POSSESSIVE 13: Evren Yilmaz

By CeCeLib

57.1M 1M 326K

In Evren Yilmaz life, everything, and everyone around him had a use and purpose. He was a ruthless lawyer aft... More

SYNOPSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
EPILOGUE

CHAPTER 23

1.9M 41.1K 10.2K
By CeCeLib

CHAPTER 23

NAMAMAGA ANG MGA MATANG bumangon si Faith sa kama para pagbuksan ang nagdo-doorbell sa pinto ng condo niya. Her eyes were red and swollen because she couldn't help crying last night. Pagkatapos hindi sagutin ni Evren ang tanong niya kagabi, pakiramdam niya ay sinasakal ang puso niya sa sakit.

At aminin man niya sa sarili o hindi, hinihintay niya si Evren na kumatok sa pinto ng condo niya pero maggagabi na at wala pa rin ito. Tumigil na siya sa kakaasang susuyuin siya nito. At hindi na rin siya umaaasa na si Evren ang nasa labas ng pinto ng condo niya.

Nang makarating sa pinto, binuksan niya iyon at agad na napaatras sa takot nang makita si Jace. Mabilis sana niyang isasara ang pinto nang iharang nito ang paa sa pinto kaya hindi agad niya iyon naisara.

"Please, Faith, talk to me." May pagsusumamo sa boses nito. "Hindi ako nandito para saktan ka."

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. "Ano'ng kailangan mo?" kinakabahan niyang tanong habang sinusuri ang mukha ng kaharap na puno ng pasa. May sugat ito sa mga labi at kilay at may black eye din sa kaliwang mata. "Ano'ng nangyari sa 'yo?"

Namulsa ito at walang buhay na ngumiti. "Your boyfriend happened. He kidnapped me and beat me up. Ngayon lang nila ako hinayaang makaalis pagkatapos nila akong balaan na kapag nagsumbong ako sa pulis dahil sa pambubogbog ng boyfriend mo sa akin, mararamdaman ko raw kung paano sila magalit." Parang hindi ito makapaniwalang napailing-iling. "Hindi pa sila galit sa ginawa nila sa akin? Damn those billionaire bastards. Muntik na akong mamatay sa kamay ng boyfriend mo. 'Buti at may pumigil sa kanya."

Umingos siya. "Buti nga sa 'yo."

Mahina itong natawa. "Bagay nga kayong dalawa." Nanatili itong nakatayo sa labas ng pinto at nakapamulsa. "Anyway, I just want to say sorry for what I did. Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko pero ang importante ay nakahingi ako ng tawad sa 'yo." Huminga ito nang malalim. "Nagpagamit ako kay Yleena Vicander. Galit na galit kasi ako sa 'yo dahil parang inapakan mo ang pride ko bilang isang lalaki—"

"Yleena Vicander?" She frowned, confused. "Ano'ng ginawa niya?"

Kumunot din ang noo ni Jace. "Wait... your boyfriend didn't tell you about her, being the mastermind of it all?"

Umiling siya. "No... he didn't."

"Well, I'm sure he already threatened her too." Bumuga si Jace ng marahas na hininga at napailing-iling. "Anyway, alam kong kakapalan ito ng mukha pero gusto ko rin sanang makiusap na iurong mo ang kasong libel at assualt sa akin." Nagmamakaawa ang mga mata nito. "Please? Please? Ayokong makulong, Faith. Ayoko. At alam kong makukulong ako kasi magaling ang abogado mo at hindi titigil ang boyfriend mo hangga't hindi ako nagbabayad sa ginawa ko. Faith, parang awa mo na, huwag mo akong ipapakulong. Magpapabugbog ako kahit kanino basta huwag mo lang akong ipapakulong. Ayokong tuluyang masira ang career ko."

"Umalis ka na, Jace—"

"No." Hinawakan siya nito sa kamay. "Please, Faith, I'm begging you. Huwag mo akong ipapakulong. Hindi ko kakayanin sa loob. Kawawa ang mga magulang at kapatid ko. Ako lang ang inaasahan nila, alam mo 'yon. Wala na bang halaga sa 'yo ang dalawang taong pinagsamahan natin?"

Inagaw niya ang kamay na hawak nito. "Sana inisip mo 'yan bago ka nakipagsabwatan sa Yleena na 'yon at bago mo ako sinakal!" Malakas niyang isinara ang pinto, saka hinagilap ang cell phone.

Agad niyang tinawagan si Evren pero hindi sumasagot ang lalaki. Gusto niyang itanong ang tungkol kay Yleena, na ang babae pala ang may pakana ng lahat, pero ayaw ng lalaki sagutin ang mga tawag niya.

Naiinis na humigpit ang hawak niya sa kanyang cell phone.

Yleena Vicander. That woman. She gritted her teeth in anger. Ang babaeng 'yon pala ang may pakana ng lahat. Magbabayad talaga 'to nang malaki sa ginawang paninira sa kanya at sa laki ng problemang idinulot nito sa kanya. Nadamay pa pati mga magulang niyang nananahimik sa Sweden na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanya.

Natigilan si Faith sa pag-iisip nang tumunog ang message alert tone ng cell phone niya.

It was a text message from Evren.

Agad niyang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya habang binabasa ang laman ng mensahe nito.

Why did u call? I'm busy.

So now, he was busy. Busy of what? Busy with someone else? Parang may sumakal sa puso ni Faith habang nagre-reply siya at may ibang senaryong pumapasok sa isip niya kung bakit busy ito ngayon.

I need to talk to you. Marami akong itatanong sa 'yo tungkol sa ginawa ng Yleena Vicander na 'yon sa akin.

Mabilis ang naging reply ni Evren.

Tonight. Club Inoxentes. 9 PM. Be there. We'll talk.

Napabuntong-hininga si Faith sa nabasa at agad siyang nag-reply.

Ayokong lumabas. Hindi ba puwedeng tumawag na lang ako ngayon para magkausap tayo?

He replied immediately.

Nope. I'm busy. Gusto mo akong makausap? Be in Club Inoxentes at exactly 9 PM.

Nagtatagis ang mga bagang na nag-reply siya.

Okay.

Itinapon niya ang cell phone sa ibabaw ng sofa, saka ipinikit niya ang mga mata at humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili.

Dahil sa tanong niya kagabi, nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Evren. Nararamdaman niya iyon kahit sa text lang.

Did the world love really scare men?

Bumuga si Faith ng marahas na hangin, saka hinilot ang sentido.

A lot of people were scared of love. Even she, was afraid of that four-letter word. But even if it scared the shit out of her, she still wanted it... with Evren. Pero mukhang mahihirapan siyang makuha iyon sa lalaki pagkatapos ng nangyari kagabi.

Simpleng tanong nga lang hindi nito masagot, ang mahalin pa kaya siya?

Humugot siya ng malalim na hininga, saka nagtungo sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili.

Nine PM sila magkikita ni Evren sa Club Inoxentes at mag-a-alas-siyete na ng gabi.

Pagkatapos maligo, nagbihis siya ng simpleng damit. It was an off-shoulder dress hugging her curves. Hindi pa naman malaki ang tiyan niya kaya hindi pa halatang buntis siya. Hanggang sa itaas ng tuhod niya ang haba niyon at pinaresan niya iyon ng paborito niyang stiletto.

Faith left her condo at exactly eight PM. Dumaan muna siya sa isang restaurant para kumain dahil nagugutom na siya. At gamit ang kotse niya, dumating siya sa Club Inoxentes nang esaktong alas-nuwebe ng gabi.

Nang makapasok sa club, nagsasayawan ang kababaihan at kalalakihan sa dance floor habang tumutugtog ang banda nila Evren.

Her heart beats insanely fast when she saw his handsome face while playing the drums. Nararamdaman niya ang pagsaya ng puso niya dahil lang sa nakita niya ang lalaki.

God. She really loved this man so much.

Faith felt like everything stopped moving when her eyes met his green ones. They stared at each other for a long second before he looked away and continued playing the drums. Nagbaba naman siya ng tingin nang maramdaman ang kurot sa puso niya dahil sa pag-iwas nito ng tingin.

She was about to leave the club, to hell with her questions, when the drums stopped playing. Nagtatakang nilingon niya ang stage kung saan naroon ang banda at kumunot ang noo niya nang makitang wala sa harap ng drum set si Evren. Kausap nito ang vocalist na panay ang tango.

Halos lahat ng naroon sa loob ng club ay nakatingin sa stage kung nasaan ang banda na tumigil sa pagtugtog. Siya naman ay lalong kumunot ang noo sa pagtataka. Ano ba ang nangyayari? Bakit tumigil si Evren sa pagtugtog ng drums?

Then the vocalist spoke on the microphone. "Sorry for the pause, ladies and gentlemen. It's just that our drummer here has some important things to say to his woman."

Biglang nagkaroon ng spotlight at napaigtad siya nang tumuon iyon sa kanya. Kaya naman lahat ng taong naroon ay napatingin sa kanya habang abot-abot ang kabang nararamdaman niya.

What's happening? Ano'ng ibig sabihin nito?

She looked at Evren. He didn't say a thing. He just stood in front of the microphone, staring at her. Hinintay niyang magsalita ito pero nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

Napailing-iling si Faith at mapait na napangiti. Pagkatapos ay tumalikod siya at akmang hahakbang nang marinig niya ang baritonong boses ni Evren sa mikropono.

"Stay and here me out."

Parang drums na tinatambol ang puso niya sa lakas ng tibok niyon. Dinig na dinig niya iyon, lalo na't walang imik din ang mga tao sa loob ng club na nakamasid lang at hinihintay ang susunod na mangyayari.

"Turn around, brat," wika uli ni Evren.

Umikot siya paharap sa stage at tumingin sa lalaki. "What now?"

Tumingin si Evren sa mga mata niya. Ang daming emosyon sa mga mata nito na hindi niya kayang pangalanan. "Faith Gabriel." Huminga ito nang malalim na para bang kinakabahan at pinapakalma ang sarili. "'Yong tanong mo kagabi, matagal na akong may sagot para diyan. Pero iba pala kapag tinanong mo na sa akin nang harapan. Nanigas ako at parang bumalik ako uli sa nakaraan. Noong una kitang nakita sa mall at pino-promote mo 'yong una mong album."

Parang sasabog na ang dibdib niya sa lakas ng tibok ng puso niya. So totoo ang isinagot nito noong una silang ini-interview sa E-Showbiz—'yong nakita siya nito sa mall noon.

Huminga uli nang malalim si Evren. "When you asked me last night, I realize na kahit nakasama na kita, nayakap at nahalikan, kahit marami na akong nagawang kapilyuhan kapag kasama ka at alam kong kilala mo na ako tulad ng gusto ko noon pa, naduduwag pa rin ako." Kinakabahan itong tumawa nang mahina. "Torpe pa rin ako pagdating sa 'yo." Nginitian siya nito na parang nahihiya at hindi siya sanay na ganoon ito. "And I can't explain what I feel for you in words because I'm not good with words when it comes to you. Baka kung ano pa ang masabi ko. So just let me sing for you. Please?"

Nang tumango si Faith ay hiniram nito ang gitara na hawak ng lead guitarist. And then he started strumming the guitar as he looked deep into her eyes and then... he sang 'I can't stop loving you by Elliott Yamin'.

Napahawak si Faith sa dibdib niya habang kumakanta si Evren. Tumatagos sa puso niya ang liriko ng kanta.

Evren smiled at her, and her heart melted.

Tears fell from her eyes. Kinagat niya ang nangangatal na mga labi dahil pinipigilan niyang hindi umiyak. Pero hindi niya mapigilan... She could feel every words that he sang. She could feel her heart listening to the song and she couldn't help but to cry in so much happiness.

He loved her. Evren loved her!

Bumaba sa stage ang lalaki, saka naglakad palapit sa kanya habang kinakanta ang chorus ng kanta.

'I can't keep on loving you...'

Tumigil si Evren sa harap nila, ilang dangkal na lang ang layo ng katawan nilang dalawa.

'... from a distance.'

Umangat ang kamay nito para tuyuin ang luha sa pisngi niya. "Why are you crying, brat?"

"Because you love me."

Mahina itong natawa. Ang mapupungay na mga mata ay nakatingin pa rin sa kanya. "Well, I'd been loving you for quite some time now." Hinaplos nito ang pang-ibabang labi niya. "Actually, noong una pa lang kitang makita, alam kong gusto na kita. And I actually sent you a letter." Napakamot ito sa batok na parang nahihiya sa pag-amin. "Siguro hindi mo nabasa sa dami ng fan letters na natatanggap mo araw-araw. 'Tapos may interview ka noon na pinabunot ka sa mga sulat na natatanggap mo. Luckily, my letter was one of them and it says, 'Hi, Faith. I think I'm falling in love with you.' You smiled, you even blushed a little. At sabi mo pa nga sa host na rereplyan mo 'yong sumulat n'on." Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "And I waited for your reply but it never came. That's when I started disliking celebrities. Napakadali sa inyong magsinungaling sa harap ng camera, hindi n'yo alam na may umaasa na sana totoo 'yon. You're the shining star in the sky that was so hard to reach, and I'm on the ground, looking up to you. So I forget what I felt for you, I buried it actually, until your car bumped into mine." Ginawaran siya nito ng masuyong halik sa mga labi. "It's like the heaven above smiled at me that day. I felt like the luckiest man alive. To talk to you up close, to argue with you, to hold you, to kiss you and to feel like I'm really important to you was heart pounding... For a man who loves you, that was a dream come true."

Parang sasabog sa saya ang puso niya. Ang gusto lang naman niya ay mahalin din siya nito tulad ng pagmamahal niya rito, pero sobra-sobra ang binigay nito sa kanya.

"Do you love me too, Faith Gabriel?" tanong nito habang hinahaplos ang pisngi niya. "Please, tell me you do."

Nanunubig ang mga matang tumango siya. "Yes... I love you. I love so much."

Hinawakan siya nito sa batok at mapusok siyang hinalikan sa mga labi dahilan para maghiyawan ang mga taong nakapalibot sa kanila.

And then he whispered over her lips. "The shining star finally fell from the sky and I caught you, brat. You're mine now."

Tumango siya habang hinahalikan ang mga labi nito. "Yours. I'm yours, Evren."

"Hmm-mm." Pinakawalan nito ang mga labi niya, saka nilingon nito ang mga kabanda. "Take it off, guys."

Nag-thumbs-up ang bokalista at ito ang unang naghubad ng leather jacket, saka tumalikod. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang "will" sa likod ng suot nitong puting T-shirt. At lalong kumunot ang noo niya nang maghubad din ng mga leather jacket ang bahista at lead guitarist, saka tumalikod. "you" at "marry" naman ang nakasulat sa likod ng mga ito.

Nakakunot ang noong binasa niya namg malakas ang nakasulat sa likod ng puting T-shirt ng mga kabanda ni Evren. "Will you marry—"

Biglang lumuhod si Evren sa harap niya, saka may inilabas itong singsing mula sa kung saan. "Me?"

Umawang ang mga labi niya at napakurap-kurap siya. "What?"

Evren smiled. "Will you marry me?"

Nakaawang lang ang mga labi niya. Hindi siya makapagsalita kaya itinango na lang niya ang ulo bilang sagot sa tanong nito.

"Yes!" masayang sigaw ni Evren, saka tumayo at mapusok siyang hinalikan sa mga labi na agad naman niyang tinugon nang buong puso.

Kapagkuwan ay isinuot nito ang singsing sa daliri niya at hinalikan ang likod ng kamay niya.

"I love you, brat." Puno ng pagmamahal ang mga mata nito habang matiim na nakatitig sa kanya.

Hinaplos ni Faith ang pisngi ng lalaki, saka hinalikan ito sa mga labi. "I love you too, my smart-ass attorney."

Mahina itong natawa, saka niyakap siya nang mahigpit.

"Okay, people!" sigaw ng bokalista sa mikropono habang magkayakap pa rin sila ni Evren. "Let's paaaaaarrtttttyyyyy!"

Pinakawalan siya ni Evren sa pagkakayakap, saka hinalikan siya sa mga labi. "After five songs, I'm yours."

Nangingiting binitawan niya ang kamay ng lalaki. "You're already mine, Evren. Now go and rock those drums." Nang-aakit na nginitian niya ito. "Impress me."

Kumislap ang berde nitong mga mata. "I will, brat. I will impress you."

Tumakbo si Evren pabalik sa stage, saka umupo sa harap ng drum set.

"This song is called 'Cake by the Ocean' by DNCE," sabi ng bokalista at nag-umpisa nang tumugtog ang mga ito. "Let's rock this club."

While Evren was playing the drums, he was looking intently at her while mouthing the lyrics of the song. Siya naman ay nakatitig lang habang sumasabay ito sa pagkanta ng bokalista.

At sa bawat kantang natatapos ng mga ito, Evren would always mouth "I love you" to her. And her heart just wouldn't stop beating so fast and loud.

That was Evren's effect on her. And she loved every second of it.


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 1.1M 46
World-renowned chef Thorn Calderon is already prepared to be single for the rest of his life. But plans change when his parents set him up through an...
61.4M 1.1M 31
Calyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dim...
46.8M 949K 31
Phoenix would rather stay rooted in Baguio and work his ass off rather than experienced the buzzing life in the center city. He would rather bury him...