Save The Best For Last [Publi...

By asherinakenza

4.7M 100K 9.4K

Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng tot... More

Save The Best For Last
STBFL: Prologue
STBFL: Chapter 1
STBFL: Chapter 3
STBFL: Chapter 4
STBFL: Chapter 5
STBFL: Chapter 6
STBFL: Chapter 7
STBFL: Chapter 8
STBFL: Chapter 9
STBFL: Chapter 10
STBFL: Chapter 11
STBFL: Chapter 12
STBFL: Chapter 13
STBFL: Chapter 14
STBFL: Chapter 15
STBFL: Chapter 16
STBFL: Chapter 17
STBFL: Chapter 18
STBFL: Chapter 19
STBFL: Chapter 20
STBFL: Chapter 21
STBFL: Chapter 22
STBFL: Chapter 23
STBFL: Chapter 24
STBFL: Chapter 25
STBFL: Chapter 26
STBFL: Chapter 27
STBFL: Chapter 28
STBFL: Chapter 29
STBFL: Chapter 30
STBFL: Chapter 31
STBFL: Chapter 32
STBFL: Chapter 33
STBFL: Chapter 34
STBFL: Chapter 35
Save The Best For Last: Finale
Save The Best For Last: Epilogue
STBFL: SELF PUBLISH!

STBFL: Chapter 2

153K 2.6K 227
By asherinakenza

STBFL: Chapter 2

Vanalein's P.O.V

"Mag isa ka! Uuwi nalang ako saamin kaysa maging katulong mo!" Hiyaw ko sakanya, hah! Ano siya sinuswerte? For your information pito ang kasambahay saamin at ang tatlo doon ay ang personal maid ko, isang taga laba, isang taga plantsa at isang tagaluto ng kakainin ko. Tapos siya uutusan niya ako? Humarap siya saakin at humalukipkip, napalunok naman ako ng sunod sunod dahil nagflex ang biceps at triceps niya pero mabilis akong tumingin sa mukha niya but ugh! His face is a big distraction! Nakakainis, bakit ba kasi gwapo siya? Yeah, marunong akong maka-appreciate ng mga magaganda at gwapo, at kapag pangit naman ay talagang sinasabi kong pangit siya.

"Alright, good luck Vana and have a good night." Nakangising sabi niya atsaka pumanhik na siya sa itaas. Padabog naman akong lumabas ng bahay niya at nanakbo ako para mabuksan ko kaagad yung gate, pero biglang may pumasok sa magandang isipan ko nang matitigan ko ang sasakyan niya.

"Hmp, sports car pala ha?" Bulong ko atsaka bumalik ako sa loob ng bahay niya dumiretso ako sa kusina at dahan dahan akong kumuha ng kutsilyo doon, bago pa niya ako mahuli binilisan ko na ang pagtakbo palabas ng bahay niya at binutas ko ang apat na gulong ng kotse niya saka nanakbo na ako palabas ng bahay!

"Ha! Akala niya siguro mapapatino niya ako dahil sa kauutos niya, pwes dun nalang ako sa bahay namin. Kahit away awayin pa ako ni Dad araw araw at least doon may maids ako." Pumara na ako ng taxi, mabuti nalang at may cash pa ako pambayad sa driver, badtrip naman kasi si Dad pati kotse ko pinagdidiskitahan niya.

Narinig kong umiiyak yung taxi driver nung pababa na ako, kaya naman kinuhit ko siya. "Manong bakit po?" Usisa ko dito, "Ah..wala hija, ikaw palang kasi ang naisakay ko sa araw na ito." Namilog ang mata ko, bigla naman akong nakaramdam ng awa sakanya kaya kahit na one hundred eighty lang yung nasa metro ay inabutan ko siya ng one thousand pesos.

"Oh ayan ho Manong, advance merry christmas po ha!" Masayang bati ko, "Naku! Salamat talaga hija!" Aniya atsaka pinaandar na niya ang sasakyan paalis, napahawak ako sa dibdib ko.. Haay, ang sarap tumulong, pero posible kaya yun? Ako palang ang naisasakay niya sa taxi niya ngayong araw, hmm bahala na nga mayaman naman kami.

At dahil pag aari ko din ang bahay na ito dire-diretso akong pumasok kahit pa may guard kami sa bahay, nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong wala ako sa teritoryo nung Andres na iyon, pagkapasok ko sa bahay namin kaagad kong nakita ang mga maids namin.

"Lea! Pagluto mo naman ako ng pagkain." Pakiusap ko sa isang maid namin atsaka umupo ako  sa mahabang sofa. Pero nakatingin lang siya saakin at hindi kumikilos. "Huy! Sabi ko  ipagluto mo ako." Untag ko.

"Sorry po Ma'am pero hindi ko na po pwedeng sundin ang inuutos niyo dahil pagagalitan ako ng Daddy niyo." Sabi nito saakin, namilog ang mata ko at akmang sisigawan ko sana siya pero biglang bumaba si Dad.

"What are you doing here?" Ma-awtoridad na tanong nito saakin. "Natural umuwi, diba dito ako nakatira Dad?" Pagtataka ko, ngumisi si Dad at umiling iling. "Vanalein hija, hindi ba nilinaw sayo ng fiance mo  na sakanya ka na titira habang buhay?" Tumatawang sabi ni Dad, seriously? May katawa tawa ba sa sinasabi niya? Nakakainis ha?

"Dad, ang hilig mo sa cliche stories. Pwede b--"

"Pwede bang umuwi ka na sa fiance mo." Putol ni Dad sa sasabihin ko na naging dahilan para mapanganga ako. Pinapalayas na talaga niya ako? Sunod kong nakita na bumaba si Kuya Diel at Kuya Kiel na mukhang may lakad.

"Sige na Vanalein, gusto ko ng magpahinga. Ipapasara ko na ang gate, please go  home." Pakiusap ni Dad, napakurap kurap ako. Nabibingi na ba ako? Bakit ganun ang mga naririnig ko kay Dad? 

"Kuya! Pinapaalis ako ni Dad!" Pagsusumbong ko dahil alam kong sila ang kakampi ko everytime na pinapagalitan ako nito pero ngumisi lang saakin ang dalawang kapatid ko. "Go home princess." Malambing na sabi ni Kuya Diel na nagpalaki  sa mata ko!

"Lea, kuhanin mo ang bag ni Vanalein sa kwarto niya." Utos ni Dad at kaagad kumaripas sa taas si Lea,  napalunok ako ng sunod sunod at umiling iling ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi nila!

"Dad! Magtitino na ako promise!" Nanginginig ang boses ko sa pagsasalita, "No Vanalein, napag usapan nanamin ito ng mga kapatid mo at pumayag sila atsaka isa pa tumatanda ka na, you are twenty five years old kailan ba ako magkaka-apo sayo. Si Diel palang ang nakakapag bigay saakin ng apo." Mahinahon na sabi ni Dad, unbelievable! Twenty eight years old na si Kuya Diel kaya naman may asawa at anak na yan, si Kuya Kiel naman ay twenty six. Twenty five? Matanda na ba yon? Ang bata bata ko pa kaya!

"Dad..sige na ipatapon mo nalang ako sa America! H'wag lang sa lalaking iyon." Suhestiyon ko, tama! Dun sa America may bahay at lupa kami doon at isa pa nandon ang Lola ko syempre hindi naman yun papayag na magtrabaho ako dahil ako ang nag iisang anak  na babae nila Dad.

"I'm sorry anak." Lumapit saakin si Dad at hinalikan nito ang noo ko, napapikit ako dahil ngayon nalang ulit ako nilambing ni Dad ng ganito at sa mismong pagpapalayas niya pa saakin.

Inabot ni Lea ang back pack ko, shocks ang kaunti ng damit na ibinigay nila saakin! Paano na yung mga branded kong damit? Nakakainis talaga.

Hinawakan ni Dad ang magkabilang balikat ko, "Two months hija, kapag ayaw mo  talagang mag asawa maiintindihan ko." Sabi ni Dad atsaka ipinagtulakan niya ako palabas ng bahay namin, si Kuya Diel at Kuya Kiel naman ay lumabas.

"I-ihahatid niyo ba ako?" Nakikiusap ang boses ko. "Hindi, may lakad kami eh." Ngumingising sabi ng dalawang kapatid ko, nakakabwisit talaga sila! Paano nila nagagawa saakin ito? Yung ibang magulang nga ayaw pa nilang magka asawa ang mga anak nila kahit sa ganitong edad, samantalang ako kulang nalang ipabuntis na ako ni Dad sa lintik na Andres na yon!

"Take care 'cause I care." Mapang asar na sabi ni Kuya Kiel saakin hinampas ko naman sakanya ang dala kong back pack pero mabilis siyang sumakay ng kotse niya at pinaharurot na iyon. Muli akong tumingin sa pinto ng bahay na ngayon ay nakasara na, I really hate you Dad...ang sama sama ng ugali mo to the highest level.

Maluha luha akong naglakad pero naagaw ng mata ko ang kulay pulang ferrari ko, nakakadena ang bawat paligid non at ang gulong para siguro hindi ko maitakas, nakakainis ang hirap ko na. Lumabas ako ng bahay namin at kaagad akong pinagsarahan ng guard namin ng gate.

"Mag ingat po kayo Ma'am, mamimiss ko po ang pag uwi niyo ng hating gabi." Tumatawang sabi nito mas lalo akong naiyak ang sama sama ni Kuya, pagkatapos ko siyang ilibre ng starbucks na kape gaganyanin niya ako. "Fck you Kuya! Pakamatay ka na!" Sigaw ko sakanya, "Sorry po Ma'am hindi pa ako pwedeng mamatay tatlong anak ko ang binubuhay ko."

"Lakompake!" Sigaw ko atsaka nagmartsa na ako palabas ng subdivision, hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko dahil lang sa pagbibiro ko kay Dad na hanapan niya ako ng asawa.

Lesson learned: H'wag kang magbibiro sa Daddy mo dahil maaaring totohanin niya ito.

Pumara na ako ng taxi at sa ayaw at sa gusto ko ay sinabi ko ang lugar kung saan nakatira si Andres, panay ang ngitngit ko dito sa back seat habang nakikinig ng radio si Manong driver. Nang makarating na ako sa tapat ng bahay ni Andres bukas pa rin ang lahat ng ilaw nito. Tinignan ko ang metro, one hundred twenty iyon, kinuha ko ang wallet ko at halos lumuwa ang mata ko nang makita kong buong two hundred nalang ang laman nito at puro credit cards, nasapo ko ang noo ko nang maalala kong nakahold na lahat ng cards ko.

Ibinayad ko na kay Manong ang two hundred at mukhang ayaw niya akong suklian. "Manong sukli ko?" Untag ko, "Ay Ma'am keep the change nalang." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Iyon nalang ang pera ko tapos gusto niya pang kuhanin ang sukli? Ano siya sinuswerte!

"Hindi pwede Kuya!" Sigaw ko, "Eh Ma'am kayo palang po ang pasahero ko." Malungkot na sabi nito na mas nagpalaki sa mata ko, narinig ko na kanina yon. Ugh! Naisahan ako nung isang driver na yun ha! "Lakompake! Amina ang eighty pesos ko!" Sigaw ko, padabog namang ibinigay saakin ng driver iyon atsaka bumaba na ako.

"Kuripot." Narinig kong bulong nito, "Hindi  ako kuripot!" Pagngingitngit ko atsaka itinalpak ko na ang pinto  ng taxi.

Huminga ako ng malalim dahil nakalock na ang gate ni Andres, ayokong matulog dito sa kalsada kaya kahit labag sa loob ko nagdoor bell ako ng sunod sunod, mga ilang minuto din bago bumukas ang pinto at iniluwa noon si Andres na nakapajamang itim pero nakatopless, gosh natutulog siya ng ganyan? Paano kung gapangin ko siya, hmp. Joke lang yon, hindi ko siya gagapangin hope to die.

Humalukipkip siya at naglakad palapit sa gate na hindi inaalis ang titig sa mga mata ko. "Ginagawa mo dito? Akala ko ba uuwi ka na sa Daddy mo? Bakit hindi mo manlang sinabi na kumuha ka lang ng damit." Nakangising sabi niya, tinignan ko siya ng masama at ngumuso ako.

"Buksan mo na." Pakiusap ko sakanya. "Bakit ko bubuksan? Diba lumayas ka na dito?" Hindi pa rin naaalis sa mukha niya ang pag ngisi niya, napaatras ako nang humawak siya sa gate at inilapit ang mukha, naamoy ko kaagad ang mabangong katawan niya. "Pinalayas ka ng Daddy mo ano?" Pang aasar niya saakin, hindi ko alam kung bakit nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa init at bango ng buga ng hininga niya. 

"Lakompake!" Sigaw ko sakanya.

"Okay. Tulog ka jan." Natatawang pang aasar niya, napaungol ako sa sobrang inis! "Oo na sige na! Pinalayas na niya ako, kaya papasukin mo na ako!" Sigaw ko sakanya, pero mas lalo siyang ngumisi ng mapang asar. "Mag please ka muna Vana..." Malambing na sabi niya.

"Ayoko nga!" Sigaw ko sakanya, kahit kailan hindi ako makikiusap sa katulad niya ano! "Madali naman akong kausap." Lumamig nanaman ang tono ng pananalita niya at halos manlaki ang mata ko nang talikuran na niya ako kaya kahit sobrang napakalabag sa kalooban ko...

"OKAY FINE! PAPASUKIN MO NA AKO SA BAHAY! PLEASE ANDRES?" Sigaw ko sakanya, humarap siya saakin na nakakunot ang noo at mukhang naiinis.

"Drop that name Vana." Mariin na sabi niya, "Alin yung Andres?" Ngumingising sabi ko, mas lalo namang nag usok ang ilong niya sa inis.

"Vanalein!!" Nabuo ang pangalan ko dahil sa pagkainis niya saakin at halos lumundag ang puso ko dahil sa pagkamanly ng boses niya. "Hoy, nagplease na ako sayo. Papasukin mo na ako." Naiiritang sabi ko sakanya ang arte naman niya ganda nga ng Andres eh.

Padabog niyang binuksan ang gate kaya naman nanakbo na ako papasok sa loob, kaagad kong natanaw ang kotse niya at napahagikhik ako dahil mukhang hindi pa niya alam ang kalagayan ng mahal niyang sports car.

Paakyat na sana ako sa taas para pumili ng kwarto pero hinala niya ako sa braso ko. "Bukas h'wag na h'wag mong kakalimutan yung mga inuutos ko sayo." Masungit na sabi niya, napaka nitong si Andres akala mo pinagbagsakan ng langit at lupa sa sobrang lamig ng boses, ang taray niya friend.

"Oo na! Paulit ulit ka Andres." Naiinis na sagot ko sakanya na nagpakunot nanaman ng noo niya.

"Andres..." Pang aasar ko, ngayon alam ko na ang kinaiinisan niya. Ayaw niyang matatawag siya sa second name niya. "Tom." Pagtatama niya saakin.

"Whatever, mas type ko ang Andres." Sabi ko atsaka umakyat na ako sa taas, yung dulong kwarto sa may hagdan ang pinili ko para yung gitnang kwarto  ang pagitan naming dalawa.

Sandali kong tinitigan ang lalaking walang sex life.

"Good night Andres." Pang aasar ko, pero pinagtalpakan niya lang ako ng pinto.

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto, maganda at masasabi  kong mamahalin din ang mga gamit kagaya ng sa sala. Isa pang napansin ko sa bahay na ito lahat ng ilaw ay chandelier para kang nasa hotel. Binuksan ko ang aircon at ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.

Nagising ako sa sunod sunod na pagkatok at napapitlag ako nang matauhan akong wala nga pala ako sa bahay namin. Kaagad kong binuksan ang pinto at tumambad saakin si Andres na naka-simpleng black na shirt lang siya at pants saka sapatos. 

"Ano ba? Ang aga aga pa." Naiinis na sabi ko sakanya atsaka bumalik ako sa pagkakahiga sa kama nang hindi isinasara ang pinto. "Alas siyete na, nagugutom na ako." Ma-awtoridad na utos niya, nagtakip ako ng unan atsaka kinagat ko ang ibabang labi ko, damn tuwing maaalala kong katulong na ako nitong Andres na ito nabubwisit ako. "Five minutes." Tawad ko sakanya pero hinila niya ang paa ko at nahulog ako sa kama.

"Bangon na! Maglilinis ka pa, doon ko makikita kung ibibili ba kita ng mga bagong damit." Nakakainis yung boses niya na sobrang ma-awtoridad, akala mo kasi hari siya kung mag utas saakin. "Oo na! Tsk, bumaba ka na susunod na ako!" Hiyaw ko sakanya. "I'll give you ten minutes para ayusin yang sarili mo."

Marahas kong kinamot ang ulo ko atsaka pumasok ako sa cr para magtooth brush at maghilamos, nandiri ako sa sarili ko dahil hindi manlang ako nakapag shower kagabi sa sobrang antok, muli akong lumabas ng cr at kinuha ko yung back pack ko. Nagpalit lang muna ako ng damit, mamaya nalang ako maliligo pagkatapos maglinis.

Bumaba na ako at nakita ko siyang preskong ppresko na nakaupo doon sa sofa at nagbabasa ng diyaryo, ang boring talaga ng buhay niya parang si Daddy, ganyan na ganyan tuwing umaga! 

"Bilisan mong kumilos." Malamig na sabi niya, nag make face naman ako sa sobrang inis sakanya. Tumungo na ako sa kitchen at binuksan ko ang ref, what to do? Hindi ako marunong magluto. Lakas loob kong kinuha ang dalawang itlog doon para iprito at halos magtitili ako at magtatalon dahil tumatalsik ang mantika nito! Napatingin naman ako kay Andres na nakalean sa gilid ng pinto habang nakahalukipkip at panay ang ngisi.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan?!" Naiiritang tanong ko sakanya, napaka talaga! Nakita nang halos magising ang katawang lupa ko dahil sa mga traydor na mantika tapos tatawanan lang ako.

"Paano ka makakapag asawa niyan kung pagpiprito lang ng itlog hindi mo pa magawa ng maayos?" Pagyayabang niya, lumapit siya saakin at kinuha ang siyanse.

"Tabi, masasayang ang pagkain sa ginagawa mo." Sabi niya atsaka inilayo niya ako dun sa kalan, hininaan naman niya yung apoy atsaka siya na ang nagpatuloy sa pagpiprito, halos mapanganga naman ako dahil sa bilis niyang magluto.

Siya na rin ang nag saing dun sa rice cooker kahit alam ko namang mag saing dun.

Umupo nalang ako hanggang sa ilapag na niya yung pagkain naming dalawa. "Minus one hundred pesos sa bawat mali mo." Biglang sabi niya atsaka naupo na sa katapat kong upuan, napabuntong hininga ako, kainispara akong namamalimos para magkapera sa isang ito.

Tahimik kaming kumain at pagkatapos naghugas na ako ng pinagkainan namin, muntik ko pang mabasag yung isang pinggan mabuti nalang talaga at nahawakan kong mabuti.

"Hoy, isang oras ka na diyan sa lababo, maglalaba ka pa!" Sigaw ni Andres saakin. " Tapos na! Asan ba kasi yung lalabhan ko?!" Sigawko sakanya, ibinato niya sa mukha ko yung natapunan kong long sleeve niya kagabi. "Hindi winawashing machine yan dahil baka maluma kaagad. Kusutin mo lang." Paalala niya saakin, pumunta na ako sa likod ng kusina naalala ko kasi doon sa lugar na yon madalas maglaba sila Lea at naalala ko din na may kinukusot siya sa isang batya, kaya kumuha ako ng batiya at nilagyan ko ng isang sachet na sabon yon saka nilublob doon at kinusot kusot, halos mapangiwi ako dahil medyo masakit pala sa kamay ito, napaisip tuloy ako ano kayang itsura ng kamay nila Lea? Siguro sugat sugat na yon sa kalalaba niya ng damit ko.

Pagkatapos kong labhan yon sinampay ko na kaagad para matuyo, pero natigilan ako dahil binabantayan nanaman niya ako. "Bakit ka ba nakabantay?" Sigaw ko sakanya, "Ilang beses mo binanlawan yan?" Tanong niya saakin, namaywang ako. " Dalawa!" Sigaw ko sakanya, "Banlawan mo pa ng isa, tandaan mo tatlong beses binabanlawan ang damit para mawala yung sabon, pagkatapos i-downy mo." Pagsusungit niya, kinunutan ko siya ng noo. 

"Bakit ba ang dami mong alam?" Naiinis na tanong sakanya, "Banlawan mo pa ng isa." Pagwawalang bahala niya sa sinabi ko, kaya naman padabog ko siyang sinunod, wala manlang siyang dryer dito sa bahay niya akala ko ba mayaman na mayaman siya? Atsaka isa pa bakit napansin ko lang wala siyang kasamang katulong dito sa bahay.

Pagkatapos kong maglaba pinagwalis naman niya ako sa buong bahay niya kahit wala namang alikabok! Grabe talaga ang kapal ng mukha nito, kung may pera lang talaga ako hindi ko gagawin 'to! 

"MAY IUUTOS KA PA?!" 

"Sinisigawan mo ba ako Vana?" Mapang asar na tanong niya, grabe minsan ang sungit niya minsan naman panay ang ngisi niya! Napaka hirap niyang espelengin.

"Ano ba, pagod na ako! Lahatin mo na para isang pagod nalang." Reklamo ko sakanya.

"Wala, maligo ka na aalis na tayo. Thirty minutes lang kita hihintayin, kapag wala ka pa dito sa oras na ibinigay ko sayo hindi na tayo aalis." Pagbabanta niya, napaawang ang bibig ko.

"WHA--"

"Time starts now." Putol niya sa sasabihin ko kaya naman nagpapadiyak ako sa sobrang inis.

"Bullsht!!" Galit na sigaw ni Andres nang makita niyang flat ang apat na gulong niya, pinipigilan kong matawa, akala niya ha! Kapalit yan ng pagpapahirap niya saakin! Pero napatigil ako nang makita kong may sinisilip siya sa ilalim ng kotse niya at halos lumuwa ang mata ko nang ipakita niya saakin ang kutsilyong ginamit ko sa pambutas ng kotse niya. Galit na galit ang itsura niya at kulang nalang talaga ay sapakin niya ako!

"Napaka immature mo Vanalein." Galit na sigaw niya saakin atsaka pumasok na siya sa loob ng bahay, hinabol ko siya! Ibibili niya pa ako ng damit!

"Hindi ko binutas yon!" Pagsisinungaling ko sakanya, humarap siya saakin at nakita kong nag aapoy sa galit ang mga mata niya. "Sino sa tingin mo ang gagawa nito saating dalawa? Kutsilyo ko pa talaga dito sa bahay Vanalein?! Think first bago ka gumawa ng kalokohan! Para kang bata, malaking gastos nanaman yan." Galit na pahayag niya, napakapit ako sa dulo ng tshirt ko sa sobrang kaba dahil talagang nakakatakot ang galit niyang boses.

"Pagtiyagaan mo lahat ng malalaki kong damit! Yon ang isusuot mo! Gagamitin ko yung perang pambili mo dapat sa mga bagong damit mo, magtiis ka." Mariin na pahayag niya, hinawakan ko ang braso niya at umiling iling ako. "Hindi mo ako madadala diyan, sakit ka nga talaga sa ulo, yang utak mo hindi pang twenty five years old! Para kang walang pinag aralan.." Kunot noong sabi niya, napalunok ako dahil sa pagkakataon na 'to hindi ko kay Daddy narinig ang mga salitang yon, kundi sa isang lalaking hindi ko naman kaano ano.

"I..I'm sorry.." Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas yan sa bibig ko, marahas niyang hinila ang braso niya sa pagkakahawak ko. Humugot siya ng isang malalim na hininga at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko atsaka pinagtagpo niya ang mata naming dalawa, hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha ko. Dahil ba sa masakit na tabas ng dila niya? 

"Grow up Vanalein, hindi habang buhay may magtitiyagang makasama ka kapag ganyan ang ugali mo, that's why I'm here to help you. Open your mind, alamin mo kung bakit ka ba talaga itinapon saakin ng Daddy mo. Simula palang Vanalein...I'm willing to give you a chance, hindi kita itatapon pabalik sa Daddy mo dahil naniniwala akong kaya mong magbago because I believe that it's your own choice, ikaw ang magdedesisyon sa sarili mo, hindi ako, hindi ang Daddy mo, at mas lalong hindi ang ibang tao, kundi ang sarili mo lang." Mahinahon na sabi niya atsaka pinunasan niya ang luha ko.

Yun lang at iniwanan na niya akong mag isa sa sala, hindi ko alam kung bakit biglang may pumiga sa puso ko dahil sa sinabi niya. Pero isa lang ang gusto kong mangyari ngayon, gusto kong maramdaman yung yakap niya, gusto kong marinig ulit yung boses niya...gusto kong magsumbong sakanya, namimiss ko na si Mommy dahil alam ko siya lang ang magtitiyaga saakin na makasama ako, not my Dad, not my brother's at mas lalong hindi si Andres.

****

A/N: Hello guys! Sorry matagal na talaga akong mag update eh. Ayun thank you sa LAHAT ng nagcomment sa previous chapter. :) Thanks din sa matiyagang naghihintay ng UD. Love lots <3 Sa susunod nalang ulit ako magmention :)

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

271K 22.1K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
17.9M 37.4K 7
#StanfieldBook3: Sage Steele Shakyra Noelle Lagdameo wants to know the memories her brain had refused to re...
455 86 43
Heyza Garcia hates all men because of what happened in the past. He despised and feared them at the same time. But one thing led to another, he met a...
2.1M 9K 14
Sam and Brye used to be madly in love with each other. Hindi importante na kapos sila parehas sa pera, kasi para sakanila sapat na ang isa't isa. Per...