Chapter 9

357K 15.3K 2.6K
                                    

Chapter 9


Hundred years ago

Maaga akong pinalabas ng aming maestro mula sa silid aklatan ngayong gabi dahil mabilis kong nasagutan at nakabisado ang aming mga talakayan na dapat malaman at matutunan ng isang dugong bughaw na katulad ko.

Sa aming murang edad, kailangan na namin malaman ang bawat detalye ng pag ikot ng mundong ito. Simula sa maliit hanggang sa malaking parte na siyang hindi namin dapat palampasin.

We are Gazellians and that is our responsibility. We are the future rulers of this empire. Mahalaga ang papel namin sa emperyong ito na siyang ipinamulat na sa amin simula ng kami ay nagkaisip.


Naiwan sa loob ng silid aklatan si Finn at Caleb na nagrereklamo nang masakit ang ulo, nahihilo, nauuhaw at nagugutom sa kalahating oras pa lamang ng talakayan. Wala na silang natututunan. Sa tuwing nakikita nila ang aming maestro, kung ano ano na lamang ang kanilang nararamdaman sa kanilang katawan.

Kakaiba sa kanila si Evan, he's born intelligent and wise. Madali niyang naiintindihan ang mga sinasabi ng aming maestro kaya katulad ko ay maaga din siyang nakakalabas ng silid aklatan. Masasabi ko na para na rin siyang si Dastan mag isip, 'yon nga lamang mas lamang si Evan sa salita kumpara sa aming unang prinsepe na bihira lamang makipag usap sa amin. Evan can be a very good leader as well na siyang sinasabi na rin ng nakakarami. Habang si Zen at Dastan naman ay kaiba ang araw ng pag aaral sa amin.


Dahil ayoko pang pumasok sa aking silid ay naisipan ko munang maglakad lakad sa hardin ng palasyo na napupuno na naman ng mga nyebe, sa katunayan na nagsisimula na namang lumakas ang pagpatak nito. Napapabuntong hininga na lamang ako.

Siguro ay nagpang abot na naman si Zen at Rosh, ang mortal na magkaaway. Sikal ang pagpatak ng nyebe kapag may matinding emosyong nararamdaman ang aking kapatid na si Zen.

Ano nga ba ang nabalitaan ko? Dumalaw lang naman ang unang prinsipe ng Deltora na si Prinsipe Tobias kasama ang mga kapatid niya sa aming inang reyna na ipinagbubuntis ang aming kambal na kapatid. Dapat ay hindi na lang nila isinama si Rosh dahil siguradong magkakagulo na naman sila ni Zen.


Ipinilig ko na lang ako ulo ko, bakit ko ba masyadong iniisip ang dalawang pasaway na prinsipeng 'yon?

Pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko. Masasabi ko na talagang ipinagmamalaki ng palasyo namin ang magandang hardin nito dahil sa magagandang rosas at hindi pamilyar na bulaklak na tanging sa hardin lamang ng Sartorias makikita.

Ang isa pa sa dahilan kung bakit lalo pa itong pinag uusapan ng iba't ibang kaharian ay dahil alam nilang lahat na si Dastan ang nagmimintina nito. Our first prince loves flowers at masaya na itong makitang namumulaklak ang mga ito. Bagay na kabaliktaran ko, isa akong prinsesa na hindi mahilig sa mga bulaklak. I preferred polishing swords than admiring flowers.


Habang abala ako sa pagtingin ng mga bulaklak na pinalago at pinaganda ni Dastan ay may napansin akong kakaiba sa ilalim ng isa sa mga ito. Bahagya nang nasisira ang mga halaman ni Dastan na siyang nakapagpainit ng ulo ko. Walang pwedeng gumalaw sa mga halaman ng aming unang prinsipe.

Marahan akong naglakad papalapit sa bagay na nakapagpakunot sa aking noo.

It was something white and I can't name it. Mas lumapit pa ako para mas mapagmasdan ito. May hayop na nakapasok sa hardin ng palasyo? What's this?

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Where stories live. Discover now