46TH ROSE || The Petition
- MICHELLE SUMASTRE -
"Please, don't make me worry again, class president."
Bahagya kong ipinilig ang aking ulo nung sumagi sa isip ko ang sinabi sa akin ni Nathaniel kahapon. Simpleng kataga lang iyon ngunit nagdala iyon sa akin ng malaking palaisipan.
Ginoo ko, naglibog dyud ko. (Panginoon ko, naguguluhan talaga ako.)
Huminga na lamang ako nang malalim at pinilit na lamang kalimutan ang nangyari kahapon. Ayoko kasing magmukhang naiilang kay Nathaniel, baka kung ano'ng isipin no'n at magiging assumera pa ang labas ko nito. Baka trip lang n'yang gawin 'yon at nag-jo-joke lang s'ya. Tama, gano'n lang 'yon. Minsan talaga maloko iyong si Nathaniel kahit madalas seryoso at authoritarian iyon kaya trip lang n'yang gawin 'yon para asarin lang ako.
Habang naglalakad ako papunta sa aming classroom ay agad na nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nakatayo roon. Pagkaaninag ko ay si Lynneth pala iyon.
"Ahm... hello," nahihiyang bati n'ya sa akin.
"Uy, Lynneth! Andito ka pala. Kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" tanong ko agad sa kanya.
Bahagya naman s'yang tumango. "Oo, okay lang ako. Nga pala, kaya ako nandito kasi... gusto kong magpasalamat sa inyo sa ginawa n'yong pagtatanggol sa akin kahapon. Hindi ko lubos maisip na magagawa ninyo 'yon ni President Gatcheco. Bukod do'n, gusto ko talagang magpasalamat sa iyo. Simula dun sa paglibre mo sa akin ng pamasahe hanggang sa pagtanggol mo sa akin kahapon, kahit hindi mo'ko kaano-ano, nagpapasalamat parin ako kasi bukas-loob mo iyong ginawa."
Ngumiti naman ako ng malapad sa kanya. "Naku, maliit na bagay lang 'yun. Tsaka, kahit sino naman gagawin 'yon."
Ngumiti naman s'ya sa akin. "Salamat talaga. Nga pala, papasok ka na?"
"Oo eh. Ayoko kasing ma-late lalo pa't medyo terror 'yung teacher naming Hapon."
"Ay, oo nga pala, si Mr. Ishigawa. Narinig ko ngang medyo terror nga s'ya. Hahaha. Kaya mo iyan!" nag-fist pump pa s'ya.
"Hay naku, sana nga. Hahaha. Sige, pasok na ako ah?"
Tumango naman s'ya bilang tugon.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng classroom namin at akmang aalis na rin si Lynneth nung biglang narinig ko ang boses ni Quia. "Michelle!"
Napalingon naman kaming dalawa sa kanya at kitang-kita ko pa ang paghingal n'ya. "O, Quia, bakit?"
Agad naman n'yang hinawakan ang dalawang balikat ko. "I heard what happened yesterday kaya agad akong umuwi from Macau para i-check ka. Okay ka lang ba?"
Napakurap naman ako ng tatlong beses bago s'ya sinagot. "O-Oo naman. Okay lang ako."
"Good to hear that. But it's not really the real issue here."
Nagtaka naman ako sa ekspresyon n'ya dahil puno iyon ng pangamba. "Bakit, Quia? Ano bang nangyayari sa'yo?"
"Hindi sa akin, kundi sa tatlong nambully sa inyo kahapon," agad naman n'yang hinawakan ang kamay ko. "You have to see this."
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Lynneth at agad kaming sumunod kay Quia.
Dinala kami ni Quia sa harap ng SSG Office at kitang-kita namin mula doon ang kumpulan ng mga schoolmates namin. Nasa gitna ng kumpulang iyon sina Tric at 'yung lalaking bumuhos sa akin ng pagkain kahapon. Teka, ano'ng nangyayari?
Agad namang lumapit sa aming tatlo si Chantal. "I don't know what happened yesterday but today isn't really that good."
Kumunot naman ang noo ko. "Teka nga muna, ano ba talagang nangyayari?"
"Please, don't do this to me King," narinig kong pagsusumamo ng lalaki sabay abot nung puting papel kay Tric.
"Do you think it's really that easy?" Tric showed his insulting lopsided smile. "I already told you all that you'll not bully someone unless if I'll say so. At nagkataon pang ginawa mo 'yun sa class president pa namin. What do you want me to do then? I'll let this thing pass? Hell will turn ice cold if I do so."
"Oh, no. Tric Marion Baek is really mad," Chantal tsked three times.
"Ano ba kasing nangyayari? Sabihin n'yo nga sa akin," naguguluhang tanong ko.
"Tric Marion Baek signed a petition to make Steven Misalucha expelled from this school, ganun din dun sa dalawang kaibigan nito," sagot ni Chantal.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa naging sagot n'ya. "Ha? Seryoso ka? Expel? Bakit? Hindi ba natin s'ya pwedeng pigilan?"
"At this state, hindi mo mapipigilan si Baek sa gusto n'yang mangyari. I bet hindi na rin magbabago ang isip n'ya kahit ano pa ang gawin mo. No one will ever block his way because he's the Empire Academy's King. And once Tric Marion Baek is mad, Tric Marion Baek is mad. All we have to do is to wait what will happen next," sabi ni Quia.
"Mas malala nga lang magalit si Raven kesa sa kanya. Nagiging violent kasi si Raven compared kay Tric. He can even kill someone out of forlorn madness though mas nakakatakot si Tric 'pag galit," Chantal nodded.
"Raven has an Anger Management Issue kaya malamang magkaiba sila ni Tric," ani Quia. "But Tric is a Demon King when he's mad."
Hindi na ako nakinig sa usapan ng dalawa at nanatili lang ang paningin ko sa dalawang lalaking nasa gitna.
"Please... I will do anything, King. Please, don't make me expel from this school," pagmamakaawa nung Steven.
Tric slightly tilted his head. "I was about to sue you from assaulting our class president. But I think it's too much so I'll make you expelled from this school instead. I bet you can't get a lawyer at this very moment. Narinig kong na-bankrupt 'yung company n'yo eh and your parents will no longer bring it up back the way it used to be. So, I bet you can't even pay for a lawyer because you're broke. So meaning, you're now a member of the Social Welfare Group. And what hurts my ego the most is naghahari-harian ka dito sa Empire Academy habang wala ako. You don't even have the authority to do so. So, how was it? Mukhang tapos na ang maliligayang araw mo. All you have to do is to pack up and accept that expulsion, fella."
Kakasuhan n'ya ng assault? Hindi naman ako binugbog nung Misalucha pero kakasuhan n'ya ng assault? Nabuang naman tingali ni si Tric!
Marahas akong napasinghap nung lumuhod si Misalucha at nagmakaawa sa kanya. Hindi ko na kayang panoorin na lamang ito.
Agad akong lumapit sa kanilang dalawa at pinilit itayo si Misalucha. "Tumayo ka na."
"'Wag kang makealam dito," pagmamatigas ni Misalucha.
"Please, tumayo ka na," pagpupumilit ko sa kanya.
"'Wag ka ngang umastang mabait! Pare-pareho lang kayo rito! Nagbabalat-kayo lang kayo rito kaya 'wag kang feeling mabait dahil hindi bagay sa'yo! Wala ka namang pinagkaiba sa mga tao rito kaya 'wag mokong hawakan! Get lost!" agad n'ya akong tinulak nang malakas. Mabuti na lamang at hindi ako tuluyang natumba dahil nahawakan pa ako ni Tric sa braso.
"Now, I already have a reason to sue you an assault," nararamdaman ko ang pagdidilim ng aura ni Tric sa mga sandaling ito. Tama nga sila, iba 'pag magalit ang isang Tric Marion Baek.
"Tric, 'wag," sabi ko. Agad namang tumingin sa akin si Tric. Dapat nga makaramdam ako ng takot sa ganoong tingin ni Tric ngunit nilunok ko na lamang iyon para hindi pa lalong lumala ang sitwasyon. "Please, 'wag mong gawin ito. Maawa ka sa kanya."
"Why I will not do this to him? Did you see what he done to you? He's in a tight situation and everything nagawa parin n'yang ilabas ang rotten attitude n'ya. So, tell me. Why should I pity him?"
Lumunok muna ako bago magsalita. "Tric, hindi kailangang umabot sa puntong i-e-expel mo s'ya o kakasuhan ng assault dahil sa ginawa n'ya sa akin. At isa pa, binigyan na s'ya ng suspension at community service. Sapat na 'yon bilang kaparusahan sa ginawa n'ya kay Lynneth Tolentino. Kaya please, 'wag mo na s'yang i-expel."
Nanatiling nakatitig sa akin si Tric habang sina Quia at Chantal naman ay panay ang tawag sa akin para bumalik ako sa kanila.
"Do you think I can give him the mercy you think he deserves?" he asked coldly.
Natigilan ako sa sinabi n'ya.
17. Elites must be merciless so that they'll not be taken advantage by people.
Nasa ikalabing-pitong batas nga pala nila ito. Hindi dapat sila makaramdam ng awa para hindi sila maabuso ng mga tao. Pero sobrang bigat kasi ng gagawin n'ya para sa schoolmate namin.
"You must be merciless so that you'll not be taken advantage by people. Pero hindi naman tama na basta-basta mo lang s'yang i-expel o kasuhan dahil lang sa binuhusan lang n'ya ako ng pagkain. In the first place, may kasalanan rin ako dahil nakealam pa ako sa kanila. Kaya please lang, Tric. Iurong mo na ang petition. Please..."
Hindi ko mabilang kung ilang segundo kaming nagkatitigan ni Tric bago s'ya tuluyang umiwas ng tingin at bahagyang bumuntong-hininga. "That's why people took advantage on people like you... because you're full of sympathy," tumingin naman s'ya kay Nathaniel na kanina pa nakasandal sa hamba ng pintuan. "Extend their suspension notice for three weeks and extend the location that they're going to do that community service."
Bahagya namang sumaludo si Nathaniel. "Roger that, King."
Tumingin ulit sa akin si Tric bago tuluyang lumakad paalis ng SSG office.
Nakahinga naman ako nang maluwag nung nagawa kong makumbinse s'ya. Hay salamat naman, may natira pa s'yang kabaitan sa kabila ng galit n'ya.
Naramdaman ko namang may humawak sa braso ko at sa pagkakahawak palang niyon, alam kong si Quia iyon. "My god Michelle! Akala ko mapapatay ka ni Tric sa lagay na iyon! Goodness!"
"Wow Aquamarine Ledesma, ang OA mo lang ha?" sabat naman ni Chantal.
"Eh s'yempre, sino ba namang mag-e-expect na makukumbinse ni Michelle 'yung Demon King na 'yun. Oo may bilib ako kay Michelle when it comes to dealing people pero ibang usapan na 'yung kanina," ngumuso naman si Quia.
"Nakita mo na nga 'di ba na nakumbinsi na ni Mich si Tric so okay na! Wala nang problema kaya 'wag ka nang mag-over react d'yan."
"Sandali lang, Quia. May pupuntahan lang ako," agad naman akong kumalas sa pagkakahawak ni Quia at agad na tumakbo para sundan si Tric.
"Hey, wait—Michelle!" hindi na ako nakinig kay Quia at nagpatuloy na lamang ako sa pagtakbo.
Nakahinga naman ako nang maluwag nung maabutan ko si Tric na tahimik na naglalakad sa lobby. Tahimik ko naman s'yang sinundan at tuluyang sumabay sa paglalakad n'ya.
"Umm... T-Tric... umm... salamat sa pagpayag mo na iurong 'yung expulsion ni Misalucha. Wala naman kasi s'yang kasalanan eh," sabi ko.
"I didn't do it for you. I do it 'coz I want him to know his place. At isa pa, matagal-tagal ko na ring hindi nagagamit ang icon ko," sabi n'ya.
Bahagya naman akong natawa dahilan para mapalingon s'ya sa akin. "Why are you laughing?"
"Kasi, trying-hard kang magsinungaling. Okay lang naman na maging totoo ka sa sarili mo paminsan-minsan, Baek. Hindi nakakawala ng isang milyon 'yon," sabi ko.
"Tss... you wish," bahagya naman s'yang umiling at hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang mumunting ngiti sa mga labi n'ya. He slightly sighed. "Why did you do that anyway?"
Napatingin naman ako sa kanya. "Ang alin?"
"You stop me from expelling that fella. You should be grateful na mababawasan ang bullies sa school na ito," aniya.
"Hindi naman kasi magandang paraan iyon," agad naman s'yang napatingin sa akin. "Kasi mas lalo lang lalala ang sitwasyon kapag ginawa mo iyon. Tsaka, kahit naman binuhusan n'ya ako ng pagkain at binully n'ya si Lynneth ay hindi ko naman naisipang maghiganti sa kanya. Sabi nga ni papang, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. In short, kapag may ginawa s'yang masama sa'yo, gawan mo ng kabutihan. Sa paraang iyon, marerealize n'ya sa sarili n'ya na nagkamali s'ya. Mas magandang matuto ka sa sarili mong karanasan."
"Masyado kang mabait. Kung hindi ka naman inaabuso, nagugustuhan ka naman," kumunot naman ang nook o sa sinabi n'ya.
"Ha? Ano'ng sabi mo?"
"But come to think of it, hindi mo pa pala nababayaran ang mga utang mo sa akin."
Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. "Ha? May utang ako sa'yo? Luh. Kailan naman?"
"First, you broke my 18-million dollar watch. Second, I did rescue you from drowning. Third, I did took care of you when you got high fever. Fourth, I rescue you from that paintball and made me wounded. Fifth, I kept your hidden secret. And, now. I did cancelled that guy's expulsion. So, you really have so many debts on me," he smiled trickly.
"Hala, hindi ko kaya sinandya ang iba sa mga iyon!"
"But still, you're the reasons why it happened to me and I did it for you."
Bahagya naman akong napakamot ng ulo. "Eh... paano ba kita mababayaran? Wala naman akong malaking pera para mabayaran ka."
"Tinanong mo ba ako kung ano'ng gusto kong ipambayad mo?" tanong n'ya.
"Alam ko naman na kung hindi mamahaling bagay 'yon, malamang isa o benteng mil—"
"A twenty servings of kwek-kwek ang fishball wiil do," nagkatinginan naman kami sa isa't isa matapos n'yang sabihin iyon.
"Seryoso ka? 'Yun lang?" wala sa sarili kong natanong sa kanya.
"Hindi naman siguro 'iyon lang' ang mga pagkaing iyon. I'm expecting for those twenty servings of kwek-kwek and fishball so you have to pay me by those food," aniya at naglakad naman s'ya palayo sa akin.
"Tric Marion Baek!" lumingon naman s'ya sa akin matapos kong tawagin ang pangalan n'ya.
"Next time, try mo rin ang tempura kikiam at isaw. Masarap din iyon," isang malapad na ngiti ang itinugon ko sa kanya.
He snorted. "Yeah, I'll try it with you soon."
Sumaludo naman ako sa kanya bilang tugon.
Kung gaano kalalim ang galit ng isang 'to, gano'n rin pala kababaw ang kaligayahan nito.
A/N: Hey guys! Sorry for the late UD, XIELOs~ Sorry if it's kinda spoil. I am still sick and my eyes really hurt because of my fever but because you miss these 18 boys so I made this update. Pardon for this very very spoil update. I'll make it up to you in my next updates. Thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! Thank you so much to your support because the 18RLOTE is now one of the winning nominees/shortlist of #Wattys2017! Yay! Party party! Thank you so much to that XIELOs!!! Hoping for your undying support until the end! Hope you'll support 18RLOTE in the final round of #Wattys2017! I badly need all of your support guys! I love you all~ ♥♥♥ enjoy reading~ ^O^