Enchanted

By walkingdezaster

181K 4.5K 186

Book 1: The Lumen Princess Book 2: Awakening of Darkness Book 3: Enchanted Thousand years had passed but no o... More

Prologue
Chapter 1: Start
Chapter 2: The Mansion
Chapter 3: White Hair
Chapter 4: Descendants
Chapter 5: Phoenix Renee
Chapter 7: Destiny
Chapter 8: Decision
Chapter 9: Classmates
Chapter 10: Cald's Perseverance
Chapter 11: Other Descendants
Chapter 12: A World About Magic
Chapter 13: Katerina A'ris
Chapter 14: Ridge Ignis
Chapter 15: I'm here
Chapter 16: Leila
Chapter 17: Power of Healing
Chapter 18: Dreams
Chapter 19: Special Power
Chapter 20: Smile
Chapter 21: Oracle
Chapter 22: Sabria's Power
Chapter 23: Untold
Chapter 24: Diel
Chapter 25: Can I
Chapter 26: What he did
Chapter 27: Mate
Chapter 28: Trap
Chapter 29: The Plan
Chapter 30: Getting There
Chapter 31: Two Worlds
Chapter 32: Escape
Chapter 33: The Impostor
Chapter 34: Let's Begin
Chapter 35: The Protector
Chapter 36: The Sacrifice
Chapter 37: Choices
Chapter 38: The Guardian's Death
Chapter 39: The Last Card
Chapter 40: The Magus World
Chapter 41: The End
Epilogue: The Shore
Jullian's Story

Chapter 6: Meeting

5.2K 147 9
By walkingdezaster

Chapter 6
'Kung meron man akong labis na nasaktan habang nabubuhay ako sa Magus World, si Phoenix iyon. Minahal ko siya pero hindi ko akalain mas mamahalin ko si Diel at ang masakit ay si Phoenix pa ang unang nakaalam noon.

Kaya sa aking descendant na sinasabi ng propesiya, hanapin mo si Phoenix. Nais kong malaman kung nasa mabuting kalagayan ba siya o kung nakita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya ng tunay.

Siya ang nais kong magturo sa mga bagay na kailangang matutunan ng babae sa propesiya dahil siya lang ang bukod tanging wizard na pwedi kong pagkatiwalaan dahil lubos ko siyang kilala.'

"Ma, sino si Phoenix Renee?" Tanong ni Tyler sa ina ng matapos niyang basahin ang isang bahagi ng libro na nagsasabi ng tungkol kay Phoenix.

Buong hapon at magdamag niyang pinag-isipan ang sinabi ng kanyang ina. Pinauwi na muna ng kanyang ina ang mga kaibigan niya. Nagpumilit pa ang mga ito na makita siya pero nadahilan na lamang ang kanyang ina na may sakit siya kaya hindi pa rin siya makakapasok.

Naisip niya na para na siyang baliw dahil naniniwala siya sa kanyang ina. Pero nakahantad na ang katotohanan sa harap niya. Nasa kanya na lamang kung maniniwala siya. Nakaya niya ngang gawing yelo ang lahat ng bagay na mahahawakan niya. Anong explanation ang magagawa niya doon?

Napatigil ang kanyang ina sa paghahanda ng agahan nila. Para itong nagulat sa tanong niya base na rin sa mukha nito ng hinarap siya.

"Paano mo siya nakilala?" tanong ng ina.

"Nabasa ko sa libro ni Sabria. Siya daw ang unang lalaking minahal niya."

Naupo ang kanyang ina sa harap ng hapag kainan at niyaya rin siyang maupo.

"Siya nga ang unang lalaking minahal niya pero si Diel ang nakatuluyan niya."

"Sino rin si Diel? Nabanggit niya rin iyon sa libro," sabi ko sa kanya.

"Si Diel ang kababata niya. Si Phoenix ay katulad niya, namuhay ito sa mundo ng mga tao pero hindi pa alam noon ni Phoenix ang pagkatao niya. Nalaman lang ni Phoenix na isa siyang Nephilim Wizard ng makilala niya si Sabria.

Naging magnobyo sila ni Sabria. Pero ng akala ni Sabria na namatay na si Diel, noon tumindi ang nararamdaman niya para sa kababata. Para bang nagising siya mula sa katotohanan na si Diel pala ang mas mahal niya kesa kay Phoenix.

Sa totoo lang magulo talaga ang nangyari noon. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit hindi nagkatuluyan si Phoenix at Sabria ay dahil sa nagkahiwalay sila at si Diel ang tanging kasama ni Sabria sa mundong ito. Habang si Phoenix ay naiwan sa Magus World," paliwanag ng ina.

"Parang ayokong magpunta sa Magus World," biglang sabi niya. Napakunot noo naman ang kaniyang ina.

"Bakit naman? Iyon ang mundong kinabibilangan mo."

"Alam ko. Pero simula bata palang ako, hindi nag-eexist ang mundong iyon. Kung hindi lang dahil sa dare ng mga kaibigan ko hindi naman ako pupunta sa mansyon na iyon."

"Oo. Pero hindi mo mababago ang nakatakda. Siguro kung hindi dahil sa dare, hindi ka pupunta doon pero sa ibang pagkakataon, dadalhin at dadalhin ka ng tadhana doon. Hindi ka pa isinisilang, Tyler, nailahad na ng oracle ang propesiya tungkol sa'yo."

Napabuntong hininga si Tyler. Tama naman ang kanyang ina. Kahit anong gawin niya ay hindi niya matatakasan ang itinadhana para sa kanya.

"Bakit kailangan pa nating magtungo sa Magus World? Hindi ba't mas maganda kung nandito nalang tayo? Sabi mo rin, ako lang ang makakapagbukas ng lagusan patungo doon. Hindi ba't mas maganda kung manatili nalang iyon na sarado?"

"Mali ka. Tanging mga lumen wizards nalang ang natira sa mundong iyon pero hindi ibig sabihin ay payapa na ang mundong iyon. Meron at merong isang wizard na maghahangad ng labis na kapangyarihan. At dahil ikaw ang itinakda ng propesiya, ikaw ang nakatakda ring magpanatili ng kapayapaan doon."

Napahawak nalang si Tyler sa ulo niya. Pakiramdam niya ay may gustong sumabog mula sa loob niya dahil sa mga nalalaman niya. Sa isang iglap biglang nawala ang normal niyang buhay. Bigla nalang parang hindi na siya si Tyler Michelle Hill na isang normal na babae dahil siya na ngayon ang descendant ni Sabria na kailangang magtungo sa Magus World para mapanatili ang kapayapaan doon.

Nang gabing iyon, minabuti na muna ni Tyler na lumabas ng bahay. Pakiramdam niya mababaliw na siya sa kakaisip sa nangyayari sa buhay niya. Nagsuot siya ng makapal na jacket at gloves para narin matakpan ang mga kamay niya. Nakasuot din siya ng cap kung saan inilagay niya ang mahabang kulay niebe niyang buhok.

Ang nais lang niya ngayon ay lumayo muna. Makapag-isip kung ano ang tamang gawin kahit alam na niya sa sarili niya kung ano ang dapat gawin. Hindi lang kasi talaga niya matanggap ang nangyayari.

Maraming normal na tao ang naghahangad na magkaroon ng kapangyarihan para mapadali ang buhay nila pero iyon ang pagkakamali nila. Kalakip ng kapangyarihan ang malaking responsibilidad at iyon ang nakapatong sa kanya ngayon. Isang malaking responsibilidad ang kailangan niyang gawin.

Sa kakalakad niya, hindi niya namalayang napadpad na siya sa isang playground. Nagtungo siya sa may swing at doon muna naupo.

Parang kailan lang siya isang bata at walang muwang sa mundo. Tipong bibilhan ka lang ng laruan o candy ay masaya ka na. Pero ngayon, ang tanging makakapagpasaya lang sa kanya ay ang kalayaan niya. Ang makawala sa itinakda ng tadhana sa kanya.

Nanigas siya sa kanyang kinauupuan ng maramdamang may humawak sa balikat niya at may kung anong malamig na bagay sa may leeg niya.

"Don't move," malamig na sabi ng isang lalaki.

Nagulat siya ng alisin nito ang sumbrero niya kaya naman nakalugay na ngayon ang buhok niyang kulay niebe at kitang kita na ang bughaw niyang mga mata.

"Ikaw nga ang babae sa propesiya."

"Sino ka?" Lakas loob na tanong niya. Gusto niyang lumingon para makita kung sino ang lalaking kausap niya pero hindi niya magawa dahil na rin sa matalim na bagay na nasa leeg niya.

Hindi nagsalita ang lalaki pero nawala ang kamay nito sa balikat niya, maging ang matalim na bagay sa leeg niya kaya naman nakahinga na siya ng maluwag. Yumuko siya upang kunin ang cap na inalis ng lalaki kanina at muling isusuot sana iyon ng makita ang pares ng paa sa harapan niya.

Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin niya at halos mapasinghap siya sa lalaking nasa harapan niya. Matangos na ilong, manipis na labi, mapungay na mga mata at ang buhok nito na magulo pero mas nakadagdag ng dating niya. Napakaganda nitong nilalang pero napaatras agad siya ng mapansing may hawak itong katana.

"A-nong..." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin niya ng ngumisi ang lalaki sa kanya.

"Kamukha mo nga siya tulad na rin ng sinabi nila," sabi ng lalaki sa kanya.

Ang mga wizard lang sa Magus World ang nakakaalam kung sino siya at ang tungkol sa propesiya. Samantalang siya at ang ina niya lamang ang nakakaalam ng propesiyang iyon sa mundong ito.

"Isa ka bang dark wizard?" lakas loob na tanong niya pero tinawanan lang siya ng lalaki.

"Wala ng dark wizard ang nabubuhay sa mundong ito," sagot ng lalaki sa kanya.

Base sa sinabi nito, alam na niya kung sino ang lalaking ito.

"Isa ka sa mga descendants ng dark prince!" may kasiguraduhang sabi niya pero ngumisi lang ang lalaki at humakbang papalapit sa kanya kaya naman napaatras siya.

"Mali ka. Hindi ako kalaban pero hindi mo rin ako kakampi dahil matagal ng tapos ang labang kinabibilangan ko."

"Sino ka ba talaga?!" naiinis na tanong niya dito. Gusto nalang niyang tumakbo pabalik sa bahay nila dahil kakaibang takot ang nararamdaman niya na ngayon lang niya naranasan.

"Descendant ka nga ni Sabria. Pareho kayong pabaya. Sa pagkuha mo ng Lumen Necklace sa mansyon na iyon ay nagawa mo ng bukaan muli ang lagusan patungong Magus World pero hindi ka pa tumuloy sa pagpunta doon kaya naman maraming mga descendant ng dark prince ang nakapasok doon at mga rebeldeng lumen wizard na nagtungo dito. Tapos magtutungo ka sa lugar na ito na ikaw lang mag-isa sa gitna ng gabi? Alam mo bang maraming naghahanap sa'yo at gusto kang patayin?"

Napanganga nalang si Tyler sa sinabi ng lalaking kaharap. Hindi niya alam na bukas na ang lagusan! Akala niya ay katulad ng mga nangyayari sa tv na may spell pa na dapat sabihin para bumukas ang lagusan.

"H-hindi ko alam."

Hindi din niya alam ang gagawin ngayon. Hindi niya kilala ang nilalang na nasa harapan niya. Ayon dito ay hindi ito kalaban pero hindi rin ito kakampi. Anong gagawin niya.

"Ako si Phoenix."

Nag-angat siya ng tingin at napanganga nalang habang nakatitig dito. Hindi naman siya binibiro ng pandinig niya diba?

"Ako si Phoenix Renee," ulit pa ng lalaki.

--

Continue Reading

You'll Also Like

1M 62.2K 78
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
10.5M 511K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
62.2M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
21.7M 798K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...