My Guy (series)

By cynthus_writes

532K 5.6K 707

Love is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen onc... More

My Mom's Other Guy
Other 1
Other 2
Other 3
Other 4
Other 5
Other 6
Other 7
Other 8
Other 9
Other 10
Other 11
Other 12
Other 13
Other 14
Other 15
Final
My Mom's Only Guy
Only 1
Segue way~
Only 2
Only 3
Special Chapter (Coraline's Side)
Only 4
Only 5
Only 6
Special Chapter (Cornell's Side)
Only 7
Only 8
Only 9
Only 10
Only 11
Only 12
Special Chapter (Amelia's Side)
Final
My Offical Guy
Official 1
Official 2
Official 3
Official 4
Official 6
Official 7
Official 8
Official 9
Official 10
Official 11
Official 12
Official 13
Official 14
Official 15
Official 16
Official 17
Official 18
Official 19
Official 20
Final
My Guy Series (Epilogue)
Foolish Hearts (Teaser)
Random Facts

Official 5

7.7K 95 11
By cynthus_writes

After ng lunch namin ni Trick, Dinala ko muna siya sa Couture. Hindi ko siya mauuwi knowing that TJ might be waiting outside our house. Kailangan ko na talagang mag-hire ng maid asap, I am thinking of asking a favor again for Shiela and Guia.

“Trick dito ka lang muna sa Office ko ha, May aasikasuhin lang ako.”sabi ko kay Trick at tumango naman siya habang busy sa PSP niya. Lumabas ako sa Office ko at pinuntahan si Shiela at Guia na kakalabas lang sa Elevator, Kakatapos lang din siguro nilang mag-lunch.

“Kayong dalawa, May kilala ba kayong maid? Trusted maid na pwedeng magbantay ng bahay at magbantay kay Trick?”tanong ko kay Shiela at Guia, Nagkatinginan naman silang dalawa at tumango si Guia.

“May kilala ko, Yung pinsan ng katulong namin sa bahay. Doon muna sa amin nag-stay since wala pa siyang nahahanap na trabaho, Kung gusto mo siya ang i-hire mo.”sabi ni Guia sa akin at napakagat naman ako ng labi ko.

“Pwede na ba siya ngayon?”tanong ko kay Guia na nag-shrug, Tinapik naman ako ni Shiela sa braso ko.

“Bakit naman kailangan mo ng katulong suddenly?”sabi ni Shiela at halatang naghihinala siya. Sumingit naman agad si Guia kaya nagpapasalamat ako ng sobra.

“I will call her and ask her na pumunta dito para makilatis mo, Sayang naman at magaling siya. Muntik ko ng ma-hire eh.”sabi ni Guia at napa-pokerface si Shiela.

“Eh bakit hindi mo hinire?”sabi ni Shiela at napangiti naman ako sa closeness ni Shiela at Guia. Biglang tumunog ang phone ko at napakunot ang noo ko kung bakit tumatawag si Coraline.

“Hello Coraline, Napatawag ka?”tanong ko sa kapatid ko ng sagutin ko ang tawag niya.

“Hello ate! Matatapos na kasi itong murals ko dito sa Cebu kaya pwede akong sumunod diyaan sa Manila para naman makasama ko yung pamangkin ko.”masayang sabi ni Coraline at halatang excited na siyang makita si Trick since Four Months din silang hindi nagkita dahil nasa Cebu si Coraline para sa trabahong inalok sa kanya sa Cebu na mag-pinta sa vandalized wall sa isang pampublikong daanan kung saan madalas may traffic.

Nagtapos ng Fine Arts si Coraline dahil nahiligan niya ang pagpinta nung nasa LA kami. Nakakatuwa dahil mabilis siyang nakapag-move on sa nangyari dito sa pilipinas noon dahil sa pagpipinta niya. She let out all of her emotions to every painting she paints kaya nga ganoon na lang ako naging ka-proud sa kanya dahil imbes na magmukmok sa tabi at madepress sa nararamdaman niya. Sa canvass niya binunton ang mga hinanakit niya.

Medyo close rin sila ni Trick dahil bukod kay Shiela, Si Coraline ang madalas na kasa-kasama ko tuwing inaalagaan ko si Trick. Alam ni Coraline ang lahat ng tungkol kay Trick kahit na sa katiting na bagay na ayaw at gusto ni Trick. Kahit na ang ama ni Trick ang nanakit sa amin noon, Mahal din naman ni Coraline si Trick tulad ng pagmamahal ng isang kadugong pamilya.

“Ganoon ba? Sige see you soon.”nakangiti kong sabi kay Coraline, Nag-usap pa kami ng medyo matagal bago kami nagpa-alam sa isa’t-isa dahil tatapusin na talaga niya ang murals ng makauwi na raw siya.

Dumating na rin yung katulong na sinasabi ni Guia sa akin na nagngangalang Tina Reyes na pwede nating tawaging Tiray. Madaldal at biba si Tiray kaya nga nakakatuwa dahil kahit ang liit at hindi naman ganoon kagandahan ay sobrang taas pa rin ng self-confidence niya sa sarili niya. Hinire ko agad dahil ang gaan agad ng loob ko sa kanya.

“Bukod sa pagbabantay kay Trick at sa bahay, Gumawa ka rin ng gawaing bahay. Don’t worry tataasan ko na lang yung sweldo mo para hindi ka naman lugi.”nakangiti kong sabi kay Tiray.

“Naku ma’am, Ayos lang iyon tutal katulong talaga ang trabaho ko hindi taga-bantay at extra na lang ang pagbabantay ko.”masayang sabi ni Tiray kaya naman lalo kong natuwa sa kanya.

“Mas maganda rin kung sa bahay ka na mag-stay para hindi ka mahirapang pabalik-balik sa bahay namin saka sa bahay nila Guia.”sabi ko kay Tiray at tumango naman siya.

“Convenient po iyan para sa akin kaya hindi po ako tatanggi, Makakatipid din po ako sa pamasahe.”sabi ni Tiray sa akin ng biglang magsalita si Shiela at may inabot sa aking flyer.

“Would you like to enroll Trick in this school habang nandito pa kayo sa Pilipinas para hindi naman mabored yung bata.”sabi ni Shiela at napatingin naman ako kay Trick na napatingin sa amin.

“School? What school?”tanong ni Trick at binasa ko yung Flyer, Ah Private Academy pala.

“A Private Academy, Trick. Maganda ito para hindi ka nga ma-bored saka para naman nag-aaral ka habang nandito tayo sa Pilipinas.”sabi ko kay Trick at tumango naman siya sa akin na para bang pinag-iisipan ang mga bagay-bagay.

“Sure.”sabi ni Trick bago ibalik ang mata niya sa PSP. Napangiti naman ako dahil matalinong bata si Trick, Napatingin naman ako kay Shiela na nakangiti rin pero i notice that there’s something in her smile.

Hindi ko alam kung impluwensiya ba iyan ni Marc sa kanya o nag-iisip lang ako ng kung anu-ano. Nagkibit-balikat na lang ako at tinignan ang mga sketches sa portfolio na tatahiin namin mamaya para sa nalalapit na Fashion Show. There will be a Fashion Show in less than two weeks at rush na rush ang gagawin namin dito. Mabuti na lang at may sketches na kami for this Summer season.

“So Tiray, You may start your work today. Mamaya pauwi na rin tayo, Paki-asikaso muna si Trick pansamantala dahil may aasikasuhin kaming tatlo and Trick kung may kailangan ka just ask Tiray okay?”paalala ko sa kanila at tumango naman si Trick, Si Tiray naman nginitian ako. Nauna na kaming tatlo nila Guia at Shiela sa Conference Room.

“May napili na ba kayong model?”tanong ko kay Guia at Shiela habang chine-check ko yung portfolio na may mga sketches naming tatlo.

“Bukod kay Eliza Soberano, We chosed Mich Vito. Remember her? From Milan’s Fashion showcase last year?”napatango naman ako at pumasok na kami sa Conference Room. Diniscuss namin ang mga plano namin for the Fashion Week. Ininform din ako ni Shiela na kasama sa Showcase this year ang rival clothing line ng Couture, the Red.

“Ano bang meron diyaan sa Red at parang asar na asar ang tono ni Shiela?”nagtatakang tanong ni Guia, Hindi niya kasi alam kung anong nangyari sa Milan last year. Napa-role eyes naman ako kay Guia dahil naalala ko kung anong kaintrimidahan ang ginawa nung lintek na Elise, Ang may-ari ng Red Clothing Line.

“Naku wag mo ng alamin Guia dahil nakakaasar yung may-ari ng Clothing Line na iyan, Sobrang yabang! Dinaig pa ang mga seven years ago pang nag-debut sa Fashion World.”reklamo ni Shiela at tumataas pa ang kilay niya. Napa-iling na lang ako, Sana hindi dito sa pilipinas ang showcase nila Elise dahil sure akong maaasar lang ako.

“Let’s just focus on our works, Shiela.”tapik ko kay Shiela at bumalik kami sa discussion namin, After naming mag-plano para sa Fashion week di ko napansin na ginabi na pala kami. Pagpasok ko sa Office ko nakahiga si Trick sa couch ng Office ko at natutulog, Si Tiray naman naka-upo sa upuan na nasa gilid ng desk ko at pabagsak na rin dahil sa pagkatulog. Nilapitan ko muna si Tiray para magising siya.

“Tiray.”tawag ko kay Tiray habang tinatapik siya sa balikat, Agad naman siyang nagising at napatingin sa akin.

“Naku sorry ma’am nakatulog ako.”pagpapaumanhin sa akin ni Tiray, Umiling naman ako.

“Hindi ako dapat mag-sorry ginabi kami, Nakakain na ba kayo ni Trick?”tanong ko sa kanya at nakangiti naman siyang tumango sa akin. Kinuha niya yung mga gamit sa kabilang couch at ako naman nilapitan ko si Trick para kargahin, Ni hindi nga nagising ang anak ko sa pagkarga ko sa kanya.

Pagod na pagod na siguro si Trick, Hinalikan ko ang ulo ni Trick habang buhat-buhat ko siya. Medyo bumigat si Trick pero kaya ko pa naman siyang buhatin kahit na naka-pumps ako, Parati ko ‘tong ginagawa sa LA kaya sanayan na lang. 

“Ma’am pwed-”pinutol ko si Tiray habang naglalakad kami papunta sa Elevator. Masyado kasing pormal yung Ma’am eh, Nahihiya naman ako sa tawag niya sa akin.

“Ate na lang ang itawag mo sa akin, Nahihiya ako sa ma’am mo eh.”sabi ko kay Tiray at humagikgik naman siya.

“Sige po ate pero pwede pong magtanong?”tanong ni Tiray sa akin ng maka-apak kami sa elevator. Tinignan ko naman siya at napatawa ako ng mahina dahil inaalala ko ang natutulog na si Trick. 

“Nagtatanong ka na nga pero ano iyon?”nakangiti kong sabi kay Tiray, Umubo muna siya at nagsalit ang tingin niya sa amin kay Trick na nakahilig sa balikat ko habang karga ko ang anak ko. 

“Hindi naman po sa pinapasok ko na po yung personal life niyo Ate pero nagtataka lang po ako, Na saan na po yung tatay ni Trick at kayo po ang nagpapakahirap na nagbubuhat sa kanya?”tanong ni Tiray kaya naman nawala ng ngiti sa labi ko. Napatulala ako saglit at napatingin ako sa anak kong natutulog sa akin, Na saan na nga ba ang tatay ni Trick? Ayun malapit lang sa amin pero may sariling pamilya na rin ata.. 

“Uhm.. Ate. Okay lang po kahit hindi niyo sabihin sa akin mukhang masyadong personal.”rinig kong sabi ni Tiray pero ako eto tulala pa rin at tinitignan ang repleksyon ni Trick sa salamin ng elevator.

“Yung papa ni Trick..”hindi ko alam kung bakit bigla kong natigilan sa pagsasalita tungkol sa papa ni Trick, Never namin napag-usapan ni Trick ang tungkol sa papa niya. Hindi namin napag-usapan at hindi rin siya nagtatanong kaya hindi ko alam ang sasabihin ko.

Napabuntong hininga na lang ako at hinalikan ko ulit ang buhok ni Trick, Hindi pa ko ready sa lahat. Trick is my life, My son is my everything at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin. Tahimik kaming bumaba sa basement ng Building. Pinindot ko ang locks ng car at pinagbuksan naman ako ni Tiray ng pinto para mahiga ko si Trick sa passenger seat, Si Tiray ang sumakay sa shotgun at ako naman ang nag-drive.

=======
=======

“Tiray pagkadating natin sa may kanto, pwede bang mauna kang bumaba at buksan mo yung gate para makapasok agad ang kotse.”utos ko kay Tiray ng makapasok na kami sa subdivision. Naguguluhan man siya ay sumunod na lang siya sa utos ko, Nakarating na kami sa block namin at bumaba na siya habang ako naman mabagal na nag-drive para may time pa si Tiray na buksan ang gate.

May naaninag pa akong lalaki sa bangketa sa harapan ng bahay namin at kilala ko kung sino iyon. Nag-usap pa sila ni Tiray pero mabilis na umalis si Tiray sa harap niya. Mukhang alam na ni Tiray agad kaya naman nang bumukas ang gate mabilis kong pinasok ang kotse sa loob ng garage at mabilis din sinarado ni Tiray ang gate.
 

Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at binuhat ko si Trick papasok sa loob ng bahay. Nilingon ko pa si Tiray at binigyan niya ko ng half smile na alam ko na ang ibig sabihin. Nginitian ko siya at pinasok ko na si Trick sa loob ng bahay.

Agad kong hiniga si Trick sa kama niya, Tinanggal ko ang sapatos niya at inilagay iyon sa ilalim ng kama niya. Umupo ako sa gilid niya at kinumutan ko siya, Napatitig ako sa anak ko. Sa unang tingin walang duda at malalaman agad ng mga taong nakapaligid sa amin kung sino ang ama niya, Malalaman mo agad na anak siya ni TJ. 

“Sorry Trick.. I am so sorry.”maluha-luha kong bulong sa anak ko bago ko haplusin ang buhok niya at halikan siya sa noo. Sorry kung ganito si mama, sorry kung natatakot ako na makuha ka sa akin ng papa mo, sorry kung bakit kailangan na ganito ang nangyari sa amin ng papa mo, sorry kung naging padalos-dalos ako noon, I am so sorry.
 

Huminga ako ng malalim pagka-labas ko sa kwarto ni Trick at napasandal muna sandali sa pintuan ng kwarto niya. Napapikit ako sa sobrang emosyon na nararamdaman ko, Kaya kong tiisin yung sakit na nararamdaman ko para kay TJ pero hindi ko kayang tiisin ang sakit na mararamdaman ko kapag pati si Trick ilayo sa akin ni TJ.

“Yung lalaki po sa labas.. Siya po ang ama ni Trick di po ba ate?”paninigurado ni Tiray habang ang mata niya ay tinitignan ako ng may awa kaya naman agad akong napaiyak at yinakap siya.

“Mahal na mahal ko siya pero natatakot akong kunin niya sa akin ang anak ko, Hindi mo siya kilala. Lahat ng mahahalagang bagay sa akin noon kinuha niya at ngayon si Trick ang pinakamahalaga sa akin kaya sigurado akong pati ang anak ko kukunin niya sa akin at ayokong mangyari iyon.”humihikbi kong sabi kay Tiray habang ang higpit ng yakap ko sa kanya, Mabuti na lang at nandito siya. May tao akong masasandalan at mapagsasabihan ko ng hindi ako hinuhusgahan at pinapakelaman tulad ni Guia at Shiela.

_____________________________________

Sorry for the long wait, May inaasikaso po kasi ako kaya ganitong walang update naawa lang ako sa reader na sobra kung mag-flood ng UD eh XD

~Cynthia

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...