Chapter 17

335K 15.2K 1.9K
                                    


Chapter 17


"You are the risk that I will always take Lily.."


Malambing na sabi ni Adam sa aking isipan. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya habang marahan niyang hinahaplos ang aking buhok. Kung maaari lamang kaming manatiling ganito, walang mga kalahing mababangga, walang dugong dadanak, walang mga komplikasyon, walang problema, dito ko masasabing buong buo na ang kasiyahang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Our kisses, touch and embraces will always have their own ticking time. Hindi lang mga kalahi namin ang matinding kalaban, maging ang oras ay masasabi kong isang mahigpit na harang sa pagitan namin dalawa. Alam kong limitado ang mga halik, yakap at mga haplos namin sa isa't isa. Panandalian lamang ito, na siyang kailangan naming tanggapin.

"Akala ko ay tuluyan mo na akong hindi makikilala," mas inihilig ko ang sarili ko sa dibdib niya, ramdam ko ang banayad niyang paghinga.

"I might have tried to brush away my attraction to you, but it never worked," he said with a chuckle. 

Muling umangat ang aking mga mata para salubungin siya. Kung ganoon mukhang hindi lang ako ang nakikipaglaban sa aking sarili sa simula umpisa.


"Unang pagkakasalubong pa lang ng ating mga mga mata, naggiba na ang ipinamulat sa aking mga ninuno. Wala na Lily, nalusaw na nang parang bula. How can I hate you?" dinala niya sa kanyang mga labi ang dalawa kong kamay.


"What do you mean? Nakilala mo na ako nang sandaling pumasok kami sa loob ng kubon?" hindi makapaniwalang tanong ko.


"Hindi man kita nakilala bilang babaeng nakatakda sa akin. Gustong gusto na kitang angkinin Lily. It's not about lust sweetheart but love. Nakilala ka na nito.." muli akong kinabig ni Adam at napasaloob na naman ako sa kanyang mga bisig.


"Hear it sweetheart, it can recognize you.." pakinig ko ang paglakas ng tibok ng puso niya habang nakayakap siya sa akin.


"Adam.."


"Hindi pa ba malinaw sa'yo Lily? I did ask you to be my Luna, kahit hindi ako sigurado kung anong klaseng nilalang ka. Pero tinanggihan mo ako kahit alam mong ako lang ang nararapat sa'yo. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Why did you hide everything Lily?" masuyo niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko para magtama ang aming mga mata.


"I am sorry.." mahinang sagot ko sa kanya. I can't look on his eyes.


"Lily, why? Hahayaan mo ba akong mabuhay na naniniwalang ipinanganak ako para mag isa? Papaano kung hindi tayo nagkita ngayon? What will you do to me?" napakagat labi na lang ako sa sinabi niya.


"I was planning to forget you, to forget everything. Hanggang sa kubon na lamang ang una at huli nating pagkikita. That was my plan Adam, to cut our ties forever.." gusto ko man itong hindi sabihin sa kanya ay wala akong magagawa. This was my original plan. Kung tutuusin ay hindi ko inaasahan ang pagkikita naming ito, sinamahan ko lamang ang pangalawang prinsipe ng Deltora sa kanyang misyon.


"What?" ramdam ko ang paghigpit ng mga kamay niyang nakahawak sa aking mga braso.


His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon