Me and My Boys VOLUME 1

By JayChowder

1.7M 55.3K 3K

Highest rank reached in Humor category: #4 as of Nov. 14, 2016 "A story of friendship, loyalty, and love bet... More

Allexa
CHAPTER 1 CLASS 3F
CHAPTER 2 THE CLASSMATES
CHAPTER 3 WHAT A DAY
Chapter 4 ANNOUNCEMENT
Chapter 5 KURT
Chapter 6 FRIEND OR FOE?
Chapter 7 FAST AND FURIOUS
Chapter 8 MARY JANE
Chapter 9 ENGLISH CLASS
Chapter 10 LET IT GO
Chapter 11 FOOD, MAKE UP, COSTUME
Chapter 12 GREEN PEAS
Chapter 13 RIDES AND SUGAR RUSH
Chapter 14 SCREAM LIKE A BOSS
Chapter 15 THE GIRL IN RED
Chapter 16 BRYCE'S BDAY PARTY
Chapter 17 NEWBIES
Chapter 18 PURE GOLD
Chapter 19 DRAMA???
Chapter 21 MALL AND RED
Chapter 22 REST DAY
Chapter 23 LOVE AT 1ST SIGHT
Chapter 24 RENEE'S MAJOR PROBLEM
Chapter 25 ANG MANSANAS. BOW
Chapter 26 MIDDLE MAN-WOMAN
Chapter 27 C3F PRINCESS
Chapter 28 GOOD DOGGIE
Chapter 29 MULTO?
Chapter 30 DARK HORSE (FORCE)
Chapter 31 TULAK KITA?
Chapter 32 DEATH GLARE
Chapter 33 ABDUCTION
Chapter 34 FOUND
Chapter 35 TRACKER
Chapter 36 PANCAKES AND PARK
Chapter 37 DETECTIVES
Chapter 38 DETECTIVE 2
Main Characters
Chapter 39 ULTIMATE MISSION
Chapter 40 THE FINAL MISSION
Chapter 41 MASK OFF
Chapter 42 REUNION AND CONTRACT
Chapter 43 REUNION AND CONTRACT PT 2
Chapter 44 NEW HOME
Chapter 45 IPIS AND CHANDELIER
Chapter 46 BACK TO SCHOOL
Chapter 47 PINA COLADA
Chapter 48 THE RING
Chapter 49 EXAM
Chapter 50 PRIVATE ISLAND
Chapter 51 LAST DAY AT THE BEACH
Chapter 52 A FRIEND'S FAREWELL
Chapter 53 THE DATE
Chapter 54 GANG?
Chapter 55 LIKE THE MOON
Chapter 56 HALLOWEEN PARTY
Author's Note
Books
Thank you!
Sneak Peek!!!!
Chapter 1: Out of the blue
Chapter 2: 2nd Day
Chapter 3: What A Day
Chapter four: Announcement
Chapter five: Kurt
Chapter six: Kyle
Chapter 7: Fast and Furious
Chapter 8: Mary Jane
Chapter 9: English class
Chapter 10: Let it go!
Chapter 11: food make up costume
Chapter 12: Green peas
Chapter 13: Rides and Sugar Rush
Chapter 14: Scream like a boss
Chapter 15: The Girl in Red
Chapter 16: Bryce's BDay Party
Chapter 17: Newbie(ssss)
Chapter 18: Pure Gold
Chapter 19: Drama???
Chapter 20: Unexpected reunion
Chapter 21: Mall and Red
Chapter 22: Rest Day
Chapter 23: Love @ 1st sight
Not an update
Chapter 24: Renee's Major Problem
Chapter 25: Ang Mansanas. Bow.
Chapter 26: Middle Man-Woman
Chapter 27: C3F P
Not an update
Chapter 28: Good Doggie
Chapter 29: Multo?
Chapter 30: Dark Horse (Force)
Chapter 31: Tulak kita?
Chapter 32: Death Glare
Chapter 33: Abduction
Chapter 34: Found
Chapter 35: Tracker
Chapter 36: Pancakes
Chapter 37: Detectives
Chapter 38: Detective 2
Chapter 39: Ultimate Mission
Chapter 40: The Final Mission
Chapter 41: Allexa
Not an update
Chapter 42: Reunion and Contract
Chapter 43: Reunion and Contract pt 2
Chapter 44: New House
Chapter 45: Ipis and Chandelier
Chapter 46: Back to School
Chapter 47: PinaColada
Chapter 48: The Ring
Chapter 49: Exam
Chapter 50: Private Island
Chapter 51: Bye Beach
Chapter 52: Farewell
Chapter 53: The Date
Chapter 54: Gang?
Chapter 55: I'm Upset
Not an update
Chapter 56: My Room
Chapter 57: Halloween Party

Chapter 20 UNEXPECTED DATE?

16.8K 515 58
By JayChowder

NAPATALON AKO MULA sa kama ko dahil sa isang tili ng babae. Yung tili na parang papatayin na? Yung mga nasa horror movies? Natakot talaga ako at nagtago ako sa ilalim ng kama ko!

Then I realized na paulit ulit lang yung sound kaya dahan dahan akong lumabas mula sa hiding place ko at hinanap ko kung saan nanggaling yung tili.

Napatingin ako sa side table ko. My phone is ringing.

Class 3F! Mga sira ulooooooo talaga kayo! I internally screamed.

Pinalitan na naman nila ang ring tone ko! Alam mo yung ang sarap sarap ng tulog mo dahil sabado tapos bigla kang magigising ng 8am ng umaga! Worst yun! Worst!

"Hello!?" tanong ko sa kung sino mang hayop ang gumising sa akin.

"Umagang umaga, ang init ng ulo mo"

"Sino naman ang hindi iinit ang ulo eh ang aga aga nanggigising ka! Hoy Nathaniel! Sino na naman ba ang nagpalit ng ringtone ko?!"

"Wahahahaha! Hindi ako ah, pinalitan na ba yung umuungol na ringtone mo? Ano ang ipinalit?"

Minasahe ko ang pagitan ng mga mata ko at humiga ako. Sumasakit na ang ulo ko, sabado ngayon, I should be sleeping this time, right?

"Horror scream, bakit ka ba tumawag ng napakaaga?" tanong ko, bumabalik na naman si antok.

"Bangon ka na dyan, samahan mo ako"

"Ayaw, si Liezyl nalang"

"'di siya pwede"

"Ayaw"

"Susunduin kita"

Umupo ako agad.

"San ba tayo magkikita? At ano'ng oras?" tanong ko.

"Susunduin na nga kita"

"Makikipagmeet na nga ako!"

"Oo na po, huwag na pong sumigaw. Kita nalang tayo sa Pancake house mayang 9:00, okay?"

"Aye aye, bye!" I dropped the call at nagdive ako sa banyo.

1 HOUR LATER...

"Ginising mo ako ng napakaaga dahil gusto mo lang may kasama kang magbreakfast!?" tanong ko kay Nathaniel habang nagpipila kami sa isang pancake house.

"Sikat kaya ang pancake house na to. Every Saturday lang sila nagse-serve nung favorite ko at may coupon pa ako!" may inilabas siyang papel mula sa bulsa niya, "heto oh!" masayang sabi niya.

Hindi parin ako masaya. Kahit pagkain ang pinaguusapan kung naudlot naman ang tulog ko, hindi pa rin ako magiging masaya.

"Bakit 'di mo nalang tinawag si Liezyl?"

"Hindi kami pareho ng tinitirhan, at may date yun"

"Date? Sino??"

"Malay ko?"

Baka si Midnight? Alam kaya ni Nathaniel ang tungkol sa kanila? Mukang mabait naman si Midnight, okay lang naman siguro sa kanya.

"Smile na dyan Lexa, umagang umaga ganyan ang muka mo"

"Pasalamat ka hindi pa ako nagbreakfast" sabi ko sa kanya.

"After nito, magmo-mall tayo. Promise" sabi niya

I sighed heavily, "Fine".

Umorder siya ng dalawang strawberry pancake with melted marshmallow at hot choco with caramel. Yun ang favorite niya? Hahaha kelalaking tao tapos yun ang favorite niya? Well, wala namang masama dun pero.

Click*

Alam mo kasi yung nakablack tshirt siya with tattered pants, blond pa ang buhok at may stud earings, makikita mong ineenjoy ang strawberry pancake? Priceless.

Click*

"Aba Lexa, gagawin mo bang background picture mo yang mga pictures ko?" tanong niya.

"Asa ka, ang cute cute mo lang kasi" sabi ko.

Ngumiti siya ng malapad at nagwave siya sabay labas ng maliliit na dimples.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko, looking at him horribly.

"Pa-bebe wave, hindi mo alam yun?"

"Pabebe wave? Bago ba yun?"

"May TV ka ba? Or internet man lang?"

"Meron..pero..'di ko ginagamit" I poked my pancake.

Nadinig ko siyang nag sigh sabay tingin sa taas.

"Haaay Lexa, nacucurious na talaga ako sa'yo" sabi niya.

"Hehe, wala namang importanteng dapat malaman tungkol sakin" sabi ko at humigop ako nung hot choco, "Ahh! Hot! Hot!" sigaw ko sabay paypay ng bunganga ko, "napaso dila ko, huhu" sabi ko at inilabas ko ang dila ko para silipin ko sana.

Click*

"Wahahaha ang ganda ng kuha!" sabi niya sabay pakita sa akin yung picture kong nakalabas ang dila ko at naduling pa ako, "ano kaya ang magandang meme dito?" tanong niya nung binawi na niya yung phone niya.

"Nathaniel? Oh! Allexa! You're here too!"

Tumingin kami sa babaeng nagsalita.

"Hi Renee!" sabay naming bati ni Nathaniel. Nakared na naman siya! Red na cute dress with cute red wedge, pati yung pouch niya red. At dahil nakalugay siya, kapansinpansin na parang reddish ang buhok niya, pinakulay niya kaya??

"Wow, are you guys dating?" tanong niya at umupo siya sa tabi ko.

"Nagbebreakfast lang, dating agad?" tanong ko, tinignan ko si Nathaniel na umaaktong innocente, nagkibit balikat pa siya.

"Anyway, do you like the food here? Sabi kasi ng friend ko, they have good pancakes here" sabi niya looking at my pancake.

"Oo! Heto tikman mo!" sabi ni Nathaniel sabay subo ng pancake sa kanya pero bago pa naglanding yung fork with pancake sa mouth ni Renee, meron nang kamay ang pumigil sa kamay ni Nathaniel.

Dahan dahan naming tinignan kung sino yun.

"Hi Bryce?" sabay naming bati ni Nathaniel. Wow he looks so cool with his white Vneck at leather jacket! Naka beanie na naman siya na nakalabas yung brownish bangs niya.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Bryce kay Nathaniel.

"Sinusubuan ko si Renee?" sagot ni Nathaniel na parang natatakot na sa itsura ni Bryce.

Ooooh, I smell jealousy!

"Tabi" utos ni Bryce at mabilis na tumabi si Nathaniel kaya nagkatabi kaming dalawa. Round table kasi yung table namin tapos medyo maliit pa.

Inilagay ni Bryce yung isang plate sa harap ni Renee.

"Kainin mo na para makaalis na tayo" utos niya kay Renee.

"Bakit hindi ka kumuha ng sa'yo?"

"Hindi nga ako gutom" wala na namang energy si lolo Bryce.

"Sinabi mo sana para hindi na tayo pumunta pa dito!"

"Ang kulit kulit mo kasi! Sabi mo gusto mong masubukan dito!"

"Pwede ka naman umayaw kung sinabi mo lang sana!"

Nagdikit kami ni Nathaniel na parang mga takot na tuta sabay higop ng mga hot chocos namin.

"Sa tingin mo, kailangan na nating magdisappear?" bulong ko kay Nathaniel.

"Kailangan natin ng escape plan" bulong niya.

"Yung Scape Map mo"

"Kunwari magseselfie tayo" sabi niya at itinaas niya yung phone niya saka kami kunwaring nagpopose pero binubuksan na pala niya yung application niya.

"Saan kayo pupunta after nito?" biglang tanong sa amin ni Renee, nabitawan ni Nathaniel yung phone niya at nashoot sa hot choco ko.

"NoooOO!" sigaw naming dalawa.

"Yung cellphone ko!" sigaw niya sabay ng sigaw kong "Wung hot choco ko!" kaya tumingin silang tatlo sa akin.

"What?" tanong ko.

"Mas mahalaga talaga yung hot choco mo sa cellphone ko?" tanong ni Nathaniel.

"Uhmm, sige ulitin natin" sabi ko at inulit nga namin.

"NoooOO! Yung cellphone ko!" "Yung cellphone ni Nathaniel!" sabay naming sigaw.

Kawawa naman yung hot choco ko, huhu kahit pinaso niya ako, napamahal na din siya sa akin. Kailangan ko na siyang i-let go, it's for the best.

"Huwag ka ng malungkot" sabi ni Nathaniel, pero pansin kong malungkot din siya, dahil sa cellphone niya siguro.

"Sa'yo na 'to" sabi ni Bryce sabay push nung hot choco niya sa akin and I beamed at him.

"Bakit ganyan ka makipagusap kay Allexa? Samantalang ako, sinisigawan mo" reklamo ni Renee.

Nag-sigh si Bryce, "Kainin mo na yan," sabi niya kay Renee at tumingin siya sa akin, "ubusin mo narin yan"

"Eh ako?" tanong ni Nathaniel na excited na may sasabihin din si Bryce sa kanya.

"Itapon mo na yan" turo niya sa iphone 5s ni Nathaniel na pinupunasan niya ng tissue.

Niyakap ni Nathaniel yung Iphone niya, "Huwag mo siyang pansinin, biro niya lang yun, shh shh, tahan na, hindi kita itatapon pinapangako ko" bulong niya sa cellphone niya.

"Bili ka nalang ng bago, you're rich naman eh" sabi ni Renee and Nathaniel looked at her horribly.

"B-bili ng bago? Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan namin ng phone ko!" sabi niya at kunwaring naiiyak na siya.

"Hindi mo rin alam kung ano ang pinagdaanan namin ng hot choco ko!" siksik ko sabay tingin sa half finished na hot choco na nasa center na ng table.

"Sabagay," sabi ni Nathaniel, "but no! hindi ko itatapon ang phone ko!"

"Hindi niya yan itatapon dahil madami siyang porn na nakasave dyan, haha" sabi nung bagong dating at tumingin kaming lahat sa kanya, kanila pala.

"Hi guys!" bati ni Mary Jane.

"Tabi" utos ni Jason at tumabi kaming apat para may uupuan silang dalawa.

"What a small world" sabi ni Renee na nakatingin ng masama kay Mary Jane pero nginitian lang siya nito.

"Hi Renee, it's nice to see you again" bati niya.

"Hmm, it's not nice for me" sagot ni Renee.

"Oh, well, that's your problem na, not mine"

"Owwkey!" siksik ni Jason, pinapanood lang namin sila ni Nathaniel habang humihigop ng Hot choco. Parang sinehan lang ba, "Ano'ng ginagawa nating lahat dito?" tanong ni Jason.

"Malay ko?" sagot ni Bryce, mukang mas relaxed na siya ngayon.

"Nauna kami dito ah!" sabi ni Nathaniel.

"Saan si Big?" tanong ni Bryce.

"May pinuntahan daw sila ni tita, saan tayo after nito?" tanong ni Jason.

"Kayo'ng bahala" sagot ni Nathaniel.

"Saan mo gustong pumunta?" sabay sabay na tanong nung tatlo sa akin kaya nataranta ako't itinuro ang muka ko.

"Bakit ako?" tanong ko.

"Oo nga, bakit siya?" tanong ni Renee

"Kasi she's their new bestfriend" proud na sagot ni Mary Jane.

"Hoy" sabi ni Jason na nakatingin ng masama sa amin ni Nathaniel, "bakit kayo magkasama?"

"Nagbebreakfast lang?" sabay naming sagot.

Tumalim yung tingin niya sa amin na parang may alam siyang iba at pinantayan namin yung tingin niya.

"Bakit kayo magkasama?" tanong namin sa kanila ni Mary Jane at nagblush si Mary Jane!

"Nagbebreakfast din lang" sagot ni Mary Jane na parang nahihiya na.

"Kayo?" tanong namin kina Renee at Bryce

"Nagde date kami" sagot ni Renee at naubo si Bryce.

"Date-in mo muka mo!" sabi ni Bryce.

"Date naman talaga ang tawag dito ah!"

"Sasamahan lang kitang magmall! Hindi yun date!"

"Date parin yun!"

"Bahala ka sa buhay mo!"

"Bakit mo ba ako sinisigawan!?"

*Blah! Blah! Blah!*

"Kanina pa ba silang ganyan?" tanong ni Jason na nakadikit na rin sa amin.

"Oo, meron ka ba nung Scape Map App?" tanong ko at inilabas niya yung phone niya, automatic kong inilayo yung hot choco ko habang inilagay naman ni Nathaniel yung baso niya sa ibaba nung cellphone ni Jason.

"Para may kasama ako" bulong niya sa akin, tumawa kami ng mahina at naghigh five kami.

"Saan kayo pupunta after nito?" biglang tanong ni Bryce at nabitawan nga ni Jason yung Iphone 6 niya pero sa malas, hindi nashoot sa baso at nanlumo kami ni Nathaniel.

"Mall" malungkot na sagot namin ni Nathaniel.

"Sama kami" sabi ni Jason.

"Sama na din kami" sabi ni Bryce.

"No! we should go alone!" reklamo ni Renee

"Edi magmall ka magisa mo!" sagot ni Bryce.

"Tara na!" siksik ni Jason na tumayo na't inalalayan si Mary Jane na tumayo.

Tinignan ako ni Nathaniel at nagsmirk

"Nope, kaya kong tumayong mag isa" sabi ko at tumayo ako.

"Ang daya naman!" reklamo ni Nathaniel na tumayo na din.

Wala nang nagawa si Renee kaya sumama siya sa amin sa mall, aww, mabuti pa sina Mary Jane hindi sila nagsisigawan pero meron padin yung awkwardness sa kanila.

-=-=-=-=-=-=-

UNEXPECTED DATE?

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
297K 9.8K 36
Yup! Another adventure of Allexa and his boys!
558K 28.5K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
103K 143 1
Different world and forgotten memories. Painful eyes speaks louder than heart, the one we called team will separate and face another world where ever...