Chapter 23

318K 13.1K 2K
                                    

Chapter 23


'The greatest gift my parents ever gave me were my siblings'


Nakangiti akong nakatitig kay kamahalan na nagsisimula nang mawala sa aking mga mata. Yes, he's a cold hearted brother but he's never been numb and merciless.

Hindi kagandahan, kapangyarihan at marangyang katayuan sa mundong ito ang ipinagpapasalamat ko. It's all about my siblings and that won't change forever. Hindi man kami perpekto, alam kong hindi namin kayang tiisin ang isa't isa. Bagay na laging ipinapamulat sa amin ng aming minamahal na hari at reyna.

Nang maubos ni Zen ang dugong nasa kopita ay marahan ko na itong inabot kay Evan.


"Heard it Zen?" tanong ko dito. Hindi na siya natiis ni kamahalan, damn that 'one word of Gazellians'

We can't just stick to that image if someone is dying from us. Hell no. Nag iwas lang ng tingin sa akin si Zen, napairap na lang ako sa ginawa niyang ito.

Nag angat ako ng paningin sa mga kapatid kong maiiwan sa palasyo.


"Kayo na ang bahala sa kanya.." mabilis naman silang tumango sa sinabi ko.


"Harper, please monitor Zen. If these idiots can't feed him, just do it yourself.." pakinig ko ang sabay sabay na mura ni Finn, Evan at Casper.


"Now it's my turn, life is too boring inside the palace.." nag iinat na sabi ni Caleb.


"Let's go.." inangat ko ang kamay ko kay Caleb para alalayan ako. Agad namang madramang yumuko sa akin si Caleb habang inaabot ang kamay ko na parang isang sanay na prinsipe na mahilig sa mga pormal na kilos na ganito.

Naiiling na lang ako habang itinatayo niya ako.


"Hindi bagay sa'yo!" natatawang sabi ni Evan.


"Nagsasanay lang ako. I need to be gentleman in meeting Zen's deity, you know first human's impression is important.." kibit balikat na sabi ni Caleb.


"Stay away from her Caleb.." malamig na sabi ni Zen. Here we go again.


"Alright, enough brothers. We'll go now.." hinawi ko ang mahaba kong buhok.


"Let's go Caleb, nanggugulo ka pa dito.." halos hilahin ko na si Caleb para makaalis na kami at hindi pa man kami nakakalayo ay narinig kong nagsalita si Zen.


"Mag ingat kayo.." sabay kaming lumingon ni Caleb sa kanya.


"We will.."


--


Karamihan sa mga opisyal ng Parsua Sartorias ay nasa labas na ng palasyo para bigyang pugay ang mahaba naming paglalakbay. Tanging si Finn, Casper at Harper ang narito dahil nagpaiwan si Evan sa ilalim ng palasyo kasama si Zen.

I can even see Rosh nearby, at alam kong may gusto siyang sabihin sa akin. It could be about his mate? Mahirap man sabihin pero alam kong wala akong magagawang tulong sa kanya. Human world is too big to find his unknown mate.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon