Chapter 10

334K 14K 1K
                                    

Chapter 10


Simula nang gabing 'yon naging palagay na ang loob ko kay Orion. Siya ang kauna unahang nilalang na naglakas loob na makisama sa akin sa kabila nang kaalamang isa akong prinsesa at napapaligiran ng malalakas na bampira.

Siya pa itong hindi bampira pero siya pa ang nagkaroon ng lakas ng loob na makipag kaibigan sa akin o higit pa. Hindi ako manhid o walang alam, hindi siya lalapit sa akin nang ganito kung pakikipag kaibigan lamang ang kailangan niya sa akin.

I am a Princess with divine beauty. At alam ko sa sarili kong walang limitasyon ang kagandahan kong ito. Hindi lamang mga lalaking may pangil ang kayang bihagin ng isang prinsesang Gazellian na katulad ko, maging lalaking may mga buntot din ay maaaring mapasailalim sa akin.


Orion is a straightforward white fox. Kung ano ang nasa isip niya ay walang pag aalinlangan niya itong sinasabi sa akin, bagay na gusto ko sa kanya.

He wanted me to be his bride. At minsan niya na itong sinabi sa akin na hindi ko na ikinagulat. But the problem here is, he is not my mate. I can't feel the bond between us. I am bound to someone else.But I like Orion. I like him. At nararamdaman kong mas lalo akong napapalapit sa kanya sa bawat gabing nagkikita kaming dalawa.

Sinabi niya sa akin na may paraan pa para maputol ang koneksyon ko sa lalaking itinakda sa akin at maaari itong malipat sa kanya. But how is that possible?


Nagkibit balikat na lang ako bago ko isinara ang aklat na hawak ko, mukhang wala na naman akong naiintindihan dahil na kay Orion ang buong isipan ko.

I am done with this book, siguro ay sa susunod ko na lamang ito babasahin. Hindi ko pa masyadong gamay ang kapangyarihan ko.


Tumayo na ako para lumapit sa patasan ng aklat para ibalik ang librong hawak ko. Nang maibalik ko na ito ay inabala ko muna ang sarili ko sa paghahanap pa ng ilang libro habang hinihintay ang oras kung kailan kami magkikita ni Orion sa hardin.

Kung dati ay halos iwasan ko siya, ngayon naman ay gustong gusto ko na laging hilahin ang oras para magkita kaming dalawa.

Nabitawan ko ang libro kukuhanin ko na sana sa aklatan nang may dalawang labing lumapat sa aking pisngi. Si Finn at si Caleb habang si Evan naman ang sumambot sa librong nabitawan ko.


"Wala si maestro ngayon pero nandito ka pa rin sa aklatan? Lily, you're stressing me" minasahe ni Caleb ang kanyang noo na parang may ilang daan libro na siyang nabasa ngayong buong araw.


"Stress ka na naman Caleb? Lagi ka na lang stress kapag nakakakita ka ng mga aklat" naiiling na sabi ko na nagpangiwi kay Caleb.


"Bakit ako na lang lagi ang napapansin mo Lily? Look at Finn, nawalan na nang ganang uminom ng dugo, pinabasa lang ng isang aklat.." ako naman ngayon ang napangiwi sa sinabi ni Caleb.


"Ano ba ang mga problema nyong dalawa? Huwag nyong hintayin na ipatapon pa kayo sa ibang emperyo ni ina at ama. Narinig ko na gusto nila kayong dalhin sa Unibersidad ng Pylea Demonato.." kitang kita ko ang pamumutla ni Caleb at Finn sa sinabi ko.


"I don't want to go there.." nakasampung iling na yata si Finn.


His Howling Voice (Gazellian Series #1)Where stories live. Discover now