Chapter 11

314K 14K 2K
                                    


Chapter 11


Hindi ko pinakinggan si Zen sa kanyang mga sinabi at mas pinili kong ipagpatuloy ang pakikipagkita kay Orion. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit mahigpit kaming pinagbabawalang makihalubilo sa ibang mga lahi?

Dahil ba iniiwasan ng mga bampira na may humalong hindi 'dugong bampira' sa aming salinlahi? Dahil ba gusto nilang ang tanging manalaytay sa susunod na mga henerasyon ay tanging patak lamang ng dugong bampira?

How about those who are not mated with vampires?


Ipinilig ko ang ulo ko at pinagpatuloy ko ang paglalakad sa hardin. Ilang linggo na ang nakalipas mula nang pagbantaan ako ni Zen na huwag na akong makipagkita pa kay Orion, ilang araw din akong natakot sa banta niyang ito para sa kapakanan ni Orion pero sa tuwing nakikita kong naghihintay siya sa hardin na may ngiti sa mga labi ay napapahinga na lang ako ng maluwag.

Mukhang nakalimutan na ni Zen ang pinag usapan namin o di kaya ay hinayaan niya na lamang ako at si Orion? Posible ba ang bagay na ito?


"Orion?" nangunot ang noo ko nang mapansin kong wala siya sa madalas niyang posisyon. Agad umakyat ang takot sa aking dibdib. No, he can't just disappear without saying any word. Ayaw ko nang ganito.


"Orion?" muling tawag ko sa kanya. Halos nakailang linga ako sa paligid para makita siya pero kahit anino niya ay hindi ko makita.


"Orion, come out. Magagalit na ako.." madiing sabi ko habang marahan akong naglalakad. Pilit kong pinakikiramdaman ang presensiya niya pero wala akong maramdaman.


"Orion, hindi na ako nakikipagbiruan. Hindi na ako babalik sa hardin na ito kapag hindi ka pa nagpakita.." napakagat labi na lang ako nang wala akong marinig na sagot mula sa kanya.

Where is he? Maayos naman ang huli naming pag uusap. Oo at nahuli ako sa oras nang nakaraan pero sinabi niyang ayos lang sa kanya ang bagay na 'yon. Galit ba siya sa akin? O baka naman may ginawa na sa kanya si Zen?


"Orion.." huling tawag ko sa kanya na walang sagot.

Tatalikod na sana ako para bumalik sa loob ng palasyo nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran.


"I'm sorry, I'm late.." para akong nabunutan ng tinik nang marinig ko ang boses niya. Agad kong tinanggal ang mga braso niyang nakayapos sa akin at humarap ako sa kanya.


"Alam mo ba na hindi pinaghihintay ang isang prinsesa Orion?" ngumisi lang siya sa akin. Napansin ko na may itinatago siya mula sa kanyang likuran.


"What's that Orion? Don't tell me you're giving me Dastan's flowers again?" inirapan ko siya bago ko siya tinalikuran. Mabilis naman siyang nakahabol sa akin at muli siyang nagpunta sa aking harapan.


"Take this Princess Lily.." napatitig na lang ako sa ibinibigay niya sa akin. It's an origami flower.


"Ayaw mong pinipitas ko ang bulaklak ng kapatid mo. So I made one for you.." kahit gawa lamang ito sa papel, langhap ko pa rin ang bango nito. A scented paper.

Hindi ko maiwasang hindi mapangisi habang pinagmamasdan ang origami na hawak ko. Mukhang magaling siya sa bagay na ito.

Mabilis akong tumingkayad at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu