Of The Shattered Compass

Od ELRionCae

27.7K 1.6K 525

As an old saying says : History repeat itself, well it don't, it really don't. We don't believe in that and w... Více

Of The Shattered Compass
Chapter 1 : The Northerners
Chapter 2 : End of Summer
Chapter 3 : The Westerners
Chapter 4 : He Who Stole The Crown
Chapter 5 : Knowing Cali
Chapter 6 : The Southerners
Chapter 7 : Epic Grand Reunion
Chapter 8 : Endless Combat
Chapter 9 : OH YES WAY !
Chapter 10 : The Easterner
Chapter 11 : Healing Wounds
Chapter 12 : Cali's Home
Chapter 14 : First Attack
Chapter 15 : Waiting For You
Chapter 16 : Heart Beats
Chapter 17 : Mute
Chapter 18 : Wrong Side
Chapter 19 : Rules and Regulations
Chapter 20 : Rules and Regulations (2)
Chapter 21 : What We Used To Be
Chapter 22 : My Father, Ace Dennison Frazer
Chapter 23 : I'm Sorry
Chapter 24 : Bow Before Me
Chapter 25 : Beautiful in White
Chapter 26 : Permission
Chapter 27 : His Greatest Adversary
Chapter 28 : Courting Rivalry
Chapter 29 : Life Outside The Compass (1)
Chapter 30 : Life Outside The Compass (2)
Chapter 31 : Back Story
Chapter 32 : Seeking Interuption
Chapter 33 : When Mute Talks
Chapter 34 : A Pirate's Work
Chapter 35 : Cali's Queen
Chapter 36 : Dethrone
Chapter 37 : I Love You, I think?
Chapter 38 : The Jealous Cali
Chapter 39 : Sudden Confession
Chapter 40 : Never Let Go
Chapter 41: Changes
Chapter 42: Nostalgia
Chapter 43: Mortello's Gang
Chapter 44: Frazer's Way
Chapter 45: I Will Miss You
Chapter 46: This Night
Chapter 47: Happiness, Love and Rages
Chapter 48: Caught
Chapter 49: Plan
Chapter 50: I Can't
Chapter 51: Lies and Butterflies
Chapter 52: Cali's Tears
Chapter 53: Rules of a Broken Heart
Chapter 54: The End of Everything
Chapter 55: Where's Cali?
Chapter 56: Last Hug
Chapter 57: Gone for Good
Chapter 58: You're Mine
Chapter 59: The Final Game
Chapter 60: Again. At Last
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

Chapter 13 : Just Call Me "A"

484 31 10
Od ELRionCae

Chapter 13

AVIAH RHEIKO SUMMER

Lahat ng kalokohan alam ni Cali.

Mula bahay nila hanggang ngayon dito sa sasakyan pauwi ng Kristoff ay naghuhurumintado ako sa kanya. Bakit hindi ? Anong ibig sabihin niya sa future girlfriend ? Dahilan niya ay nagbibiro lang naman daw siya, tama nga naman kailan ba siya nagsabi ng totoo ? Lahat ata ng sabihin niya ay puro biro lang. Nakakainis, halos mahimatay ang nanay niya sa sinabi niya kanina, ang tatay niya naman ay tuwang tuwa at ang suot na bunny head band ay tinanggal sa sarili at ikinabit kay Cali saka sabing "Binabati kita, ngayon ay binibigay ko na sayo ang korona." Nakakaloko, hanggang ngayon ay suot niya ang bunny head band dahil iyon lang daw ang pinaka matinong binigay ng tatay niya sa kanya. Grabe siya.

Kahit ako ay kinabahan sa sinabi niya, mabuti at mabilis niyang nabawi at katakot takot na sigaw ang naabot niya sa nanay niya. Doon ko nalaman na masyadong ma-protekta ang nanay niya, unahin muna raw ang pag-aaral bago ang lahat ngunit ang tatay niya ay kahit saan ay ayos lang daw. Marahil sa tatay nga nagmana si Cali.

Panay ang hingi niya ng tawad ngayon sa sasakyan, pero dahil hindi naman ganoon kalala ang sinabi niya ay ayos lang. Panay naman ang tawa nila Chance at Yhno sa tabihan namin at pati sila ay gusto ko ng suntukin. Pagdating ng Kristoff ay sabay sabay na kaming pumasok. Sa gitna ng kadiliman ng gabi ay tumambad sa harap namin ang magagarang ilaw galing sa iba't ibang nakatayong stall sa field, makukulay na ilaw at magagarang disenyo ang naglipana. Masisimulan na ang sports fest at siguradong mas magiging abala ang karamihan.

Nagpumilit pa si Cali na ihatid ako sa West dorm ngunit sinabi ko na hanggang sa labas na lang siya dahil baka siya ang tapunan ng pang-bubugbog ng mga taga kanluran. Pumayag naman siya doon, wala rin naman siyang magagawa kung magpumilit siya.

Humiwalay na sila Yhno at Chance sa amin dahil parehas silang taga hilaga, habang nag-lalakad kami ni Cali ay panay parin ang pag-hingi niya ng tawad sa akin. Sobrang kulit niya, kaya umoo nalang ako ng umoo. Hindi pa kami nakakarating sa entrada ng kanlurang dormitoryo ay tinigil ko na ang paglalakad at nagpaalam na ako kay Cali at nagpasalamat sa pagsama niya sa akin. Isang maluwang na ngiti lang ang tinuran niya.

"Ah Summer." tumawag pa siya bago ako tuluyang pumasok.

Nilingon ko naman siya at nagbigay ng patanong na mukha.

"Sorry for the last joke, I didn't mean that."

"It's okay Cali, that's not a big deal."

"It's really a big deal."

I arched my both eyebrows, naguluhan ako bigla sa sinabi niya.

"That's not a joke by the way." naibaba ko ang dalawa kong kilay at nakatingin na ng seryoso at naghihintay ng sagot mula sa kanya.

Humakbang siya ng isa at ng makalapit sa akin ay bahagyang yumuko saka bumulong sa kaliwa kong tenga.

"I'm really looking forward to be your future boyfriend soon, seriously."

Pagkatapos ay pumantay sa akin at kumindat saka nagtatakbo palayo.

Darn ! for the second time around, bumilis ang tibok ng puso ko. Just what the hell is that ? Liligawan niya ba ako ? God Rheiko ano bang iniisip mo, you're insane.

RHYS CHANCE FRAZER

Nakakainis lang. Matutulog na ako at lahat lahat nautusan pa ng Kade na yun. Bakit nga ba kase sinunod ko siya ? Hayy nako, bakit kase nandito ako sa hilaga imbes na sa timog ako, mas masaya doon, kasama ko sila kuya kesa dito puro magugulang ang mga tao. Kung hindi lang sinabi ni Daddy na dito ako sa hilaga ay hindi naman ako mananatili dito. Bukod sa amin ay alam ni Daddy ang nangyayari, alam niya na hindi magkakasundo halos ang lahat sa loob ng Kristoff, alam niya na masyadong malamig si Kade para makipagkaibigan sa amin kaya naman sinabihan niya ako na manatili sa hilaga para may makasama si Kade. Wala akong magawa, tatay ko yun e baka mabatukan ako kapag hindi ako sumunod. Sabi niya pa ay itatakwil niya ako bilang anak pag di ako sumunod, si Daddy talaga.

Kaso putsa ! Nakakabwisit tong si Kade, panay ang utos akala mo kung sino, kulang nalang ay magsuot ako ng uniporme na pang alila at yumukod ako sa kanya. Kung sa bagay, ito nalang ang magagawa ko para naman malaman niya na may nagmamahal sa kaniya. Bwisit, ang bakla pakinggan.

Dumiretso na ako sa center dorm kung saan kami matutulog tuwing byernes, i-check ko daw sabi ni Kade. Ano ba kaseng iche-check doon ? Sana pala nagdala ako ng pentel pen at maglalagay ako ng check sa pader ng center dorm para naman masabi na mag-effort ako sa pagche-check ng tutulugan namin.

Okay, corny.

Dire-diretso ko nalang binuksan ang pinto ng center dorm, nag iisa lang naman yun at wala ng iba pang pinto at kwarto. Mabuti at binigay ni Kade ang susi, mabilis akong makakapasok, kung hindi naman ay gagamit ako ng bintana. Pagbukas ko ng ilaw ay nakita ko nakabalot pa at nakatakip ng puting mga tela ang bawat gamit, para namang nasa haunted house ako, nakakatakot tuloy bigla. Nilinga ko nalang ang paligid at wala naman akong nakitang kakaiba, naglakad lakad ako at baka may mahiram ako dito, pinagbubuksan ko ang ibang mga nakatakip pero wala naman akong nakita. Hayy.

Para hindi masayang ang pagpunta ko ay padapa akong humiga sa nakabalot pang kama at inilapat ang katawan ko. Ngunit nagulat ako dahil sa kakaiba kong naramdaman, mabilis akong napatayo --bakit parang ...

May nadaganan ako ?

Baka may multo rito. Nakakatakot. Hayy, kung ano ano na naiisip ko. Bakit ba kase ako nagmana kay Daddy eh, masyadong O.A mag-isip, hindi overacting kundi over abnormal magisip. Minsan naiisip ko rin kung swerte ako sa mga namana ko sa kanya, tsk. Kung si kuya ay alam na na hindi siya swerte sa mga namana kay Daddy ako ay nag-iisip pa, sa lahat naman kase ng mamanahin e pagka-baliw pa sa pag-iisip. Nako talaga.

Mas lalo pang umigting ang kaba ko ng makita ko ang pag-galaw ng nakabalot kama, parang may gumagalaw sa ilalim. Darn, baka may halimaw dito ! Patay ako, baka hindi na ako makalabas ng buhay. Pero dahil sa kuryusidad ko ay dahan dahan kong inaalis ang nakabalot sa kumot habang naglalakad din paabante, pero sa kakalakad ko ay bigla akong natilapid sa kung ano at napadagaan ulit doon, napatuon ang dalawa kong kamay sa kama at may kung ano mang dalawang malambot bagay akong nahawakan.

Sa lambot nito ay mas napadiin pa ang hawak ko. Wala pang isang segundo ay bigla akong tumilapon sa sahig.

"BASTOOOSSSS !" isang nakakarinding sigaw ang pumailanlang sa paligid.

Nabigla ako at napatayo sa pagkakahiga at nakita ko ang isang babae na parang kagagaling lang sa kama na pinanggalingan ko. Magsasalita palang ako ay mabilis na tumama agad ang kamao niya sa kaliwa kong mata. Sa sobrang lakas ay napaupo ako ulit sa sahig.

Damn ! It hurts. Dumilim ang paningin ko don.

"HAYOP KA ! NAPAKA BASTOS MO ! WALANG MODO !." sigaw niya.

Nilipon ko ang sarili para makapagsalita ulit pero ang paa niya naman ang dumapo sa kanan kong pisngi. Shit ! Sinipa niya ako. Sisipain na niya sana ako ulit pero mabilis na akong umilag. Mabilis kong kinabig ang mga binti niya kaya't napaluhod siya, inikot ko ang katawan niya at inikot ang dalawa niyang braso pa-talikod saka dinaganan ko ng binti ko ang binti niya kaya't hindi siya makagalaw.

"BITAWAN MO KO ! HAYOP KA ! BASTOS KA ! PAPATAYIN KITA !" mas malakas pa ang sigaw niya kesa sa sigaw ng nanay ko.

"Ano ba ! Tumigil ka nga, masyado kang mapanakit. Hindi ko naman alam na nandoon a at hindi ko alam na ---"

Napatigil ako sa pagsasalita saka inisip ang sinasabi ko. Oh shit ! Ibig sabihin, siya yung nadaganan ko kanina at yung gumagalaw sa ilalim ng kama ? Ibig sabihin nakapatong ako sa kanya at yung nahawakan kong malambot, oh f*ck ! What am I thinking ? Pakiramdam ko ay namula ako, shit ! Hindi na birhen ang kamay ko, maduming tao na ako.

"BITAWAN MO AKO !!" sa lakas niya at pagkawala ko sa tuliro ay bigla siyang nakawala sa pagkakahawak ko at lalabanan na naman ako.

Tumalon ako sa kama at pinagbabato niya ako ng kung anong mahawakan niya. Panay ang ilag ko, marami narin ang nabasag sa mga gamit, patay ako kay Kade nito.

"Ano ba ! Tigilan mo nga yan." sigaw ko at napatigil naman siya sa pagbato. "..ano bang problema mo hah ? Hindi ko nga sinasadya eh, grabe ka." saka ko hinawakan ang mukha ko na alam ko ay may pasa na ngayon.

Rinig ko ang malalim na paghinga ng babae, pawisan ang mukha niya dahil sa pakikipag rambulan sa akin. Ang pula niyang buhok ay halos bumalot na sa mukha niya, maluwag ang suot niyang t-shirt at punit punit na pantalon, at nakapaa lang siya. Bakit ba kase siya nandito ? Hindi kaya mangkukulam tong isang to ? Baka ako pa ang maging unang biktima.

"Sorry okay ? Hindi ko naman alam, saka ano ba kaseng ginagawa mo dito ? Paano ka nakapasok ?" tanong ko habang may nakasangga paring unan sa harap ko, baka sakali manakit siya ulit.


"WALA KA NG PAKIALAM DOON ! BWISIT ! WAG KA MAGPAPAKITA SA AKIN, MAPAPATAY TALAGA KITA !" yun lang at bigla siyang lumabas ng pinto at binalibag yon.

Grabe ! Napaupo nalang ako sa kama at dinama ang sakit ng mukha ko, paniguradong mukha akong nabugbog nito. Bwisit kaseng Kade to'.

Napasandal ako sa headboard ng kama at napatingin sa mga palad ko. Nahawakan ko yung dalawang --- Ugh ! Shit Chance, stop being perv. Nakakainis ! Bakit ba kase pumunta ako dito eh. Asar.

Kinabukasan

"Hahahahahaha ! Mukha kang panda na puyat, anong nangyari sayo ?" bwisit na Yhno to, tinawanan pa ako.

"Hays ! Ituloy mo nalang kase yan pwede ?"

"Oo, eto na nga." saka niya itinuloy ang paglalagay ng yelo sa ice bag.

Nasa dorm parin kami, magkasama kami sa kwarto at hindi ako makalabas, paano ako lalabas ng ganito ? At dahil mabait ako, dinamay ko si Yhno, hindi rin siya nakapasok dahil ayoko magpa-iwan mag-isa sa dorm.

"Sino bang gumawa sayo niyan hah ?" tanong ni Yhno pero alam kong pinipigilan niya ang pagtawa niya.

"Hindi ko kilala yung babaeng yun. Sino ba naman kase ang baliw na matutulog sa dorm na yun, nakakaloko talaga siya -- aray ! ayusin mo naman." bwisit na Yhno to, ibagsak daw ba ang icebag sa mata ko.

"Sorry ! Likot mo kase eh, hahahaha." dinahilan pa ako tss.

"Paano ako makakalabas nito. Tsk."

"Problema ba yan ? Sus ! Eto oh." saka may inabot siya sa akin kaya napalingon ako at hinawakan ang ice bag sa mata ko.

"Ano yan ?" hindi siya sumagot at inabot lang sakin yun.

Pagtingin ko ay isang eye patch yun. Bwisit na to, gagawin pa akong mukang pirata.

"Ayoko niyan." magfi-feeling nerd nalang ako kesa isuot yun, gusto ko ang mga pirata pero hindi sa ganoong paraan.

Hiniram ko nalang ang eyeglass niya at yon ang sinuot ko, hindi naman na ganoon ka-kita ang pasa dahil kagabi ko pa to nilalagyan ng yelo pero nakakahiya parin, nakakabawas sa kagwapuhan ko.

Sabay kaming lumabas ni Yhno at dumiretso sa gym, ngayon kase ang try out ng basketball girls panigurado maraming babaeng maganda doon at marami akong mahihiram doon dahil nagkalat ang mga bag sa bleacher. Umupo kami sa pinaka-dulong upuan kung saan nakaupo si Andreau, bakit ba ginagawa niyang tambayan ang gymn ? Dapat dito siya natutulog eh, napa-second look pa siya sa akin ng makita ako, ayaw pa magtanong alam ko naman na gusto niyang malaman ang nangyari sa mata ko. O baka naman nagtaka siya dahil naka-eyeglass ako, baka naman sabihin niya idol ko siya.

Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ang pagtingin sa mga naglalaro ng basketball at mabilis na inilibot ulit ang tingin ko sa mga bag, nagningning ang mata ko dahil marami akong nakitang mamahaling bag. Ang swerte ko parin pala. Tumayo ako para lumapit sa mga yon, pero sa paglalakad ko ay nakaramdam ako ng isang malakas na pagbato mula sa likod ko. Sobrang lakas ay napa-ingit ako, para akong binato ng hollow blocks sa likod pero hindi, sa talbog na tunog ay alam ko na bola ang tumama sa likod ko. Paglingon ko nga ay isang gumugulong na bola ang nakita ko, mabilis na lumapit sa tabi ko si Yhno, hanggang sa tumigil sa pag-gulong ang bola dahil sa pagtapak dito ng babae.

Tinignan ko siya mula baba hanggang pataas. Doon ay nakita ko ang babaeng may gawa ng mala-panda kong mukha ngayon. Nakangisi siya sakin at tila nangungutya. Nakatali ng mataas ang buhok niyang pula at nakapameywang suot ang itim na basketball jersey at short na magkaterno na may naka-imprintang Sophomore sa harap. Itim na kulay na uniporme, ngayon ay alam kong nirerepresinta niya ang hilaga. Ibig sabihin taga North din siya.

"Captain !" sigaw ng mga babaeng kasunuran niya at pumalibot sa kanya.

Captain ? Siya ang Captain ng basketball girls ng sophomore ? Seryoso ?

Hindi niya tinignan ang mga kasama at nananatiling nakatingin sa akin.

"Tinamaan yata sayo Chance." siko sakin ni Yhno at natutuwa pa.

"Hindi, tinamaan niya ako kagabi." mabilis kong sagot.

Dahan dahang lumapit sakin ang babae at nagulat ako ng sikmuraan niya ako. Pati si Yhno ay nagulat doon at napaatras ng bahagya, ang mga kasama niya naman ang nagbulungan. Shit ! Akala ko naka-move on na siya, nakakainis, ang sakit nun ah. Tumayo ako ng diretso dala ang nakangiwing mukha. Ngumisi lang siya sa akin at tila natutuwa pa sa ginawa niya. Gusto ko siyang suntukin pero babae siya, kaya sa inis ko ay si Yhno ang sinuntok ko sa braso makaganti man lang.

"Ouch ! Why'd you do that." bwisit na Yhno to, hindi man lang makisama.

"Grabe ka ah ! Hindi ka pa nakuntento sa mga pasang to'." singhal ko sa babae at itinuro ang pasa ko sa pisngi at mata.

"Serves you right perv." maangas niyang sabi at saka ako tinalikuran.

Ngunit bago siya lumakad ay hinawakan ko siya sa braso na ikinalingon niya.

"What's your name ?" kahit man lang pangalan niya malaman ko, ipapakulam ko siya. Bwisit na babae.

Inalis niya ang pagkaka-kapit ko at inis na tinapakan ang paa ko.

The f*ck ! Napa-ingit na naman ako sa sakit at napayuko, ramdam ko rin na yumuko siya at nilapit ang bibig niya sa kanan kong tenga.

"Just call me "A". Mark my name asshole !" at doon tuluyan niya akong tinalikuran.

Damn it ! Cursed that abnormal girl. Arrgghhh ! Kailangan kong gumanti, bwisit na babae yun. Napakahayop niya.

Sa inis ko ay sinuntok ko ulit ng isa si Yhno sa gilid ko, pero nagulat ako ng ibang tao pala yun at masama siyang nakatingin sa akin. Kaya naman nagtatakbo na ako bago niya ako gantihan.

Bwisit na buhay to. Malas !

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

108K 3.4K 52
Be careful criminals.
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
3K 118 17
What if you fell in love with a girl... who loves girls? Will you push through with what you feel? Or just leave it there hanging?
602K 21.3K 47
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na...