Save The Best For Last [Publi...

By asherinakenza

4.7M 100K 9.4K

Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng tot... More

Save The Best For Last
STBFL: Prologue
STBFL: Chapter 1
STBFL: Chapter 2
STBFL: Chapter 3
STBFL: Chapter 4
STBFL: Chapter 6
STBFL: Chapter 7
STBFL: Chapter 8
STBFL: Chapter 9
STBFL: Chapter 10
STBFL: Chapter 11
STBFL: Chapter 12
STBFL: Chapter 13
STBFL: Chapter 14
STBFL: Chapter 15
STBFL: Chapter 16
STBFL: Chapter 17
STBFL: Chapter 18
STBFL: Chapter 19
STBFL: Chapter 20
STBFL: Chapter 21
STBFL: Chapter 22
STBFL: Chapter 23
STBFL: Chapter 24
STBFL: Chapter 25
STBFL: Chapter 26
STBFL: Chapter 27
STBFL: Chapter 28
STBFL: Chapter 29
STBFL: Chapter 30
STBFL: Chapter 31
STBFL: Chapter 32
STBFL: Chapter 33
STBFL: Chapter 34
STBFL: Chapter 35
Save The Best For Last: Finale
Save The Best For Last: Epilogue
STBFL: SELF PUBLISH!

STBFL: Chapter 5

138K 3K 559
By asherinakenza







STBFL: Chapter 5

Vanalein's P.O.V


Pulang pula siyang humarap saakin at kunot noo niya akong sinagot.

"No! Damn you Vanalein! Pahirap ka!" Punong puno ng iritasyon ang boses niya. "Ang kapal ng mukha mo Andres! Napaka bastos mo!" Sigaw ko sakanya.

"Ako pa?! Ako pa ngayon Vanalein?! Ikaw itong.. Aish." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil halos umusok na siya sa kahihiyan, maging ako hiyang hiya na ako sakanya!

Nagmartsa siya paakyat at dinig na dinig ko ang malakas na pagtalpak niya ng pinto ng kwarto niya!


Napatingin ako sa kamay ko, shocks! Ano ba yung nahawakan ko? My virgin hands! Gosh, nadevirginized ang virgin hands ko! I hate you Andres!

Mabilis akong tumakbo papunta sa kitchen at hinugasan kong mabuti ang kamay ko, mangiyak ngiyak pa ako dahil sa pangyayari! Grabe Vana, ang dami mong mahahawakan bakit yon pa?!

Gosh, mag-aapat na araw palang kaming magkasama ni Andres sa bahay na ito kung ano ano ng nangyayari. Hindi maaarin ito, kailangan ko na talaga siyang iwasan! Pero paano? Bahay niya nga pala itong tinitirahan ko ngayon?!


Kinabukasan tahimik kaming kumakain ng breakfast, pareho kaming nagkakailangan at hindi makatingin sa isa't isa. Papasok siya ngayon dahil naka three piece suit siya, sobrang pormal lang talaga nitong si Andres, kung pag mamasdan mo siyang mabuti halatang mayaman siya pero ang totoo ay kuripot siya.

Siya ang nagluto ng breakfast namin, simpleng menudo at kanin lang naman pero napaka sarap sa panlasa ko. Natigilan ako sa pagsubo nang mag vibrate ang phone ko sa ibabaw ng mesa, isang text message.

From: Jhomarie

Friend, Christmas party later! See you!

Bumuntong hininga ako at napakagat ako sa ibabang labi ko, paano na ito? Wala akong pera, e-eighty pesos ang laman ng wallet ko, yun pa yung sukli saakin ng taxi driver nung bumalik ako dito sa bahay ni Andres, sandali ko siyang pinasadahan ng tingin, bahala na pero nangangailangan ako ng pera ngayon, tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Ah.. Andres, C-christmas party kasi namin ngayon, kailangan ko ng pera." Bulong ko, nagtaas siya ng tingin saakin at halos mapalundag ako dahil sa lalim ng titig niya saakin, maging siya ay hindi kinaya ang intensity ng mga titig niya dahil kaagad siyang nag iwas saakin.

"Christmas party? Are you kidding me Vana? February na ngayon." Bulyaw niya saakin, ang sungit talaga nitong lalaking walang sex life!

"Ah, eh kasi nakasanayan na namin ng mga barkada na tuwing February i-celebrate ang Christmas party namin." Paliwanag ko sakanya, pilit kong pinapagaan ang boses ko dahil baka mamaya hindi pa ako bigyan ng pera nito.

Pinunasan niya ang labi niya ng tissue, damn ang sexy niyang kumilos. Pang mayaman talaga. Tumayo siya at marahang inayos ang neck tie niya, napansin kong medyo magulo iyon. Naalala ko tuloy noon, ako ang nag aayos ng neck tie ni Daddy sa tuwing busy ang Mommy.

"Alright, maglinis ka. Pagkatapos pumunta ka sa opisina ko bibigyan kita ng pera." Napanganga ako sa sinabi niya! Magrereklamo na sana ako pero mabilis siyang lumabas ng bahay at narinig kong pinatunog na niya ang kotse niya.

Grabe! Napaka talaga niya, bakit ba nawala sa isip ko na kinakailangan ko pang magtrabaho sakanya para lang bigyan niya ako ng pera? Nakakaloka, samantalang dati isang hingi ko lang kay Daddy may pera na kaagad ako.

Sa sobrang pagka bad vibes ko iniligpit ko na ang pinagkainan namin ni Andres, pagkatapos nilabhan ko na din yung dalawang polo niya na nakita kong nakakalat sa sofa, nilampaso ko ang buong bahay at pinakintab ko ang malaking flat screen na tv.

Nakakapagod pero nang makita ko ang pinaghirapan kong linisin hindi ko alam kung bakit gumaan ang pakiramdam ko. Umakyat ako sa taas para ayusin ang kwarto niya and to my surprise, nakaayos ang lahat, maging ang kama niya ay plantsadong plantsado ang pagkakaayos, ang mga ballpen sa table niya ay nakaayos sa isang lalagyan, ang dami niyang libro lahat ay tungkol sa business ang iba pa dito ay nakita ko na sa office ni Daddy, magkaparehong magkapareho talaga sila.

Napakunot ang noo ko nang makita kong bukas ang laptop niya, may naiwan pa siyang itinatype doon sa MS Word. Binasa ko iyon, ano pa nga bang mapapala ko? Tungkol nanaman sa business, isinave ko nalang iyon papatayin ko na sana ang laptop niya pero napaawang ang bibig ko nang makita ko ang wallpaper sa laptop niya, isang magandang babae na halatang stolen ang pagkakakuha ng picture, sino naman 'to? Ngumuso ako pero hinayaan ko nalang iyon at pinatay na ang laptop niya.

"Wala naman palang kalat doon." Bulong ko sa sarili ko ngayong naliligo na ako.


Nasa labas na ako ngayon at nagngingitngit ako sa inis dahil mukhang magjee-jeep ako ngayon papunta sa company nila Andres dahil eighty pesos lang ang pera ko, hindi kasya pang taxi, alam ko Go De Perfume yun eh dati na akong nakapunta dun dahil matagal ng kabusiness partner ni Daddy yung company na yon.

"Kainis, paano ba pumunta dun ng naka-jeep lang." Bulong ko sa sarili ko, nagtanong tanong nalang ako doon sa mga dispatcher kung paano pumunta doon at tamang tama dahil yung jeep na nasakyan ko ang babaan daw nila ay sa mismong tapat ng Go De Perfume.

Napataas ang kilay ko dahil panay ang tingin saakin ng mga pasahero ng jeep, nagtatawanan din sila at nagbubulungan, mga inggiterang palaka.


Nang makarating na ako sa company kaagad kong sinabi doon sa receptionist na fiancee ako ni Andres, nung una ay ayaw pa niyang maniwala! Ni-head to foot niya muna ako bago siya nagpasya na tumawag kay Andres at ilang sandali pa ay sinabi na niya saakin ang floor ng opisina ni Andres.

"Thank you ha!" Sarcastic na sabi ko atsaka inirapan ko na siya, balang araw magiging saakin na rin itong company na ito kapag kinasal kami ni Andres, napakagat ako sa ibabang labi ko nang maisip ko iyon.

Pasakay na sana ako ng elevator nang may tumawag saakin na bakla ang boses, kaagad kong nilingon iyon at napangisi ako nang makilala ko siya.

"My gosh! Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw saakin ni Mateong bakla.

"Dito nagtatrabaho ang fiance ko, ikaw bakit nandito ka?" Usisa ko sakanya, nanlaki ang mata niya atsaka hinila na niya ako pasakay ng elevator dahil bumukas na ito.

"Dito ako nagtatrabaho gaga ka, teka ilang gabi na kita hindi nakikita sa bar ah?" Natatawang sabi niya, nagkakilala kami nitong bakla na 'to sa bar grabe din yan maglasing akala mo walang bukas, naging kaibigan na rin namin siya nila Jhomarie at Bea dahil palaging game sa mga trip namin atsaka isa pa mabait naman siya.

"Wala akong pera girl, napakamalas ko sa fiance ko kasi naman kuripot." Naiinis na bulong ko, ngumisi naman siya at inakbayan ako.

"Eh sino ba yang kuripot na fiance mo?" Natatawang tanong niya saakin, humugot ako ng malalim na hininga atsaka ibinuga ko iyon.

"Andres.. Tom Andres Santos." Walang ganang sagot ko at halos masira ang eardrums ko sa pag sigaw nitong si Mateo!

"My god! Boss ko yun! Gosh Rhyme, ang yummy kaya ni Sir." Ay grabe bakla talaga.

"Yuck yummy ka diyan." Naiiritang bulong ko, pero totoo naman yummy naman talaga yun nga lang kuripot.

"Oo kaya friend! Alam mo bang pinagpapantasyahan siya dito ng mga employees, bukod kasi sa mabait eh napaka galante nun sa mga nakakadate niya." Kwento ni Mateo, napataas ang kilay ko, tumunog na ang elevator at bago siya bumaba hinalikan niya ako sa pisngi, sa pinaka taas pa kasi ang opisina nung lalaki na yon.

"Teka nga bakit ba ganyan ang itsura mo? Para kang aattend ng halloween party!" Pang aasar saakin ni Mateo bago tuluyang tumalikod.

Ngumuso ako, galante daw si Andres sa mga naka-kadate niya. Bakit saakin ang kuripot niya?! Pero kung sabagay hindi niya ako kadate.

Kumatok na ako sa opisina niya atsaka ko binuksan iyon at halos manlaki ang mata ko nang makita kong may kahalikan si Andres na isang babae, nakaupo sakanya yung babae habang gumagalaw galaw sa ibabaw niya.

Humalukipkip ako at naglakad ako palapit sakanila, kaya pala hindi naririnig ang katok ko dahil may kalampungan.

"Uhh, Tom..." Ungol nung babae.

"Enough, baka dumating na yung fiancee ko. Tumawag na nga sa baba diba?" Shit na malagkit ang husky ng boses ni Andres, hindi pa rin nila ako nakikita dahil nahaharangan nung babae ang mukha ni Andres.

"Nandito na ako!" Sigaw ko sakanila, kaagad napatayo yung babae sa pagkakaupo kay Andres. Tumaas ang kilay ko sakanya, my gosh mas maikli pa ang suot niya saakin.

"Hindi ka ba marunong kumatok?!" Naiiritang tanong ni Andres saakin, pinagtaasan ko din siya ng kilay at napansin kong napalunok siya.

"Ganito ba ang ginagawa mo sa opisina?" Pagtataray ko sakanya, ewan ko nabubwisit ako kay Andres!

"Ah, Sir Tom aalis na ako ha?" Malanding sabi nung babae.

"What?! Sir Tom? My god! Don't tell me secretary ka dito." Naiinis na bulyaw ko dun sa babae, tumungo ito at halos pilipitin na niya ang kamay niya sa kahihiyan.

"Ah.. I'm sorry po Ma'am." Bulong nito, tumaas ang altapresyon ko kaya naman dinuro ko ang mukha nung babae atsaka itinuro ko ang pintuan palabas. "Get out!!!" Sigaw ko.

"Shut up Vanalein!!" Sigaw ni Andres saakin, bumaling ako sakanya at naningkit ang mata ko.

"You shut up Andres! Kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sakanya, mabilis na tumakbo palabas yung babae at itinalpak pa talaga yung pintuan naku naku malilintikan talaga saakin yung babae na yon, ugh! Naiinis ako!

Nakipag sukatan ako ng tingin kay Andres, humalukipkip ako at ngumuso nguso ako sa sobrang inis sakanya.

"Are you jealous?!" Hindi makapaniwalang sigaw niya saakin, biglang kumalabog yung puso ko sa tanong niya, kinabahan ako.

"Ako? Magseselos? Kapal ng mukha mo! Nakakainsulto lang na may fiancee ka tapos may kahalikan kang iba, I mean pwede kang makipag lampungan pero pwede ba? Magtago naman kayo." Pagsusungit ko sakanya.

"It's non of your business." Aniya atsaka nagsimulang magtatype doon sa laptop niya.

"Pengeng pera!" Sigaw ko sakanya.

"Hindi kita bibigyan, tumawag ang Daddy mo. Sa mga party na yan nauubos ang pera mo." Naningkit ang mata ko sa sobrang inis sakanya. Bwisit na lalaki ito.

"Hoy! Usapan natin kapag naglinis ako ng bahay babayaran mo ako! Naglaba din ako!" Bulyaw ko sakanya, tumaas ang tingin niya saakin damn! Bakit ba hawig niya talaga si Ian Somerhalder?

"No Vanalein." Matigas na sabi niya, nagsisigaw ako sa loob ng opisina niya!

"Usapan natin yon!! Male-late na ako sa Christmas party namin!" Naiinis na sigaw ko sakanya. Ni-head to foot niya ako at napalunok ako dahil tumagal ang tingin niya sa hita ko kaya naman binato ko siya ng ballpen mula sa table niya, natauhan naman siya at tumingin saakin.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Saan ang lamay?" Kunot noong tanong niya saakin, masama na bang magsuot ng itim na damit?

Naka-longsleeve akong kulay itim at mini skirt na itim, tinernuhan ko din ito ng itim na lipstick, hindi ba sinabi ko noon na ipagluluksa ko si Stephen!

"Atsaka yang damit mo! Parang may shortage ng tela dito sa Pilipinas." Naiinis na sabi niya saakin.

"Lakampake! Pengeng pera!" Sigaw ko sakanya.

Tumayo siya atsaka umiling iling, grabe h'wag niyong sabihing nasayang ang kinse pesos kong pamasahe papunta dito sa opisina niya?! Gosh!

"Get out Vanalein." Mariin na sabi niya, sinusubukan ako nitong isang ito ha? Usapan naming dalawa bibigyan niya ako ng pera.

Humakbang ako palapit sakanya at kinapkapan ko siya! "Vanalein!!!" Galit na sigaw niya saakin.

"Damn it! Baka kung ano nanamang mahawakan mo diyan!" Bulyaw niya saakin at panay ang huli niya sa kamay ko.

"Tse! Lakompake Andres! Sumunod ka sa pinag usapan natin! H'wag kang talk shit!" Naiinis na sigaw ko sakanya, hinuli niya ang dalawang kamay ko at halos kumalampag ang puso ko nang hapitin niya ako sa baywang ko.

Amoy na amoy ko ang mabangong katawan niya.

"Let me go!!" Sigaw ko sakanya.

"Umuwi ka na Vanalein, sumasakit na ang ulo ko sayo. Ayusin mo yang sarili mo, para kang nagbababang luksa!" Sigaw niya saakin, oo nagluluksa na ako ngayon sa pagkamatay ni Stephen sa puso ko.

"Pera." Bulong ko.

Mariin niyang ipinikit ang mata niya bago niya ulit ako tinitigan sa mata ko.

"Please, go home." Pakiusap niya saakin.

Sa sobrang inis ko tinapakan ko ang paa niya at nagmartsa ako papunta sa pintuan, binuksan ko iyon at napaawang ang bibig ko nang makita ko ang babaeng nasa laptop ni Andres, may katabi itong lalaki at katabi din niya si Mateong bakla. Maganda siya pero mukhang mataba siya? Napatingin ako sa tiyan niya medyo malaki ito, buntis siguro siya? Pero bakit naman siya ang wallpaper ni Andres sa laptop niya.

Bumaling ulit ako kay Andres, napansin ko ang pagtunog ng panga niya at ang pasimpleng sulyap niya doon sa babae.

"Sungit! Palibasa kasi walang sex life!" Sigaw ko sakanya na halatang kinainis naman niya.

"Umuwi ka na. Ayusin mo yang itsura mo!" Sigaw niya saakin, panay ang tunog ng panga niya sa sobrang inis saakin.

"Tse! Bigyan mo akong pera.." Kumura ako sakanya.

"Vanalein, kabilin bilinan ng Daddy mo h'wag kang bigyan ng pera dahil inuubos mo sa alak at sigarilyo. Look at yourself, mukha kang bangkay." Sumingkit ang mata ko, tinapik tapik ko ang pisngi niya na halatang ikinagulat niya.

"Hindi kita Tatay ha, malelate na ako sa Christmas party namin. Bilisan mo na! Kung ayaw mong magbigay ako ang dudukot ng pera diyan sa bulsa mo may kasamang pisil pa yon." Pang aasar ko sakanya atsaka ipinasok ko ang kamay ko sa pants niya! Bahala na kailangan ko ng pera ngayon! Pero bago pa man din ako maka-first move isinandal niya ako sa gilid ng pintuan at mariin niyang tinitigan ang mata ko.

"Don't you dare Vana.." Bulong niya saakin at napapikit ako nang silidan niya ako ng pera sa gitna ng dibdib ko, gosh! Naramdaman ko yung mainit niyang kamay sa pagitan ng dalawang dibdib ko. Nagtayuan ang balahibo ko sa batok at halos magmura na ako sa isip ko sa kakaibang pakiramdam na iyon.

Mabilis kong pinakalma ang sarili ko at hinarap ko siya ng maayos.

"Tsura mo! Magbibigay din naman pala dami pang arte! Alis na ako!" Pagtataray ko sakanya atsaka nagmadali na akong lumabas, nararamdaman kong nag iinit at namumula ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

"Bye Vana!!" Sigaw ni Mateo saakin, bumaling ako sakanya at kahit kinakabahan pa rin ako nginitian ko siya.

"Bye bakla! Walang sex life yan oh!" Pilit kong pinatatag ang boses ko sa pang aasar kay Andres.



Alas singko na ako nakarating kanina sa bar dahil nag-jeep lang ako. Grabe haggard talaga, pero okay lang nakakatipid naman ako. Sayang din yung pambayad sa taxi.

Nagsasayawan na sila ngayon sa ilalim ng neon lights doon sa dance floor, si Bea panay ang giling doon sa mga gwapong lalaki.

"Friend.." Nauutal na tawag saakin ni Jhomarie atsaka ngumuso siya doon sa entrance kung saan papasok na si Stephen at Lexi na magkahawak kamay, parang kinurot nanaman ng kung ano ang puso ko.

Mahal na mahal ko si Stephen, pero hindi ko manlang magawang muling isiwalat sakanya dahil tama na saakin ang isang rejection mula sakanya.

Nagtagpo ang mata naming dalawa at kita ko ang pagkailang niya saakin, bumaling ako kay Lexi, hindi siya makatingin ng maayos saakin dahil sa nagawang kasalanan.

"Inom pa tayo!" Sigaw ko atsaka tinungga ko ang isang bote ng vodka. Hinila ni Jhomarie iyon atsaka sinampal ako ng marahan.

"Ano ka ba? Hanggang kailang ka magiging ganyan sa harapan nila? Parang ipinakita mo na talunan ka." Naiinis na suway niya saakin.

Nginitian ko siya.

"Matagal na akong talo Jhomarie, talong talo na yung puso ko sakanilang dalawa. Tapak na tapak na." Ito na nga ba ang ayoko masyado akong nagiging madrama pagdating kay Stephen, tumayo ako at naglakad papunta sa dance floor, pa-ekis na ang lakad ko dahil sa epekto ng alak, medyo may tama na ako dahil nakakaramdam na ako ng pagkahilo.

Sa tuwing may dumadaan na waiter kumukuha ako ng shot glass at tinutungga ko ang laman non.

"Wooo! Cheers for Rhyme!!" Sigawan ng mga lalaki sa paligid ko, ngumisi lang ako at sumayaw ng sumayaw. Ramdam ko ang init sa katawan ko dahil sa alak pero kaya ko pa naman dalhin ang sarili ko.



Sa hindi ko malaman na dahilan naglakad ako papunta sa table nila Lexi, nanlalabo na ang paningin ko at idagdag mo pa yung usok dito sa buong bar.

"Hoy!" Sigaw ko kay Lexi, namutla siya at kaagad humawak sa kamay ni Stephen.

"Wow, ang sweet niyo naman." Humahalakhak na sabi ko, biglang may humawak sa balikat ko.

"Friend lasing ka na." Bulong ni Jhomarie saakin, inalis ko ang kamay niya sa balikat niya atsaka hinarap ko siya.

"Hindi ako lasing Jho." Sabi ko atsaka inirapan ko siya, hindi naman talaga ako lasing, nahihilo lang.

Napapamura ako sa kagwapuhan nitong si Stephen, hanggang ngayon ang lakas pa rin ng tama ko sakanya.

"Kapal ng mukha mo Lexi, alam mong mahal ko si Stephen tapos susulutin mo! Guys! Itong babaeng 'to walang kwentang kaibigan! Nanunulot ng hindi sakanya!" Sigaw ko, nakita ko ang pagtulo ng luha niya.

"Tss, iiyak iyak ka eh ikaw nga itong may kasalanan." Naiinis na sabi ko sakanya.

"Rhyme, tama na lasing ka na." Pilit akong hinihila ni Jhomarie palayo doon pero itinutulak ko siya, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nasasabi lahat ng hinanakit ko dito sa lintik na kaibigang kuno ko, ewan ko mas nasasaktan ako sa ginawa niya kaysa sa pag reject saakin ni Stephen, imagine? Best friend ko siya! Best friend!

Hindi ko alam kung bakit bumuhos na ang luha ko, lahat ng tao nakatingin na saakin at parang ang sama sama ko na dahil aa ginagawa kong pagsigaw kay Lexi, sht ako yung inagawan dito dapat ako yung kaawaan!

Umiling iling ako at tumakbo ako palabas ng bar, narinig ko pa ang pagsigaw ni Jhomarie at Bea pero mabilis na akong sumakay ng taxi at kahit sobrang sakit ng ulo ko pinilit ko pa rin na h'wag makatulog makauwi lang sa bahay ni Andres.


---

Tom Andres P.O.V

"Sir nandito po si Ma'am Tammie." Tawag ng receptionist mula sa lobby.

"Papasukin mo." Utos ko.

Maya maya pa ay bumukas na ang pinto ng opisina ko at kaagad iniluwa noon ang kapatid ko, tumayo ako para salabyngin siya ng yakap.

"I miss you Kuya, may dala akong chicken soup, hindi man siya katulad ng luto sa China pero masasabi kong masarap 'to. Ako nagluto niyan." Nakangiting pahayag niya, ginulo ko ang buhok niya atsaka umupo na kami sa mahabang sofa at sinimulang kainin ang dala niya.

Kung may pinaka importanteng babae para saakin, ang kapatid at Mama ko na iyon. Sila na yata ang makakasama ko habang buhay, natatawa nalang ako sa isiping iyon.

"Kumusta naman yung fiancee mo Kuya? Pinakita saakin ni Dad yung picture niya, ang ganda niya ha." Si Vanalein ang tinutukoy ng kapatid ko, magandang babae si Vana, medyo singkit na bilugan ang mata niya, may matangos siyang ilong at manipis na labi na mukhang malambot. Maputi at makinis ang balat niya at masasabi kong may maganda siyang legs, may mahabang buhok siya na medyo kulot sa dulo na mukhang natural naman. Hindi ko nga lang masyadong magustuhan ang pag uugali niya.

Ayoko sa paraan niyang pag aaksaya ng pera sa walang kwentang bagay, ayoko yung katamaran niya.

Pero kung sabagay lahat naman ng tao nagbabago pagtagal ng panahon, yun nga lang nasa tao nalang iyon kung gugustuhin nila.

"Psh, maganda nga napaka pangit naman ng ugali." Bulyaw ko sa kapatid ko.

"Hahaha, Kuya.. Malay mo siya na yung babaeng filipino time ang dating." Langya itong kapatid ko hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatantanan sa lintik na filipino time na yan.

"H'wag mo nga akong ginagago Tammie Rei!" Bulyaw ko sakanya.

"Okay fine, pero Kuya bigyan mo naman ng chance yung tao na makilala mo siya ng lubos, baka naman kasi mas pinaniwalaan mo yung first impression mo sakanya. Lahat ng babae may malambot na puso." Paliwanag nito saakin.

"Malay mo siya na pala ang magiging ina ng mga magiging anak mo at hindi si Ate Kei o si Ate Marie." Pang aasar niya saakin, siya na yata ang napagsabihan ko ng lahat ng sikreto ko sa buhay. Wala naman akong ibang pinagkakatiwalaan kundi ito lang kapatid ko.

Yes, I have a lot of friends. Pero karamihan sakanila sa business ko lang nakakasundo.

"Anak? Napaka isip bata nun Tammie." Umiiling na sabi ko sakanya atsaka tumungga na ako ng tubig bago pa ako bumalik sa ginagawa kong trabaho.

"Well Kuya, I think bagay kayong dalawa. Look, isa kang business minded na tao, ang boring na ng buhay mo. Hindi mo ba naiisip baka kaya dumating sa buhay mo si Vana dahil siya ang magbibigay sigla at kulay diyan sa black and white mong buhay!" Humahalakhak na sabi niya, ngumisi nalang ako at imiling.

Bigyan ng chance makilala ang isang Vanalein Rhyme Romeo? Hindi rin masama.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin siya dahil may inaasikaso din siya sa business niya. Masaya ako para sa kapatid ko, dahil nakuha niya saakin na sa murang edad eh kailangan mo nang kumayod ng kumayod para mabuhay. Kung magiging tamad ka wala kang mararating.


Tumingin ulit ako sa wall clock, it's twelve midnight. Bullsht, where the hell is she?

Ilang sandali pa nakarinig ako ng sunod sunod na pag door bell. Kumunot ang noo ko nang makita kong isang taxi driver ang nandoon at panay ang kamot sa ulo.

Tumungo ako sa labas.

"Eh Sir, good evening ho! Ito po kasing pasahero ko dito nagpahatid sa inyo. Kaya lang lasing na lasing ho kasi." Mabilis kong binuksan ang gate at lumapit doon sa taxi.

Nakahiga na ang kalahating katawan ni Vana sa back seat.

"Sir! Wala ho akong ginawang masama sakanya, ang saakin lang ho eh yung bayad sa metro." Sabi nito, tumango lang ako.

Tinapik tapik ko ang braso ni Vana para magising ito.

"Ano ba?!! Natutulog yung tao!" Nak ng putcha, ito na nga ba ang sinasabi ng Daddy niya lasenggera ang isang ito.

"Vanalein." Matigas na tawag ko sakanya, marahan niyang iminulat ang mata niya at humalakhak siya ng malakas.

Hinila ko siya palabas ng taxi. Nak ng putcha yumakap siya saakin na parang lambot na lambot.

"Nasaan ang pera mo?" Usisa ko sakanya.

"Hmmm.." Yun lang ang naisagot niya.

"Bullsht Vanalein, umayos ka. Ayusin mo ang sarili mo." Sermon ko sakanya, kinapa ko ang bulsa niya at may nahila ako doon na limang daan, iniabot ko yon sa driver atsaka binuhat ko na siya papasok sa bahay.

Inihiga ko siya sa sofa at pinagmasdan mabuti.

"Ha--yop kayo.. Mga manunulot." Panay ang sigaw niya at tumuturo turo pa siya sa kisame.

"Hayop.. Mahal na mahal ko tapos ganun lang? Gago ka! Tangina mo!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung paano bumagsak ang luha sa mga mata niya. Bullsht! Kagaguhang pakinggan pero naikuyom ko ang kamao ko sa galit.

"Andres...hindi niya ako mahal." Humihikbing bulong niya at kahit hilong hilo siya, tumayo pa rin siya para yumakap saakin. Fck, tumitigil yung pintig ng puso ko dahil sa luha niya. Hindi lang ito ang unang beses na nakita kong umiyak siya.

Nakita ko na ang mga luhang yan nung araw na pinagsabihan ko siya at hindi ko alam pero posible palang may magandang luha akong makikita, yung luha na sa tingin ko ay punong puno ng pagmamahal.

"Andres..ayoko na."

Mariin kong ipinikit ang mata ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Shhh.."

"Andres...ang pangit ko ba? Si-siguro nga wala akong alam sa gawaing bahay o kahit ano, pero kaya ko namang matutunan ang lahat ng yon para sakanya." Bawat hikbi niya parang tumutusok sa lintik na katauhan ko.

"Ang sakit sobra.."

"I know Vanalein." Bullsht, ano bang pinag sasasabi ko?

"Ayoko na." Umiiyak na bulong niya at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang isabit niya ang magkabilang binti niya sa baywang ko at mas humigpit ang yakap niya saakin.

"Vana..."

"Andres.. H'wag mo akong iiwanan katulad ng ginawa nila, h'wag mo akong iwanan katulad ng ginawa ni Stephen at Lexi.. H'wag mo akong iwanan katulad ng ginawa ni Mommy, at katulad ng pagtapon saakin ni Daddy, you are all I have." Umiiyak na bulong niya sa tainga ko, she's drunk, pero bakit tumatagos sa katauhan ko ang bawat hinanakit niya?

Umiling iling ako.

"P-promise me Andres, you will be the last person na mamahalin ako ng totoo at hindi ako iiwanan." Sumubsob siya sa balikat ko at mas lalong lumakas ang iyak niya, para siyang bata na walang ibang matatakbuhan. Para siyang batang nadapa sa pagkakatakbo at hindi na muling makabangon pa dahil sa sakit.

Ramdam ko ang bawat hikbi at hinanakit niya, wala dapat akong pakialam sakanya but deep down I swear it kills me, bakit mayroon saakin na gusto ko siyang alagaan. Damn it! Heto nanaman ako, sa tuwing makakakita ako ng nasasaktan I always want to fix them, I always want to make them feel that I'm here at hinding hindi ako mawawala.

But bullsht, alam ko na ang ending nito. Iiwanan nanaman ako.

Iiwanan nanaman ako kapag hulog na hulog na ako.

"Promise me Andres.." Bulong niya na mas lalong nagpakaba saakin. Gago ka Tom! Nagpapadala ka nanaman sa hikbi ng isang babae.

Pero sa huli sinunod ko pa rin ang katangahang taglay ko pagdating sa mga kababaihan.

"Vana.. I promise..you will be the last."

****

Continue Reading

You'll Also Like

36K 724 32
How #1 of How Trilogy Paano ba magmahal? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Para ba it...
3.6M 3.9K 1
Now a published book under PSICOM Publishing Inc. Available in bookstores nationwide! Their whirlwind romance ended as fast as it began. When both...
800K 15.3K 43
Nang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon mo...
3.3M 78.3K 53
[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexpected event tears her world apart, her b...