My Guy (series)

By cynthus_writes

532K 5.6K 707

Love is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen onc... More

My Mom's Other Guy
Other 1
Other 2
Other 3
Other 4
Other 5
Other 6
Other 7
Other 8
Other 9
Other 10
Other 11
Other 12
Other 13
Other 14
Other 15
Final
My Mom's Only Guy
Only 1
Segue way~
Only 2
Only 3
Special Chapter (Coraline's Side)
Only 4
Only 5
Only 6
Special Chapter (Cornell's Side)
Only 7
Only 8
Only 9
Only 10
Only 12
Special Chapter (Amelia's Side)
Final
My Offical Guy
Official 1
Official 2
Official 3
Official 4
Official 5
Official 6
Official 7
Official 8
Official 9
Official 10
Official 11
Official 12
Official 13
Official 14
Official 15
Official 16
Official 17
Official 18
Official 19
Official 20
Final
My Guy Series (Epilogue)
Foolish Hearts (Teaser)
Random Facts

Only 11

8.6K 86 10
By cynthus_writes

“Saan ba tayo pupunta?”tanong ko kay TJ habang naka-sakay kami sa sasakyan niya, It’s already 8:30pm saang lupalop naman kami pupunta? Sinundo niya pa nga ako kanina sa Boutique buti na lang at hindi niya naabutan si Colton na sinundo si Guia kungdi magkakatalo na.

“Secret basta mahalaga sa akin yung lugar na ito.”nakangiti niyang sabi sa akin habang binabagtas namin ang daan papunta sa lugar kung saan man. Maya-maya huminto kami sa isang lugar, Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Napangiti ako ng makita ko ang langit puno ng stars at visible ang moon mula dito.

 

“Whoa! Ang ganda naman dito.”masayang sabi ko kay TJ at hinawakan niya ang kamay ko, Nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

“Tara.”tawag niya sa akin at may naka-handa na pala doong sapin at may basket pa, Ano yan? Picnic at night lang? Napangiti naman ako dahil todo effort. Umupo siya at naiwan naman akong nakatayo, He look at me bago niya i-tap yung space sa harapan niya kaya umupo ako doon ng nakangiti.

“Anong ginagawa mo?”tanong ko sa kanya dahil may kinuha siyang kumot ata sa basket na medyo malapit sa apoy na siya pa ata ang nag-sindi.

“Ah, Medyo malamig kasi dito lalo na kapag gabi kaya babalutan sana kita nito.”sabi niya at napangiti ulit ako kasi ang sweet talaga, Hindi ko ikakaila na kinikilig ako sa ginagawa niya. Binalot niya yung kumot sa likod niya at pinulupot niya ang arms niya sa waist ko para mabalutan din ako, Nakangiti akong sumandal sa dibdib niya at nakakaramdam ako ng warmth.

“Pwede mo ba kong kantahan?”request ko sa kanya habang nakatitig ako sa ulap na puno ng bituin, Gusto kong makarinig ng kanta.

“Hindi maganda boses ko kaya hindi ako kumakanta.”sabi niya kaya naman nilingon ko siya saka ako tumawa, Siniksik ko pa ang sarili ko sa kanya.

 

“Hindi ako tatawa kahit pumiyok ka pa kaya kantahan mo ako.”sabi ko sa kanya at ngumiti muna siya saka ako tinitigan sa mata ko.

“I wanna make you smile, whenever you’re sad.”simula niya kaya naman napangiti ako, Hindi naman masama ang boses niya ah. Napapikit ako at bumalik sa dati kong pwesto kung saan ako nakasandal sa dibdib niya.

“Carry around when your atrithis is bad, All I wanna do is to grow old with you.”hindi nawala ang ngiti ko sa labi habang nakapikit ako at pinapakinggan siyang kumanta. It’s soothing, Nakaka-relax yung pagkanta niya ng Grow Old with You ni Adam Sandlers sa movie na The Wedding Singer. Nang matapos niya ang kanta nilingon ko ulit siya na nakangiting nakatitig sa akin.

“Hindi naman masama yung boses mo.”sabi ko sa kanya, Totoo naman eh nakaka-relax nga yung pagkanta niya sa akin.

“Hindi ba? Akala ko kasi pangit yung boses ko kapag kumakanta.”sabi pa niya kaya naman umiling ako at hinalikan siya sa labi niya. He made the kiss tender and sweet. It was really a passionate one, What more can be sweet to a guy who could cuddle you under the stars while singing a song to you and will kiss you more sweeter? Who’s that guy? It’s TJ.
 

Kumalas kami sa halik at pinagdikit namin ang noo naming dalawa habang naghahabol kami ng hininga, I wish.. I wish that this day never end. Ayoko pang bumalik sa reality kasi masaya ako, Masaya akong kasama ko siya ngayon. I also think i.. i.. I am falling with him. Hindi ko na kailangan i-deny sa sarili ko, I love him now for real.

 

“Cornelia.”tawag niya sa akin habang nakatitig sa mata ko.

“Hmm?”hum ko sa kanya na may tono ng pagtatanong, Hinawakan niya ang pisngi ko at medyo nilayo sa mukha niya.

“Cornelia, Sa tingin ko hindi na kita gusto..”sabi niya kaya naman nanlaki ang mata ko, N-No! D-don’t say it.. TJ no, Don’t say the magic word please. Naluluha na ko, Wag mong sasabihin yung word na yun TJ. Alam ko yung susunod mong sasabihin.. TJ please nagmamakaawa ako sa iyo, No.

“Ma-”Kaya bago pa siya magsalita hinalikan ko ulit siya sa labi niya. Ayokong marinig yung sasabihin niya, I don’t want to end this moment. Ayokong marinig yung sasabihin niya dahil alam kong sa oras na sabihin niya iyon panalo na ko pero ayoko siyang marinig, Ayoko. Ayokong manalo TJ please ayoko, Oo talo na ko wag mo lang sabihin please. Mas gugustuhin ko pang matalo kesa manalo eh.

“I love you, I love you Cornelia.”he said between our kisses while holding my nape to deepen the kiss, Naramdaman kong may umagos na mainit na likido sa pisngi ko. Nanlambot ako sa narinig kong sinabi niya, He shouldn’t have say that word. Napatigil kami sa pag-halik at yinakap ko siya ng sobrang higpit.

“I love you too TJ, I love you too.”umiiyak na sabi ko kay TJ, Hindi ko na napigilan. Mahal ko na siya at sa natitirang oras hiniling ko na sana huwag niyang sabihin sa akin na mahal niya din ako dahil sa oras na sinabi niya ang magic words sa akin kailangan ko siyang saktan pero hindi ko iyon magagawa ngayon dahil masasaktan din ako.

“Eh bakit ka umiiyak?”tanong niya sa akin kaya naman agad akong ngumiti sa kanya ng iharap niya ko sa kanya.

“Wala lang ito, Tears of joy lang ito.”i lied. Nasasaktan talaga ko hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan niya ang mata ko hanggang sa pisngi ko at nagtapos siya sa labi ko. Napapikit ako at dinamdam ang halik niya dahil baka ito na rin ang huli, Nilagay ko yung kamay ko sa batok niya at nilaliman pa ang halik.
 

After this kiss, After this.. Kakalimutan kong natalo ako at iisipin kong nanalo ako para kay Coraline, Para kay Coraline pipilitin kong kalimutang minahal ko si TJ. Kakalimutan kong mahal ko siya at tanging aalalahin ko lang ay nanalo ko sa laro, Nanalo ako at hindi natalo sa gabing ito kahit alam kong umpisa palang simula ng umamin ako. Talo na ko, As in talong-talo.
 

Napapikit ako ng mariin para pigilan ang luha sa mga mata ko na umagos habang hinahalikan ko siya. May luha muling tumulo sa mga mata ko matapos maghiwalay ng labi naming dalawa, Ngumiti ako sa kanya yung totoong ngiti ko na mararamdaman niya kung gaano ako kasaya.

“Wag ka ng umiyak, Mahal na nga kita eh.”sabi niya at tumango naman ako sa kanya, Panalo na talaga ako. Well done Cornelia panalo ka na ito ang gusto mo di ba? Ito yung gustong-gusto mo pero ang tanong.. Masaya ka ba?

 

“I love you too TJ, I love you too. Mahal na mahal kita.”halos mabaliw na ko dito sa harapan niya kakasabi kung gaano ko siya kamahal kasi alam ko after nitong gabing ito. Wala na, Tapos na.

Hindi naming inaasahan na umulan kaya agad kaming napatakbo sa kotse, Yung kumot na nakabalot sa amin iyon ang ginamit naming panangga sa ulan. Nang makasakay kami sa kotse narinig ko ang pag-tawa niya bago ii-start ang engine ng kotse.
 

Hinatid niya ko sa A Towers at bago pa man ako makababa, Nilingon ko siya at tinignan habang nakangiti siya. Buong magdamag kanina habang nasa byahe nakangiti lang siya at hanggang ngayon nakangiti pa rin siya.

“TJ.”tawag ko sa kanya, Tumingin naman agad siya sa akin ng nagtataka. Ngumiti ako sa kanya, Gusto ko ulit marinig mula sa kanya na mahal niya ko. Last na talaga ito promise.

“I love you.”sabi ko sa kanya habang nakahawak ako ng mahigpit sa bukasan ng pintuan ng kotse niya. Naluluha na naman kasi ako pero pinipigilan ko.

“I love you too Cornelia, Goodnight dream of me.”masaya niyang sabi at hinalikan ako sa labi bago ako bumaba sa sasakyan niya. Pinanood ko pang umalis yung sasakyan niya at ng maka-alis na yung sasakyan niya doon na ko nag-break down. Ang sama mo TJ sobrang sama mo.

“Cornelia.”tawag sa akin ni Shiela habang kasama niya si Jaiden at si Coraline, Agad ko namang yinakap si Shiela ng mahigpit. Yinakap ko siya ng sobrang higpit dahil hindi ko kinaya yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas masakit itong nararamdaman ko kesa nung umiyak ako nung nalaman ko yung nangyari sa pamilya namin feeling ko mas masakit ito to the point feeling ko ang hina ko.

“What happened?”nag-aalalang tanong ni Shiela at pinunasan ko yung luha ko pero wala gusto nilang kumawala sa mata ko.

“S-Si TJ.. Mahal ko si TJ. Shiela!”umiiyak na sabi ko kay Shiela at agad naman niya kong yinakap pabalik.

“Sabi ko naman kasi sa iyo itigil mo na bago pa may masaktan sa inyong dalawa tignan mo sino ngayon ang nasaktan?”pagalit na sabi ni Shiela at umiyak pa ako lalo kasi hindi lang naman iyon ang iniiyak ko eh.

“H-Hindi naman iyon Shiela eh, There’s even more! He said the magic words.. He said he loves me pero Shiela alam mo ba yung hiniling ko kanina na sana hindi na lang niya sinabi kasi mas nasasaktan ako ngayon.”umiiyak na sabi ko kay Shiela, Lumapit naman si Coraline sa amin at agad akong yinakap. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Akala ko magiging masaya ako after nito pero hindi pala. Hindi pala ko naging masaya.

“Pero may isa pa Cornelia.”sabi ni Shiela kaya naman napakalas ako ng yakap at tinignan siya habang lumuluha.

“Sorry kung pakelamera ako ha, Pagkaalis niyo kasi kanina ni Tristan sa Boutique agad kong inusisa yung Brown envelope na galing sa ospital at eto.. eto yung resulta.”sabi ni Shiela at ngayon ko lang napansin na hawak niya pala yung brown envelope na ibinigay kanina sa akin ni Guia. Agad ko naman iyong kinuha at tinignan ko si Shiela ng seryoso habang siya nakatingin sa akin ng sorry look. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko bago ko tignan ang nakasulat sa papel na resulta.
 

Ganoon na lang ako nagimbal ng makita ko ang resulta sa test na sinagawa sa akin nung nakaraang linggo. Napapikit ako at tumulo muli ang luha sa mata ko, What’s the result of my Pregnancy Test in the lab? Positive.. I am one week and six days pregnant simula nung nagpa-test ako eh ano na ngayon? Ilang araw na ang lumipas. Naramdaman kong yinakap ako ni Shiela at hinaplos ang buhok ko.

“Sabi ni Mommy sa akin nung tinawagan ko siya according sa result mo sa test, You’re three weeks and two days pregnant.”sabi ni Shiela sa akin kaya mas lalo pa kong napaiyak. Talong-talo pala talaga ako simula palang kasi unang beses pala na may nangyari sa amin ni TJ may bunga na agad. Ang galing naman ni TJ sharpshooter ang gago.
 

Lalo pa kong nag-breakdown.. I am bearing his child. I am bearing TJ’s child who’s none other than My Mom’s Other Guy. Hindi ko na kinaya sobrang sakit na ng puso ko napapikit na lang ako at feeling ko nag-passed out ako.

 

=======
=======

“She’s okay now masyado lang siyang stress kaya nag-passed out siya kanina, But don’t worry anak Cornelia is fine same with her baby. Wag lang siyang magdagdag ng stress dahil iyon talaga ang makakasama sa baby.”rinig kong boses ng isang babae ng magising ang diwa ko, Napadilat ako. Nakita ko ang mukha ni Shiela na kagagaling lang sa pag-aalala kasama si Tita Ella na Mommy niya.

“Mabuti naman at gising ka na Cornelia, Congratulations you’re three weeks and two days pregnant.”sabi ni Tita Ella kaya naman napa-upo ako at kumunot ang noo ko. Three weeks? Edi ba negative naman ang result simula nung nagpa-Test ako?

“Paano po nangyari iyon Tita Ella? D-Di po ba Negative yung lumabas sa Pregnancy Test Kit bakit biglang ganito?”tanong ko kay Tita Ella, She smiled at me at hinawakan ang kamay ko.

“Well iba-iba kasi ang symptoms ng mga nagbubuntis Cornelia saka yung First One week mo wala talagang lalabas na result doon kasi hindi pa nagpro-produce ang katawan mo ng Hormone ng mga buntis na babae kaya ganoon and napapadalas ba ang pagkahilo mo this past few days? Nakakaramdam ka ba ng Morning sickness and pagsusuka? That was normal dahil first trimester mo palang naman.”sabi ni Tita Ella, Napatulala naman ako sa sinabi niya sa akin. Gusto kong matawa pero gusto ko rin maiyak, Ang gulo ng nararamdaman ko ngayon dahil peste hindi ko alam ang gagawin ko.

“I will give you a leaflet para sa prenatal vitamins mo Cornelia, Makakatulong yung vitamins na iyon sa pagbubuntis mo. Sige mauna na ko, Shiela umuwi ka mamaya sa bahay hinahanap ka ng Daddy mo.”sabi ni Tita Ella at tumango naman si Shiela sa sinabi ng Mommy niya. Lumabas na si Tita Ella at hinawakan ako sa kamay ni Shiela.

“Ano ng balak mo Cornelia? Ano ng balak mo lalo na ngayon at may baby diyaan sa sinapupunan mo, Ang mas malala pa boyfriend ni Tita Amelia ang ama.”sabi ni Shiela at tumulo ang luha sa mata ko, Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh. Magsasalita na sana ako kay Shiela ng pumasok si Jaiden kasama si Coraline.

 

“Ate.”tawag sa akin ni Coraline at yinakap ako kaya naman yinakap ko siya agad.

“Hindi ko alam ang nangyayari dito Cornelia pero binuntis ka ni Gonzales at kailangan ka niyang panindigan.”sa tono ng pinsan ko mahahalata mo ang asar sa boses niya, Umiling na lang ako kay Jaiden.

“Jaiden please wag kang sumawsaw dito, Tulad nga ng sinabi mo wala kang alam sa nangyayari.”sabi ko kay Jaiden at frustrated na lang siyang umupo sa sofa dito sa Hospital room na occuppied ko.

“Ate umalis na lang tayo dito, Magpakalayo-layo tayo please ayoko na dito.”umiiyak na sabi ni Coraline habang nakayakap sa akin, Napatingin ako kay Shiela at ngumiti siya sa akin. Magpapakalayo-layo? Saan naman kami pupunta ni Coraline?

“I have a suggestion Cornelia..”sabi ni Jaiden kaya naman napatingin kami sa kanya ni Coraline, Napatingin din si Shiela sa kanya. He smiled at me sincerely kaya naman nginitian ko siya para sabihin niya sa akin ang suggestion niya.

________________________________________

Remember the "But who would thought that in just one night.." in the Prologue of My Mom's Only Guy? Yung tinutukoy pong gabi doon ay ang gabing ito. It's not just about Cornelia's pregnancy but also the whole night when she admit she lose as she confess she loves TJ.

~Cynthia

Continue Reading

You'll Also Like

84.4K 1.2K 54
Galina Isabella Higuera is the most popular girl in school. Her beauty is very alluring na kahit ang pinaka populyar na lalaki sa school ay nahumalin...
242K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
16.6K 355 42
Ephraim Zach Ongpauco Madrigal is known to be the most genius of all the Ongpaucos and Madrigals. As the oldest grandson of the Madrigal and the youn...
413K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.