Chapter 30

291K 12.4K 1.3K
                                    

Chapter 30


Mabilis ko nang pinatakbo ang kabayo papunta sa palasyo ng Halla Eberron, sa lugar kung saan kasalukuyan nang nakikipaglaban ang mga kapatid ko.

Tama ba ang naging desisyon kong ito? Tama ba na isabay ko ito sa napakalaking kaguluhang naggaganap ngayon?


Nasa kalagitnaan nang pagtakbo ang aking kabayo nang agad akong maalerto sa pamilyar na presensiya mula sa isang bampira. Agad nagkulay pula ang aking mga mata at naglabasan ang aking mga pangil, sinimulan ko nang maglabas ng usok para palibutan nito ang katawan ko at maprotektahan ang sarili ko mula sa anumang pag atakeng maaaring tumama sa akin.

Mga yabag din ng tumatakbong kabayo ang una kong narinig hanggang sa bumilis ito nang bumilis dahilan para mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. Malapit na ito sa akin.

Kalaban o kakampi?


Ako ba talaga ang sinusundan nito? Papaanong hindi namin agad naramdaman ni Adam ang presensiya ng bampirang ito?

Nang sinimulan ko nang maglabas ng nakalalasong usok nagulat na lang ako nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.


"Lily, it's me.." bahagya kong binagalan ang pagpapatakbo ng kabayo at nilingon ko ang bampirang nakasunod sa akin.


"Ikaw? Bakit mo ako sinusundan?" itinigil ko na ang aking kabayo at iniharap ko na ito sa kanya. Kasalukuyan nang nakatakip ang kamay niya sa kanyang ilong para hindi siya maapektuhan ng aking usok.

Dahil mukhang wala naman siyang masamang balak gawin sa akin ay inalis ko na ang aking kapangyarihan na maaari niyang malanghap. Marahang humahakbang paikot ang aming mga kabayo habang nagsusukatan na kami ng tingin. Simula nang una ko siyang makita, ramdam ko na ang lagkit ng mga mata niya sa akin. Isa pa rin itong palaisipan, papaano ko nakuha ang interes ng bampirang ito? wala akong natatandaang minsang nagkrus ang aming mga landas.


"What do you want, tinatanong kita Prinsipe ng Halla Eberron.." hindi ko matandaan ang pangalan niya.


"Prinsipe ng Halla Eberron? Can't you remember my name Princess Lily Esmeralda?" tumaas ang kilay ko sa kanya.


"Dapat ko ba itong alalahanin? Sa pagkakatanda ko ay hindi naging maganda ang una nating pagkikita. Hindi ba at pinalayas kami ng inyong palasyo? Dapat ko pa bang tandaan ang pangalan ng isa sa mga bampirang may baluktot na paniniwala?" nanghahamak na sagot ko.


"Baluktot nga ba ang paniniwala ng aming kaharian? O dahil may pinapanigan ka sa pansarili mong dahilan?" natahimik ang sa nakangising sagot niya sa akin. At alam ko sa sarili kong hindi ko na maitatanggi ang ibig niyang sabihin.

Adam's scent is all over my body. His mark says it all. I am already his. Malalaman at malalaman ito ng kahit sinong nilalang na makakasalubong ko.


"Napapahanga ako na pati ang ikawalang prinsipe ng Deltora ay piniling pumanig sa'yo. I was curious back then, what's with your reaction? Bakit masyado kang apektado sa nangyayaring pagpapahirap sa bampira at lobong nahuli ng aming mga kawal. Now, everything is clear to me.." nang marinig ko ito sa kanya parang muli na namang umulit ang masamang pangyayaring 'yon. Damn it. Wala man lang akong nagawa para tulungan sila.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon