His Howling Voice (Gazellian...

بواسطة VentreCanard

17.3M 764K 143K

Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens... المزيد

Prologue
--
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 43

237K 11.7K 2.2K
بواسطة VentreCanard

Chapter 43


Wala na rin tigil ang pagpatak ng mga nyebe ng araw na ito. Maging ang panahon sa buong Parsua Sartorias ay nakikiayon sa pagluluksa naming lahat. Bakit kailangang may malagas sa aming magkakapatid? Bakit kailangang laging may maging biktima ng walang katapusang sumpa?

Tama ang mga sinabi ni Claret, pero may magagawa ba kami? Mababago pa namin ito sa isang iglap lamang? Ito na ang paniniwala at tradisyon namin, sa tingin niya ba ay madali lamang itong mawawala at mapapalitan ng mga salita niya? Hindi lang kami ang bampira sa mundong ito!

Sa loob nang napakahabang panahon, bihira na lamang kami makaranas ng natural na pagpatak ng nyebe at ngayong wala na ang kapatid ko na siyang matinding dahilan nito hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko sa tuwing may papatak na nyebe mula sa kalangitan.

Umaasa na sana mula ito sa kapangyarihan niya, nagdadalamhati na sana may mas nagawa pa kami para makitang nabubuhay pa siya ngayon.


Bumalik na sa palasyo ang mga kapatid ko kasama ang aming inang reyna. Nanatili akong mag isang nakatitig sa pinagsunugan ng kanyang puno, wala pa akong lakas iwan ito sa mga oras na ito.

Hindi pa rin umaalis sa aking tabi ang pangalawang prinsipe ng Deltora. Ang prinsipeng kahuli hulihan kong iisiping sasamahan ako sa mga panahong ito.


"Rosh, kahit kailan ay hindi naging maganda ang relasyon nyo ni Zen. Anong matinding dahilan at nandito ka sa aking tabi para alalayan ako? I even saw you with Claret a while ago..." mahinang sabi ko.


"Hindi ko rin alam.." maiksing sagot nito.

May ilan pa rin natitirang mamamayan ng Parsua Sartorias na nakikiisa sa aming pagluluksa, nasa likuran sila at ilan sa kanila ay naririnig ko ang pinag uusapan. Alam ko namang hindi naging maganda ang imahe ng kapatid ko sa karamihan sa mga taga Parsua pero sinisigurado kong walang mangyayaring maganda kapag nakarinig ako ng kahit isang hindi magandang salita sa kapatid ko.


"About that werewolf Lily, may nalalaman na ba ang inyong hari?" tanong sa akin ni Rosh. Ang bampirang kauna unahang nakatuklas ng sekreto ko. Bakit kailangan niya itong itanong sa ganitong sitwasyon?


"Yes.." tipid na sagot ko.


"Is he still alive?" lumingon ako dito na may nakakunot na noo.


"Nagtatanong lang ako ng posibleng mangyari.." seryosong sabi nito.


"Yes, pero hindi na siya nagpaparamdam sa akin..." matabang na sabi ko. Simula nang hindi ko siya siputin, wala na akong kahit anong pagpaparamdam na natanggap sa kanya. Hindi ko siya masisisi, iniwan ko siya sa ere. Hindi ako tumupad sa ipinangako ko sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papaano ko pakikiharapan si Adam, napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Ako ang nangako, ako ang nagsabi sa kanyang tatakbuhan na namin ang lahat pero anong ginawa ko? Hinayaan ko siyang maghintay sa wala.

Humarap na ako sa kanya at muli na namang bumuhos ang mga luha ko.


"Nasasaktan na ako Rosh, hindi ko na alam ang gagawin ko.." akala ko ay hahayaan niya akong umiyak pero nagulat ako nang yakapin niya ako. Sa halip na magsalita ay isinubsob ko na lang ang sarili ko sa dibdib niya.


"No, not there.." inilipat niya ako sa kaliwang dibdib niya bago niya marahang hinaplos ang buhok ko.


"Claret cried there, ikaw naman sa kaliwa..." kung may lakas lang ako ng mga oras na ito siguradong tumilapon na ang katawang ito ni Rosh. He's trying to be a knight in shinning amor and it is damn good for his overflowing ego.


"Nadagdagan na naman ba ang pagiging makisig mo? Dalawang babae na ang yumakap sa'yo ng araw na ito mahal na prinsipe.." sarkastikong sabi ko habang lumuluha. Sa halip na sumagot sa akin ay narinig ko lang siyang mahinang tumawa.

Hinayaan ko siyang haplusin ang buhok ko ng ilang minuto. I just want to cry and cry and cry. I've never been comforted since Zen's death, we are all mourning on our own. At hindi ako makapaniwalang matatanggap ko pa ito mula sa kilalang baliw na prinsipe ng Deltora.


"Maybe I can handle girl's heart but I can't handle their tears Lily.." hindi ko inaasahang maririnig ko ito mula sa kanya. Magsasalita na sana ako nang muli siyang magsalita.


"Hindi ko rin kailangan ng yakap ng isang babae para kumisig ako. Pinanganak na akong makisig kaya niyayakap ako ng mga babae.." kumalas na ako sa yakap niya. Siguro ay talagang limang minuto lamang ang tagal para makausap ko siya ng maayos dahil sa huli mauuwi at mauuwi ang pag uusap namin sa kanyang kakisigan.


"Babalik na ako sa palasyo.." tumango ito sa akin. Hinanap ko ang kabayong sinakyan ko at nang akmang sasakay na ako ay may narinig akong usapan na nagpainit ng lahat ng dugo ko sa katawan.


"Hindi ba at ang kakayahan ng babaeng itinakda ay alisin ang lahat ng kahit anong sumpa? Papaanong hinayaan niyang malusaw ang prinsipe kung may kakayahan naman siyang putulin ito?" nagsalita ang walang alam!

Hinanap ng mata ko ang bampirang nagsabi nito at wala pang isang iglap ay napapangibabawan ko na siya habang mariin kong sinasakal ang leeg niya.


"Inutil! Bago ka magsalita mag isip ka muna! Tanga ka ba?! HINDI LANG SI ZEN ANG ISINUMPA! DALAWA SILA! PAANO MASASABING SUMPA KUNG HINDI KASAMA SI CLARET?!" ilang beses ko nang pilit sinasakal ang bampira. Kung si Zen lang ang isinumpa, hindi sana siya patay ngayon.


"Lily!" inaawat na ako ni Rosh pero masyado akong matigas at pilit ko nang pinapatay ang bampirang walang alam.


"Bago kayo magsalita alamin nyo muna ang lahat! Ano ba ang sumpang dumapo sa kanila? Ito ang sumpang kapag naghawak sila ay may isang malulusaw! Papaano mo nasabing si Zen lang ang naisumpa kung ang magiging dahilan ng pagkalusaw nito ay ang paglapat ng balat niya kay Claret?! Anong tawag nyo sa magiging epekto ni Claret kapag nahawakan niya si Zen? Hindi 'yon sumpa?! Tanga!" pinaka ayaw kong makarinig ng mga salita mula sa mga walang alam na bampira.


"Huwag mo akong pigilan Rosh!" sigaw ko dito habang pilit niya akong inaawat. Pulang pula na ang mga mata ko sa harap ng bampirang sinasakal ko.


"Pareho silang may sumpa at sa kapatid ko ang epekto! Oo at may kakayahan si Claret na tanggalin ang sumpa pero hindi niya ito kayang gawin sa sumpang dumapo sa kanila ni Zen dahil isa siya sa isinumpa! Bakit ba hirap na hirap kayong unawain? Hindi lang ikaw ang bampirang narinig kong nagsabi niyan. Papaano malulusaw ang kapatid ko kung hindi rin naisumpa si Claret? Ano pa ang silbi ng sumpa kong walang malulusaw kapag naglapat ang kanilang mga balat? Kung walang sumpa si Claret,ano pa ang magiging sumpa? Malulusaw ba si Zen kung walang sumpa si Claret?! Sa tingin nyo ba ay hahayaan naming humatong sa kamatayan kung may magagawa rin naman pala kami? Pero wala! Wala na kaming magagawa! Dahil ang bampirang siyang kaisa isahang kayang sumugpo ng mga sumpa ay siyang itinali kasama ng kapatid ko sa isang sumpang kailanman ay hindi natalo ng ating kasaysayan!" mapapatay ko na yata ang bampirang sinasakal ko.


"Lily! Stop!" marahas na akong hinila ni Rosh habang walang tigil sa pag ubo ang bampirang babaeng sinakal ko.


"Damn it, kasalanan ko ang lahat ng ito dapat ay hinayaan ko na lang si Zen na ibalik nang mas maaga si Claret! Sana hindi na lang ako nakisali sa lahat! Sana hindi na lang ang kapatid ko ang nalusaw! Sana si Claret na lang ang nalusaw!" humagulhol na naman ako ng pag iyak.


"Lily!"


"What? Oo, ako na ang masama Rosh! Masama na ako! Pero kapatid ko 'yon, masama ba na hilingin ko na sana ay nabaliktad ang sitwwasyon? Na sana hindi ang kapatid ko ang nalusaw?" hindi nakapagsalita sa akin si Rosh. Tumakbo na ako sa aking kabayo at pinatakbo ko na ito nang napakabilis.

Wala akong tigil sa kakahagupit sa kabayo para lamang mas bumilis ang pagtakbo nito. Alam kong hindi lang ako ang nagluluksa ngayon pero sinisisi ko ang aking sarili, kung sana ay hinayaan ko nang makatawid sa kabilang mundo si Claret nang mas maaga hindi sana malulusaw ang kapatid ko.


"Fvck!" magpapatuloy sana ang kabayo ko sa pagtakbo nang mapansin kong may isa pang kabayo na nakaharang sa dadaanan ko.

It's Leon, Claret's grandfather.

Pinabagal ko ang pagpapatakbo ng kabayo at hinarap ko siya. Anong kailangan nito sa akin? Narinig niya ba ang mga sinabi ko?


"Anong kailangan mo?" tanong ko dito.


"Huwag ka nang tumuloy sa palasyo.." kumunot ang noo ko sa sinabi nito.


"Ano?"


"Ipinaparating ng hari na huwag ka nang tumuloy sa palasyo. Kinabuksan ay darating ang dalawang prinsipe mula sa magkaibang imperyo.." hindi na niya kailangang sabihin ang lahat dahil naiintindihan ko na.


"Salamat.." muli kong pinakbo ang kabayo pero sa pagkakataong ito ay sa ibang direksyon.

Gusto kong pasalamatan si Dastan pero mukhang wala na akong panahon para muling bumalik pa sa palasyo.

Saan ako pupunta? Tatanggapin pa kaya ako ni Adam sa sandaling magpakita ako sa kanya?

Para hindi na ako masundan ng mga bampirang maaaring humabol sa akin ay pinili ko nang patakbuhin ang kabayo pabalik nang makalayo na ako. Sinimulan ko nang maglakad patungo sa kagubatan.

Papunta sa lugar kung saan ko ipinangakong magkikita kami ni Adam, sa lugar kung saan ko siya iniwan. Pinahid ko ang takas na luha sa aking mga mata nang sulyapan ko ito, parang bigla na lamang bumalik ang oras nang mangako akong babalikan ko siya. I'm sorry Adam..


"Akala ko ay hindi mo na ako babalikan.. "



--

VentreCanard

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.5M 51.7K 99
[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a we...
3.2M 272K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...
1M 76.6K 53
Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never be entangled with them or that's what sh...
Baby Madness بواسطة Ann Lee

قصص المراهقين

5.8M 230K 63
Standalone novel || All her life, Chloe felt abandoned by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...