Chapter 44

250K 11.7K 1K
                                    

Chapter 44


Biglang kumirot ang dibdib ko nang marinig ko ang boses niya. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko ang boses niya sa pinakakalmadong paraan, akala ko ay sisigawan niya ako, sasalubungin ng galit at susumbatan sa mga pangakong hindi ko tinupad.

Agad hinanap ng aking mga mata ang lalaking pinakamamahal ko. Where are you Adam? Bakit hindi ko siya makita?


"Sweetheart.." inangat ko ang paningin ko at dito ko siya natagpuan. Nakaupo siya sa isang malaking sanga ng puno habang prenteng nakasandal dito.

Nang magtama ang aming mga mata ay walang kahirap hirap siyang tumalon hanggang matagpuan ko na siya mismo sa aking harapan. Parang umurong ang dila ko, wala akong masabi, hindi ko magawang magsalita sa harapan niya. At maging salubungin ang kanyang mga mata ay wala na akong lakas gawin.

Bahagyang nakababa ang paningin ko sa lupa habang ramdam ko na mariin niya akong tinititigan. Papaano ako magsisimula sa mga sasabihin ko?


"Lily.." nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko ay dahan dahan kong inangat ang paningin ko sa kanya. Kagat ko ang pang ibabang labi ko habang pinipigilan ko ang mga luha ko.


"A..dam, I'm so—" hindi niya ako pinatapos magsalita dahil kinabig niya ako at mahigpit na niyakap.


"I am sorry about your brother Lily. I know you're in pain.." lalo akong napahikbi sa sinabi niya. Bakit ako pa rin ang iniisip niya? Hindi ba siya nagagalit sa akin dahil ngayon lang ako dumating?

Bakit sa halip na sumbatan at paulanan ako ng mga katanungan ay ito siya at walang tigil sa paghaplos sa akin. Ramdam ko rin ang ilang beses niyang paghalik sa ibabaw ng ulo ko. Kusa nang gumalaw ang mga braso ko para yumakap rin sa kanya.


"You waited for me Adam..." mahinang sabi ko habang ibinabaon ko ang sarili ko sa kanyang mga dibdib. How I miss his smell, his arms around me, his hands caressing my hair and even the sounds of his beating heart. I missed him so much.


"Ofcourse, I will always wait for you. Nangako ka sa akin na babalikan mo ako hindi ba?" mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. At hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Nangako ako pero hindi aako tumupad.

"Pero hindi ako dumating Adam, hindi ako bumalik nang gabing 'yon. Patawad Adam, patawad. Pinaghintay kita nang napakatagal.." hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para mahiwalay niya ako sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha ko.


"Ang mahalaga binalikan mo na ako Lily. Kahit gaano pa katagal, handa akong maghintay para sa'yo. You know how much I love you.." umangat ang mga kamay ko at hinawakan ko rin ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko.


"Mahal din kita Adam at habang buhay na tayong magsasama.." mahinang sabi ko sa kanya. Ipinapangako kong hinding hindi ko na siya muling paghihintayin nang napakatagal.


"Lily.."


"Magsasama na tayo Adam, hinayaan na ako ni Dastan na makalayo. Hinayaan na niya na niya tayong maging masaya.." kumunot ang noo niya sa sinabi ko na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Where stories live. Discover now