Sea You Again [COMPLETED]

By LexInTheCity

12.5K 649 685

(R-18) May dahilan kung bakit gustong-gusto ni Sharla ang dagat kahit sa totoo naman takot na takot din siya... More

▪️Itineraria▪️
Hello
1. What's Up?
2. You Alright?
3. Not Too Bad
4. Happy Birthday!
5. Let's Go
6. Tata For Now
7. Where Is She?
7. Where Is She? (2)
8. Please Don't Fall (2)
9. Get Lost
10. I'm Sorry
10. I'm Sorry (2)
11. Good Evening
12. Let's Have A Dip
12. Let's Have A Dip (2)
13. Let's Play!
13. Let's Play! (2)
14. Goodnight, Best Friend
14. Goodnight, Best Friend (2)
15. Sleep Tight (1)
15. Sleep Tight (2)
15. Sleep Tight (3)
16. No, I'm Not Sleepy
16. No, I'm Not Sleepy (2)
17. Call Me Maybe
17. Call Me Maybe (2)
18. Nice To See You Again
18. Nice To See You Again (2)
19. Back to the Future
19. Back to the Future (2)
20. The Past and the Precious
20. The Past and the Precious (2)
21. You Drive Me Crazy
22. Against All Odds
22. Against All Odds (2)
A Friendly Reminder
23. Stay Strong
24. Goodbye To You
24. Goodbye To You (2)
▪️Save Our Ocean
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Epilogue (Part 3)
Epilogue (Part 4)
▪️Acknowledgment
▪️R-D 4 UR NXT ADVENTURE?
▪️Want More?

8. Please Don't Fall

228 13 10
By LexInTheCity

8. Please Don't Fall

Nang marating nina Manzo at ng dalawang kasama ang maliit na falls sa may paanan ng burol, wala silang masabi dahil sa ganda nito. Hindi na nila napigilan ang mga sarili na lapitan pa ito. May lilom doon dahil sa mga puno sa paligid. Damang-dama nila ang mamasa-masang simoy ng hangin sa lugar habang namamangha sa kulay asul na tubig ng ilog na dinadaluyan ng falls. Hapon na pero matingkad pa rin ang pagka-asul nito. Mukhang malalim ang tubig. Hindi rin malalaki ang mga bato sa paanan ng falls kaya nga naging mas malawak ang daluyan ng tubig. At kahit hindi kataasan ng falls, malakas pa rin ang tunog ng pagbugso nito. Kaya nga narinig ito ni Manzo kanina mula sa malayo. Inisip din niya na baka dito napadpad si Beej.

Kung mahilig sa beach si Sharla, falls naman ang first love ni Beej. Para sa kanya, maganda ang simbolo ng isang talon. Hindi raw lahat ng pagbagsak ay masama. Meron ding maganda, tulad ng isang talon. Parang hindi raw kasi ito nauubos, o natatapos. Kahit bumabagsak ang tubig ang saya pa rin.

Ang kakaiba sa falls na iyon ay ang isang piraso ng puno ng niyog na nakahilig dito. Bumagsak ang punong iyon dahil sa isang malakas na bagyo noong nakaraang taon. At ngayon bukod sa naging bahagi na ito ng falls, maaari pa itong magsilbing tulay para marating nila ang kabilang bahagi ng lugar. Kung hindi nga dahil sa pagbagsak ng punong iyon, hindi matatawid ni Manzo ang ilog.

"Guys, hali na kayo. May bakas ng tsinelas dito. Basa pa ito at parang bago lang," tawag ni Manzo sa dalawang kasama. Nasa kabilang bahagi na ito ng ilog.

Pero hindi agad kumibo mula sa pagkakatayo itong si Kren. Nagtataka kasi ito kung bakit pupunta roon si Beej gayong 'pag pumunta iyon doon, mas mapapalayo ito sa beach. Pero dahil alam niyang mas kilala ng dalawa ang kaibigan, pinili na lang din niyang sumunod sa ngayon ay tumatawid na rin sa ilog na si Sharla. "Kaya mo ba, Shar?" tanong pa nito sa dalaga. Kita kasi niya ang hirap nito sa pagtawid.

"Kailangan e. Kakayanin," may kumpiyansang tugon nito. S'yempre, nagulat si Sharla sa tanong ni Kren. Naisip niya na para bang may halong concern ang pagtatanong nito. Pero dahil hirap mag-balanse sa tinutulayang puno ng niyog, ginapang na lang ni Sharla ang unang dalawang metro na layo noon. On all fours. Tapos, may isang metro pa siyang tatawirin para tuluyang marating ang kabilang bahagi ng ilog.

"Good," tipid na sagot ni Kren kay Sharla at bago niya niyugyog ang kahoy na dinadaanan ng dalaga.

"Kren, ano ba?" sigaw nito sa lalaki. "Stop it." Naiirita na naman si Sharla rito. Hindi na siya makagalaw ngayon sa takot na mahulog sa tubig.

"What? Tina-try ko lang kung safe siyang daanan," palusot niya.

"Try pa rin? E nakadaan na nga dito si Manzo, 'di ba? Ano pang gusto mong patunayan?" Sa ekspresyon ng mukha at sa tono ng pananalita nito, hindi na talaga nito maitago ang labis na pagka-irita sa lalaki. Pero naisip na naman niya na baka magalit na naman sa kanya si Manzo kaya pinigilan na niya ang sarili na magsalita pa. Sa halip, ngumiti ito nang pilit at saka muling humarap sa nang-aasar na si Kren.

"M-may.... ma-yy ahas kasi sa..."

"Shet, nasa'n?" putol nito kay Kren.

"'And'yan sa may paanan mo," mabilis nitong tugon.

Kaya naman mabilis na tumayo itong si Sharla only to realize na natawid na niya ang ilog. At walang ahas doon sa dinaanan niya. Pero ayaw na niyang magalit kay Kren kaya papalampasin na lang ulit niya ang pang-iinis nito. This time, mas pinili na lang niyang hindi pansinin ang lalaki para na rin ibuhos ang buong atensyon sa masungit na si Manzo.

"'Oy, galit ka pa ba? Sorry na," sabi nito sa hinahabol na kaibigan. Nasa likuran siya ni Manzo at nasa likuran naman niya ang tahimik ding si Kren.

"Wala naman tayong problema, Shar," masungit pa ring tugon nito. Diretso lang ito sa paglalakad pero ramdam ni Shar na mas kalmado na ito ngayon.

"We will find Beej. Bago tuluyang dumilim."

"Hindi ko na alam Shar kung ano ang iisipin ko," bulalas nito. Tumigil ito sa paglalakad. "Sana ako na lang napahiwalay sa 'tin. Kasi kung ako 'yon, kayang-kaya ko. Pero si Beej 'yon e. Siguro, takot na takot na 'yon ngayon," iyak ni Manzo pero hindi lumilingon sa dalawa.

Kaya kahit naiilang, nilapitan ni Sharla ang kaibigan. Malice aside, niyakap niya ang nakatalikod na si Manzo para i-comfort ito. "Kailangan lang nating marating ang kabilang bahagi ng beach, that's where she'll go. Pipilitin at pipilitin niyang lumabas ng gubat na 'to. At siguro kaya hindi na niya tayo marinig ay dahil sa taliwas ang direksyong pinupuntahan natin. Papasok tayo ng gubat samantalang palabas naman ito."

"May point siya," singit ni Kren nang hilahin si Sharla palayo kay Manzo. "Baka nga ibang beach ang napuntahan ni Beej."

Continue Reading

You'll Also Like

GLIMPSE OF HIM By Ac

General Fiction

326K 5.7K 50
Strictly for open-minded only! No alliens allowed.
921K 31.6K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
252K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
13.1M 126K 61
Meet Azalea Elle Lopez, an almost bride na tinakbuhan ng kanyang groom sa hindi malamang dahilan. Paano na niya haharapin ang buhay niya lalo na't ma...