His Howling Voice (Gazellian...

By VentreCanard

17.4M 764K 143K

Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens... More

Prologue
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue

Chapter 50

318K 15K 8.5K
By VentreCanard

AN/ Maraming salamat sa mga nakaabot sa digmaan. Lol. Paalala lang po na ang lahat ng nakasulat dito ay hindi nakabase sa kahit anong nabasa o napanuod niyong kwentong bampira o lobo. I have my own vampire world, laws, legend and beliefs. PLEASE DON'T COMPARE. Thank you. Happy reading!  


Chapter 50


What is the loneliest day of my life? It might be today, watching my whole world fall apart and all I can do is just to stare blankly.

Wala akong tigil sa paghagulhol habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Ilang katawan pa ang babagsak para sa akin? Gaano pa karaming dugo ang aagos? Ilang buhay pa ang magsasakripisyo? Ilang pamamaalam pa ang aking maririnig?

Ang sakit na ng dibdib ko, ang sakit sakit sakit na. Pinilit kong lumaban, pinilit kong magpakatatag pero bakit laging nauuwi sa kamatayan? Bakit kailangang laging may mawala? Bakit kailangang may nagbubuwis ng buhay?

Dalawang prinsipe ang nakalugmok na walang buhay sa akin. Naghahalo na ang dugo sa aking katawan, ang sarili kong dugo at maging ang dugo ng dalawang prinsipeng pinili ang kamatayan para lamang sa akin. Gusto ko silang hawakan, gusto ko silang yakapin, gusto kong ibulong sa kanila ang pasasalamat at walang katapusang paghingi ng tawad.


"Why? Why? Bakit?!" sigaw ko. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko, hinang hina na ako.


Walang makalapit sa akin, maging ang mga kapatid ko dahil lahat sila ay abala para maprotektahan hindi lamang ako kundi ang buong Parsua na nanganganib nang lusubin ng apat na imperyong pinili nilang labanan para lamang mailigtas ako at pagmamahalan namin ni Adam. Tama ba ang naging desisyon nila? Tama ba na isakripisyo ang buong Parsua para lamang sa aming dalawa?

Magkakaroon ba ng ganitong digmaan kung sakaling hindi ako nagmakaawa sa kapatid kong gusto ko pang mabuhay? Makakarinig ba ako ng mga katapusang patayan kung tinanggap ko na lang kung ano ang dapat kong sapitin? Sa halip na buhay ko lang ang mawala naging kapalit nito ay daang buhay ng mga inosenteng bampira.

Sa kabila nang walang tigil kong paghagulhol ay ang hindi matapos na ingay ng karahasan at kamatayan. Paglapat ng mga espada, pagyanig ng lupa, mararahas na unggol ng mga kabayo, pagputok ng mga kanyon, ungol ng naglalakihang ibon, mga nagliliparang mga pana, kulog at kidlat at taghoy ng bawat nilalang pagkatapos marahas hugutin ang espada sa kanilang mga katawan.

Muli akong nakaramdam ng matinding pag iinit ng aking dibdib hanggang sa magbuga na naman ako ng aking sariling dugo. Naagapan ng dugo ni Rosh ang lason kanina pero muli akong nasaksak ng panibagong punyal na may lason na siyang unti unting pumapatay sa aking katawan. Nahihirapan nang manatiling nakamulat ang aking mga mata.


"Lily!" pakinig ko ang boses ng isa sa mga kapatid ko. Nang pilit kong hinanap ang pinanggalingan nito ay nakita ko si Finn. Kasalukuyan na siyang nakikipaglaban sa tatlong malalakas ng bampira.


"Lumaban ka Lily, huwag na huwag mong ipipikit ang mga mata mo. Utang na loob, huwag Lily. Huwag, tandaan mo nandito pa kami. Nandito pa kaming mga kapatid mo." Malakas na sigaw nito na halos pumiga sa puso. Anong ibig niyang sabihin?

Gustong gusto ko pang lumaban pero bumibigay na ang katawan ko, hindi na lumalaban ang puso ko at ang maging ang lalaking tanging pinagkukunan ko ng lakas ay hindi ko na magawang maramdaman pa ang presensiya.


"Lily, huwag mo kaming iiwan. Tama na ang isang beses Lily, tama na. Lily, makinig ka sa amin." Sumigaw din si Caleb mula sa malayo. Maging si Casper at Harper ay nakikita ko nang lumalaban.


"Lily, please fight back. Please, alam mong gusto ka naming lapitan. Gusto ka naming yakapin, kaunting tiis na lang. Kaunting tiis na lang." Sigaw rin ni Evan sa kabila ng mga kalabang nakapaligid sa kanya. Gusto kong umiling sa sinabi niya, kulang na kulang na kami at kung may isang mawala mula sa kanilang mga posisyon madali nang mapapasok ang harang ng Parsua at tuluyan nang masisira ang apat na kahariang piniling talikuran ang patakaran para lamang sa akin.


"You need to fight for us, fight for your life Lily. Babalik tayong buo, babalik tayong pito sa palasyo." Lalo akong lumuha dahil sa sinabi ni kamahalan. Alam kong nararamdaman na nila ang unti unting paghina ng pagpintig ng puso ko.

Lumalaban ako pero hindi na kaya nang katawan ko. Nagpupumilit nang bumaba ang talukap ng aking mga mata.


"Adam.."


"Adam.."


"Adam.."

Pilit ko siyang tinatawag pero wala pa rin akong marinig na sagot mula sa kanya. Hindi ko na siya maramdaman, lalo nang sumisikip ang dibdib ko. Habol ko na ang aking paghinga. Mas lalo na akong nanghihina ngayong hindi ko na maramdaman ang lalaking pinakamamahal ko.


"Dastan!" pakinig ko ang sabay na pagsigaw ni Caleb at Finn. Nagpilit akong igalaw ang aking kanang kamay na parang maaabot ko ang aking kapatid. Dumudugo na ang braso ni Dastan at hindi na niya ito maigalaw.


"Fuck! Behind you Evan!" Akala ko ay tuluyan nang madadambahan ng bampira sa kanyang likuran si Evan nang sabay nagpakita si Harper at Casper sa likuran ng bampirang dapat susugod kay Evan at sabay ang mga itong pinugutan ang bampira ng ulo.


"Harper! Casper!" sigaw ni Caleb. Kita ko ang pagpupumilit lumapit ni kamahalan at Caleb para tulungan ang kambal pero agad silang naharangan. Mabilis tumilapon ang mga katawan ng kambal patungo sa kumpulan ng mga kawal ng kalaban. No!

Nagpumilit humabol si Finn at Caleb pero mabilis silang nahaharangan nang napakaraming bampira. Hindi na makatulong ang iba pang malalakas na bampira ng Parsua dahil lahat ng mga ito ay abala na sa bawat malalakas na bampirang pinadadala ng konseho.

Naubos na ang aming mga babaylan at ang tanging naiwan na lamang ay ang kanilang ginawang harang na anumang oras ay maaari nang masira. Kahit saan tingnan, walang laban ang Parsua kahit marami ang bilang ng malalakas na bampira, kahit apat na hari pa ang magtulong, kaming mga Gazellian, Le'Vamuievos, Viardellon at Thundilloir. Hinding hindi namin matatalo ang natitirang apat na imperyo. Walang kahit anong paraan para manalo kami, bakit kailangang humantong dito? Bakit?

Hindi ko na maramdaman si Adam, hinanap ng aking mga mata ang lugar kung saan ko siya huling nakita. Wala na siya dito, maging ang katawan ni Rosh ay hindi ko na rin makita. Marami nang mga Viardellon ang nakalugmok na sa lupa, maging ang mga Thundilloir na siyang mga namumuno sa Trafadore ay nanghihina na rin, malapit na rin maubos ang aming mga kawal maging mga grupo ni Lucas ay nanghihina na.

Umangat ang dalawang ang prinsipe mula sa akin nang may mga kawal na nagmadaling kumuha sa walang buhay nilang katawan. Wala akong nagawa kundi hayaan silang buhatin at halos madurog ang puso ko nang dalhin sila sa mga nakahilerang bangkay na nagmula sa apat na kaharian. Ang mga bampirang may katungkulan, malalakas na mandirigma, punong babaylan at maging mga heneral ng mga kawal.

Hindi na tumitigil ang pagtulo ng aking mga luha.


"Caleb! Evan!" narinig ko ang malakas na sigaw ni kamahalan at halos magimbal ang buong pagkatao ko nang makitang sabay nasaksak ang mga kapatid ko ng dalawang magkaibang konseho.


"No!" walang pakundangan pinatay ni Dastan ang dalawang bampirang nasa harap niya bago siya nagmadaling nagtungo sa bumagsak kong mga kapatid.

Nagsisigaw na ako sa sobrang galit sa sarili ko, humahagulhol na ako sa sobrang sakit bakit wala akong magawa? Bakit nakatitig lang ako sa mga nangyayari? Unti unti na silang nauubos dahil lang sa akin.

Napapasok na ang Parsua at naririnig ko na ang yabag patungo sa akin. Hanggang dito na lang ba ang lahat?


"Lily!" sumigaw si kamahalan at ang ilang mga kapatid ko na kapwa mga duguan na. Maraming nagtangkang lumapit at pigilan ang paparating na apat na konseho na may hawak na mga espadang naliligo sa pinaghalong dugo ng mga bampira ng Parsua. Papatayin na nila ako, papatayin na nila ako.

Ipinikit ko na ang aking mga mata, wala nang kahit sino pa ang makakarating para tulungan ako. Wala na, hanggang dito na lang ang makakaya naming lahat.


"Hinding hindi kami papayag!" nakarinig ako ng pamilyar na boses at nang pilit kong imulat ang aking mga mata. Nakita ko ang apat na itinakdang babae noon na humarang sa apat na konseho.

Bigla na lamang tumilapon ang katawan ng mga konsehong dapat papatay sa akin nang isa isa silang sinugod ng mga dating itinakdang prinsipe. Nagsimula nang gumawa nang malakas na harang ang mga dating itinakdang babae sa aking paligid. Agad lumuhod sa akin ang apat at halos sabay sabay nilang hiniwa ang kanilang sarili para lamang maisalba ang aking buhay.


"Fvck! Punong puno na siya ng lason!"


"Nasaan na ang lobo?" pakinig kong tanong ng isa.


"Paparating na sila." Isa sa kanila ay pilit pinapatak ang sariling dugo sa aking labi, kahit pag inom ay hindi ko na makaya.


"Her body is not responding! Kailangan natin ang lobo."


"Malapit na sila Dione!" ramdam ko ang kapangyarihan nila sa aking katawan kung saan ako nagsaksak.


"Damn, hindi na tumatalab. We're late, we're damn late."


"Oh god!" Hindi na ako makakita pero narinig kong may itinabi sila sa akin. Muli akong lumuha, hindi ko na maramdaman ang prensesiya ni Adam dahil sa sobrang hina ko.


"May isa pa akong nakitang nag aagaw buhay." Pakinig kong sabi ng isang lalaki. Sabay sabay nagsinghapan ang apat na itinakdang babae nang may panibagong katawan akong narinig na bumagsak.


"Ang ikalawang prinsipe ng Deltora."


"Ako ang gagamot sa kanya."


"Serena.."


"Huwag nyo akong intindihin, buhayin nyo ang lobo at ang prinsesa. Hindi ko hahayaang mamatay ang ikalawang prinsipe ng Deltora. I killed him once, minsan ko na siyang pinatay nang hindi ko patawirin sa salamin ang babaeng mamahalin niya."


"Serena! Hindi na tayo malalakas! Hindi na tayo makakapanggamot mag isa! You will kill yourself! Isa lang ang maaari nating buhayin kung ang lobo at ang prinsesang ito o ang prinsepe ng Deltora."


"But Dione, I can't let this prince die. Hindi ko hahayaang mamamatay siya nang hindi nakikita o nakakasama man lang ang kanyang dyosa. I can't. Franco, huwag mong hahayaang makalapit dito si Lorcan." Nagkakagulo na ang mga itinakdang babae noon.


"Fvck! Serena"


"Louise please, respetuhin nyo ang aking desisyon." Walang nagsalita sa kanila at naramdaman kong nagsisimula na silang gamutin ako.


"Naririnig nyo ba kami? Mahal na prinsesa? Lobo? Magkatabi lamang kayo." Nagpatakan ang mga luha ko nang sabihin niya ito. Katabi ko na pala ang lalaking pinakamamahal ko pero hindi ko na siya maramdaman.

May mga kamay nang humawak sa akin at ito mismo ang tumulong sa akin para aking maramdaman ang kamay ng lalaking pinakamamahal ko.


"A—dam.." tuyong tuyo na ang boses ko.


"A—dam.." muli kong tawag sa kanya.


"A—dam.." nakaramdam ako ng pisil sa aking kamay.


"Their body is rejecting our power Louise, anong gagawin natin?"


"Lily.." humagulhol ako nang marinig ko ang boses niya. We can't do mind link anymore. Mahina na ang katawan namin.


"Louise, isa lang sa kanila. Hanggang isa na lang ang kakayanin natin. Hindi na pwedeng mahati ang kapangyarihan natin sa dalawang katawan. Isa lang.." ramdam ko na mas hinigpitan ni Adam ang pisil niya sa kamay ko. Alam kong mas malaki ang tama niya sa akin.

Pilit huminga nang malalim at gustong gamitin ang kahuli hulihan kong lakas para lamang maramdaman ang mga bisig niya. Pilit akong gumapang at kumilos para mas maramdaman ko ang katawan niya.


"Don't move.." hindi ko sila pinakinggan at pinagpatuloy ang paggapang hanggang sa maramdaman ko ang katawan ng lalaking pinakamamahal ko. Akala ko ay hindi na siya tuluyang makakagalaw nang maramdaman ko ang pilit niyang pagyakap sa akin. Mukhang hindi lang ako ang nagpumilit kumilos sa oras na ito.


"Buha--yin nyo siya. Choose her instead of me. I love her so much, I love you so much Lily.." nangangatal na sabi niya. Pilit akong umiling.


"No, choose him. Choose him instead of me, choose him." bulong na lang ang nasasabi ko.


"Who? Sino sa kanila Louise?" nagtatalo na ang mga itinakdang babae.


"Mas malalim ang sugat ko Lily, isipin mo ang mga kapatid mong maiiwanan. Maraming luluhang mata kapag nawala ka." Mahinang sabi niya sa akin. Wala na akong makita at magkadikit na lamang ang aming mga noo sa isa't isa.


"No Adam, you'll die. I'll die, no. Walang pipiliin sa atin. Wala, sasama ako sa'yo, sasama ako sa'yo."


"Listen sweetheart, mawawala ang lahat nang pinaghirapan nila kapag nawala ka. Hindi lang ako ang nagmamahal sa'yo. Hindi lang ako mahal ko."


"Adam please, Adam.."


"Lagi mong tatandaan na ikaw ang pinakamagandang prinsesang aking nasilayan. Ikaw lang ang nag iisang bampirang mamahalin ko. Ikaw lang Lily.."


"No! No, Adam, ayokong makarinig ng ganyan. Ayokong makarinig ng ganyan, sawang sawa na ako. Not from you please, not from you. Don't choose me! Choose him please, choose him."


"Don't ever forget that you were once embraced, touched, kissed and loved by an Alpha like me Lily. I'll never stop loving you, I promise my beautiful Luna." Naramdaman kong binitawan na ako ni Adam.


"No! huwag kang bibitaw Adam!" Mariin kong hinawakan ang kamay niya.


"No! please, No."


"Move him." Pakinig kong sabi ng isa sa itinakdang babae. Hindi ko binibitawan ang kanyang kamay.


"No! Hindi ba sabi mo hindi mo ko iiwanan? Isama mo na ako. Kung hindi ka nila kayang gamutin, huwag na rin ako! Nagmamakaawa ako, huwag nyo na akong ihiwalay sa kanya." Lumuluhang sabi ko.

Walang sumunod sa kagustuhan ko dahil pilit na nilang inagaw ang kamay kong nakahawak kay Adam hanggang sa tuluyan ko na siyang nabitawan. Naramdaman ko nang ginagamot na nila ako.


"I will kill myself, I will kill myself." Paulit ulit na sabi ko.


"Huwag kang makasarili prinsesa! Madaming nagbuwis ng buhay para lamang sa'yo! Isipin mo ang sakripisyong ginawa ng kapatid mong hari, isipin mo ang nalalagas na mga bampira ngayon."

Namanhid na ang sarili ko, hindi ko na alam ang dapat kong isipin sa mga oras na ito. Dapat ba akong maging masaya dahil ginagamot ako habang sa kabilang tabi ay nandito ang lalaking pinakamamahal ko at nag aagaw buhay?

Isang malakas na pagsabog ang aking narinig na siyang nakapagpatigil sa mga babaeng nagtutulungan akong gamutin. Ano na ang nangyayari?


"Fvck! Nahahati ang daan." Patuloy sa pagyanig ang lupa. Anong nangyayari?


"It couldn't be, may nakikita ako."


"No way.."


"Papaano siya nakababa?" nangangatal na sabi ng isa sa mga babaeng tumutulong sa akin.


"Is she the Moon goddess?" nang marinig ko ito ay sabay sabay akong nakarinig ng malakas na alulong ng mga lobo.


"Alam nyo ba ang ginagawa nyong lahat?" malakas na sabi mula sa napakagandang boses. Papaano siya nakababa? Hindi niya ginagamit ang katawan ko, papaano?


"This is damn impossible, hindi siya makakababa ng walang sakripisyo. Kanino siya kumukuha ng enerhiya dito sa lupa?" kahit ang mga itinakdang babae ay hindi makapaniwala. Imposibleng makababa siya ng walang sakripisyo.


"Sa tingin nyo ba ay matatapos ang lahat sa walang katapusang digmaan?!" sigaw muli nito. Pinagpatuloy ng mga babae ang panggagamot sa akin habang pinakikinggan ko ang sinasabi ng dyosa.


"Paulit ulit lang itong mangyayari! Bakit hindi nyo na lang hayaan ang nagmamahalan?! Dahil may sarili kayong pinaniniwalaan? Dahil alam nyong may mga kasalanang muling mabubuhay kapag hinayaan silang dalawa?! Sa tingin nyo ba ay pagmamahalan sa pagitan ng isang lobo at bampira ang dahilan kung bakit unti unting may naglalahong imperyo?! Pagmasdan nyo ang kabuuang ito! Pagmasdan nyong lahat ang ginagawa nyo! Hindi nyo ba nakikitang kayo mismo ang bumubura ng sarili nyong imperyo?!" malakas na sigaw ng dyosa. Nararamdaman ko nang bumabalik ang aking lakas at halos magtatalon ang puso ko nang maramdaman kong bumalik sa tamang pagtibok ang puso ni Adam.


"Gumising kayo sa sarili nyong kahibangan!" sigaw muli nito. Muling yumanig ang buong kalupaan at sa pagyanig nito ay tuluyan nang bumalik ang lakas ko.

Kasabay nang tuluyan kong pagbangon ay ang paglapit sa akin nang anyong lobo ni Adam. Mabilis akong sumakay sa likuran niya.


"I love you Lily, I love you so much." Sa halip na sumagot sa kanya ay mariin ko siyang niyakap.


"Her presence saved me."

Tuluyan ko nang nakita ang kabuuan ng digmaan. Biyak na ang lupa at sa gitna nito ay ang lumulutang na magandang dyosa na may liwanag sa kanyang buong katawan, nalilipad ng hangin ang kanyang napakagandang buhok. Akala ko ay magaganda na kaming mga bampira pero talagang nag uumapaw sa kagandahan ang dyosang nakikita ko. Ngayon lamang ako nakakita ng isang totoong dyosa.

Nasa kabilang lupa ang mga konsehong siyang kalaban namin, ang mga lobong kakampi nila habang kaunti na lamang kaming mga taga Parsua. Ang tanging nakikita ko na lamang nakatindig ay ang apat na hari na kapwa nababahiran na ng sariling dugo at ang mga itinakdang prinsipe noon.


"Ito ba ang kapalit ng pagmamahalan natin Adam?" tanong ko sa kanya. Pansin ko na pilit nagtatayuan ang aking mga kapatid, ang ilan sa mga Le'Vamuievos, Viardellon at mga Thundilior. Pinili naming lahat humilera sa tagiliran ng bitak ng lupa at lakas loob naming hinarap ang mga konseho kahit nakapagitan ang dyosa.


"Hinding hindi namin isusuko ang Parsua! Dadaan muna kayo sa bangkay naming lahat bago nyo makanti ang aming imperyo!" malakas na sigaw ni Seth na hindi alintana ang presensiya ng dyosa sa gitna.


"Tumigil na kayo!" sigaw muli ng dyosa. Pansin ko na natitigilan ang mga konseho dahil sila ang lubos na nakakaalam kung totoong dyosa o hindi ang magandang babaeng nasa harapan namin. Nakikita ko na rin na nababalot na sila nang matinding takot.


"Adam, she's not using my body. Sino ang pinagkukuhanan niya ng lakas dito sa lupa?"


"Maging ang mga kapwa ko lobo ay itinatanong din ito. Imposible siyang makakababa ng walang sakripisyo."


"Itigil na ang digmaang ito, huwag nyong hayaang mabulag kayo sa maling paniniwala at hahantong sa walang katapusang kamatayan!" muling sigaw ng dyosa.


"Hindi siya dapat paniwalaan! Dyosa lamang siya ng mga lobo! Wala siyang pakialam sa ating mga bampira! Wala kang karapatang magmarunong sa aming lahat!" sigaw ito mula sa isang mandirigmang bampira sa kabila.

Lilingunin na sana siya ng dyosa pero halos lahat kami ay matulala sa bilis nang pangyayari dahil kitang kita namin ang marahas na pagdanak ng dugo at pagkapugot ng ulo ng mandirigmang nagsalita mula sa espadang hawak ni Dastan. Namumula ang mga mata nito habang nakalabas ang kanyang mga pangil.


"Huwag na huwag mong pagtataasan ng boses ang aking reyna."

Nagtindigan ang aking mga balahibo sa aking narinig. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong unti unting lumuluhod sa harap ng aking kapatid. Yumuko ang lahat ng mga lobo at nagluhuran ang lahat ng mga konseho. Maging ang lahat ng makapangyarihang bampira sa buong Parsua ay yumuko para sa kapatid ko.

My brother is mated to a real goddess. My brother will be the most powerful vampire of all. Nasagot na ang lahat ng katanungan sa isip ko, si Dastan ang pinagkukunan ng lakas ng dyosa kaya niya nagawang makababa sa lupa.

The goddess is mated to my beloved king, to my beloved brother. Hanggang sa huli si Dastan ang nakapagpatigil ng lahat, siya at ang kanyang dyosa.

Lumuluha akong nakatitig sa aking kapatid, maraming maraming maraming salamat mahal na hari, kuya. Niyakap ko nang mahigpit si Adam.


"Malapit nang matapos ang lahat, malapit na. Mahal na mahal kita Adam."


"Mahal na mahal rin kita Lily.." sumabay sa pag alulong si Adam sa kanyang kapwa lobo bilang pagkilala kay Dastan. Muli kong iniyuko ang aking ulo bilang paggalang sa aking hari.


"I've been waiting for you, my queen"



--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 131K 45
Kingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?
53.9K 2.7K 100
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...
1.8M 52.9K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...
5.8M 230K 63
Standalone novel || All her life, Chloe felt abandoned by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...