon niya. Napadako ang tingin ko kay Cloud, noon ko lang din nalaman na nakatingin din pala siya sakin. Ngumiti ako.

Napagdesisyon nilang huwag nang pumasok at tumambay na lang sa garden ng school. Malayo silang tatlo mula saming dalawa. Nang tingnan ko ang katabi ko. Still, inis pa rin ang mukha niya.

"Just forget about her. Alam mo namang hindi totoo sinasabi n'un ni Winter. You just need to get used to it," sabi ko.

"Hanggang kailan, bro? Naiinis na ako. Hindi na ako natutuwa. Kilala mo ako, bro. Sobrang ikli lang ng pasensya sa makukulit na katulad ni Winter."

Isa sa mga dahilan kung bakit madalas niyang masaktan ang kapatid niyang Ysa.

"Yes. Kakausapin ko siya pero pwede bang mangako ka sakin na hahabaan mo pa ang pasensya mo. Kahit para sakin na lang." Hindi na nagsalita si Philippe.

Naagaw ang atensyon naming dalawa nang may narinig kaming sumisigaw sa gawi nila. Nakita kong nakatayo na si Cloud at mukhang siya 'yong sumisigaw. Nagkatinginan kami ni Philippe bago tumayo at pumunta sa kanila. Hindi pa man kami nakakapunta ay nakita na naming umalis na si Cloud. Mukhang galit siya.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Derek. Pwede bang e-excuse mo kami sa mga subject teachers natin?" sabi ni Rainne.

"Ha? Ano bang nangyari sa inyo?" Pag-uulit ko.

Sinabi naman nila ang nangyari. Nakinig lang kaming dalawa hanggang matapos sila sa pagkwekwento. Tumango kami.

"Sasama kami kung susundan niyo si Cloud. Kung aabsenrt kayo, aabsent na rin kami."

Nagkasundo kaming apat na lumabas ng school para sundan at puntahan si Cloud. Wala kasi siya nang pasimple kaming sumilip sa room nila. Kaya naisip namin na kung wala siya dito ay baka nasa bahay siya. Wala naman siyang ibang pupuntahan.

Hindi nga kami nagkamali dahil nang makarating kami sa bahay ay naabutan namin siyang nakahiga sa kama niya.

I mouthed the word 'go' to them. Nagpaiwan na kami ni Philippe dito sa labas ng kwarto.

Naghintay kami nang ilang minuto bago namin sila nakitang lumabas na ng kwarto. Nakangiti na silang tatlo at magkakahawak na ang kamay nila. Nagkatinginan na lang kami ni Philippe.

"So, are you now guys okay?" tanong ko sa kanila.

Tumingin pa sila sa isa't isa, "Yes. Actually she's now part of our squad."

___

Since wala na kaming nagawa kung hindi ang tumambay sa bahay maghapon. Napagdesisyon na lang namin na magluto ng meryenda nang maghahapon na habang nanonood ng tv.

"Ang bango naman niyan." Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong plato nang biglang sumulpot si Rainne dito sa kusina.

"Nagulat ba kita? Sorry."

"No. Hindi naman,"

Sabay kaming napatingin sa sala nang marinig naming nagtatawanan si Cloud at Winter habang nanonood ng tv. Si Philippe ay nasa kwarto namin at nagpapahinga.

"Mukhang close na agad kayong tatlo," pagsasalita ko. "Kung anuman ang pinag-usapan niyo. I'm sure that it help Cloud a lot." Napangiti ako.

"Yeah." Nakatingin pa rin kaming dalawa sa kanila.

Sabay na naming dinala ni Rainne ang niluto kong meryenda. Canton lang naman at saka pandesal na natira namin kaninang almusal.

Nagtataka lang kami dahil hindi pa namin nakikita si Ms. Quinta simula nang dumating kami dito sa bahay. Siguro ay busy o may pinuntahan. Hindi naman kami nag-abala pang hanapin siya dahil siguradong pagagalitan lang kami n'un dahil nag-cut kami ng klase. O baka parusahan pa kami.

"Meryenda muna kayo." Inilapag ko na 'yong hawak ko kasunod ni Rainne.

Pinag-aaralan ko nang maging kalma kapag magkasama kami ni Rainne. Para naman hindi ako maging mukhang may sakit dahil sa pagkautal-utal ko. Baka makahalata rin siya kung hindi ako magiging komportable kapag kami lang dalawa ang magkasama.

Ayaw ko rin kasing malaman niya dahil para sakin ay maaga pa para doon. Baka imbis na masaya lang kami parehas ay baka umiwas siya kapag umamin ako. I don't want that to happen. As long as I'm happy with her. Okay na ako doon.


Continue Reading

You'll Also Like

423K 12.2K 54
VALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
115K 7.1K 5
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
2M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...