Leam University : School for...

By valiantriri

1.1M 33.1K 6.2K

University Series # 1 She's Aubrey Mae Clark, an ordinary girl in an ordinary world. She thought that... More

front matter
Leam University
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Wakas

Chapter 29

14.7K 495 63
By valiantriri



Chapter 29 - Cafe

AUBREY MAE CLARK


Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig ako sa mga nasirang gamit sa loob mg aming booth. Mukha siyang winasak ng isang demonyo, isang halimaw, isang walang awa na tao.


Hindi ko pa rin na iintindihan kung bakit kailangan 'tong gawin ng mga taga Class A. Hindi ko pa rin naiintindihan. Gusto ko silang patayin ngayon din.

Nakakainis!

"Asan na yung mga pesteng nga taga Class A?! Gugulpihin ko ang mga yun! Mga walanghiya sila! Anong ginawa nila sa booth natin?!", pagsasalita ni Emy na galit na galit at tatakbo na sana siya sa labas ay bigla na lamang siyang hinawakan ni Miles sa braso.

Napalingon naman si Emy kay Miles na nakakunot noo habang pilit niyang tinanggal yung kapit ni Miles sa kanyang braso. "Bitawan mo ko Miles! Ano ba?!", sigaw naman ni Emy sa kanya.


"Sususgurin mo sila na walang ebidensya? Tanga ka ba?!", nabigla kaming lahat sa pagsisigaw ni Miles at nanigas naman si Emy sa kanyang kinatatayuan.

"Wala tayong ebidensya ngunit alam natin na mga taga Class A ang may kagagawan nito! Sila ang may kasalanan dito!", sigaw naman ni Emy.


"Kung susulong ka dun na walang ebidensya, may ikakatulong ka ba? Meron ba? Pinapahamak mo lang tayo! Tayo ang madidisqualify dyan sa gagawin mo eh!", sigaw naman ni Miles. Nakatingin lang kaming lahat sa kanilang dalawa na nag-aaway.


"Eh anong gusto mong gawin natin? Magtunganga lang dito?! Susuko? Agad-agad?! Lalaban tayo Miles! Lalaban! Eh wala pa nga nagsimula ang laban, talo na tayo!", pagsisigaw naman ni Emy at napatahimik si Miles sa kanyang sinabi. Tama naman si Miles pero may point din si Emy .


"Pero lalaban naman tayo diba? May magagawa pa naman tayo.", biglang pagsasalita ko at napatingin silang lahat sa akin. Kailangan kong imotivate sila. Dapat lalaban tayo. May magagawa pa tayo. "Hindi maayos ang booth natin pagsusugurin natin ang mga taga Class A. Mas lalong hindi maayos ang booth natin pagmag-ayaw pa tayo. Isa lang ang magagawa natin, magtulungan tayong ayusin ang booth natin!", sabi ko sa kanila ngunit nakatingin pa rin sila sa baba.


"Kahit magtulungan tayo ay hindi pa rin natin ito maibabalik pa. Lalo ng isang oras nalang ay mag sisimula na ang opening of booths.", pagsasalita naman ni Dranreb habang yumuyuko.


"Hindi pa natin magamit ang ating mahika.", dagdag naman ni Mai. At parang silang lahat ay nakatulala na parang wala na talagang pag-asa. Huminga naman ako ng malalim.


"Hindi ba natin ito maayos pagwalang mahika? Maayos naman diba? At marami tayo! Hindi dapat tayo maging negatibo. Hindi pa nagsisimula ang labanan, susuko na kayo? Mas malakas tayo kaysa sa kanila, alam kong alam niyo yun pero base sa mga ginagawa niyo ay pinapakita ninyo sa kanila na tayo ang kawawa, tayo ang mahina. Damn! We are the best class of Leam University, aren't we? We should fight and show them what we've got!", mahabang pagsasalita ko at napatingin sila sa akin na nakangiti.


I hope natauhan na sila sa sinabi ko.


"Pero paano kung hindi naabot sa time?", biglang pagsasalita ni Camille.


"Atleast lumaban tayo bago natalo kaysa sa sumuko sa pinakauna at natalo.", sabi ko at tumango naman silang lahat sa akin.

"Okay let's do this!", sigaw ni Dranreb habang initaas niya yung kamao niya sa hangin.


"Magagawa natin ito!", sigaw naman ni Mai at napangiti naman ako.


Napatingin ako kay Kuya Khervee na nakatingin sa akin at ngumiti. "Can you facilitate them? Please?", pagsasalita ko sa kanyang isipan at agad namang tumango si Kuya Khervee at ngumiti.


"Okay. Boys, pupunta tayo sa bodega upang manghiram ng table at chairs. Kayo naman girls ay lilinisin niyo ang kalat dito. We need to do this!", pagsasalita ni Kuya Khervee.


"Yes sir!", sigaw naming lahat.


"Ilang minuto nalang ang natitira?", biglang tanong ni Camille.


"45 minutes.", sabi ni Miles.


"Double time people! Double time!", sigaw ni Kuya Khervee at nagsingtakbuhan na kami sa mga gawain namin.


At bago pa man akong tumakbo sa aking gawain ay nabigla nalang ako nung may nagpat sa aking ulo. Agad naman akong napalingon dun at laking gulat ko ay nakangiti ito sa akin. "B-Bryl.", banggit ko sa pangalan niya.


"You did well, Aubrey. Thank you for giving us some hope", sabi niya habang nakangiti.

N-Ngumiti siya.


Parang sasabog na yung dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa mga mata ni Bryl na nakatingin sa akin.


Tinap niya yung ulo ko at tumakbo patungo sa mga kasamahan niya. Ang init ng mukha ko, shemay!


Kumalma ka, Aubrey! Kalma!


"OH MY GHAD?! What was that?!", biglang sigaw ni Emy at lumapit sa akin.


"What the hell?! Did he just patted you?!", hindi makapaniwalang pagtatanong ni Mai at napatingin ako sa kanya.


"Did he just smiled at you?", biglang sumulpot si Camille sa aking harapan na may dalang walis at dust pan. "Ang pula ng mukha mo, may lagnat ka ba?", dagdag niyang tanong sa akin at agad akong umiling.


"Okay lang ako. It's just that... Nabigla lang ako sa ginawa niya kanina.", pagsasalita ko at napatingin naman ako kay Emy na nakangiti na parang may binabalak sa akin.


"Ehem ehem. Pero in fairness! Ang gwapo ni Bryl ngumiti!", sigaw naman ni Emy.


Kayrami ko naman siyang nakitang ngumiti, bakit ganun ang nararamdaman ko kanina? T-That smile was different. Di ko alam pero ganun nga.


Napatingin ako sa tatlo at nakatulala silang nakatitig sa akin. Nagblink blink yung mga mata nila.


Teka, narinig ba nila ang sinabi ko sa isipan ko?!

"What the hell, Aubrey?!", sigaw ni Emy at hinawakan niya yung balikat ko at niyugyog ako. "Bat di mo sinabi sa amin na nakita mo na siyang ngumiti?! At ilang beses na pala?!", dagdag niya habang niyugyog pa rin ako.


"T-Teka Emy! Nasasakal na si Aubrey sa ginagawa mo!", sigaw naman ni Mai at pilit namang kinalma ni Emy yung sarili niya.


"Seryoso? Ilang beses mo na siyang nakitang ngumiti?", pagsasalita ni Emy sa akin at napakamot naman ako sa aking ulo at tumango.


"Kyaaaaaaaaah~", sigaw pa naman nilang tatlo at napabugtong hininga naman ako. -.-


"Uhmmm. Mamaya na 'to please. Maglinis muna tayo", pagsasalita ko at nanlaki yung mga mata nila sa sinabi ko, tila parang nagugulat sila sa sinabi ko.

"OO NGA PALA!", sigaw nilang tatlo at nagsingtakbuhan patungo sa mga assigned areas namin at nagsimula na kaming naglinis.

Kailangan naming malinis ito para may booth namin. We need to win this competition! Ayaw na naming maging mahina sa mga tingin nila. We need to make them taste their own medicine.


Class A, here we come.


***



"Hi ladies! Would you like for a cup of tea?", pagbati ni Dranreb sa mga babaeng Ningens na nasa harapan ng booth namin.


"We would like too!", sabay sabay na sagot ng babae habang nagheart heart yung mga mata nila na nakatingin kay Dranreb. Ngumiti naman si Dranreb ay pinapasok niya yung mga babae.

"Kyaaaaaaaaah~ Ang gwapo ng mga lalake dito! Mga model ba sila?", pagsasalita ng isang babae habang umupo sila.

Napabugtong hininga nalang ako. Full  na full yung cafe namin dahil sa dami ng mga tao at mabuti nalang ay natapos namin yung pagpeprepare namin dun sa aming cafe. Kinakabahan ako dun. Muntik na kami na abutan ng oras.


Bakit ang daming tao dito?


Ay malamang. Ang gwapo kasi ng mga kaklase ko eh kaya ayun halos lahat ng babae nandito. Grabe!


"Here's your order sir.", pagsasalita ko habang inalapag ko yung tray sa lamesa at kinuha ko ang nga pagkain sa tray at inilagay ko ang mga iyun sa kanilang mga lamesa habang nakangiti.

Ngumiti naman ang lalake sa akin. "Salamat", sabi niya tsaka nagbow ako sa kanya at bumalik na ako patungo sa counter kung saan nagluluto si Mai at yung isang clone na ginawa niya.


Nakamaid outfit kami ngayon at yung mga lalake naman ay nakabutler attire. Nakakainis lang kasi ang gwapo nilang tingnan kahit sa totoo ay mga gago yung mga yun. Pero kahit ganun sila ay nagpasalamat pa rin ako. Marami kasi kaming customers dahil sa kanila.


"Order for Table 13", pagsasalita ng clone na gawa ng Earth Element habang inilapag niya yung tray sa lamesa. Ngumiti naman ako sa clone na yun. Mukha kasi siyang totoong tao.


"Thank you Mia.", pagsasalita ko at kinuha ko na yung tray at nagsimula ng maglakad patungo sa table number 13.


Kung nagtataka kayo na bakit may clone kami kahit bawal ang paggamit ng mahika ay built in na itong robot na ginawa ni Mai made of Earth Element.


Nagulat nga kami kung bakit nakagawa si Mai ng ganun. Pero yung pamilya naman ni Mai ay manggagawa talaga ng ganun. Remember Sir Arman? Magpinsan sila kaya di na kami nagtataka.

Napatigil ako sa paglalakad nung nakita ko ang tatlo kong naging kaklase sa aming paaralan noon.

Sht. Baka makita nila ako at magtataka sila kung bakit ako nandito. Patay ako ngayon. Hindi naman sa naging kaibigan ko sila ngunit alam kong kilala nila ako.

"Aubrey, let me.", may biglang sumulpot sa aking kiliran ay kinuha yung tray na dala ko. Gulat naman akong napatingin sa kanya.


"Bryl.", pagsasalita ko at lumingon siya sa akin na nakapokerface at inidala niya yung order sa table na yun.

Napahinga naman ako ng maluwag at ngumiti. Nabasa ata niya yung isipan ko. Tss. Kahit kelan, ganyan talaga si Bryl. Kahit hinigpitan ko yung pagkasara sa aking isipan ay nababasa pa rin niya.


Bumalik naman ako sa trabaho ko at nagpatuloy lamang sa pagkuha ng order at pagbigay ng mga order ng mga customers. Nakakapagod.


Habang inilagay ko yung mga plato dun sa may dish washing machine ay may narinig akong pagbubulungan ng mga babae.


"Ang gwapo ng mga lalaki dito. Yung cute yung pinangalan nilang Dranreb. Mukha namang model yung lalakeng may blue na bow sa leeg. Ano pala ang pangalan nun?", tanong nito sa mga kaibigan nila.

"Miles ata yun.", sagot ng isa at napatango-tango naman silang lahat sa sagot nung isa.


"At yung Khervee. Gusto ko siyang maging kuya. Ang mature kasi ng mukha niya.", dagdag nung isa


"Pero ang pinakagwapo dun ay yung lalakeng walang emosyon. Mukha siyang model! Jusme! Nakakatakot lang kasi hindi ngumingiti. Palagi lang nakapokerface.", sabi nung isa at tumango naman silang lahat.


Kung nakita mo lang silang ngumiti.

Napangisi ako ng di oras at bumalik dun sa pagkuha ng orders sa mga customers.


Ilang oras na ang lumipas at pinasara na yung mga booths kaya napahinga kami ng maluwag. Tapos na talaga. Ansakit ng mga kamay ko at mga braso ko. Leche.


"Hindi ako makapaniwalang nagawa natin ito.", pagsasalita ni Emy habang nakaupo kaming lahat sa may mga upuan, nagpapahinga.


"Ako nga eh. Pero nagawa natin 'to thanks to Aubrey.", sabi naman ni Khervee at tumingin sa akin. Ngumiti siya at napangiti naman ako sa kanya.

"Yeah right. Without her, nawalan na ata tayo ng pag-asa", singit ni Miles at napatango-tango naman silang lahat.


"We owe you big time, Aubrey.", pagsasalita naman ni Camille.

"Wala lang yun. Ginawa ko lang ang nararapat kong gawin.", sabi ko na nakangiti.


"Well. Well. Well. You did well, losers", nabigla kaming lahat nung may pumasok sa aming booth habang pumapalak.

Napakunot ang aming mga noong nakatingin sa kanila habang malamodel silang naglalakad sa loob ng booth at napatingin silang lahat sa paligid.

Edie Mae and her friends again. Tss.


"Mukhang naayos niyo ang pinasira namin ah.", sabi naman ni Ashley at nanlaki yung mga mata naming tumingin sa kanila.


"K-Kayo?! Kayo ang nay gawa nito?!", biglang sigaw ni Emy at susugurin sana sina Edie Mae at pinigilan naman siya ni Miles. "ABA KAYO NAMAN TALAGA ANG MAY KAYANG GAWIN 'TO SA AMIN EH!"


Mataray na tumingin ang tatlong haliparot sa amin na tila parang nagagalit at nandidiri. "Hindi ko akalaing maayos niyo ang booth niyo for one hour. Impossible yun. Gumamit kayo ng mahika, ano?!", sigaw naman ni Novah at napatayo naman ako.


"Do you have evidence, Miss whoever you are? Wag kang tanga at mag isip ng ganyan. Galing kami sa mundo ng Ningens, diba? Sanay na kami sa trabahong walang mahika kaya nagawa namin ito.", pagtatanggol ko at kumunot ang mga noo nila.

"Whatever", pagtataray ni Edie Mae at naparoll eyes naman sina Emy at Mai.


"Remember this bitches from Class A. Matatalo namin kayo.", pagsasalita naman ni Camille at sinamaan nilang tatlong haliparot si Camille.


"Bitches?! Pfft.", tumawa naman si Ashley at naging seryoso ulit na nakatingin kay Camille. "Don't you dare. We don't show mercy to you people.", pagbabanta nila at napasmirk naman si Camille.


"We don't show mercy, either.", sabi ni Camille na may nakakalokang ngiti. Yung ngiting nakakatakot.


"Heh!", inarapan nila kami at tumalikod at muling lumingon sa amin. "We play dirty, Class E. We will kill you leaving no trace", dagdag naman ni Edie Mae at tuluyang lunakad paalis. "I can't wait to see you people lose in the Martial Arts Contest.", muling sabi nito at tuluyan ng umalis.


"Hindi ako matatalo sa Martial Arts mamaya. Hindi.", biglang pagsasalita ni Dranreb at napalingon kami sa kanya. Nakakunot ang mga noo niya habang nakasara yung dalawa niyang mga kamao.


Si Dranreb kasi yung representative namin sa contest mamaya sa boys category at ako naman sa Girls category.


Oo hindi dapat kami matatalo. Hinding-hindi kami magpapatalo kahit sino man sila. They play dirty? Then how about we clean their dirtiness.


****

A/N: JUSME! SORRY TALAGA KUNG NGAYON PA LANG AKO NAKAUPDATE. GRABE! PINAKAPALAN KO YUNG MUKHA PARA MAGCONNEC NG WIFI UPANG MAPUBLISHED ITO. SORRY TALAGA KUNG NGAYON LANG. HUHU. NAGTATRAVEL PO KASI AKO PAPUNTANG CDO KAHAPON EH AT GABI NA AKO DUMATING SA BAHAY NG PINSAN KO KAYA PASENSYA NA. NAKIKONEKT PA AKO SA WIFI NG KAPITBAHAY DITO. HAHAHA. TSKA SA CP LANG AKO NAG TYPE KAYA NAHIRAPAN AKONG MAG EDIT AT NAGLAGAY NG BOLD, AT ITALIC NA MGA FONTS. SANA NAGUSTUHAN NIYO PA RIN ITO! MARAMING SALAMAT!

-Ate Ay

Continue Reading

You'll Also Like

1K 151 20
CURRENTLY ONHOLD, OUTLINING AND REVISING The sounds of gunfires, screams of help, growls, and bomb exploding echoes throughout the country. No one a...
149K 8.9K 55
Rhia Zacharius yearns for nothing more than peace for her family, striving to lift them out of poverty and provide them with the basic necessities to...
390K 14.3K 62
✔COMPLETED | She's The Cursed Goddess (Demigod Trilogy Book 1 of 3) She was created by mistake and has been dealing with bad luck ever since she was...
163K 6.8K 45
After discovering that she has an elemental power, Bridget must find a way to fight against those hunting her which is the Dark University. She must...