Chapter 39

254K 11.4K 1.2K
                                    

Chapter 39


Nakatitig sila sa aking lahat na parang kahit isa sa kanila ay hindi magawang makapagpaliwang. Hindi ba at karapatan ko itong malaman? Anong ibig sabihin nila na kumpleto na kami?

What the hell is that chosen one? What the fvck is Glaoch? Wala akong maintindihan kahit isa man lang.


"Adam tell me, what is this discussion all about?" naguguluhan ako sa pinag uusapan nila at base na rin sa naririnig ko mukhang may hindi ito magandang maidudulot sa akin.

Magsasalita na sana ang matandang babae na tinatawag nilang Ledare nang pigilan ito ni Adam.


"Don't, walang ipapaliwanag sa kanya. She'll not do it.." lalong nangunot ang noo ko.


"Adam! I need to know. I am already involved and I need to know everything. Nasa akin ang desisyon kung gagawin ko ang kung anumang ito o hindi.." I tried reading Adam's mind but he did shut me down. Damn it.


"Hindi mo na kailangang malaman Lily. Let's go, ibabalik na kita sa inyong palasyo.." tatayo na sana si Adam nang marahas kong hinawakan ang braso niya at ubod nang lakas ko siyang pinabalik sa kanyang pagkakaupo.


"I told you, not use your vampire strength on me Lily!" pinagtaasan niya ako ng boses.


"Now we are fighting? Pinagtataasan mo na ako ng boses ngayon Adam? Umiinit ang ulo mo dahil may gusto akong malaman? Hindi ko ba karapatang malaman? Bakit gusto mong itago sa akin?" tanong ko sa kanya. Nanatiling tahimik si Lucas at si Ledare habang pinapanuod ang pagtatalo namin ni Adam.


"Because you are not really involved! You're just a mistaken choice Lily, it was not supposed to be you sweetheart.." naguguluhan na talaga ako.


"So you're not going to tell me?" nanghahamak na sabi ko. Hindi siya sumagot sa akin.


"Fine, madali akong kausap!" padabog akong tumayo at mariin kong sinalubong ang kanyang mga mata.


"I am going home.." madiing sabi ko.


"Ihahatid kita.." akma niya sana akong hahawakan nang tabigin ko ang kamay niya.


"Uuwi akong mag isa, saka na tayo magkita Adam kapag handa ka nang sabihin ang gusto kong malaman.." matigas na sabi ko.


"Why not tell her Adam?" pagsabat ni Lucas.


"Then what will happen next? She'll leave me because it is damn needed? What the hell Lucas?" angil na sabi ni Adam.


"What's the difference right now? She'll leave if you will not tell her. Are you aware of her engagement Adam?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lucas. How did he know?


"Engagement?" pilit hinuli ni Adam ang aking mga mata.


His Howling Voice (Gazellian Series #1)Where stories live. Discover now