Chapter 48

261K 12.1K 6.1K
                                    

Chapter 48


The wind embraces my skin with the smell of autumn dancing in the breeze..

Sa kabila ng itim na telang nataklob sa aking mukha, napakalakas pa rin ng aking pakiramdam. Ang nagngingitngit na galit ng mga mataas na bampira, ang sigawan at walang katapusan paghataw sa tambol.

Papalapit na nang papalapit ang yabag ng bampirang may dalang nang napakalaking palakol na siyang pupugot sa aking ulo.

Sa huling pagkakataon maaari bang manghina ang pakiramdam ko? Can I be a human for a while? I just want to feel numb right now, walang sakit, walang kirot at pagdurusa.


"I love you Adam Ephraim Daverionne.." sa tagal namang magkasama ngayon ko lang nalaman ang buong pangalan niya.

Ipinikit ko na ang aking mga mata habang hinihintay ang aking kamatayan.

Kasabay nang pag angat ng bagay na kikitil sa aking buhay ay ang pagbagsak ng kung ano na siyang yumanig sa buong kapaligiran. Tuluyan na akong nakaramdam nang panlalamig sa aking buong katawan hanggang sa makaramdam ako ng paninikip sa aking dibdib.

Damn, I can't breathe.


Para akong nawalan ng pandinig habang patuloy na nanlalamig ang aking katawan. Ano na ang nangyayari? Nasaan na sila? Nasaan ang papatay sa akin? Hindi ako makagalaw nang maayos sa habang patuloy sumisikip ang aking dibdib. Anong bumabalot sa aking katawan?

It's not the lunar eclipse yet.


Nawala ang itim na tela sa aking ulo at bumuga ako ng hangin nang malaman ko kung nasaang sitwasyon ako. Nasa ilalim ako ng tubig, papaanong biglang nagkaroon nang ganitong kadaming tubig?

Kakapusin na ako ng hininga. Mabilis kong tiningnan ang posisyon ni Adam at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko kasalukuyan itong tinutulungan ni Clifford na makawala sa bato. Maging ang kadena ko ay gumagalaw na rin at nang iangat ko ang aking paningin ay nakita ko si Orion na kinakalagan ako.

Nang kapwa na kami mapakawalan ni Adam ay nagmadali na kaming lumangoy pataas para kumuha ng hangin. Hindi pa man ako nakakabangon sa pagkagulat dahil sa ginawang pagtulong sa amin ni Clifford at Orion, ito na naman at namamangha ako sa likuran ng makapangyarihang hari na kasalukuyan kaming pinuprotektahan.


"Haring Tobias?" ang hari ng Deltora ay tinutulungan kami. Inilibot ko ang aking mga mata sa kapaligiran.

Karamihan ay sa kanila ay natatangay na ng malakas na pag agos ng tubig, may mga panang walang humpay kaming pinupunterya pero walang nakakalampas sa kapangyarihan ni Tobias. Nagkalat ang iba't ibang bampirang nakikipaglaban sa isa't isa.

Papaanong nangyari ang mga bagay na ito?


"Go! Go run!" sigaw ni Haring Tobias sa amin habang sinasalag niya ang mga panang lumilipad mula sa iba't ibang direksyon ko.


"SUGURIN ANG LAHAT NG TAGA PARSUA! TINARAYDOR TAYONG LAHAT!" sigaw ng matandang konseho.

Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang makitang lumalaban ang lahat ng mga Viardellon, maging ang malalakas na mandirigma ng sa Deltora, ang mga kapatid ko, mga babaylan, ang iba't ibang kawal ng lahat ng imperyo ng Parsua, ang lahat ng mga dumalo galing sa Trafadore at maging ang biglaang pagdating ng grupo ni Lucas.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon