Chapter 22

301K 14.2K 1.8K
                                    

Chapter 22


Unti unting nagkulay pula ang aking mga mata habang gumagawa ako nang makapal na usok bilang siyang magiging lagusan namin pabalik sa aming kaharian.

Sinong hindi gugustuhing umuwi sa sariling kaharian? Sinong hindi matutuwang bumalik sa lugar kung saan ka maginhawa? Malayo sa pagod, sakit at kapahamakan.

I really wanted to go home but there is a big part of me who wanted to run away. Gusto kong tumakbo muli sa kagubatan at isigaw ang kanyang pangalan para balikan ako, na sana ay nagsama na lang kami at sabay kaming tumakbo papalayo sa dalawang lahing pilit kaming paglalayuin.


Kasabay nang paglaki ng usok sa aking mga mata ay ang dahan dahang pagkahiwa ng aking puso, tuluyan na akong babalik sa aking kaharian at wala na akong kasiguraduhan kung muli kaming pagbibigyan nang pagkakataong muling magkasama at damhin ang isa't isa.


"I'll go first.." unang tumawid si Finn.


"Follow him Evan.." agad na sabi ko sa kapatid ko na nakakunot ang noo sa akin.


"Are you okay Lily?" tanong niya sa akin. Ang kapatid kong ito ang isa sa pinakamamatalinong bampira sa buong emperyo ng Parsua, hindi na ako magugulat na isa sa mga araw na ito ay malalaman niya ang aking itinatagong sekreto. He's a good observant.


"I am fine Evan, mauna ka na. Mag uusap pa kami ni Orion.." kunot noo muna niyang sinulyapan si Orion na nasa tabi ko bago ito tumango sa akin.


"I'll wait for you.." tipid lang akong ngumiti sa sinabi ng kapatid ko.

Nang maiwan na kami nito ay dahan dahan na akong humarap kay Orion. Nasabi na niya sa akin na hindi na muna siya makakabalik sa Sartorias para kausapin si Dastan dahil may balitang dumating sa kanya mula sa kanilang kaharian.


"Mag ingat ka Orion, maraming salamat.." hindi ko na alam ang pwede kong sabihin sa kanya.

Kung maaari lamang ay gusto ko nang putulin ang ugnayang mayroon kami. It's damn impossible for us. I am hopelessly enslaved by Adam's love. Walang magandang patutunguhan ang pagmamahal ni Orion para sa akin, it will just give him endless pain.


"Lily, you've seen it..." nanatili akong nakatitig sa kanya. Alam ko ang ibig niyang sabihin.


"Tutulungan kitang kalimutan siya Lily, ayokong mapagaya ka sa sinapit ng bampirang naging abo. Ako naman dati Lily hindi ba? Ako naman ang mahal mo hindi ba?" ramdam ko ang pagkirot ng puso ko sa sinabi niyang ito. Yes, he will always be my first love but he will never be my eternal love. It was always Adam, it was always my mate.


"Orion.." tanging pangalan niya lamang ang natawag ko.


"You'll just die loving him Lily, you'll ruin not just your family but the whole empire of Sartorias. Always remember that princess.." hindi na ako nakagalaw nang marahan niyang halikan ang noo ko.

Nakita kong lumabas na ang napakalaking dahon na siyang lagi naming sinasakyan noon.


"Babalik ako sa Sarotorias mahal na prinsesa at umaasa akong pipiliin mo ang tamang desisyon. Marry me princess Esmeralda, hayaan mo akong mahalin at tulungan kang kalimutan siya.." wala akong isinagot sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang umalis at sumunod sa galaw ng hangin mula sa himpapawid.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon