Chapter 4

366K 19.7K 3.3K
                                    

Chapter 4

Akala ko noon, alam ko na ang lahat dahil isa akong prinsesa. Dahil ipinanganak akong nasa tuktok at tinitingala, naniwala akong sapat na ang mga kaalamang mayroon ako. Pero ngayong tuluyan na akong lumabas at napalayo sa palasyo, dito ako nagsimulang mamulat sa reyalidad. Napagtanto kong napakarami ko pang kailangang malaman sa mundong akala ko ay kaya ko nang paglaruan.

In the end, I am just a pampered princess raised and sheltered by the palace enjoying the power of being a royalty.

Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil sa paninibago ko sa mga nakikita ko. Isa akong prinsesang tanging loob lamang ng palasyo ang nalalaman. Dapat ko pa ba itong ipagmalaki? Such a shame Esmeralda.

Hindi lamang mga bampira ang nakapalibot sa akin ngayon, maging ang iba pang mga nilalang na nabubuhay sa mundong ito. Napakatagal nang minimithi ng mga bampira na tuluyan nang burahin sa landas ang mga nilalang na ito pero ilang beses man itong sinubukan ng aking lahi ay wala pa rin nagtatagumpay.

Vampires are selfish and I admitted that. Kahit ako ay lumaking makasarili, ibang usapan na nga lang kung pagdating sa aking mga kapatid. I always wanted to give them everything, na kahit may matapakan pa akong ibang matataas na bampira ay hindi ko ikatatakot. We're Gazellians afterall, we deserved all we wanted.

Vampires always wanted this world alone, a real vampire world. But it is too impossible, damn impossible. We can't accept the fact that this world is not only for us but also for werewolves, fairies, elves, witches, enchantress, goblins, demons, amazons, angels, archangels, horsemen, ghouls, reapers, mermaids and even goddesses. Mga nilalang na pinaniniwalaan namin na mas mabababa at mahihina kumpara sa aming mga bampira.

At ngayon, nakikita ko na ang mga nilalang na ito sa mismong aking mga mata at sa iisang lugar. Hindi ko man makilala sa kanila kung sino ang lobo, mga diwata, demonyo o mga anghel alam kong mamumuhi sila at mag uunahang kitilin ako sa sandaling malaman nilang isa akong bampirang may dugong bughaw. Kamuhi muhi at kasumpa sumpa.

"I don't think so.." agad kong inangat ang paningin ko mula sa boses ng hindi pamilyar na babae. Mabilis akong naging alerto, akala ko ba ay mawawala ang mga kakayahan ng lahat ng nilalang sa sandaling makapasok sa kubon na ito? Bakit nababasa ng babaeng ito ang nasa isip ko?

"Magandang gabi, mahal na prinsesa" marahan siyang yumuko sa akin at naupo na siya sa katapat ng upuan ko. Who is she? And what is she? Bakit hindi siya apektado ng kubon? Papaano niya ako nakilala?

"Calm down Princess, I am the owner. The enchantress, hindi ako tatalaban ng sarili kong mahika.." nakikilala niya ako? How? I've never seen her before.

"Kilala ko ang lahat ng mga pumapasok sa kubon na ito mahal na prinsesa"

"Stop reading my mind" matabang na sagot ko. Nanatili pa rin nakababa ang talukbong ko para maitago ang aking mukha tulad ng gusto ni Evan at Finn.

Wala na silang dalawa sa tabi ko dahil inutusan ko ang mga itong hanapin si Rosh na nakita ko lamang nakikipaglampungan sa tatlong babae kanina. Napakawalang kwenta talaga ng ikalawang prinsepe ng Deltora.

Pinagsalikop ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng lamesa at marahan akong lumapit dito para mas makita ang mukha ng babaylan.

"What do you want from me?" ngumiti siya sa akin dahil sa itinanong ko.

"Talaga pa lang totoo ang nababalitaan ko tungkol sa prinsesa ng mga Gazellian" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"We're two, hindi ko alam kung sino ang sikat sa amin ni Harper" muling ngumisi sa akin ang babaylan.

"Hindi mo nga ba alam?" nagkibit balikat na lamang ako sa sinabi niya. Bago ko muling inabot ang kristal na baso na may asul na inumin. It's not sweet as blood but hell yeah, I don't care.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Where stories live. Discover now