Chapter 1

560K 22.9K 10K
                                    

Chapter 1


Pinili kong isang linggong hindi lumabas sa aking silid dahil sa aking mga nalaman. Hindi na ako nagulat sa kakayahan ng aking kapangyarihan, mas nagulat ako tungkol sa kalahati ng aking pagkatao.

Halos matakot ako sa aking sarili nang muli kong alalahanin ang aking nagawang pagtataksil, pumatay ako ng aking kalahi para sa isang lobo. Pumatay ako ng bampira para iligtas ang isang lobo.

Hindi ko na naintindihan ang sarili ko nang makita kong tumalsik ang katawan ng lalaking lobo nang dahil sa bampirang babae. Pakiramdam ko ay kumulo ang lahat ng dugo ko sa aking katawan at sumiklab ang lahat nang galit ko nang makita kong nasasaktan ang lobo. No one can ever hurt him.

Halos murahin ko ang aking sarili sa huling salitang lumabas sa aking isipan.

Aminado ako sa sarili kong may malaking parte sa pagkatao ko na hinding hindi kayang tagalang nakikitang nasasaktan ang lobong nakita ko.


I am not dumb, hindi ako isang hangal at walang alam na prinsesa. Kilala ko ang lobong nakita ko, nakilala siya ng mga mata, pangil, puso at kaluluwa ko. Ang lalaking may matitipunong katawan na nagpagulo sa aking sistema ang siyang lalaking itinakda para sa akin.

Pero ang isang napakalaking tanong, bakit isa siyang lobo? Bakit hinayaang ang prinsesang katulad ko ay nakaranas ng komplikadong sitwasyong ganito?

Buong linggo akong nagtatanong, isang linggo akong walang ibang ginawa kundi magtanong ng bakit? 


Kahit ilang beses kong pilit kinakalimutan, kahit ilang beses kong pilit itinatatak sa aking isipan na kahit kailan ay hindi kami maaaring magsama ay hindi ko madiktahan ang bawat parte ng aking pagkatao, higit ang puso ko.

He's mine and I am his. Pero kahit pilit naming pagdiinan ang nararamdaman naming sa isa't isa, alam kong paghihiwalayin lamang kami ng aming magkaibang mundo.


Pinangarap kong magkaroon at makaranas ng pagmamahal na gaya ng aking inang reyna at amang hari. Hinangaan ko ang kanilang pagmamahalan at hinangad ko na ito simula nang bata pa ako. Pero mukhang napaka imposible na nitong mangyari.

Bakit sa dami ng mga prinsipeng bampira sa mundong ito ay isang lobo pa ang itinakda sa akin? Bakit akong isang prinsesa na tinitingala ng lahat ang binigyan ng kapareha na siyang mortal na kinamumuhian ng aming lahi?

Mas mabuting, kailanman ay hindi na magkrus ang aming mga landas.



Wala na akong tigil sa pagsusuklay ng aking mahabang buhok habang tulala akong nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. Malaki ang ipinagpapasalamat ko at naniwala sa akin ang aking mga kapatid na mayroon ako karamdaman at kailangan ko nang ilang linggong pahinga.

Natigil ako sa pagsusuklay nang makita ko sa repleksyon ng salamin ang aking kapatid na si Caleb na nakangising nakapamulsa.



"What are you doing here?" napairap na lang ako nang bigyan niya ako ng isang pulang rosas.



"Ganito ba dapat salubungin ang isang prinsipeng dumadalaw sa isang prinsesang may sakit?" hindi ko tinanggap ang rosas na inaabot niya at nagpatuloy ako sa pagsusuklay.



"May sakit ka na nga, ang taray mo pa rin Lily. Bakit hindi ka na lang magpahinga?" hindi na ako nakapamiglas nang buhatin ako ni Caleb at ibaba sa kama.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Where stories live. Discover now