Chapter 43

237K 11.7K 2.2K
                                    

Chapter 43


Wala na rin tigil ang pagpatak ng mga nyebe ng araw na ito. Maging ang panahon sa buong Parsua Sartorias ay nakikiayon sa pagluluksa naming lahat. Bakit kailangang may malagas sa aming magkakapatid? Bakit kailangang laging may maging biktima ng walang katapusang sumpa?

Tama ang mga sinabi ni Claret, pero may magagawa ba kami? Mababago pa namin ito sa isang iglap lamang? Ito na ang paniniwala at tradisyon namin, sa tingin niya ba ay madali lamang itong mawawala at mapapalitan ng mga salita niya? Hindi lang kami ang bampira sa mundong ito!

Sa loob nang napakahabang panahon, bihira na lamang kami makaranas ng natural na pagpatak ng nyebe at ngayong wala na ang kapatid ko na siyang matinding dahilan nito hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko sa tuwing may papatak na nyebe mula sa kalangitan.

Umaasa na sana mula ito sa kapangyarihan niya, nagdadalamhati na sana may mas nagawa pa kami para makitang nabubuhay pa siya ngayon.


Bumalik na sa palasyo ang mga kapatid ko kasama ang aming inang reyna. Nanatili akong mag isang nakatitig sa pinagsunugan ng kanyang puno, wala pa akong lakas iwan ito sa mga oras na ito.

Hindi pa rin umaalis sa aking tabi ang pangalawang prinsipe ng Deltora. Ang prinsipeng kahuli hulihan kong iisiping sasamahan ako sa mga panahong ito.


"Rosh, kahit kailan ay hindi naging maganda ang relasyon nyo ni Zen. Anong matinding dahilan at nandito ka sa aking tabi para alalayan ako? I even saw you with Claret a while ago..." mahinang sabi ko.


"Hindi ko rin alam.." maiksing sagot nito.

May ilan pa rin natitirang mamamayan ng Parsua Sartorias na nakikiisa sa aming pagluluksa, nasa likuran sila at ilan sa kanila ay naririnig ko ang pinag uusapan. Alam ko namang hindi naging maganda ang imahe ng kapatid ko sa karamihan sa mga taga Parsua pero sinisigurado kong walang mangyayaring maganda kapag nakarinig ako ng kahit isang hindi magandang salita sa kapatid ko.


"About that werewolf Lily, may nalalaman na ba ang inyong hari?" tanong sa akin ni Rosh. Ang bampirang kauna unahang nakatuklas ng sekreto ko. Bakit kailangan niya itong itanong sa ganitong sitwasyon?


"Yes.." tipid na sagot ko.


"Is he still alive?" lumingon ako dito na may nakakunot na noo.


"Nagtatanong lang ako ng posibleng mangyari.." seryosong sabi nito.


"Yes, pero hindi na siya nagpaparamdam sa akin..." matabang na sabi ko. Simula nang hindi ko siya siputin, wala na akong kahit anong pagpaparamdam na natanggap sa kanya. Hindi ko siya masisisi, iniwan ko siya sa ere. Hindi ako tumupad sa ipinangako ko sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papaano ko pakikiharapan si Adam, napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Ako ang nangako, ako ang nagsabi sa kanyang tatakbuhan na namin ang lahat pero anong ginawa ko? Hinayaan ko siyang maghintay sa wala.

Humarap na ako sa kanya at muli na namang bumuhos ang mga luha ko.


"Nasasaktan na ako Rosh, hindi ko na alam ang gagawin ko.." akala ko ay hahayaan niya akong umiyak pero nagulat ako nang yakapin niya ako. Sa halip na magsalita ay isinubsob ko na lang ang sarili ko sa dibdib niya.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें