Chapter 47

241K 11.5K 2.5K
                                    

Chapter 47


Some people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.


We fight back and we risk everything we had just to be together, yet here I am away from him. Completely separated from the love of my life and waiting for the death that will forever tear us apart.

Tatlong oras na ang nakakalipas simula nang palabasin ng mga kawal ang aking mga kapatid. Naiwan akong mag isang lumuha kasama ang mga kadenang nakabalot sa aking mga kamay at paa. Hindi ko inaabalang tumayo o gumalaw man lang nang may pumasok na mga kawal para kuhanin ako.

Mukhang oras ko na talaga.


"Taksil!" nagbingi bingihan ako. Yakap ko ang aking mga binti habang nakapatong ang aking baba sa aking tuhod. Wala akong naririnig, wala akong naririnig.


"Tumayo ka na!" wala akong naririnig.


"Talagang nagmamatigas ka!" napadaing ako nang hilahin ng kawal ang buhok ko para lamang tuluyan akong mapatayo.

Sa kabila nang sakit na nararamdaman ko pinilit kong patatagin ang aking sarili. I gave him my fearless and deathly stare I could ever give. Gusto kong iparating sa kanya na sa kabila ng mga kadena sa aking katawan ay kayang kaya kong kitilin ang kanyang buhay sa isang iglap lamang.

Ramdam ko ang biglang pangangatal ng kanyang katawan sa paraan ng pagtitig ko pero pinilit niyang makabawi hanggang sa lumipad ang mabigat niyang palad sa aking pisngi dahilan kung bakit bigla akong bumagsak sa matigas at malamig na sahig na may dugo sa aking mga labi.


"Ang tapang mo! Mamamatay ka rin naman!" humalakhak siya nang napakalakas. Pero sa halip na magmukhang kaawa awa muli ko siyang pinakatitigan ng mariin habang kapwa ko inaangat ang aking mga nakakadenang kamay para punasan ang dugo sa aking labi.


"Talagang.." nanggagalaiting sabi nito. Akma na nitong paliliparin ang kamao sa akin nang pigilan siya ng dalawang kawal na kasama niya.


"Tama na 'yan! Kailangan na natin siyang ilabas, hindi siya dito papatayin!" saway ng isang kawal sa kanya. Umismid lamang ang kawal na gusto na akong patayin.

Lumapit na sa akin ang pangatlong kawal at tinanggal niya ang kadena sa pagkakatali nito sa matatag na pundasyon ng kulungan. Marahas nilang hinila ang kadena dahilan para pwersahan akong tumayo at malakad para sundan sila.

Sa bawat paghakbang ako ay paglapit ko sa kamatayan. Masakit man tanggapin pero mukhang ito talaga ang aking kapalaran. Isang pagmamahalang mauuwi sa kamatayan.

Nang makalabas ako ng kulungan ay sinalubong ako nang makipot at napakadilim na daan. May ilang lamparang nakasabit sa bawat pader nito pero karamihan dito ay wala nang liwanag.

Akala ko ay mabibingi ako sa katahimikan sa paglapit ko sa kamatayan pero sa tuwing humahakbang ako ay naririnig ko ang ingay ng kadenang nasa aking paa na sumisimbolong isa akong prinsesang hindi malaya.


"Bilisan mo ang paglalakad!" sigaw ng kawal na kanina pang mainit ang dugo sa akin. Inagaw niya ito sa kawal na may hawak ng kadena at hantaran niya itong hinila dahilan para muli akong matumba.


"Ano ba?! Ayusin nyo ang trabaho mo! Tayo ang malilintikan ng konseho sa ginagawa mo!" nag aagawan na sila kung sino ang hahawak ng aking kadena.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Where stories live. Discover now