<Shielyn>
"Don't listen to them. Don't try to change for them." Masungit pa rin na sabi niya.
"Pero tama naman sila. Babae dapat ang nagsisilbi at nag ta-trabaho sa bahay." Katwiran ko.
Tumingin siya sa akin, "Shielyn bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kailan ka makikinig sa akin?" Seryosong tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
"Kung makikinig ka sa kanila, sila na lang dapat ang pinakasalan mo." May bahid na pagka inis na sabi niya.
Na-hurt ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita. Ang sakit niya magsalita.
"Sige, tapos papakasalan mo 'yung business partner mo?" Masakit na damdamin na tanong ko sa kanya.
Napahinto siya sa tinanong ko sa kanya.
"Let me guess it, you heard that from Jase and Nathan. Am I right?" Kalmadong tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. Guilty akong tumango.
Malalim siyang bumuntong hininga.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo." He murmured.
Para sobrang konsensya ang naramdaman ko sa inakto niya.
"Sino ba siya?" Tanong ko sa kanya.
"My god!" Bulalas niya.
Walang emosyon akong tinignan ni Kier.
"She's just business partner, okay? I don't have plans to marry her and I am already married to you." Explained niya pero hindi pa rin ako convince sa sinabi niya.
"So, papakasalan mo nga siya kapag naghiwalay na tayo? At bakit hindi mo siya pinakasalan? Sabi ni Jase magpapakasal na dapat kayo. At saka, mas maganda siya sa akin at mukhang bagay kayo." Bitter na sabi ko.
Umasim ang mukha niya.
"So, you saw her?" Paninigurado niya.
"Sabi din ng mga employees mo naging girlfriend mo daw siya at meron daw kayong anak kaso namatay daw yung anak niyong dalawa. Sayang daw kayong dalawa." Nasasaktan na sabi ko ko kay Kier.
"Stop!" Pigil niya sa akin nang may sasabihin pa ako.
"Shielyn, can you believe and listen to me for once? Look, I am fucking tired as fuck!" He hissed.
Na-shocked ako sa biglang pagsigaw niya.
"I'm sorry." Paumanhin niya nang ma-realized ang ginawa niya.
Bumuntong hininga siya at niyakap ako.
"Please, huwag na muna tayong mag away. I'm gonna tell you about Shane in some other time." Pagod na pakiusap niya sa akin.
Bakit sa ibang araw pa? Bakit hindi ngayon?
Tinulak ko siya mula sa pagkakayakap niya sa akin.
"Bakit sa ibang araw pa? Kasi totoo ang sinasabi nila?"
"Shielyn," pagod na tawag na niya sa pangalan niya. "I don't have the energy to have fight with you. Masama na ang pakiramdam ko." No, nagdadahilan lang siya sa akin.
Hindi naman mukha na masama ang pakiramdam niya.
"Siungaling ka!" Akusa ko sa kanya.
"I never lied to you!" Dipensa niya. Mukha siyang nasaktan sa sinabi ko.
"May plano ka na makipaghiwalay sa akin kapag nakuha mo na iyung kumpanya namin! Si Shane naman talaga ang papakasalan mo!" Sigaw ko kay Ken.
Mukha siyang nabigla sa pagsigaw ko at hindi nakaalis sa paningin ko ang pagyukom ng kamao niya.
Ken breath deeply, exhale and inhale. Parang pinapakalma niya ang sarili niya.
"There you go, makikinig ka na naman sa sinasabi ng iba kesa sa akin." Nasasaktan na sabi niya.
"I heard you! Binabalak mo na ilipat sa pangalan mo ang kumpanya! At narinig ko rin kayo na nag-uusap ni Shane! Kaya mo lang naman ako pinakasalan dahil sa lintik na kumpanya na iyan!" Ang pagtitimpi ko ay bigla na lang kumawala.
Blangko lang siyang nakatingin sa akin.
Hindi siya makapagsalita kasi totoo ang mga sinabi ko.
"What you heard was right." Amin niya.
Mas lalo akong nasaktan sa inamin niya sa akin.
"Gago ka talaga!" Sigaw ko sa kanya.
"Shielyn, is not what you think!" Agaran na sabi niya sa akin.
Tinulak ko siya papalayo sa akin.
"Napakalaki mong sinungaling. Isa kang tunay na definition na gago! Ano ba ang gusto mo sa kumpanyan namin, ah?!" Hysterical na sigaw ko sa kanya.
"Tapos, ang gago mo dahil may Shane ka pa!" Puno ng galit ang nasa puso ko.
"Shiely, calm the fuck down! It's not what you think!" Medyo kalmado na sabi niya.
"Liar! Hindi na ako makikinig sa'yo!" humagulgol ako sa iyak.
"Sana hindi na lang ako pumayag na magpakasal sa'yo!" Sigaw ko sa kanya at iniwan ko siya sa sala. Aalis na ako sa bahay na ito at sasabihin ko sa kanila ang tunay na intensyon ni Ken sa kumpanya namin.
Dapat malaman ito ng mga magulang ko bago pa mapunta sa kanila ang pinaghirapan nilang kumpanya. Ginagamit niya lang ako para makuha ang gusto niya. Napaka laki talagang gago!
"Anak!" Hysterical na tawag sa akin ng ina ko nang makita niya ako.
"Jusko! Anong nangyari sa'yo at bakit ka umiiyak?!" Nag-aalala niya akong dinaluhan at pinaupo sa sofa.
Hindi ako makapagsalita dahil halo-halong emosyon ang nararamdaman ko at kung ano-ano na ang naiisip ko.
Pakiramdam ko nagkakaroon na ako ng physical manifestation panicked attack.
Kumpanya lang naman ang gusto niya sa simula pa lang.
Magpapakasal sila ng business partner niya.
Hindi siya papayag na pakasalan ako kung hindi lang dahil sa kumpanya namin.
Kapag nakuha na niya ang kumpanya namin ay hihiwalayan na niya ako magpapakasal na sila ng business partner niya.
Kaya ayaw niyang magka-anak kami dahil iba ang intensyon namin.
"Gusto ko na po magpa -annul." Umiiyak na sabi ko sa aking ina.
"Jusko! Ano na naman ito?! Shielyn, anak napa'no kayong dalawa ni Kier. at saka, anong oras at umuwi ka pa talaga sa bahay! Hindi ka ba nag-iisip anak? Delikado sa daan at mabuti na lang nakdating ka ng ligtas dito." Naluluhang pasasalamat ng ina ko. Hindi ko nga alam kung paano ako nakdating ng ligtas dito.
"Mabuti na lang wala ang iyong ama."
"Annulment.." umiiyak na bigkas ko.
"Mommy, mommy," umiiyak na sabi ko at takot na hinawakan ang kamay ng ina ko.
"May dapat kang malaman," praning na sabi ko.
"Kumalma ka nga Shielyn. " Umiiyak na pakiusap ng aking ina. Hindi na niya alam ang gagawin niya.
"Ano ba ang nangyari sa inyo ni Kier at bakit gusto mo ng annulment? Anak ko, huwag ka ng umiyak." Pinunasan niya ang luha ko.
Alam ko naman na natataranta siya at nasasakatn kapag nakikita niya akong umiiyak,
"Bakit hinayaan ka ni Kier na pumunta dito ng mag-isa?" Umiiyak na tanong niya. Humagulgol na din siya.
"Gusto niya lang ang kumpanya. Ma, huwag mong ibibigay sa kanya ang kumpanya." Umiiyak at desperadang pagmamakaawa ko sa ina ko.
Maghiwalay na kami at magsama na sila ni Shane pero hindi na nila makukuha ang kumpanya namin. Ayaw niyang sabihin ang tungkol sa kanila ni Shane kasi ganoon ang plano niya.
"Anak, anong pinagsasabi mo?" Naguguluhan na tanong sa akin ni nanay.
"Ayaw ko, huwag mong ibibigay ang kumapany sa kanya. Promise, ako na mag ha-handle..." hindi ko alam kung paano ako nakakapagsalita ng maayos kahit humahagulgol na ako sa iyak.
Ayaw kong mapunta sa kanya ang pinaghirapan ng parents ko dahil hindi naman niya deserve iyon.
"Anak, nababaliw ka na ba? Anong pinagsasabi mo na kukunin ni Kier ang kumpanya..." Tumigil na din siya sa pag iyak habang ako, hindi ako mapatahan.
Tumawag na din siya ng kasambahay para may kasama siya sa pagpapatahan sa akin at pinakuha niya na rin ito ng tubig.
"Magpapakasal sila ni Shane. Hindi naman ako ang dapat na papakasalan niya." Sumbong ko.
Patuloy lang ang mga kasambahay na haplusin ang likod ko, meron na rin nagpapaypay sa akin. Isa lang ang tinawag na kasambahay ni mommy at hindi ko alam kung paanong nandito silang lahat at pinapatahan ako. May taga -ayos pa ng buhok ko, taga punas ng luha at taga pa-inom sa akin ng tubig.
"Kumpanyan lang naman ang gusto niya kaya siya pumayag na pakasalan niya ako. Ayaw ko sa kanya mommy, umuurong na ako sa kasal naming dalawa." Ngawa ko.
"Anak, nababaliw ka na. Hina-handle ni Kier ng maayos ang kumpanya natin at tinutulungan niya tayo para mas mapalago iyon." Kumbinsi sa akin ni mommy. Pati siya ay na -brainwashed na nila.
"Jusko! Shielyn, kakauspain ko iyang si Kier at kung totoo ang sinasabi mo!" Galit na sabi ni ina at kinuha ang kanyang cellphone.
Pinigilan ko siya, "huwag..." iyak ko.
"Meron siyang Shane at mas mahal niya yung Shane na iyon!" Sumbong ko at muli na naman umiyak.
"Ano?! May kabit siya?!" Gulat na tanong ni mommy.
"Papatayin ko iyang KIer na iyan!" Galit na sabi ni mommy at hindi na nagpigil na tawagan si Kier.
"Madame, kung bukas na lang po kaya? Pakalmahin na po muna natin si ma'am Shie." Pkai-usap ng isang kasambahay kay mommy.
"At saka, madame kumalma ka na po muna bago mo po kausapin ang son-in law mo." Mahinhin at klamdo na sabi ng mayodorm namin sa bahay.
Kumalma naman si mommy at niyakap niya ako at umiyak na naman siya.
"Kapag hinawalayan ka niya paghahanap na lang kita ng mas deserving, anak." Pagpapatahan sa akin ni mommy.
–
"Bro," Niyugyog ni Nathan si Kier na nakatulala lang.
Mas lalong sumasakit ang ulo ni Kier at hindi na nakakapag-isip ng maayos.
'Gago, hindi pa iyan natulog. Tatlong araw na siyang gising." Imporma ni Jase sa kaibigan.
"Anon tatlong araw? Walang ganu'n. Kung tatlong araw siyang gising, edi sana patay na siya!" Bulalas ni Nathan habang pilit na niyuyugyog ang kaibigan na nakatulala at nakahawak sa ulo.
"Ulol! Ang slow mo naman. What I am trying to say, natutulog naman siya pero isang oras lang everyday. Mahaba na yung dalawang oras na tulog niya sa isang araw. So, parang hindi na rin siya natutulog nu'n." Paliwanang ni Jase.
"Ulul! At least natutulog pa rin siya." Laban ni Nathan.
Pina-inom na nila ng gamot si Ken para mabawasan ang sakit ng ulo nito at makatulog.
"Ano, masakit pa rin ang ulo mo?" nag-aalang tanong ni Jase sa kaibigan.
"Tatawagin na namin ang doctor mo kapag hindi pa iyan nawala." Nathan volunteer.
Napapadaing na lang si Kier sa tuwing kumikirot ang sa sakit ang ulo niya. He wants to sleep and rest to lessen the pain pero hindi siya makatulog.
Tinawagan niya ang dalawa dahil hindi niya kayang mag-isa at this moment.
"Can you check my wife." Nananakit ulong tanong ni Kier.
He's trying to fight with his headache para makausap ng maayos ang asawa kanina pero hindi niya akalain na bigla na lang itong magagalit. She's concluding into lies, she's believing to her own conclusion. He wants to explained and make things clearly pero hindi niya kaya dahil sobra ang pagsakit ng ulo niya kanina.
"Get me another meds." Nanghihinang utos ni Kier sa mga kaibigan.
"Overdoes na iyan. Naubos mo na iyung mga gamot." Sabi ni Nathan.
"Gusto mo tawagin ko na lang ang kakambal ko?" Suhesyon ni Nathan.
"Humiga ka na muna diyan. Try mo matulog at babantayan ka namin." Jase suggests and sat on the sofa near to the bed.
Nakahiga sa kama si Kier at ang katawan niya ay sumusuko na pero hindi pa rin siya makatulog. He's body wants to rest but he is wide open.
"Anong gagawin ni Ethan dito? Nuulol ka na naman Nathan, may anak iyon at hindi naman iyon pupunta ng ganitong oras." Jase snorted.
Pilit na tumatayo si Kier. "Can you check Shielyn?" Nag-aalalang tanong ni Kier. he doesn't have the energy a while ago at hindi niya rin maintindihan kung bakit bigla na lang nagkaganu'n ang asawa niya.
She's concluding again and overthinking.