Psycho next door

By Serialsleeper

4.3M 204K 106K

Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them... More

Prologue
1 : The fighter
2 : The two sides of the shield
3 : The Director
4 : The wretched
5 : The thing about crowns and daggers
6 : Combat Night
7 : The vulture
8 : The Task
9 : The other side
10 : The Repercussion
11 : The Puppeteer
12 : Tables Turned
13 : The Anchor
14 : The leader of the wretched
15 : Mischief
16 : Salvo
17 : The Wake
18 : Behind enemy lines
19 : The devil's children
20 : Freaks
21 : Fight now, cry later
22 : On the way
23 : Mark my words
25 : Survivors
26 : Criminals
27 : The Annihilator
28 : The Other Side
29 : Alison
30 : Kleya is a Gun
31 : This is how I fight
32 : Fragile
33 : Connections
34 : I will protect you
35 : A sigh
36 : The last straw
37 : Facade
38 : Deadly Consequences
39 : Moral Compass
40 : Daddy's little Psycho
41 : Army of evil
42 : The Truth that hurts
43 : Family ties
44 : The Guardian
45 : The Missing Piece
46 : The only thing that matters
47 : Gaslight
48 : The should haves
Epilogue 1 of 2
Epilogue 2 of 2

24 : Never leave my sight

77.3K 3.7K 2.6K
By Serialsleeper



24

Never leave my sight

Kleya


        "I hate you," pabulong ngunit nanggagalaiti kong sambit habang inaalalayan nina Miller si Tasha sa pag-akyat sa airvent na nasa kisame.

        "I know," kaswal na tugon ni Miller na mukhang wala nang takot sa akin.

        "Shhh," sita sa amin ni Shaun habang palinga-linga sa paligid, sinisigurong walang ibang nakakakita sa amin.

        "Why did you even do that? You have no right to do that," giit kong muli habang pinanlilisikan siya ng tingin. First kiss ko yun! No one has the right to kiss me! I'm the only one who has a right to kiss myself and I can't even do that so how come he did?!

       Humarap si Miller sa akin, walang kaemo-emosyon sabay lahad ng kanyang kamay upang kargahin ako at matulungan sa pag-akyat sa kisame.

        "I don't need your help, " winakli ko ang kamay niya at tinulak siya palayo. Tumalon ako at kumapit sa entrada ng airvent ngunit nang akmang iaangat ko na ang sarili ko ay bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa bandang leeg ko dahil sa kagat na tinamo ko rito. Naramdaman ko ang paghawak ni Miller sa bewang ko, gustuhin ko man siyang sipain dahil sa inis, hinayaan ko na lamang siyang tulungan ako sa pag-akyat sa kisame.

        Malaki-laki ang airvent kaya nang makaakyat at makapasok ako sa loob nito, nagawa kong lingunin si Miller. "If the freaks won't kill you, I will. You made a big mistake, you dumb prick." Pinanlisikan ko siya ng tingin pero ngumiti lamang si Miller nang tipid at ibinalik niya ang rehas na takip ng airvent sa harapan ko. "You're not getting away with it," banta kong muli.

        "'Wag kang mag-alala, paninindigan ko naman ang ginawa ko sa'yo. Mag-uusap tayo pagkatapos nito, pangako," aniya kaya mas lalo pang namilog at nanlisik ang mga mata ko, lalo na dahil sa ngiti na nasa mukha niya. Iniinis niya ba talaga ako?!

        "You're making me want you to die," giit ko.

         "Good," lalong ngumiti si Miller.

         "Shhh!" sitang muli ni Shaun sa akin kaya siya naman ang pinanlisikan ko ng tingin.

         "Kleya, tara na," tinawag ako ni Tasha.

         "Don't let them get to you," sambit muli ni Miller at mula sa espasyo ng rehas ay inabot niya sa akin ang isang stick sa arnis na nilagyan niya ng kutsilyo sa dulo.

        "I'll kill you when I see you again," sabi ko na lamang sa pagtanggap nito.

        Hindi ko alam pero may parte sa isipan kong gustong manatili. Nagdadalawang-isip akong umalis. Sa di malamang dahilan, mabigat sa kalooban ko ang nangyayari at hindi ko ito maintindihan. Ano bang nangyayari sa akin?

        "But both of you... don't die," bilin ko na lamang at kahit may pag-aalinlangan, umikot ako at sumunod kay Tasha at sa iba pang babaeng kasama namin.

***

        "Calm down, don't hyperventilate," sabi ni Tasha sa babaeng nasa unahan namin. Ang bigat kasi ng hininga niya habang gumagapang. Hindi naman masyadong masikip dito sa airvent, ba't ba ang ingay-ingay niya?

        "Shh," sita ko na lamang kay Tasha kasi dahil sa pagsasalita niya, baka may makarinig pa tuloy sa amin.

        "Don't shh me!" pabulong niyang giit at bahagya pa akong nilingon.

        Pinisil ko na lamang ang ankle niya at pinanlisikan siya ng tingin dahilan para mapa-aray siya. "Shut-up and crawl, flower head," giit ko pero tinangka lamang niyang sipain ang mukha ko na kaharap lang ang marumi niyang sapatos. Nakailag ako sa sipa niya kaya muli kong pinisil ang ankle niya at mas diniinan pa ito dahilan para muli siyang mapa-aray. Imbes na gantihan ako, lumingon siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Sinenyasan ko siyang magpatuloy sa paggapang kaya sa huli ay nagpatuloy na lamang siya.

        Gapang lang kami ng gapang, sumusunod sa babaeng nasa unahan. Nakalimutan ko ang pangalan niya pero sabi ni Shawn matagal na raw ang babae rito kaya siya ang pinauna nila. Napakaraming paliko-likong daanan sa loob ng vent, may mga daanan pa sa ibabaw, hindi ko ito maintindihan pero siguro papunta ito sa mas mataas na palapag ng Cosima. Litong-lito ako sa daraanan kaya sumusunod na lamang ako sa kanila.

        Napakainit, mahirap huminga, nakaka-miss ang sariwang hangin sa labas. Masakit narin sa katawan ang sobrang paggapang.

        Habang tumatagal, nagsisimula kaming makarinig ng isang ingay—para bang may iba pang gumagapang sa loob ng vent maliban sa amin.

        "You guys hear that?" huminto ako sa paggapang.

        "Nothing," sagot ni Dora, este Ruella, na nasa harapan ni Tasha.

         "What the heck are you doing? Don't stop crawling," sita sa akin ni Tasha.

          "No, seriously. I can hear something," giit kong muli at pinakiramdaman nang maigi ang paligid. May naririnig akong mga kaluskos at paghinga, mas mabibigat, mas mabibilis.

          Lumingon muli Tasha sa akin at napatingin sa akin. Napatingin din ako sa kanya at nakunot ang noo ko nang mapansin kong namimilog ang mga mata ni Tasha—para siyang gulat at takot habang nakatingin sa likuran ko.

        "Oh, bullspit," walang emosyon kong bulalas kasabay ng paggalaw ng labi ko sa isang ngiwi.

        "K-kleya," suminghap si Tasha. 

         Unti-unti akong lumingon at otomatiko akong napasigaw nang makita ang isang lalake mabilis na gumagapang patungo sa akin. Para itong isang aso sa sobrang bilis. Humawak ito sa binti ko, binuksan nito ang bibig niya dahilan para makita ko ang nagtatalimang metal sa kanyang bibig.

         "Not again!" Napatili ako at sa sobrang taranta ko ay nagpumiglas ako at pilit na tumayo. Nawala sa isipan kong nasa loob kami ng isang vent kaya nauntog ang ulo ko nang napakalakas dahilan para makaramdam ako ng hilo. Hilong-hilo man, nagpumiglas ako at nagsisipa. Pilit kong sinasaksak ang lalake gamit ang arnis stick na binigay sa akin ni Miller.

         "Kleya! Kleya!" Naririnig kong sumisigaw si Tasha at ang iba pa.

         Narinig kong tumili ang babaeng nasa pinakaunahan namin at nakita kong may mga kalaban naring sumasalubong sa kanila mula sa kabilang direksyon. Nagkagulo kaming lahat nang mapagtantong napakarami ng mga kalaban sa loob ng vent kasama namin.

        "Dito!" Narinig kong sumigaw si Ruella at umakyat siya sa isang masikip na daanan na nasa ibabaw niya.

         Sa sobrang pagpupumiglas ko, bigla kong naramdaman ang pagguho ng kinahihigaan ko.

        "Kleya! No!"

         Kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa malamig na sahig ang pagkarinig ko sa sigaw ni Tasha.

****

          Hindi ako makahinga kaya otomatiko akong napadilat at nagpumiglas. Nakita kong may taong nakaupo sa tabi ko at pisil niya ang ilong ko. Agad niya akong binitawan nang makitang gising na ako.

         "Dahan-dahan lang, baka mas lalo kang mahilo." Narinig ko ang isang mahinang boses. Sa kabila ng sinabi niya, agad akong naupo at tama nga siya—parang umikot ang mundo ko sa sobrang hilo at parang babaliktad na ang sikmura ko.

         "Hold this, it will stop the bleeding," sabi muli ng pamilyar na boses sabay dampi ng isang tela sa noo ko.

        Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Hindi sapat ang emergency lights sa kisame para maging maliwanag ang buong paligid pero sapat ito upang maaninag ko ang mukha ng taong nasa harapan ko. "L-ledory?" bulalas ko nang mapagtantong siya ang nasa harapan ko.

         "W-where are we? What happened? The freaks, where are they?" mabilis kong bulalas at agad na nilibot ang paningin ko.

          "Nakita kong nalaglag ka sa kisame kaya kinaladkad kita patungo rito. 'Wag kang mag-alala, walang nakasunod sa atin," bulong ni Ledory.

        "S-sina Tasha, asan sila?" pabulong kong tanong pero umiling lamang si Ledory.

          "Narinig ko silang nagsigawan pero hindi ko na alam anong nangyari sa kanila. Ikaw lang ang nakita kong nalaglag mula sa kisame," giit ni Ledory. Nakasuot siya ng pantulog at di gaya ng iba, walang bahid ng dugo ang damit niya.

          Sa tulong ni Ledory, tumayo ako at nagtaka ako nang mapansin ang isang kama sa likuran namin. Sa tabi nito ay isang mesa at may nakapatong pang mga pinggan dito.

         "A-akala ko inilayo ka nila sa Cosima?" tanong ko.

          "Shh, they can't see us here but they could hear us," bulong muli ni Ledory habang nakahawak sa braso ko. Nagsimula akong maglakad ngunit nagtaka ako nang mapansing parang napakasikip ng silid at wala akong nakikitang pinto. Siguro nahihilo parin ako.

         "Let's get out of here," giit ko pero bigla akong hinarang ni Ledory at hinawakan niya ang magkabila kong kamay.

        "No," umiling si Ledory. "Kleya, we're safer here. Dr. Muerte can see us but we can see everything," pagdidiin ni Ledory. Mariin kong tinitigan ang kanyang mga mata at wala akong ibang nababasa rito kundi matinding takot.

         "Ledory listen to me," maotoridad kong sambit sabay punas ng dugong umaagos parin mula sa sugatan kong noo. "Ledory, Dr. Muerte is not a problem now. Our problem is those freaks outside and part of Cosima is already burning. If we stay here, we'll be trapped, we'll perish, we'll die. Do you understand?" pagdidiin ko naman habang pilit na hinihinaan ang boses ko.

         Umiwas si Ledory ng tingin at napatulala. Lumuwag ang hawak niya sa akin at para siyang nanlambot.

        "I'm safer here, Dr. Muerte can't see me. I'm safer here, Dr. Muerte can't see me. I'm safer here, Dr. Muerte can't see me," paulit-ulit na sambit ni Ledory pero mukhang hindi para sa akin ang kanyang sinasabi, parang sinasabi niya ito sa sarili niya. Para niyang kinukumbinsi ang kanyang sarili.

        "Ledory, come with me. We have to go." Hinawakan ko ang braso ni Ledory ngunit mabilis niya itong winakli. Napatingin siya sa akin, nanlilisik ang mga mata sa galit at mukhang isang hayop na gusto akong sakmalin.

        "I'll stay here. I'm safer here, Dr. Muerte can't see me but I can see him," muli, paulit-ulit at tila ba wala sa sariling sambit ni Ledory. Sinusubukan kong magsalita ngunit ayaw niyang tumahimik kaya kahit nagsasalita pa siya, sumasabay ako sa pangungumbinsi sa kanya.

         "Ledory i won't force you to come with me but I'll give you the choice. You can stay here and wait for death or you can come with me and fight against death," muli kong giit saka tinangka siyang hawakan muli sa braso pero gaya ng nangyari kanina, winakli na naman niya ang kamay ko at paulit-ulit siya sa pagsasalita.

        "I-I guess you made your choice then." Kung ako ang masusunod, ayokong iwan dito si Ledory. Pero ito ang kagustuhan niya. Mahalaga ang bawat segundo, wala akong oras na dapat aksayahin. Kung sapilitan ko siyang isasama, mahihirapan lang ako sa kanya.

        Desisyon ito ni Ledory. Kagustuhan niya ito.

        "Just please, try not to die. I don't want you to die," bilin ko na lamang sa kanya. Nang akmang maglalakad na ako palayo mula sa kanya, bigla kong naalala ang baril na iniwan ni Lauren sa akin. Dali-dali ko itong nilabas mula sa bulsa ko at ipinatong ito sa mesa. "If someone tries to harm you, just aim and shoot. It's your life, don't let others take it away."

***

         Ilang minuto na akong tumatakbo-takbo pero hindi ko parin nahahanap ang pinto. Hindi nakakatulong sa akin ang limitadong liwanag na binibigay ng emergency lights sa kisame. Saan ba ako dinala ni Ledory at wala akong mahanap na pinto?

        Hindi nagtagal, bigla kong napansin si Tasha na nakatayo sa gitna ng isang pasilyo at mukhang litong-lito. Nag-iisa siya at mukhang hindi niya alam saan pupunta.

         Gusto kong sumigaw at kunin ang atensyon niya ngunit baka makuha ko lang ang atensyon ng mga kalaban. Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya ngunit nagulat ako nang bigla akong napangga sa isang napakatigas na bagay, sa sobrang lakas, muli akong bumagsak sa sahig—hilo at lito.

        "T-tasha?" bulalas ko ngunit tumingin lamang si Tasha sa direksyon ko na para bang litong-lito. Parang hindi niya ako nakikita...

        Pilit akong tumayo sa kabila ng labis na pagod. Dahan-dahan akong lumapit kay Tasha hanggang sa mapansin ko ang isang bagay na pumapagitna sa aming dalawa—isang salamin. Hindi ako nakikita ni Tasha, pero ako, kitang-kita ko siya.

         "Tasha," sambit ko. Mas malakas sabay katok sa salamin. Ngunit sa kabila ng ginawa ko, parang hindi niya parin ako naririnig. Nilakasan ko ang pagkalampag sa salamin ngunit wala paring nangyari. Sa huli, wala akong nagawa nang bigla na lamang tumakbo palayo si Tasha.

        I hope she doesn't get herself killed! She's way too stupid in this dangerous place!

        Kahit nakaalis na si Tasha, pilit ko paring kinalampag ang salamin. Hindi ko na alam saan ako pupunta o dadaanan, para akong na-trap sa isang lugar na hindi ko alam saan. Kinalampag ko ito nang kinalampag hanggang sa bigla na lamang sumulong ang isang bahagi ng salamin—nahanap ko na ang daan palabas!

        Dali-dali akong lumabas mula rito at tinulak pabalik ang salamin sa kinalalagyan upang walang ibang makahanap kay Ledory. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, dali-dali akong nagtatakbo patungo sa daan kung saan ko nakita si Tasha na dumaan.

        Habang tumatakbo, laking gulat ako nang bigla akong may nakasalubong mula sa kaliwang direksyon. Agad akong napaangat sa mga kamay ko nang makita ko ang baril na nakatutok sa akin. "Whoa! It's me! It's me!" Bulalas ko bago pa man nila ako paputukan.

        "Kleya?!" Gulat na bulalas ni Lauren at agad niyang ibinaba ang baril. Duguan ang kanyang mukha habang hawak ang kamay ng umiiyak na si Ruella, kasama nila si Cloud na duguan din. "I told you to stay in the car!" Galit na bulalas ni Lauren kasabay ng paglagaslas ng dugo mula sa pisngi niyang natutuklap na halos ang balat.

         "Y-your face," Napasinghap ako nang dahil sa sugat sa pisngi niya. Nakakapanlumo. Nakakapanghina. Pero sa kabila nito ay nakakahanga siya dahil tila ba hindi niya ito iniinda.

        "Asan si Tasha?" bulalas ni Cloud.

        "I-I saw her run that way!" giit ko sabay turo sa daang pinanggalingan nina Cloud. Siguro nagkasalisi lang sila sa mga pasilyo.

        "Go back to the car and get away from here as fast as you can! Ako na ang bahala kay Tasha at sa iba pa! Umalis na kayo rito! Cloud get them away from here!" Mabilis at maotoridad na sambit ni lauren, hindi alintana ang malaking sugat sa kanyang mukha. Biglang napatingin si Lauren, ang kanyang mga mata ay tila ba inuudyok akong pakinggan ang bawat salitang lalabas mula sa kanyang labi. "Call your mom! Leave! Go to the Riverbank and Find Python, but don't let Python find you! Protect each other!"

        Naiwang nakaawang ang bibig ko. Bago pa man ako makapagtanong, bigla na lamang hinigit ni Lauren ang kamay ko at sa isang mabilis na galaw, hinila niya ako patungo sa kanyang likuran. Napatakip na lamang ako nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

        "Run!" sigaw ni Lauren kasabay ng walang habas niyang pagkalabit sa gatilyo; kasabay ng sunod-sunod na putok ng baril.

        Naramdaman ko ang pagbitaw ni Lauren sa akin. Dalawang kamay niyang hinawakan ang kanyang baril habang pinapatamaan ang sandamakmak na mga kalabang tumatakbo patungo sa direksyon namin. Napakarami nila, para silang mga hayop na aatake sa amin.

        "Tara na!" Narinig kong sumigaw si Cloud at siya naman ang marahas na humigit sa braso ko. Kumaripas si Cloud ng takbo habang hinihila kaming dalawa ni Ruella. Parang na-blanko ang isipan ko nang makita ang dami ng mga kabataang tumatakbo patungo sa direksyon namin, nakikita ko ang usok at kahel na liwanag na lumalabas mula sa baril.

        "Run!" sigaw muli ni Lauren kaya tumakbo ako kasabay ni Cloud at Ruella ngunit hindi ko naiwasang lumingon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makitang nagpaiwan si Lauren, nanatili siya sa kinatatayuan habang patuloy na binabaril ang mga kalaban. Naging mabagal ang bawat sandali para sa akin, nakasentro lamang ang paningin ko kay Lauren.

        "Lauren!" Napakarami kong gustong sabihin, napakarami kong gustong isigaw. Gusto kong patakbuhin si Lauren. Gusto ko siyang murahin dahil sa katangahang ginagawa niya. Gusto ko siyang balikan at kaladkarin kasama namin ngunit tanging ang pangalan lang niya ang nagawa kong isigaw habang tumatakbo kami palayo.

***

Tasha


         Para akong nabunutan ng tinik nang tuluyan kong marating ang silid namin ni Kleya. Mabilis akong pumasok, hindi magkamayaw ang dagundong ng puso ko dahil sa labis na kaba. My hands are trembling, adrenaline is rushing over my veins.

        Nagkahiwa-hiwalay kaming lahat sa air vents kanina. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanila pero kilala ko si Kleya—sigurado akong buhay siya at nakikipaglaban parin para sa buhay niya. She's the toughest person I know, I shouldn't worry about her. She's okay. I believe in her. She's a fighter.

         Kinuha ko ang backpack na nasa ilalim ng kama ko at dali-daling binuksan ang aparador ko. Agad na bumungad sa akin ang kahon kung saan naroroon ang mga flower crowns ko at mabilis ko silang isinilid sa loob ng backpack ko. Nang maubos ang mga flower crown sa lalagyan, sumambulat sa akin ang cellphone at wallet ko na matagal ko nang hindi nagagamit. Inilagay ko ito sa bag ko. Aalis na sana ako pero naagaw ng atensyon ko ang isang picture frame sa ibabaw ng kama ni Kleya –litrato ito ng mga Wretched. Sa litratong ito, nasa gitna si Kleya at nakaakbay pa sa kanya sina Miller at Baldwin. Kahit hindi sinasabi ni Kleya alam kong mahalaga para sa kanya ang litratong ito. Minsan ay nakikita ko siyang pinagmamasdan ang litrato. Ayaw lang niyang aminin pero alam kong napamahal na siya sa mga wretched at tinuturing niya itong mga kaibigan.

         Kinuha ko ang picture frame at isinilid ito sa loob ng backpack ko. Aalis na sana ako ngunit bago ko pa man tuluyang mabuksan ang pinto, nagulat ako nang bumukas ito bigla at dahan-dahang pumasok ang isang lalakeng pamilyar ang mukha.

         "N-ninong?" Napasinghap ako sa gulat at sa puntong iyon ay binalot na ako ng sindak.

         Nasa harapan ko si Ninong. Nakatingin siya sa akin habang may ngisi sa kanyang mukha. Hindi gaya kanina, hindi niya kasama si Ninang—mag-isa lamang siya. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakakasuka ang mga titig niya.

        "N-no..." Sa sobrang takot ko ay halos wala nang lumabas na boses mula sa bibig ko. Nagsisimulang lumuha ang mga mata ko dahil sa labis na takot. Gusto kong tumakbo ngunit hindi ako makagalaw. Nakakakilabot ang ngisi sa kanyang mukha. Ngunit hindi gaya ng mga kabataang umatake sa amin, normal ang hitsura ng kanyang mga ngipin.

        Lalong lumaki ang ngisi sa mukha ni Ninong at laking gulat ko nang bigla siyang tumakbo papalapit sa akin. Napatili ako sa sobrang takot at agad na umiwas ngunit mabilis niya akong nahila at naitulak sa kama.

         Tinangka kong magpumiglas at lumayo ngunit higit siyang mas malakas kesa sa akin. Mabilis siyang pumaibabaw sa akin at itinakip niya ang malamig niyang kamay sa bibig ko. Impit akong napapatili habang nagpupumiglas pero mas dinidiin niya ang palad sa bibig ko. Nahihirapan akong huminga. Nalilibing ako sa sarili kong kama.

         Lalo akong napaiyak at nagpumiglas nang maramdaman ko ang isa pa niyang kamay na humahaplos sa hita ko. Lalo pang tumindi ang kilabot at gimbal ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko, "Napakaganda mong pagmasdan; ang kutis mong perpekto at hubog mong kaaya-aya. Gusto kong ako mismo ang tumapos sa iyo. Gusto kong titigan ang mapupungay mong mga mata habang hawak ang puso mong tumitibok sa huling sandali. Nakakatuwa kang pagmasdan nang buhay, siguro mas nakakatuwa kang pagmasdan habang tinatakasan ng buhay." Lalo akong na pa akong napatili at naiyak dahil sa narinig.

        Gamit ang natitira kong lakas at hininga, pilit akong tumili at nagsisipa. Laking gulat ko nang bigla na lamang umangat si Ninong mula sa akin. Dali-dali akong gumapang palayo at sa puntong iyon ay nakita kong nakatayo si Wolfgang sa likuran ni Ninong at buong lakas niya itong sinasakal mula sa likuran.gamit ang sariling mga braso.

         Napahagulgol ako dahil sa labis na galit at takot. Parang sasabog na ang puso ko dahil sa labis na silakbo.

        Pilit na nagpupumiglas si Ninong pero higit na mas malakas si Wolfgang. Nakatitig lamang sa sahig si Wolfgang habang kagat ang ilalim na parte ng kanyang labi. Wala akong ibang nakikita sa mukha ni Wolfgang kundi galit... napakatinding galit.

        Napatakip ako sa bibig ko kasabay ng pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang pagpupumiglas ni Ninong hanggang sa bumagal ang kanyang galaw, para siyang namimilipit at unti-unting nanghihina. Nagsisimulang tumirik ang mga mata ni Ninong at nagiging kulay ube ang kanyang mukha pero hindi parin humihinto si Wolfgang, napakahigpit parin ng bigkis ng braso nito sa leeg ni Ninong.

         Makaraan ang ilang sandali, biglang binitawan ni Wolfgang ang lupaypay na katawan ni Ninong at hinayaan itong bumulagta sa sahig. Mula sa sahig ay nag-angat ng tingin ang mga mata ni Wolfgang, kinilabutan ako nang magtama ang mga mata namin. Nakakatakot ang galit na nababasa ko sa kanyang mukha. Paano niya nagawa iyon? Hinang-hina pa siya kanina! 

        "Are you okay?" tanong ni Wolfgang. Lalo pa akong kinilabutan dahil sa walang kaemo-emosyon niyang boses. Malayong-malayo ito sa Wolfgang na palabiro at parang baliw kung kumilos noon.

        Tumango-tango ako at agad na pinunasan ang luha mula sa pisngi ko. Ibinalik ni Wolfgang ang tingin kay Ninong na nakahandusay sa sahig at laking gulat ko nang walang habas niyang tinadyakan nang paulit-ulit ang ulo nito.

         Makalipas ang ilang sandali, tumigil si Wolfgang sa ginagawa at pinunasan niya ang dugo ni Ninong na tumalsik sa kanyang mukha. Lumingon sa akin si Wolfgang at inilahad ang kamay niya. "Never leave my sight again."

        Kusa akong napahawak sa kamay ni Wolfgang at bumaba ako mula sa kama. Agad akong napasinghap nang makita ko ang ngayo'y yuping-yupi nang ulo ni Ninong. Nagkalat ang dugo sa sahig at pati na ang mga ngipin nito.

        Agad akong umiwas ng tingin at bigla kong nakita ang Bow and Arrow na nakalagay sa gilid ng aparador ni Kleya.

        "Tara na," bualalas ni Wolfgang.

****


Kleya


        "Asan si Wolfgang?!" bulalas ni Cloud nang makalabas kami mula sa Cosima at makabalik sa kotse ni Lauren. Nakabukas ang pinto at wala kaming makitang palatandaan kung nasaan si Wolfgang.

         Nanlalambot parin ang mga paa ko. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naalala ko ang pagpapaiwan ni Lauren; ang pagtakbo ni Tasha palayo; ang pananatili ni Ledory; at ang pagpili nina Miller at Shaun na hanapin ang iba. Gusto kong makaligtas at mabuhay. Nandito na ako sa labas ng Cosima. May sasakyan at paraan kami upang umalis pero bakit ganito ang nararamdaman ko?!

        "Let's go! We have to go!" Tarantang sambit ni Ruella at tinulak niya si Cloud papunta sa driver's seat. Hinigit din niya ako papasok sa backseat kasama niya.

        "Shit!" Napahampas si Cloud sa dashboard. Umiiyak siya. "Shit bakit ba nangyayari 'to?!" Sigaw ni Cloud ngunit sa kabila nito ay kinuha niya parin ang susi na iniwan ni Lauren sa glove compartment.

        Lalong sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang pag-andar ng makina ng sasakyan. Pinaikot ni Cloud ang kotse at pinatakbo ito. Hindi ko napigilang mapalingon habang nagsisimula kaming lumayo mula sa Cosima. Pero habang lumalayo kami, bigla akong may nakitang tumatakbo palabas ng Cosima.

         "Cloud stop the car! Stop the car!" Napsigaw ako't nataranta. Mabilis namang hininto ni Cloud ang sasakyan. Dali-dali kong inilabas ang ulo ko mula sa bintana at pinanood sina Tasha at Wolfgang na tumatakbo patungo sa direksyon namin.



END OF CHAPTER 24!

Note: Follow me on twitter @serialsleeperwp  || Sleepy Buttowski on FB

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 92K 31
Meet Erald Castell, an aspiring evil mastermind who ironically joins the legendary QED Club. Cover art by IAMCHIIRE
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
695K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
4.7M 102K 32
Kingdom University Series, spinoff || Mahirap turuan ang puso na magmahal, lalo na kung sa simula ay wala ka namang feelings para sa kanya.