Chapter 3

402K 17.3K 2.9K
                                    

Chapter 3


Ngayon ang araw kung kailan ipadadala kami sa Deltora para samahan si Rosh, ang ikalawang prinsipe ng kanilang kaharian para sa kanyang paglalakbay patungo sa Halla Eberron.

Hindi nasabi sa amin ni Dastan kung ano ang dahilan nang hindi pagkakaunawaan ng dalawang kaharian. Ang higit na mahalaga sa aming tatlo ay magampanan namin ng maayos ang aming misyon. Hinding hindi namin maaaring biguin si Dastan sa bagay na ito.


Kapwa na kami nakasakay sa aming mga kabayo. Pilit akong pinasasakay ni Evan at Finn sa isang karwahe na siyang mahigpit kong tinanggihan ako. Hindi ako magtutungo sa Deltora bilang isang prinsesang panauhin, magtutungo ako dito bilang isang maharlikang may tungkulin dapat tapusin.

Si Dastan, Harper, Casper at Caleb ay nasa labas na rin ng palasyo para ihatid kami ng tanaw sa aming pag alis. Mapait akong ngumiti nang maalalang kulang kami ng isa. Ang kapatid kong si Zen, ilang taon na siyang nakakulong sa ilalim ng palasyo dahil sa kanyang matinding pagkauhaw sa itinakdang babae mula sa kabilang mundo.


"Mag iingat kayong tatlo" ngiting sabi sa amin ni Harper na siyang kakambal ni Casper. Sila ang bunso sa aming magkakapatid.


"We will" mabilis na sagot ko na sinang ayunan ni Finn at Evan nang pagtango.


"Shall we go?" tanong ni Evan. Nauna na siya agad sinundan ni Finn. Tumango na lamang ako kay kamahalan na tahimik lamang nakatingin sa amin.

Sinimulan ko nang palakarin ang aking kabayo nang muli ko itong pinatigil at mabilis kong ibinalik mismong sa harapan ng kapatid kong si Dastan.


"Maaari ba akong humiling kamahalan?" tanong ko sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo ni Casper, Harper at Caleb dahil sa sinabi ko. Ramdam ko din na tumigil sa pagtakbo ang mga kabayo ni Finn at Evan.


"Anong kahilingan Lily?" pormal na sagot sa akin ni Dastan.


"Maaari ba sa aming pagbabalik ay pag usapan na natin ang tungkol sa problema ni Zen? Alam kong abala ka sa palasyo kamahalan, but try to visit him. He's literally dying, our brother is dying. We need to get the human girl.." ito ang isa sa mga dahilan kung bakit labag sa loob kong lumabas ng Parsua Sartorias. Hindi na maganda ang lagay ni Zen sa ilalim ng palasyo.


"I'll check him.." simpleng sagot sa akin ni Dastan. Hindi na ako naghanap pa nang mahabang salita mula sa kanya, ibinaling ko ang atensyon ko sa natitira kong mga kapatid.


"Habang wala ako dalawin niyo si Zen sa ilalim ng palasyo" maiksing sabi ko kay Casper, Harper at Caleb.


"Walang problema Lily.." ngising sagot sa akin ni Caleb. Tumango na lamang ako sa kanilang lahat bago ko pinatakbo ang aking kabayo nang makita ni Evan at Finn na papalapit na ako ay saka nila muling pinatako ang kanilang mga kabayo.

Hindi ko binalak gamitin ang kapangyarihan ko sa mangyayaring paglalakbay ngayon. Hindi pa ako bihasa dito at malaki ang posibilidad na sa ibang lugar kami mapapunta, kailangan ko pa nang matinding pag eensayo sa kapangyarihang ito.

Dahil mabilis kaming magpatakbong magkakapatid ay ilang oras lang ay nakarating na kami sa Parsua Deltora, inaasahan na namin na nakahanda ang prinsipeng kasama namin pero malaki ang ipinagtaka ko nang ang hari ang nakikita naming nakaabang sa amin sa harap ng palasyo.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon