Chapter 14

315K 16K 2.8K
                                    

Chapter 14


Napatitig na lang ako sa mga kamay niyang nakahawak sa akin. Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng matinding koneksyon namin sa isa't isa. Posibleng katulad ko din siya na hindi makapaniwalang sa dami ng nilalang sa mundong ito bakit isang kalabang lahi pa ang nakatakda para sa amin.


"Yes, I am already mated to someone.." ramdam ko ang paghigpit ng kamay niya sa akin.

Alam kong may gusto pa siyang sabihin sa akin, kitang kita ko sa mga mata. Gusto kong sabihin niya ito, just tell me. Tell me Adam.

Magsisimula na sana siyang magsalita nang maramdaman ko ang marahas na kamay ni Orion, agad niyang tinanggal ang mga kamay ni Adam mula sa akin.


"Don't touch her!" agad akong inilayo sa kanya ni Orion. The barrier is gone.


"So that's him, your mate.." matabang na sabi ni Adam na tamad lamang na tinapunan ng tingin ang nagngingitngit sa galit na si Orion.


"Orion.."


"Yes, I am her mate werewolf.." halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. No! I want to scream and protest. It's not him Adam, it's not him. Pero sa halip na makapagsalita ako ay hinayaan ko na lamang si Orion na ilayo ako mula sa kanya.

Anong mangyayari kapag tumanggi ako sa sinabi ni Orion? Masasabi ko ba na siya ang itinakda sa akin na hanggang ngayon ay hindi niya makilala o maramdaman man lang?

Sinimulan na akong hilahin ni Orion papalayo kay Adam. Siya ang unang nagkalas ng paningin namin sa isa't isa. Nagsimula na siyang tumalikod at maglakad papalayo sa amin.

I want him to come back.


"Let's go Lily.." susunod na sana ako kay Orion nang muli kong sinulyapan si Adam at ang batang babae.

Hindi pa rin sila nakakalayo.


"Can you help us?" malakas na sigaw ko kay Adam. I can't just lose him right now, not now please.


"Lily, what are you doing?!" iritadong sabi sa akin ni Orion.


"Posibleng may alam siyang mas mabilis na paraan para makarating tayo sa lugar kung saan tayo makakahanap ng lunas sa mga kapatid ko. Oh god, Orion I can't travel for four days with my brothers dying on that poison, wala akong mapapanghawakan kung hanggang saan pa ang itatagal nila.."

Akala ko ay tuluyan na akong hindi narinig ni Adam pero napansin ko na tumigil ito sa paglalakad. Hahakbang na sana ako papunta sa posisyon ni Adam nang hawakan ni Orion ang braso ko.


"Lily.." huminga ako ng malalim at sinalubong ko ang mata ni Orion.


"He can't hurt me Orion, he can't. He's my mate, that werewolf is my mate Orion.." halos bulong na lamang sa hangin ang sinabi kong ito kay Orion na blangko ang ekspresyon sa akin.

Adam is in his human form, alam kong hindi niya maririnig ang mga sinabi ko. Nang maramdaman ko nang lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Orion ay nagmadali na akong pumunta sa direksyon ni Adam at nang batang babae.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Where stories live. Discover now