Sea You Again [COMPLETED]

By LexInTheCity

12.5K 649 685

(R-18) May dahilan kung bakit gustong-gusto ni Sharla ang dagat kahit sa totoo naman takot na takot din siya... More

▪️Itineraria▪️
Hello
1. What's Up?
2. You Alright?
3. Not Too Bad
5. Let's Go
6. Tata For Now
7. Where Is She?
7. Where Is She? (2)
8. Please Don't Fall
8. Please Don't Fall (2)
9. Get Lost
10. I'm Sorry
10. I'm Sorry (2)
11. Good Evening
12. Let's Have A Dip
12. Let's Have A Dip (2)
13. Let's Play!
13. Let's Play! (2)
14. Goodnight, Best Friend
14. Goodnight, Best Friend (2)
15. Sleep Tight (1)
15. Sleep Tight (2)
15. Sleep Tight (3)
16. No, I'm Not Sleepy
16. No, I'm Not Sleepy (2)
17. Call Me Maybe
17. Call Me Maybe (2)
18. Nice To See You Again
18. Nice To See You Again (2)
19. Back to the Future
19. Back to the Future (2)
20. The Past and the Precious
20. The Past and the Precious (2)
21. You Drive Me Crazy
22. Against All Odds
22. Against All Odds (2)
A Friendly Reminder
23. Stay Strong
24. Goodbye To You
24. Goodbye To You (2)
▪️Save Our Ocean
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Epilogue (Part 3)
Epilogue (Part 4)
▪️Acknowledgment
▪️R-D 4 UR NXT ADVENTURE?
▪️Want More?

4. Happy Birthday!

357 26 23
By LexInTheCity

Dahil tanaw na naman ng magkaibigan ang dagat ay mabilis silang nakarating sa lobby ng tinutuluyang hotel. Noon pa lamang sila nakahinga nang maluwag. Tanggal na rin ang mga tali nila sa katawan. Napayakap ang dalawa sa isa't isa at nagulat nang makita ang pamilyar na pigura ng isang lalaki na nakaupo sa dulong bahagi ng lobby.

"Happy Birthday, Britney Joy," bati nito kay Beej. Malaki ang ngiti nito at nakabukas ang mga kamay. Natulala na naman si Sharla at sandaling nakalimutan ang eksena sa bodega kanina. Natutunaw na naman siya dahil sa ngiti ni Manzo. Naka-berdeng dry-fit shirt ito, khaki na short, at may sukbit na malaking backpack.

"Kadiri ka, Manzo. Buo talaga. Kadiri," sagot ni Beej sa kaibigan. Nakalimutan na yata nito na galit pa siya rito.

"Pa'no ba 'yan? Bati na tayo," nakangiting sagot nito kay Beej. "Nag-effort pa akong sumunod. Teka lang kasi, bakit hindi ko kayo makontak?"

'Saka pa lang naalala ni Sharla ang naiwang sling bag sa bodega. "Teka lang, bes, ang bag ko!" sigaw ni Sharla. Nando'n ang wallet at ID niya. Nando'n din ang phone nito na naglalaman ng napakarami niyang sikreto. At kailangan niya itong mabawi. Walang ibang tao na p'wedeng makakita ng mga tinatago niya sa phone niya.

"Hala, naiwan mo?" tugon ni Beej.

"Guys, teka, ano bang nangyayari? Sa'n ba kayo 'galing?" usisa nga ni Manzo.

"We were kidnapped. Katatakas lang namin. And unfortunately, naiwan ang gamit ko sa bodega. S'yempre, maalala ko pa ba 'yon kanina? Ang gusto ko lang naman kanina ay makatakas tayo," sagot ni Sharla. Galit na galit ito kay Bindi.

"Wait. Are you guys serious? Why don't we tell the cops?"

"No. I'm not sure if we can tell them," sagot pa ni Sharla.

"Yes, Manzo. Ang girl na mastermind sa pagkidnap sa 'min ay anak ng mayor ng lugar na 'to, na isang drug lord. Mas gusto ko na lang sigurong makaalis dito sa islang 'to," sabi naman ni Beej.

At habang ikinukuwento ng dalawa ang buong detalye ng pangyayari, sinamahan na nilang mag-check-in si Manzo sa katabing kuwarto ng kuwarto nila. Doon na rin sana siya sa kuwarto ng dalawa, kaso wala raw available na kama. Nag-ayos muna ito ng gamit at saka pumunta sa kuwarto nina Sharla para ituloy ang usapan. Pero hindi na niya naabutang gising si Sharla kaya si Beej na lang ang nakausap nito.

"Beej, I'm thankful na safe kayo," sabi nito sa kaibigan. "Beej, alam mo na siguro kung bakit ako naririto ngayon." Halatang seryoso si Manzo.

"Manzo, I told you not to come. Tapos, sumunod ka pa rin talaga," bulong nito sa kaibigan.

"Beej, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit..."

"Manzo, stop it, natutulog si Sharla, " putol nito sa kaibigan. "Mamaya na lang natin pag-usapan ang nangyari kanina, kailangan ko na rin muna sigurong matulog and we'll figure this out later. Magpahinga ka na rin muna sa kuwarto mo."

Pagdating ng alas diyes ng umaga ay halos magkasabay na nagising ang magkaibigan. Nagkatinginan ang dalawa at nagtawanan. "Bes, ano bang nangyari kanina? Panaginip lang ba 'yon?" natatawang tanong ni Sharla.

"Ewan nga bes, hindi ko na rin alam. Teka, si Manzo pala, kanina pa siguro 'yong naghihintay sa atin? Ilang oras din tayong nakatulog," tugon ni Beej sa kaibigan.

"Bes," mahinang tawag ni Sharla sa kaibigan na nakakunot ang baba.

"Ano?" malambing na tugon nito.

"Happy Birthday," mabilis nitong sabi nang yakapin ang kaibigan. "Ang wish ko, sana makilala mo na talaga siya. Kung p'ede ngang today, sige."

"Salamat bes. Kaso, baka mapahamak na naman tayo," natatawang sagot ni Beej. Natigilan si Sharla at napasimangot. "Hoy, bes. Joke lang. Ikaw naman."

"Bes, sorry talaga."

"Ano ka ba? 'Wag na 'wag mong sisihin ang sarili mo sa mga bagay na wala ka namang kasalanan. Tara na nga mag-ayos para makapag-activities din tayo today. Parang bet ko ang parasailing."

Habang naliligo si Beej ay kumatok naman sa kuwarto nila itong si Manzo. Kinabahan na naman si Sharla nang maglapit ang mukha nila pagkabukas niya ng pinto. Dahil sa pagkagulat ay napatungo na lang ito. Turns out, hubad na pala si Manzo at nakasuot lang ng board shorts. Napaurong siya sa pagkakatayo at nag-panic. First time kasi niyang makitang hubad ito after nitong magpakasasa sa gym. Noon madalas niya itong makita dahil sa pagiging close, noong payatot pa lang ang kaibigan na ngayo'y tinamaan na ng matinding puberty transformations.

"Anong problema, Shar? Shocked ka pa rin ba dahil sa nangyari sa inyo kagabi?"

"Hi-hindi na," nauutal nitong tugon. "Ilang oras din kaming na-coma rito, kumusta naman ang abs mo? Ah-I mean, ang tulog mo?"

"Ha? Hindi ako natulog. Para kang baliw. Ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Alam mo tama ka, shocked pa nga ako dahil sa nangyari kagabi."

"Kaya nga naisip ko na kailangan na siguro nating umalis, Shar. Kung may baril 'yung babae, baka balikan kayo no'n?"

"Korek. Anong gagawin natin? I don't want to ruin her birthday," sagot ni Sharla nang ituro ang kaibigan na naliligo.

"Safety first. Or, we need to talk to them. Ayusin ang kung ano mang hindi pagkakaintindihan. 'Andito naman ako," sabi pa ni Manzo nang sabayan niya ng kindat ang bahagyang pagtatas ng kaliwang kamay niya para ilabas ang biceps. Ang kinis nito. Tapos, tama lang ang laki ng katawan niya. Hindi pang pornstars. Pero hindi niya dapat ginagawa iyon. Lalo lang niyang pinahihirapan si Sharla.

Ngunit kailangang paglabanan ni Sharla ang nararamdaman at mag-pokus sa problema nila ngayon. Naisip din niya na kailangan niyang mabawi ang mga gamit kina Bindi. Nandoon lang naman ang pera niya pati ang mga cards niya. Lalong-lalo na ang cellphone niya na maraming lamang sikreto, kailangan niya talaga itong mabawi. Hinintay lamang nilang matapos maligo si Beej bago dito sinabi ang plano. Noong una, ayaw pumayag ni Beej. Pero nang ipaliwanag ni Manzo ang buong plano rito, pumayag na rin siya. Sasama pa nga raw ito, hindi na lang pumayag ang dalawa. Parehong gusto nina Sharla at Manzo na protekhan ang kaibigan. Tapos, may bonus pa kay Sharla. Sandali niyang masosolo si Manzo. Hindi na niya masyadong pinoproblema ang mangyayari 'pag nakita na nila muli itong si Bindi.

Sinimulan muna nilang tukuyin kung nasaan ang bogeda, kung saan sila dinala ng mga lalaki ni Bindi kagabi. S'werteng naabutan pa nila si Kren na nasa labas ng bodega. Hubad din ito at may suot na dilaw na boardshorts. Hindi naman maipaliwanag ang reaksyong rumehistro sa mukha nito nang makita si Sharla.

"No, we're here para linawin ang lahat. P'wede mo ba kaming samahan kay Bindi?" bungad ni Sharla sa bagong kakilala.

"Yes, of course. Okay lang ba kayo? Kumusta si Beej?" tanong nito.

Napaubo si Manzo. "Kung ano man ang nangyari dito kagabi, hindi na namin iyon hahayaang makalabas. Sa isang kundisyon, kailangang mangako ang girlfriend mo na hindi na nila papakialaman ang mga kasama ko."

"Yes, napag-usapan na namin 'yan ni Bindi. Pasensiya na talaga kayo. Matindi kasi ang depression niya lately. Pero gaya nga ng sabi ko, napag-usapan na namin ito. Actually, kanina pa namin silang hinahanap. Nakarating kasi kay Mayor ang nangyari kagabi. Gusto kayong makita ni Mayor para makipag-areglo. Kina Mayor na lang tayo mag-tanghalian?"

"Wow. Hindi ko inexpect na ganito kadali maayos 'tong issue na 'to," sarkastikong tugon ni Manzo.

"Kaya nga makipagkita na rin kayo kay Mayor mamaya. Tamang-tama birthday pa naman ni Beej," sagot ni Kren.

Sinamaan ni Manzo ng tinging ang kaibigan. Deep inside, tinatanong niya ang sarili kung bakit ang daming alam ng lalaking kausap. Nayayabangan din siya rito. "Okay," tipid nitong reply pero hindi kay Kren nakatingin.

"Thanks, bro. Salamat sa malawak na pang-unawa. Ang dali n'yong kausap, salamat talaga," seryosong tugon ni Kren. Naninibago naman si Sharla kay Kren. Seryoso kasi ito ngayon at parang ang bait kung magsalita at kumilos. Naalala niya ang nakita niya kagabi nang muling mapatitig sa abs nito. "Yes, Sharla, may sasabihin ka ba?" tanong ni Kren kay Shar nang mahuling nakatulala ito sa kanya.

"Ah...ah, wala naman... eee 'yung bag ko pala na naiwan namin dito kagabi, p'ede ko na bang makuha?"

"Naku nasa resort na e. Do'n sa resort nina Mayor," nag-aalalang tugon ni Kren. Lalo tuloy siyang naiinis dito kasi ang bait-bait talaga nitong makipag-usap ngayon.

Pinag-usapan nina Kren at Manzo ang pagpunta sa resort nina Mayor. Gusto ni Manzo ang ideyang 'yon, para nga naman matapos na talaga ang issue at wala na silang problemahin. Ilang araw pa sila sa isla at s'yempre, gusto rin niyang ma-enjoy naman ni Beej ang birthday niya.

Nang makabalik sila hotel, doon na rin ipinaliwanag ni Manzo kay Beej ang naging planong pagpunta sa resort ng Mayor. Bandang alas dose nang marating nila ang hotel ni Mayor. Malawak ang resort at sobrang ganda ng landscape. Kita agad nila ang maraming pool nito sa paligidat ang limang palapag ng gusaling nakatayo sa gitna ng magandang landscape. Sa isip-isip ni Sharla, pang-soshal ang resort at mahal magcheck-in dito. Natigilan naman sila nang makitang muli si Bindi. Pero nakangiti na ito sa kanila kaya kahit papa'no ay nabawasan ang kabang nararamdaman nila.

"Hi guys, mabuti naman at nakarating kayo," bati nito sa apat. Kasama kasi nila si Kren na siyang naghatid sa kanila sa resort. Nagulat sila kay Bindi. Parang hindi na rin ito 'yung babaeng nakilala nila kagabi. "And sorry sa lahat ng nangyari. Sana mapatawad n'yo pa ako. I was not myself last night."

Sa loob-loob ni Sharla, hinding-hindi niya mapapatawad ang babaeng ito. Pero dahil nandito siya sa lugar nito, kailangan niyang magtiis at makibagay. Kailangan nilang umiwas sa anumang gulo.

Pagkatapos ng mabilis na pag-uusap ay ipinakilala naman sila ni Bindi sa ama. Totoo nga pala itong mayor, kaso kinabahan si Sharla nang maalalang sinabi nga rin pala ni Bindi na drug lord ang ama. Mukha namang mabait ag mayor na siyang naghatid sa kanila sa isang buffet table na puno ng maraming pagkain. Para raw iyon sa abala at kasalanang nagawa ng anak niya sa dalawang babae. Sinabi rin nito na naipabugbog na niya ang apat na lalaking kumidnap sa kanila kagabi. Ang sabi pa sa kanila ng Mayor, may free access sila sa resort hangga't nandoon sila sa isla. Kasama na roon ang mga activities na ino-offer ng resort.

Nang matapos kumain, nagkuwentuhan na ang lima. Kasama nilang tumubog sa pool si Bindi. At parehong nakahayin ang abs nina Manzo at Kren. Malapit ito kay Beej na nakaupo sa gutter ng pool habang nakatubog ang mga paa sa tubig. Hindi niya ilublob ang katawan sa pool dahil nga sa 2nd day ng period niya ngayon. 3 feet lang naman ang lalim ng pool sa tapat niya. Doon nakatayo sina Kren at Manzo. Nangingintab ang kayumangging balat ni Kren 'pag natatamaan ng sikat ng araw at para namang umiilaw ang kay Manzo dahil sa kaputian nito. Naiinis si Sharla kasi ayaw nilang itubog ang katawan sa tubig, o kaya ay pumunta na lang sa mas malalim na bahagi ng pool. Nahihirapan tuloy siyang makipag-usap sa mga ito. Pero pansin ni Sharla na masama pa rin ang tingin ni Manzo kay Kren kaya kinausap na niya ito. "Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko sa lalaking 'yan," sabi nito kay Sharla. Hanggang sa makalimutan na siya ni Manzo at tuluyan nang nag-pokus kay Beej. Sakitin kasi sadya si Beej kahit noong mga bata pa sila kaya naman mas maalaga si Manzo dito. Pero, minsan hindi pa rin maiwasan ni Sharla na makaramdam ng konting selos.

Maya-maya ay nagyayang mag-CR si Sharla pero para bang wala nang nakarinig sa kanya kaya nga mag-isa na lang siyang umahon sa pool para hanapin ang CR.

Hirap itong mahanap ang CR dahil sa lawak ng resort kaya naman laking gulat niya nang may magsalitang lalaki sa may likuran niya. "Hindi d'yan ang CR," sabi nito. Boses iyon ni Kren. Nakatitig ito sa kanya nang lumingon siya rito at magsalubong ang mga mata nila. "Nagseselos ka 'no?" sabi pa nito.

***

AN: Hi guys, thanks for supporting this story. Pipilitin kong makapag-update nang madalas. As of this update, sinong mas bet nyo sa dalawa? Si Manzo o si Kren. Just comment #TeamKren or #TeamManzo. Labyu.

Continue Reading

You'll Also Like

16.2K 583 34
If the love is bound for you, it will meant to stay. But what if it got lost, will it return back to stay for good?
239K 4.5K 46
Problems are not reasons to give up, it's what Kim believes about. Pain doesn't really change people, people choose to change their selves. It's a de...
10.9K 250 52
Zanea fell in love with Paul, which later on known to be her cousin. She tried her best to move on. They moved place and met this dark knight man bun...
3.2K 129 23
PROMISE BOOTH "Where Every Promises are not meant to be BROKEN" -Sally