When Brats Meets The Badass

By KingX-Tian

24.7K 5.4K 3.9K

Isang retreat house ang muling binuksan makalipas ang isang taong pagkakabakante para sa mga kabataang may pa... More

Disclaimer
Author's note
Characters
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69

Chapter 2

1.3K 313 498
By KingX-Tian

Rainne's Point of View.

Alam mo kung ano 'yong nakaka-bwesit? 'Yun 'yong araw na 'to! Akala ko makakabawi na ako ng magandang tulog pero what the hell?! Ginulo lang ng babaeng 'yun?!

Naiinis kong inalis ang kumot na bumabalot sa katawan ko. "Bwesit!" At nagpakawala ng isang sigaw. Wala akong paki-alam kung marinig pa niya ako mula sa baba.

Kung bakit kasi bumalik pa siya dito sa bahay? Sino bang tanga ang nagsabi sa kaniya na kailangan ko pa siya?

Since, sira na rin naman ang araw ko. Naisip ko na lang munang pumunta sa bahay ng kaibigan ko. I don't think if she's really my friend pero hindi na mahalaga 'yun basta gusto kong mawala muna sa bahay na 'to. Lalo na't kasama ko ang babaeng kinaiinisan ko!

Naligo na ako at nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto.

"Saan ka pupunta?" Agad na namang kumulo ang dugo ko.

"Pati ba naman 'yun papakialaman mo?"

"Umuwi ka ng maaga. May pupuntahan tayo." Heto na naman siya sa pagiging na nanayan niya. Nakakadagdag lalo sa pagkasira ng araw ako!

"Would you please stop pretending? Hindi kasi umuubra eh! Nakakainis, kung hindi mo alam!" Napairap ako.

"Saka, pwede ba? Uuwi ako kung kailan ko gusto! At saka sana wag kang makulit, huwag kang text ng text kung nasaan ako. Buhay ko 'to! Mind your own."

Pagkasabi ko 'non ay kinuha ko na susi ng sasakyan sa bag ko. Naiwan s'yang nakatunganga. Lahat na lang ba ng bagay sa buhay ko papakialaman n'ya?

Katulad nga ng sinabi ko kanina pupunta ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko para mag palipas ng oras.

Pumasok na ako sa sasakyan ko at saka sinimulan 'yong paandarin. Masyado na akong nag-aaksaya ng panahon dito sa bahay na'to.


Pagkadating ay agad kong pinark ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nina Dexie. Lumabas na ako atsaka naglakad papunta sa harapan ng gate nila.

Malayo pa lang ay kita ko na si Tita Alex sa labas ng bahay. Napangiti ako. "Ahmm. Tita. Nandyan po ba si Dixie?"

"Oh? Hindi niya ba sinabi sa'yo?"

"Ang alin po?"

"Sorry, pero kakaalis lang n'ya. May mahalaga daw s'yang gagawin. Ang alam ko nga kasama ka niya. About paper works daw?" Nakangiting sagot niya.

Paperworks? Ano naman kaya 'yon?

"Ganun po ba? Sige po. Thank you Tita." Sabi ko na lang.

As if naman paperworks talaga ang ginagawa nang anak niya! Kung hindi ko lang ako nagkakamali baka nasa boyfriend na naman n'ya yun. Hindi ako magtataka kung bukas mabuntis na yung babaeng yun.

Huwag na kayong magtaka, kasi alam ko ang lahat sa kaniya. She's not good at hiding her secrets. Well, s'ya. Hindi n'ya alam ang lahat ng sa'kin. Magaling akong magtago.

Umalis na ako at naglakad papuntang sasakyan ko. Ayaw ko rin kasing pumasok pa sa bahay nila. Mukhang busy kasi si Tita at ayaw ko ng makadadag pa sa gawa niya.

So, no choice ako. Makakauwi ako ng maaga nito! Makakasama ko na naman ang bwesit sa buhay ko! Wala naman kasi akong ibang kaibigan bukod dito kay Dixie.

I start the engine at paaandarin na sana ng bigla namang may sumulpot na lalaki sa harapan ng sasakyan ko.

What is he doing? Is he blind? Hindi ba n'ya nakikitang mababangga na siya?!

Bullshit!

Kanina ko pa siya binubusinahan pero mukhang wala siyang naririnig. Like, what the hell?! Hindi lang ata siya bulag. Bingi rin yata!

Shit! Shit lang! Wala talaga siyang balak tumabi!

Bumaba ako ng sasakyan at hinarap siya! I already lost my temper!

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!" I yelled at him as I reached his place. "Kung magpapakamatay ka. 'Wag mo akong idamay! Maghanap ka ng ibang tao!"

Inalis niya 'yong earphone sa tenga n'ya atsaka tumingin sakin.

"Hoy babae! Hindi mo ba ako kilala?!" And he yelled at me?! Wow! Just wow!

"Hoy lalaki! Sino ka ba?! Pahara hara ka sa daan. Hindi mo ba alam na nasa kalsada ka?! Well, for you to know Mr. Mababangga ka na po! May earphone pa 'yang tenga mo!"

"For you to know din Ms. Hindi ako magpapakamatay. Sa gwapo kong 'to? Sasayangin ko lang?"

Eh? Mukhang lumakas ata ang hangin? Ano daw? Gwapo siya? Gwapo your face!

"Rainne. Anong problema?"
Nakita kong lumapit sa'min si Tita. Hindi naman malabong hindi n'ya marinig, kasi nga nagsisigawan na kami dito.

"Tita. May lalaki po kasing self proclaimed pogi dito na akala mo, siya ang may-ari ng daan." Sabi ko kay Tita habang dinuduro ko 'yong lalaki.

Napangiti si Tita.

"Hijo." Sabi nito doon sa lalaki.

"Oh bakit?!" Napanganga ako bigla. Aba! Bastos!

"Pag pasensyahan mo na 'tong si Rainne."

Tita for your info po hindi po ako ang may kasalanan! Siya!

"Whatever." Pagkasabi 'non ay tinalikuran niya si Tita. Hindi manlang marunong gumalang?! Sobrang nakakainis 'yung lalaking 'yun. Bakit ba ang malas ng simula ng araw ko ngayon? Grr!

"Tita pasensya na. Hindi ko po akalain na ganun kabastos ang lalaking 'yon. Sorry po." Nahihiyang sabi ko. Nakakahiya naman talaga kasi. Nadamay pa siya.

"Ok lang hija. Oh, sige. Umuwi ka na." Nakangiting sabi n'ya.

Nagpaalam na ako sa kan'ya at saka nakipag-beso. Naglakad na s'ya papasok ng bahay nila. Pumasok na din ako sa loob ng sasakyan ko atsaka muli iyong pinaandar.

Pinark ko ang sasakyan ko pagkadating ko sa bahay. Papasok na ako ng gate ng makita kong parang may mali? Bakit nakalabas lahat ng maleta ko?

"Bakit nakalabas lahat ng yan?" Tanong ko kay Manang Erna. Since, siya 'yong nakikita kong naglalabas ng lahat ng mga gamit ko.

"Ah, pinapalabas po ni Ma'am Ange. Pinaimpake n'ya po kanina kasi may pupuntahan daw po kayo."

"Nasan s'ya?" Tanong ko ulit dito. Hindi pa man s'ya nakakasagot ay lumabas na ang taong hinahanap ko mula sa loob ng bahay.

"Anong palabas 'to?"

"Sumakay ka at may pupuntahan tayo."

"Bakit naman ako susunod sayo?!" Nakapamewang kong tanong.

"Diba ayaw mo naman ako kasama? Kaya sumakay ka na, kasi alam kong magiging masaya ka, kasi sa pagdadalhan ko sa'yo, don, hindi mo na ako makakasama."

Baliw na ba siya? Kung anu-anong lumalabas sa bibig niya.

"Manang pakilagay na po sa likod ang mga gamit ni Rainne." Utos n'ya sa isa pa naming katulong.

Nang mailagay na lahat ng mga gamit ko ay agad n'yang pinaandar ang sasakyan. Saan naman kaya kami pupunta? Siguraduhin n'ya lang na maganda ang titirhan ko kasi kung hindi. Malilintikan siya sa'kin!

___
Thunder's Point of View.

Napainat ako ng matapos ako sa lahat ng mga ginagawa ko.

Natapos din sa wakas!

To be honest ngayon lang ako nagpasa ng ganito kadaming requirements. Senior high school na kasi ako pagpasok, hindi na katulad noong Junior High pa ako na pwede pa 'yong pa easy easy. Ayoko naman maghirap sa future ko at ayoko ng umasa pa kay Dad pag dating ng panahon.

Paglaanan na lamang n'ya ng pansin yung kabit n'ya. Tutal doon naman siya magaling.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay nagpahinga muna ako sandali. Pagkapahinga ko, naligo na ako at nagbihis. Pupunta ako sa bahay ng teacher na nagpapasa ng letseng requirements na'to!

Pagkababa ko, sakto wala na sina Dad saka 'yong kabit n'ya. Siguro ay may pinuntahan na naman. Napailing na lang ako.

Dumeretso na ako sa garahe para kuhain ko yung sasakyan ko.

"I'm so proud of you Mr. Yamamato. Ikaw pa lang nakakapagpasa ng mga requirements. Keep it up at ingat ka sa pag uwi mo." Sabi sa'kin nang teacher ko. Kung alam mo lang kung gaanong pagod ang ginugol ko para maipasa ko lang yan.

"Sige, uuwi na ako." Sagot ko sa kan'ya at muling tinungo ang sasakyan ko. Babawi ako sa tulog. Sobrang inaantok talaga ako.

Pagdating ko sa bahay. Nagulat ako ng makita kong nasa labas ang ibang maleta ko.

"Yaya bakit nakalabas ang mga gamit ko?!" Medyo naguguluhan kong tanong kay Manang Dee.

Anong meron? Nilalabas lang naman 'yun kapag may pupuntahan like vacations.

"Manang. Ako na dito." Lumabas si Dad mula sa pintuan.

"Bakit? Anong meron?"

"Sumunod ka lang sa ipapagawa ko,"

"Eh, bakit nakalabas lahat ng yan?" tinuro ko yung mga maleta ko.

Imbis na sagutin ako ay ibinaling n'ya ang kan'yang tingin sa driver namin. "Manong makikilagay sa sasakyan ang gamit ni Thunder." utos n'ya dito.

Nakaramdam ako ng kaunting kaba pero hindi ko pinahalata. Ayoko magmukhang kawawa sa harapan niya. Kahit gulong gulo ako ay nanatili akong chill sa kinatatayuan ko.

"Ikaw." tinuro niya ako. "Sumakay ka ng sasakyan. May pupuntahan tayo."

Sumakay ako sa sasakyan ng walang kaimik imik. Sumakay na din si Dad at sinimulan ng paandarin itong sasakyan.

Tahimik lang ang atmospera sa pagitan naming mag ama. Walang ni-isa sa aming dalawa ang gustong magsalita. Naisipan kong itulog na lang to kesa makipagpakiramdaman ako dito.

Nagising na lang ako at hanggang ngayon, nasa byahe pa rin kami. I have no idea kung bakit parang ang layo ng pupuntahan namin.
"Dad. San ba tayo pupunta?" Tanong ko.

Hindi na ako nakatiis pa na magsalita. Okay! Talo ako! Pero ang nakakainis lang! Hindi sya nagsalita o nagbitaw ng kahit anong salita. Naguguluhan na talaga ako.

Hindi ko na din alam kung anong lugar 'tong dinadaanan namin. Medyo unfamiliar na ang mga dinadaan. Nagsimula na akong magisip ng mga bagay na pwedeng mangyari. Bagay na sa tingin ko ay hindi maganda. Pero, teka? Ito ba 'yong pinag-uusapan nilang dalawa kanina?

___
Derek's Point of View.

"Good morning, Derek." He wears his sweetest smile when he saw me. Bigla tuloy akong nag-isip kung ano bang nakain ni Dad kung bakit ang saya niya yata ngayon.

"Dad. Tinawagan nga pala ako ni Philippe kanina. He asks me something. Kung may nasabi ka na daw sa'kin. I have no idea on what he's talking about. May dapat ka bang sabihin sa'kin?" I asked as I sat down. Naalala ko kasi yung pag-uusap namin ni Phillipe kanina.

"Huh? Anong may hindi sinasabi?" Ito na naman sya. Maang-maangan na naman. Hindi ko alam kung dala ba 'yun ng katandaan o talagang sinasadya n'ya lang!

"Nakausap ko kanina si Philippe. At nabanggit nya about sa retreat house daw?"

"Ah. 'yun ba? Good thing nasabi na sa'yo ni Phillipe. Hindi na ako mahihirapan magpaliwanag pa sa'yo." Sabi n'ya kasabay ng pag-inom ng kaniyang kape.

"So, seryoso ka? Are you really going to sent me on that boring retreat house? Alam mo ang ugali ko di'ba? Hindi mo ako mapapatira sa ganung uri ng bahay!"

"Yes! That's the reason. Kasi kilala kita. Alam ko ang ugali mo at hindi ko nagugustuhan 'yun. There's a certain reason why I want you to be on that place."

"Then tell me what's your reason is!" I shout.

"Dont be so excited son. Mag bihis ka. At ito ang araw na yun."

Agad nangunot ang noo ko. "B-bakit ngayon? N-no." Nakuyom ko ang kamao ko. Ano bang iniisip niya at papatirahin niya ako doon?

"Maligo ka na and I will tell to Manang Teressa na ilabas na 'yung ibang gamit mo para hindi ka na mahirapan." Sabi pa n'ya at muling humigop ng kape.

"Dad let's talk about this. M-may problem ka ba sa ugali ko? T-tell me kung ano 'yun. B-babaguhin ko Dad. Wag nyo lang ako ipadala doon." I can't believe na nakaluhod na ako ngayon sa harapan niya. "I will do everything you want."

Hinawakan niya ako sa dalawang balikat upang itayo. "Son alam kong alam mo ang sinasabi ko. Dont worry. Hindi ka naman mapapasama. Malalaman mo rin kapag nandun ka na, na ginagawa ko 'to para sa'yo."

"I dont understand Dad! Bakit kailangan mo akong patirahan doon! Dahil ba sa ginagawa kong pananakit sa mga kapatid ko? They dont deserve my kindness, Dad! Hindi ko naman sila kadugo!" Hindi ko na napigilan ang sigawan siya.

"Just trust me, son."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or magagalit sa sitwasyon ko ngayon. Matapos kong malaman na isang taon pala akong titira sa retreat house na yun!

Bakit ngayon niya lang 'to sinasabi? Bakit hindi pa dati? Para naman nahanda ko ang sarili ko.

Mas ginusto n'yang makasama ang mga ampon n'ya sa bahay? Kesa sakin? That's kind of bullshit!

"Son. Wag ka mag alala hindi ka maboboring dun. Madami kang makakasama."

"What the fuck, Dad! It's just a boarding house at sasabihin mo na madami pa kaming titira doon?" Bigla naman s'yang napatawa sa inasal ko. Ano namang nakakatawa?

"Don't worry. Mga katulad mo rin ang makakasama mo and I'm sure mag eenjoy ka." Anong katulad ko? Praning na ba s'ya? Kung ano ano pinagsasasabi. Makakapag-enjoy ba ako doon kung ngayon palang na naiisip ko ay naiinis na ako?

"What do you mean?"

Hindi na s'ya sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa labas. Pinagmasdan ko na lang bawat lugar na madadaanan namin. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

___

Aviana's Point of View.

Okay. Mukhang nabili ko na lahat ng mga kailangan ko. Pwede na siguro akong umuwi nito. I walked toward my precious car and replace my things. Sa bahay na siguro ako kakain.

Mabilis lang akong nakarating at ngayon ay naglalakad na papasok ng mala-mansyong bahay namin. Pero, laking gulat ko ng makita ko ang taong kinatatakutan ko. His stare was so cold! And I know, this is not going to be good!

"D-dad."

"Sit down!"

Sinasabi ko na nga ba. Maagap akong naglakad papasok at naupo sa harapan niya. Naabot ng mga mata ko ang nakatayong si Mom kasama ang bagong yaya na kanina lang ay pinaliguan ko ng kape.

"You know that I'm busy person right?" He asked me.

I nodded.

Alam kong busy siyang tao. At alam ko rin na kapag pumunta siya dito ay may gagawin siyang hindi maganda.

"How many times did I tell you na huwag ka ng mananakit ng Yaya natin? Natatandaan mo pa ba kung ilang beses na?"

Hindi agad ako nakapagsalita at dahil doon. Bigla niyang hinampas ang lamesa!

"N-no, dad. H-hindi ko na po alam kung i-ilan." I hate it when I started to get scared. I cut my words at nagmumukha akong tanga dahil doon!

"You're already reached your limits. I should punished you!"

And there he goes!

"Pack your bags. Now!"

"W-what?

"Hindi mo ba ako narinig? I said, pack your bags!"

What is happening?! Papalayasin na ba ako dito? N-no!

"N-no, Dad! A-ayaw ko!"

Dahil sa sinabi kong iyon ay mukhang mas nagalit pa siya. Bigla niya akong hinila sa kamay at kinaladkad papasok sa loob ng kwarto ko.

"Huwag mong hintayin na ako pa ang mag-impake ng gamit mo, Aviana!" Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto.

Naiiyak kong binuksan ang wardrobe ko atsaka isa isang inilagay ang mga gamit ko sa maleta. Hindi ko alam kung paano ako natapos at ngayon ay ibinababa ko na ito sa hagdan.

Naabutan ko sila sa labas. Tinulungan pa ako ni Dad na ipasok ang dala ko sa sasakyan.

"Get inside!" Utos niya sa'kin kaya wala na akong nagawa pa. Pumasok na ako sa loob habang pinipigilang umiyak.

What is happening?

___
Philippe Point of View.

Dahil sa sinabing 'yon ni Dad. Ito ako ngayon. Nag-iimpake ng mga gamit.

Wala akong makuhang idea kung bakit kailangan niya akong palayasin dito. Hindi na siguro siya masaya na kasama ako. Sino nga bang tangang magulang ang gugustuhing magka-anak ng katulad ko?

Nang matapos ako ay isa isa ko nang inilabas sa kwarto ang mga gamit ko. Nakita ko silang nagkakainan kasama ang ilang bisita.

"Phillipe, come here. Let's take some pictures." tawag sakin ni daddy.

"Go ahead." I replied.

Gusto kong matawa. Anak ba talaga ang turing niya sa'kin? Kung ako kasi tatanungin, mukha kasing hindi. Hindi ko naranasan maging anak niya kahit minsan. Mas mabuti na rin siguro na mawala na talaga ako dito para hindi ko na sila makita.

Maya maya ay lumapit na sa direksyon ko si Manong. Siya ang maghahatid sa'kin sa bago kong titirhan.

"Sir tara na po?" pag-aaya niya sakin. Tumango naman ako. Pero bago ako sumakay, tumingin muna ako sandali sa pamilya ko or should I say sa pamilya nila.

They look so happy even without me.

"Manong, tara na." Tuluyan na akong pumasok sa loob ng sasakyan bago pa ako mainggit ng tuluyan.

"Manong pakigising po ako kapag nandun na tayo." Sabi ko kay Manong. Matutulog muna ako, sa tingin ko kasi malayo ang paglilipatan ko.

"Okay po sir."

"Sir.. Sir.. Nandito na po tayo."

Sunod sunod na yugyug ang nagpagising sakin.

"Manong. Sabi ko gisingin niyo lang ako. Hindi yugyugin."

"Eh, sir. Hindi naman po kayo nagigising eh." Pakamot kamot niyang sabi.

"Nandito na ba tayo?"

Tumango naman siya kaya bumaba na ako ng sasakyan. Inikot ko ang paningin ko. Gusto kong makita kung anong klaseng bahay ba ang paglilipatan ko.

Well, sa tingin ko. Parang gusto ko ng bumalik ulit sa bahay.

"Sir tara na po sa loob."

Napailing na lang ako at wala nang nagawa kun'di ang kuhain ang gamit ko at sumunod sa kaniya papasok. Pero, bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko ay bigla kong naramdaman na may bumunggo sa'kin at nang makita ko kung sino ay nagulat ako.

A girl?

"Okay ka lang ba?" I asked her and give my hand to her para makatayo siya. Pero nagulat ako ng bigla niya itong hampasin at derederetsong pumasok ng boarding house.

Ang sungit!

Continue Reading

You'll Also Like

398K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
34.4K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
51.4K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞