Chapter 46

244K 11.8K 1.8K
                                    

Chapter 46


Imprisonment of body is painful but imprisonment of heart is the worst.


Tatlong araw na akong nakapiit sa napakataas na kulungang ito na kahit bintana ay wala. Wala akong ibang naririnig kundi ang sarili kong pag iyak at ang mga kadenang nakatali sa aking mga paa sa tuwing magtatangka akong humakbang.

Nakahiga ako ngayon sa malamig na sahig habang nakatulala sa kisame ng kulungan. Ilang makasalanang bampira na kaya ang nakulong sa lugar ito? Ilang bampira na kaya ang nakaranas na maghintay ng sariling kamatayan sa masikip na lugar na ito?

Hindi ko akalaing dadarating ang araw na ang isang prinsesang katulad ko na tinitingala ng maraming bampira, na hinahangaan ng lahat ay matatagpuan ngayong nakahilata sa maduming sahig ng piitan habang hinihintay ang tawag ng kamatayan.

Ilang beses kong tinatanong sa sarili ko, kasalanan bang magmahal? Kasalanan bang sinunod ko ang tinitibok ng aking puso? Wala akong ibang ginawa kundi magmahal pero bakit kailangang humantong sa kamatayan?


"Zen, pwede mo ba akong kausapin ngayon? May itatanong lang ako.." kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang muling paghagulhol ko. Sawang sawa na akong marinig ang sarili kong umiiyak.


"Zen, bakit ganito? Kuya bakit ganito? Nagmahal lang naman tayong dalawa. Minahal mo si Claret, mahal na mahal ko si Adam. Pero bakit lagi na lang tayong humahantong sa kamatayan? Bakit lagi na lang ganito?" hindi ko na napigilan ang sarili kong mga luha dahil umagos na naman ang mga ito.


"Wala ba tayong karapatang maging masaya? Isinumpa ba ang pamilya natin pagdating sa pag ibig? Maaari mo ba akong sagutin Zen?" para akong baliw na kinakausap ang aking sarili.

Alam kong kahit ilang daang katanungan pa ang sabihin ko ay wala akong matatanggap na sagot mula sa kapatid ko.


"Nagmahal lang naman ako, nagmahal lang.." paulit ulit na sabi ko. I made myself in fetus style and I cried endlessly.


"Adam..."


"Adam..."


"Adam, gusto kitang makita.."


"Adam.." sinubukan kong pasukin ang isipan niya pero hindi ko ito marating. Nakasarado ito at posibleng hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Adam. Pero tatlong araw na ang nakakalipas. Ano na ang nangyari sa kanya?


"Adam.."

Mukhang hanggang dito na lang ako, sinabi ng konseho na sa ikatlong araw ako pupugutan ng ulo at alam kong anumang oras ay may mga kawal nang dadating para kuhanin ako at isalang sa harap ng lahat ng bampira ng imperyo ng Parsua.

Walang kahit isa sa pamilya ko ang dumalaw sa akin sa loob ng tatlong araw, malamang ay pinagbawalan na sila ng mas matataas na bampira. Bakit nga ba kailangan pa nilang mag aksaya ng oras sa isang taksil na katulad ko?

Sa halip na ipagpatuloy ang pag iyak ay sinimulan kong umawit ng isang awitin na naririnig kong pinatutugtog ni Casper sa kanyang kwarto, alam kong awitin ito mula sa kabilang mundo.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon