Chapter 31

262K 12K 2.1K
                                    

Chapter 31


Nanatili akong nakaluhod sa harapan ni kamahalan habang hawak ang aking namamanhid na pisngi. Walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha, hindi dahil sa bigat ng kamay niyang tumama sa akin kundi sa kaalamang sinaktan ako ng sarili kong kapatid.

Sa ilang daang taon naming magkakasamang magkakapatid, ni minsan ay hindi ako pinagtaasan ng boses o pinagbuhatan ng mga kamay ni kamahalan. Katulad din siya ni Caleb, Evan, Finn, Casper at Zen na handa akong protektahan sa kahit anong oras.

Pero nang sandaling lumapat ang kamay niya sa aking pisngi, hindi lang ako pisikal na nasaktan. Hindi lang sakit mula sa pagkakawalay ko kay Adam ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, maging ang sakit mula sa kaalamang wala kahit isa sa mga kapatid ko ang handang talikuran ang patakaran ng mundong ito para lamang suportahan ako.

Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko na kaya kong gawin ang lahat para hindi sila masaktan at makitang lumuha. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung ganito rin sila sa akin. Ang mga kapatid kong malalambing at palaging nakangiti sa akin ay wala man lang kibo habang pinagmamasdan ang walang tigil kong pagluha.

Napakasakit tanggapin na nagawa akong saktan ng minamahal kong kapatid dahil lamang umibig ako sa lalaking itinakda sa akin. Napakasakit tanggapin na sa halip na pagaanin nila ang loob ko sa mahabang panahong pagtatago ko nito, kung gaano kabigat ang problemang ito na siyang sinarili ko lamang, kung paano ako naghahanap ng suporta bilang isang pamilya ay lalo lamang napipiraso ang puso ko. Patuloy na kumikirot ang dibdib ko sa kaalamang pagkikinig lamang sa aking pag iyak ang tangi nilang nagagawa.

At ang mas lalo pang kumirot ang aking puso nang marinig ko na ang sariling mga kamay ng aking mga kapatid ang siyang kikitil sa buhay lalaking pinakamamahal ko.

How can you be so cruel brothers? How can you treat your hopeless sister like this? Nagmahal lamang ako, minahal ko lang ang lalaking ibinigay sa akin ng mundong ito.

Why am I mated to someone who I can't have? Why? Can someone answer me? Hirap na hirap na ako.


"Papaano kung magbunga? Lily can be pregnant, papatayin nyo ang ama ng bata?" nag aalinlangang tanong ni Harper sa mga kapatid ko. Pilit kong pinunasan ang mga luha ko bago ako nangangatal na nagsalita.


"Hindi magbubunga, sinisigurado ko" pinilit ko ang sarili kong makatayo kahit maging ang tuhod ko ay nangangatal.

I just want to lay on my bed and cry all day. Kung sana ay nandito si inang reyna, kung sana ay may isa akong ina na kayang makinig sa mga sasabihin ko. Nagmahal lang ako, nagmahal lang ako pero bakit ganitong parusa ang kailangan kong maramdaman?

Muli kong pinahid ang mga luha ko at nagmadali ako humakbang papalayo sa kanila. Mabilis kong nilampasan si kamahalan na hindi man lang nag aangat ng tingin dito. Alam kong mariin pa rin siyang nakatitig sa akin, hindi ko na ito inaalala hanggang sa makita ko na lamang ang sarili kong tumatakbo patungo sa aking silid.

Hindi ko man diretsong sinabi sa kanila, nagawa ko nang ipaalam sa kanila. I did it Adam, alam na nilang lahat ang tungkol sa atin at gaya nga ng inaasahan ko hinding hindi magkakatotoo ang pinapangarap kong tatanggapin nila tayo.

Kaya ko pang tanggapin na hindi tayo kailanman kikilalanin ng buong lahi ng mga bampira o mga lobo pero ang kaalaman maging ang mga kapatid ko? Nakakapanghina ng loob.


Agad kong isinarado ang pintuan at mabilis akong sumampa sa kama at isinubsob ko ang sarili ko dito.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Where stories live. Discover now