Chapter 34

256K 11.1K 1.1K
                                    

Chapter 34


Gusto kong murahin ang mga kapatid ko. Bakit pakiramdam ko ay pinagtulung tulungan na naman nila ako?

Why are they making this damn decision without my permission? Buhay ko ang pinag uusapan dito, ang panghabang buhay ko sa mundong ito. I can't just let someone decide for my own life even my brothers!

Wala silang karapatan para pangunahan ako. For me marriage is sacred, it is an eternal vow. I want to marry the man I loved and that's Adam.


"I don't have any idea about this. Can I have a word with you your highness?" pormal na tanong ko sa aking kapatid sa harap ng mga matataas at may katungkulang mga bampira mula sa dalawang magkaibang kaharian. Hindi ako papayag na maipit sa pagdedesisyong ito.

Tumayo si Dastan mula sa kanyang trono at makapangyarihan siyang nagsimulang humakbang patungo sa akin. Bawat pagkilos niya ay sumisigaw ng awtoridad na siyang dahilan kung bakit maging ang ibang mga bampira mula sa kabilang imperyo ay nirerespeto siya. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa akin ay muli siyang nagsalita.


"Para sa aming mga panauhin, maaari nyo munang bigyang pansin ang mga ipinahanda kong pagkain at mga inumin. Saglit ko lamang kakausapin ang aming prinsesa.." nang sabihin ito ni Dastan ay isa isang pumasok ang unipormado naming mga tagasunod habang sulong ang mga gintong lamesa kung saan nakahilera ang mga pagkain para sa mga maharlikang bampira.

Napansin ko na sabay tumango si Orion at Clifford kay Dastan. Mabilis nakalapit si Casper kay kamahalan at may kung anong binulong sa kanya si kamahalan na mabilis nagpatango sa dito. Tumango na rin ang mga natitira kong kapatid at pinili nilang magpaiwan sa bulwagan para samahan ang napakarami naming panauhin.

Naunang lumabas ng bulwagan si Dastan kaya sinusundan ko na lamang ang kanyang paglalakad hanggang sa makarating kami sa silid aklatan ng aming palasyo.

Mabilis nakalapit si Dastan sa isang lamesa, may nakahanda ng pitsel sa ibabaw nito na naglalaman ng dugo at dalawang cristal na baso. Mukhang inaasahan na ng kapatid ko ang sasabihin ko sa bulwagan kaya nagpahanda na siya ng sarili naming inumin.


"Have a drink Lily.." ipinagsalin ako ni Dastan sa isa pang baso bago ito mabilis nakalapit sa akin at inabot ito. Nang sandaling mahawakan ko na ito ay agad nawala sa aking harapan si kamahalan at nagtagpuan ko na lamang siyang nakatanaw sa labas ng bintana.


"Siguro ay isinusumpa mo na ako ngayon Lily.." seryosong sabi niya sa akin habang nanatili siyang nakatalikod sa akin. Gamit ang bilis ko bilang isang bampira ay lumapit ako sa kanya at nakitanaw na rin ako sa bintana.


"Nagagalit ako kamahalan, masyado mo na akong pinangungunahan. Wala na ba talaga akong karapatan para magdesisyon ng para sa akin?" malamig na sabi ko. Pansin ko na bahagya na niyang iniinom ang dugong nasa kanyang baso.


"Akala ko ay hindi na kita makakausap ng mahinahon. I always wanted you composed like this, not the emotional one.." hindi nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi niya. Marami na rin akong nailuha kaya hindi na ako masyadong emosyonal sa mga oras na ito.


"Dastan, ayokong makasal sa isa kanila. I am already mated to someone else, the marriage will not work. Besides, I can't be happy with them. Habang buhay lamang akong masasaktan kapag nagpakasal ako sa isa sa kanila.." paliwanag ko sa kanya.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon