My Only Mistake (My Only Seri...

By NerdyIrel

4.3M 138K 57.4K

Published under Psicom. Kenzie Rose Vasquez was never jealous of anything, not until she felt lonely. Wantin... More

Published book
Prologue
Chapter 1 - First Meet
Chapter 2 - Stalker
Chapter 3 - Ninja Moves
Chapter 4 - Twitter Lovers?
Chapter 5 - HotMess
Chapter 6 - On The Road
Chapter 7 - Drunk in Love
Chapter 8 - Awkward
Chapter 9 - Treat
Chapter 10 - Confused
Chapter 11 - Worried
Chapter 12 - Rides
Chapter 13 - Hoping
Chapter 14 - New Start
Chapter 15 - Tour
Chapter 16 - Patch Up
Chapter 17 - Love Arrows
Chapter 18 - Friendly Date
Chapter 19 - Getting Along
Chapter 20 - Possessive
Chapter 21 - Brave Heart
Chapter 22 - Confession
Chapter 23 - Wrong Turn
Chapter 24 - Change
Chapter 25 - First Day
Chapter 26 - Lean On
Chapter 27 - Disclosure
Chapter 28 - Assurance
Chapter 29 - Sneaky
Chapter 30 - Promise
Chapter 31 - Trouble
Chapter 32 - Bewildered
Chapter 33 - Enraged
Chapter 34 - Christmas
Chapter 35 - First Monthsary
Chapter 36 - Love Spell
Chapter 37 - Work
Chapter 38 - Flushed
Chapter 39 - Lover's Quarrel
Chapter 40 - Cool Off
Chapter 41 - Live In
Chapter 42 - Friendship
Chapter 43 - For Keeps
Chapter 44 - Cynical
Chapter 45 - Muddle
Chapter 46 - Doubts
Chapter 47 - Help
Chapter 48 - Uncertain
Chapter 49 - Shady
Chapter 50 - Gone
Chapter 51 - Shattered
Chapter 52 - Adieu
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 3
Book 2

Special Chapter 2

50.6K 1.4K 603
By NerdyIrel

Special Chapter 2 – Eli and Ian


Eli's POV


Busy kami ngayon kumopya ng notes pero dahil sa mabilis akong magsulat ay mas maaga akong natapos compared to my classmates.


Nagstrech ako ng arms ko bago ako aksidenteng napatingin sa may pintuan.


"What the hell" Bulong ko sa sarili ko.


Isang napakagwapong lalake lang naman ang nakita ko na nakatayo doon at mukhang may kausap na isa pang estudyante.


Parang nagkataon lang na natigil siya don.

Ano kayang course niya? Ngayon ko lang kasi siya nakita...


Bago ko pa man din makalabit si Gigi ay bigla ng umalis yung lalake.


"Kainis"


"Huh? Bakit?" Tanong niya ng mahina.

"May gwapo kanina sa labas. Sayang di niyo nakita"


Tumawa lang si Georgina at di na ko napansin.


Isang linggo ang lumipas pero di na uli nagawi si kuyang pogi sa labas ng classroom namin. 

Madalas akong nage-excuse para lang lumabas at silipin ang hallway pero wala talaga eh.


"Tignan mo si Eli. Ang lungkot na naman dahil di nagparamdam ang ghost crush niya" Pangaasar ni Kenzie.


"FYI, hindi siya ghost! Totoo siya noh!"

"Weh? Asan?"

"Ewan ko. May di ko nga alam ang pangalan non eh"

"Kawawa ka naman hahaha"


Nagtawanan sila ni Gigi kaya sumimangot ako. Buti na lang si Maika, ngumiti lang.


Kinabukasan ay nagmadali kaming makapasok sa gym para makakuha ng seats sa bleachers. First basketball game ngayon. Actually, ang saya saya ko nga dahil ang dami kong nakilala. Kasali kasi ako sa volleyball team at sa swimming team.


Bigla na lang naghiyawan ang mga tao kaya tinitigan ko agad ang mga mukha ng mga players na tumatakbo papasok ng gym.


My eyes widened when I saw him.


"Shet! Gigi! AYAN YUNG KINUKWENTO KO SANYO! YUNG GWAPONG NAPADAAN SA CLASSROOM NATIN LAST WEEK!!! Yung number 14!"


Hinampas ko pa si Kenzie para makita niyang totoo talagang nage-exist ang crush ko.


"Gags! Tropa yan ni Jax!!!" Kinikilig na sabi ni Gigi. Si Jackson yung anak ng RU na medyo kaibigan na ni Georgina.


"Talaga? Anong pangalan?"

"Killian Stan Viel"


Halos mapasigaw ako sa kilig.


"TOUNGUE MOTHER!!! VIEL? ANG GWAPO NG LAST NAME!!!"


Ang ingay ingay ko the whole game dahil nagpapapansin ako kay Killian.

Kaso sa dami naming mga babaeng nagchi-cheer sa kanila, malamang hindi niya ko matatandaan.


Fourth quarter na ng medyo napagod ako.

Umupo na lang ako sa seat ko at nagpout.


Bakit ba ko nagpapakahirap mageffort sa isang lalakeng di naman ako kilala?

I'm so desperate. Asar!


Kahit na inis ako dahil di pa kami magkakilala ay sinusundan pa rin ng mga mata ko ang crush ko.


Ang galing niya maglaro just like his friends.

Madalas din siyang nakaka-shoot at nakakaagaw ng bola.


Tatayo na sana ulit ako para pumunta sa CR ng bigla siyang tumingin sakin.


Oo. Tinitigan niya talaga ako.

He wasn't smiling nor frowning.

He was just staring at me while he's running.


I froze within those seconds bago siya humarap ulit sa mga kaibigan niya at tinuloy na ang paglalaro.


Halos di ako makahinga sa nangyari.


Why would he look at me?

Kilala niya na ba ko?

Napansin niya bang ang ingay ko kanina tapos bigla akong tumahimik kaya siya tumingin sa akin?


"WAHHHHHHHHH!" Sigaw ko sabay inalog-alog ko si Kenzie.


Sa asar nitong isa ay itinulak ako. Tumama tuloy ang braso ko kay Maika.


"Aray ko!"

"Sorry ika hehehe"


"Landi kasi netong si Eli, jusko" Kenzie said.

"Sorry na nga eh! HAHAHA"


Nagsasasayaw na lang ako sa tuwa.

Kumekembot kembot pa nga ako hanggang sa natapos yung game.


Excited kaming bumaba ng bleachers ng makita naming nagpapapicture yung mga students sa mga players.


Tahimik akong nakipagsiksikan papunta kay Killian.

Di ko na sinabi kila Gigi dahil aasarin lang nila ako tsaka alam kong busy sila kay Kenzie at sa crush nito.


"Hi! Pwede papicture?" Tanong ko sa kanya pero di niya yata ako narinig dahil ang dami naming mga girls na nagsalita.


Hinintay kong matapos yung limang mga babae bago ko siya ulit kinausap.


"Killian, papicture naman---"


Nagulat ako ng bigla siyang binulungan ng kalaro niya.

Lumapit ako sa kanya para marinig ang pinaguusapan nila.


"Pare tara na, may laro pa tayo ng DOTA diba?"

"Ah oo nga pala"


He suddenly looked at me kaya na-stunned ako.

Di ko ine-expect na lilingunin niya ko.


"Miss bukas na lang after ng game namin ha. Sorry"


Tumakbo na siya papasok sa locker room at naiwan na kong tulala.


Kinausap niya ba talaga ako?

PINABABALIK AKO NG CRUSH KO WAHHH!

GUSTO NIYANG MANUOD AKO NG GAME NILA KAYA SINABI NIYA YON!


Pinuntahan ko na lang agad sila Kenzie.

Pigil na pigil ako sa pagngiti dahil baka makahalata sila.


I saw Maika taking some pictures.


"Ano name ng crush ni Kenzie?" Bulong ko kay Gigi.

"Jiro"

"Ahhh"


Tuwang-tuwa si Kenzie kaya medyo nainggit ako.

Buti pa siya swerte! Di bale ako naman nakausap ko si crush hahaha.

Bukas pa nga lang yung picture.


"Ikaw na girl! Nawala agad si Ian! Di ako nakapagpapicture! Asar!" Sabi ko.


"After nilang magpalit ng damit, sigurado akong magkakasama sila niyan. Pakilala din kita Eli, don't worry" Ika said.


"TALAGA? ENEBE WEG KENG GENYEN!"


OMG! MUKHANG MAY PAGASANG MAGKAROON AKO NG BAGONG PROFILE PICTURE MAMAYA AH HAHAHA.


"Ge, una na ko! Bukas na lang" Jiro said.

Napansin kong nadisappoint ang mukha ni Kenzie.


"OY PARE! SAGLIT! Geh mauna na rin ako!"

Parang nadurog yung puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Ian.


"Nyeh. Sorry. Bukas na lang" Enzo told me.


Di bale. Nagpromise naman si Killian eh.

Mananalig akong tutuparin niya ang pangako niya.


In-add ko agad kinagabihan sa facebook si Killian pero di niya ko inaccept.

Siguro di lang siya mahilig magfacebook.

Buti na lang medyo nakapublic ang account niya. Inistalk ko siya.


Wait...may girlfriend siya?

One month ago yung last upload picture nila eh.


Grabe ang sweet naman nila ng gf niya.

Kung di nakayakap sa mga pictures, hinahalikan niya cheeks non.

Nakakasuya.


Hmmppph.

Anobayan. Wala agad pagasa.


Sa lungkot ko ay natulog na lang ako.

Kinabukasan, hindi na ko nagpapicture sa kanya.

Medyo nag-cheer pa rin naman ako dahil talagang crush ko siya pero hindi na katulad kahapon.


Pinakilala kami ni Enzo kila Jiro at Killian pero ngumiti lang naman siya sa akin.

I just smiled too.


Kairita. Kailangan kong lagyan ng wall yung pagitan namin kasi taken na pala siya.


Naglaro ako ng volleyball that afternoon at nagulat ako dahil nakita ko siya sa bleachers.

Dahil doon ay ginalingan ko talaga ang paglalaro.

Palaging ako yung nakakapuntos kaya naman nanalo ang team namin.


Pagtingin ko ulit sa bleachers ay wala na siya.


(_ _)

Ayan kasi Eli, ang assumera mo.

As if naman na ikaw yung pinunta niya dito.

Hindi naman kayo close. May hindi nga friends.

Acquiantances lang kayo.


"Hindi ko siya crush. Hindi na talaga" I told Kenzie.


The whole intrams week nakasama namin sila basically because friends ni Enzo sila Killian.


"Juice?" Tanong niya sakin pagdating ko sa bahay nila Jax.


Wala pa sila Gigi kaya magisa ako dito sa isang gilid.

Inangat ko ang ulo ko para tignan si Killian.


Is he really offering me a drink?

First time niya yata ako kausapin.

Tahimik netong isang ito eh.

Palaging matipid ang pananalita.


"Thanks"


Kinuha ko na ang plastic cup mula sa kamay niya tapos ininom ko iyon.

Nilingon ko ang buong rooftop.

Madami-dami na ang mga tao. Kung sino-sino na ang nagdadatingan.


"Chicharon, gusto mo?"


Tinignan ko ulit si Killian.


"Hindi, okay lang ako"

"Hmmm" Tumango siya at nagiwas ng tingin sa akin.


Bakit ba ang awkward naming dalawa?

Di naman ako ganito kila Jiro, Enzo, Jax at Zach.


"Bat di mo sinama girlfriend mo?" I asked him.


Unti-unting nagbago yung expression sa mukha niya.

Tinignan niya ko ng nakakunot ang noo.


"Wala na kami"


Tumayo siya bigla at pumunta sa kabilang table.

Naiwan akong tulala.


Galit ba sakin yun?

Hala eh di ko naman sinasadyang badtripin siya.

Malay ko bang wala na sila ng gf niya.


WAIT! SINGLE NA SIYA?

OMG!!! May pagasa na ba ko? Bwahahaha!


I tried to talk to him ng dumating na sila Maika pero ganun pa rin siya.

Ilag sakin.


"Look at him! Ugh, nakakafrustrate" Di ko mapigilang sabihin kay Kenzie.

"Sows. Akala ko ba di mo na siya crush?"

"Hindi nga. Naiirita lang ako na never kaming naging friends. Nilalayuan niya talaga ako na para bang may kasalanan akong nagawa..."


Tumingin siya bigla kay Jiro. "Hey, pwede magtanong?"

Tumango lang ito.


"May girlfriend ba yang si Killian?"


Umiling si Jiro. "Wala. Ganyan lang talaga yan. Di pala-kaibigan sa mga babae. Bakit? Type mo?"

Wala nga kasi nagbreak na sila...


"Hindi si Kenzie kundi ako" Matapang na pagamin ko. "But don't you ever tell him, kay?"

"Haha ganon"


I looked at Killian.


Porket broken hearted ka, iisnobin mo ko.

Kaibigan na nga lang habol ko sayo, di mo pa ko mapagbigyan. Leche ka.


"Excuse lang, magCR lang ako" Umalis na ako dahil nabadtrip ako.

Medyo natagalan ako sa loob dahil tumambay ako don.


"Ano ba yan Adeline, para kang sira ulo. Magsaya ka na nga lang dun sa taas. Wag mo na pakielamanan si Killian" I told myself.


Lumabas na ko ng CR.

Paakyat na ulit ako sa taas ng makasalubong ko si Killian.


I stopped when I saw him.

Tumigil din naman siya.


"Eli..."


Wait. Kakausapin niya ulit ako?

BAKIT??!!!! Akala ko ba ayaw niya sakin?


"Tungkol sa kanina, sorry ha"


Homayghad.

Ang bipolar mo po.


"Sorry din kasi ang insensitive ko. Dapat hindi kita tinanong ng ganon..."


Ang shunga ko naman kasi.

Sa lahat ng pwede kong sabihin, bakit yung girlfriend---este ex niya na pala----yung tinanong ko.

Who the hell cares about that girl?


"Hindi mo naman alam, Eli. Tsaka bad mood talaga ako kahapon pa. Sinusubukan ko kasing makipagbalikan sa kanya kaso...give up na talaga siya sakin. She's not answering my calls anymore"


Gusto ko siyang sampalin sa inis.


Di ba obvious na crush na crush kita?

Tapos pagseselosin mo pa ko!

Ipaparamdam mo pa saking mahal mo pa rin yang ex mo.

Asarrrrr si koya!


"Ano bang pinagawayan niyo?" Tanong ko.

WAIT! MALI! ITO NA NAMAN AKO! NANGINGIELAM!


Bigla siyang umupo sa hagdan at sinenyasan ako na umupo sa tabi niya.


Napatingin ako sa taas.

What if may bumabang mga students dito?

Mabalita pang nagliligawan kami...

Ayoko naman nun kasi kakabreak-up lang pala ni Killian at ng girlfriend niya.


"Di ka ba nangangalay sa pagtayo?" He asked me.


Bahala na nga.

Kinikilig na ulit ako eh!

Kahit na bwisit ako sa kanya, crush ko pa rin talaga siya.

Mehehehez. Landi mode.


Umupo ako sa tabi niya pero syempre may space sa gitna namin.

Ayokong maging feeling close agad.


"Ganito kasi yun, hindi ba intrams ngayon? Naging busy ako sa training kaya di ko siya masyadong nakakausap. Paguwi ko, usually tulog agad ako. She understands it naman kaso napansin kong parang wala na siyang pakielam sakin. Hindi siya ganun eh. Dati, tinatadtad niya ko ng text. Ngayon, nakakaya niyang wag akong kausapin ng maghapon. So pinuntahan ko siya sa bahay nila. I saw him with a guy. Silang dalawa lang doon sa loob ng bahay. Malamang nagselos ako..."


Tumigil siya dahil parang nasasaktan siya sa pagkwento sa akin.

"So nagassume kang nanlalalake siya?"


He stared at his hands.


"At first, pinigilan ko sarili kong magalit. I wanted to hear her side. Pinagexplain ko siya, sabi niya gumagawa lang daw sila ng project. Sabi ko bakit silang dalawa lang. Tapos sumagot siya na by two lang daw ang groupings. Pinalagpas ko yun pero kinabukasan, chinat ko yung classmate niya. Tinanong ko kung totoo bang may project sila. It turns out na wala pala. Naginit ulo ko dahil don. Kung ano-anong pumasok sa utak ko. Pinuntahan ko agad yung girlfriend ko tapos ayun...nagkasigawan kami. Nakipagbreak siya sakin at dahil galit din ako ay pumayag ako"


Grabe naman yung girl.

Siya yung may kasalanan pero siya pa yung nakipaghiwalay.

WTF.


"Kahapon narealize kong di ko kayang wala siya. Naisip kong kaya ko siyang patawarin. I really love her, Eli. Kaso wala na kong magawa ngayon dahil ayaw niya na talaga sakin"


Ano kayang nakita niya sa babaeng yun?

Ghad, she's so lucky!

Biruin mo, nahuli ka na ng boyfriend mong may iba ka pero handa pa rin siyang kalimutan yun wag mo lang siyang iwanan.


"Ibang klase ka pala, Killian"

"Ian na lang"


I pursed my lips.

Ano bang pwede kong sabihin?


'Habulin mo pa. Malay mo bumalik pa siya sayo'

Aish. Ayoko nga! Mas lalo lang ako mawawalan ng pagasa.


"Tanggapin mo na lang na wala ng kayo kasi nga, pinagpalit ka na niya. Siguro nga nagkulang ka pero hindi naman sapat na dahilan yun para lokohin ka niya. Ian, I think you're a good person. Oo, hindi pa tayo close pero para sakin, di mo talaga deserve yan. Madami pa namang mga babae diyan, tingin ka lang sa paligid mo. Malay mo nasa harapan mo na pala..."


He looked at me.


Yan. Tama yan.

Ako ang forever mo. HAHAHAHA.


"Mahal ko nga siya"


Nawala yung ngiti ko dahil dun.


Peste ka.

Bahala ka na nga sa buhay mo.


Sige, magkandarapa ka sa isang babaeng manloloko.


Tumayo na ko at nag-fake smile sa kanya.

"Sige, akyat na ko ha. Baka kasi hinahanap na ko nila Kenzie"


Nagmadali ako papunta sa rooftop. Pagdating ko dun, uminom agad ako ng isang boteng alak.

Nakita ako nila Gigi kaya hinila nila ako at nagsayawan kaming lahat.


Ian caught my eye after a moment. Umupo lang siya sa gilid at nakipaginuman sa mga kaklase niya.


I glared at him secretly.


Tanga mo, Ian!

Minamahal mo yung babaeng sinasaktan ka, samantalang ako, kaya kitang mahalin at pasayahin habang buhay.

I wouldn't hurt you.


Nung nagovernight na kami ay naglaro kami ng spin the bottle.


"Anong nakalagay?" Tanong ni Kenzie pagbunot ko ng papel.

"Hold hands with the person beside you for 5 minutes"


Nagulat ako ng si Ian na mismo ang kumuha ng kamay ko.

Pasmado kamay niya pero hindi ko yun pinansin.


Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko.


Walangyang to!

Ang lakas ng loob mong pakiligin ako!

Okay sana kung mutual tayo ng feelings eh!


The whole night, hindi niya binitawan ang kamay ko.

Lasing talaga siya kaya siguro ganyan siya.

Di naman ako nagrereklamo dahil gusto ko naman ang nangyayari. HAHAHA.


"Ughhh nauuhaw ako"


Bigla siyang tumayo at kinaladkad ako papunta sa baba. Nakita kong napahagikgik sila Gigi.

Iniwan nila kami ni Ian dito sa kitchen.


He finally let go of my hand para kumuha ng pitsel ng tubig sa loob ng ref.

I watched him chug his water down.


"Tangina" Bulong niya nung nabasa ang t-shirt niya.

Ibinaba niya na sa counter yung pitsel bago pinagpag yung damit niya.


"Oh" Pag-offer ko ng hand towel na nakita ko dito sa gilid.

Mukha namang malinis yun.


Instead of taking it, bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

Tumama ang katawan ko sa katawan niya.


My eyes widened in shock.

B-bakit nakatitig siya sa labi ko?


And then in one snap, he leaned in and kissed me.

"I love you, jam"


Tapos bumagsak siya sa sahig sa kalasingan.

I heard him snore.


WHAT THE HELL?

AKALA NIYA AKO YUNG EX-GIRLFRIEND NIYA?

UGHHH KAINIS!


DI NAMAN KAMI MAGKAMUKHA NON AH!

MAS HAMAK NA MAS SEXY AT MAGANDA AKO!

AT MAS PERFECT ANG PAGKILAY KO SA KAYSA SA KANYA!


Because of that, medyo naging off talaga ako kay Ian.

Pero siya naman yung lapit ng lapit sakin.

Madalas siyang mangasar.


He keeps on making me remember about our kiss.

Sobrang nakaka-ewan talaga.

Parang natutuwa siya pag naaasar ako.


"Ano bang trip mo sa buhay?" Tanong ko sa kanya isang araw sa sobrang inis ko.

"Wala..." Nakangising sabi niya.

"Ah talaga ba, ian?"

"Sungit mo naman po"

"Just stay away from me"

"Ayaw ko"


Inirapan ko siya.

"Well ayaw ko rin sayo! So get lost!"


Nagbago bigla ang tingin niya sakin.

"A...yaw mo sakin?" Seryosong tanong niya.


Natahimik ako.

Tinitigan ko lang ang mga mata niya.


"Ano? Eli? Sabihin mo yung totoo. Ayaw mo ba sakin?"


Sasampalin na talaga kita, Killian Stan Vale.


"Gusto kita. Matagal na. Ramdam mo naman siguro yun diba? Kaya lang naman ako lumalayo sayo ay dahil alam kong wala akong pagasa"


Di niya yata ine-expect na aamin ako.


"Okay..."


Umalis siya at iniwan akong gulat na gulat.


I JUST CONFESSED MY FEELINGS FOR HIM TAPOS OKAY LANG NATANGGAP KO?

WOW LANG TALAGA! NA-OKAY ZONED ANG ATENG NIYO!


Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit siya pa rin yung nagugustuhan ko eh ang dami dami namang nagkakagusto sakin. I'm quite famous dahil sa sports ko sa school.

Tapos siya? Ginaganito niya lang ako?


Mas lalong kumulo ang dugo ko ng siya pa ang nag-unfriend sakin sa facebook.


Kapal ng mukha!

Masyado bang masama na may gusto ako sa kanya?

Is that too much?

Hindi ko naman siya nilalandi!


Iniyak ko yung sama ng loob ko nung gabing yon.

Kinabukasan, talagang di ko na siya pinansin.


Again, nagsorry siya.

Nabigla lang daw siya. What a doucebag.


I hated him pero di ko siya magawang tiisin.

Pumayag akong maging friends kami at kalimutan yung nangyari.


Pero kahit na may usapan na kami ay sobrang awkward pa rin namin.

Siguro ganung klaseng relationship talaga ang pwede sa aming dalawa.


Ang magkaibigan na palaging may ilangan.


As weeks pass by, nakalimutan na namin ni Ian yung 'kiss'.

We both moved on from that tapos naging close na kami.


Madalas kaming magusap sa text at lumabas together.

Di ko kinukwento ito sa mga girls kasi alam kong mali.

Baka pagbawalan lang nila ako.


One time, niyaya niya kong magjogging.

Ang aga niya kong sinundo sa bahay.

6 am.


Mga 7:30 or 8 am na yata kami natapos sa pagtakbo.

Umupo kami sa isang bench at nagpahinga.


Habang umiinom ako sa water bottle na binili ko, napansin kong tinitigan niya ko.

Tumigil ako at tumingin sa kanya.


Walang anu-ano'y bigla niya kong hinalikan.

Napapikit na lang ako dahil nagblanko ang utak ko.


Hindi namin iyon pinagusapan ni Ian.

We both pretended as if nothing happened.


Hinatid niya ko pauwi.

Kilig na kilig ako non!


"Adeline, di'ba single ka naman?" Tanong ni Maika nung pumunta kami sa bahay ni Kenzie.

"Kailangang ipamukha?" Biro ko.


Natawa yung mga boys.


"Hindi, kasi itong si Gigi may friend na nanghihingi ng ka-text mate. Baka lang naman interested ka"


I saw Ian looked at them.

Katabi ko siya dito sa sofa.


"Gwapo ba?" Tatawa-tawang tanong ko.

"Oo. Matangkad yun tapos matalino pa" Sagot ni Georgina.


Ha? Ready na ba talaga akong maghanap ng iba?

Alam ko namang hindi ako sineseryoso ni Ian pero kasi...feeling ko MU na kami.


"Ano Eli? Ibibigay ba namin number mo?" Tanong ni Kenzie ng hindi ako sumagot.


I couldn't answer them because from my peripheral vision, I could see Ian staring at me.


"Sure. Malay mo magkadevelopan kami, maging kami"


Siguro nga ito na yung kailangan ko.

Maybe I really need to stop chasing after Killian.


"Ganyan ka ba talaga?" Sigaw niya sakin nung iniwan kami ng tropa dito sa sala. Alam kong sadya yun. Gusto talaga nilang magkausap kami ni Ian..


"Anong ganyan?" Matapang na sagot ko.

"Makikipagtext ka sa taong di mo kilala? You didn't even know what the guy looked like"

"And so? Kila Gigi naman galing yung number, malamang matino yun"

"Pano ka nakakasigurado dun? Ha?"

"What is your problem anyway? Pake mo ba kung sino yung lalakeng yun?"

"Tsss. Bahala ka sa buhay mo"


Bigla siyang tumayo at lumabas ng bahay.

Hinabol ko siya.


"HOY KILLIAN! BUMALIK KA NGA DITO!"


THAT'S IT. AYOKO NA TALAGA!

PAGOD NA KO!


"ANG GULO GULO MO! Nakakainis ka na! Akala ko ba galit ka sakin? Di'ba nga in-unfriend mo pa ko sa facebook? Tapos ngayon, maiirita ka ng walang dahilan? Ian, napaka-complicated mo! Ano ba gusto mong mangyari?"


Wala siyang sinabi sakin.

Ang intense lang ng titig niya.


"Adeline, lumalayo ako sa'yo dahil ayokong umasa ka. Ayokong ituloy kung ano man yung meron satin dahil hindi pa ko sigurado na nakapagmove-on na talaga ako. I want to make sure that you're not going to be a rebound. Unfair kasi yun sa'yo. Pero sana naman, ingatan mo yang sarili mo. Wag kang makipagtext kung kani-kanino. Get to know the person first"


"So hindi mo talaga ako gusto?" Naiiyak na tanong ko. "Ni katiting diyan sa puso mo, wala ako?"


Eh ano yung mga halik mo?

Bakit laging ako yung nilalapitan mo tuwing nakikita mo ako?

Ano yun? Sadyang pa-fall ka lang?


Masyado mo namang mahal yang jam mo.

Ano bang ginawa niya sayo at di mo siya makalimutan?!


"Hindi ko alam Eli...pero lagi kitang naiisip. Lagi kitang naalala" Niyakap niya pa ko. "I'm sorry pero hanggang friendship lang muna yung kaya kong ibigay sayo ngayon"


At katulad ng dati, lumayo na naman ako sa kanya.

Palagi na lang ganito yung set up namin.


Hay Adeline.

Tama na kasi.

Matagal na naman niyang pinamukhang di ka niya gusto.

Stop liking him already!


Pinilit ko naman ang sarili ko.

Friends lang? Okay sige!


Nakipagdate ako sa iba without anyone knowing it pero ako din mismo ang umayaw dun sa lalake.

Hinahanap ko talaga yung mga katangian ni Ian sa mga namimeet kong guys.


Grrrr. Patay na patay ako sa mokong na yon!


"W-what's going on? Ian? Bakit mo ko niyayakap?" Tanong ko dahil bigla na lang siyang yumakap sakin. Nagpaparty kami at napalakas ang inom ko kaya nasuka ako.


Lumayo ako sa tropa dahil nahiya akong makita nila akong ganito.


"Ikaw dapat ang tinatanong ko! BAKIT BIGLA KANG NAWALA? Akala namin kung ano ng nangyari sayo"


Killian...

Ayan ka na naman.

Lumalagpas ka ulit sa friendship line.


"Oh My God!" Tatawa-tawang sabi ko. "Masyado naman kayong kabado. Eh nasuka kasi ako kaya hindi na ko nakapagpaalam pero pabalik na rin naman ako. Grabe ah! Hahahaha"


"Mali pa pala yung ginawa naming paghahanap sayo?" Inis na tanong ni Killian.


"Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong sinabing mali sa ginawa niyo? Natawa lang ako kasi wala pa namang 10 minutes mula nung umalis ako doon pero nagpa-search and rescue mission agad kayo hahaha"


"Napaka-insenstive mo. Bahala ka nga diyan" Nagwalk out na siya kaya nakahinga na ko ng maluwag.


"Bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ko sa girls.


"Wrong move, girl. Nagke-care lang naman si Ian sayo. Sana nag-thank you ka na lang" Kenzie said.


"I don't like that he cared too much for me. Kasi aasa na naman ako na baka nga may chance na maging kami. In the end, masasaktan na naman ako. I had to insult him para lumayo na siya"


I couldn't sleep that night.

Gusto kong itext si Ian pero mas inisip ko yung pride ko.

Tsaka pwede ba, tama naman yung ginawa ko.


"Kamusta kayo?" Tanong ni Gigi habang umoorder kami ng pizza sa sbarro.

"Huh? Sinong tinutukoy mo?"

"Kayo ni Killian"


I kept a straight face. "Wala namang kami ni killian"


"Kaya pala tinetext niya ko mula kaninang umaga to have updates on you. Tapos ngayon, he's asking kung nasaan na daw tayo...."


Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Gigi.


"W-WHAT? A-anong sinabi mo?"

"Eh di inamin ko yung totoo. And he's on his way here---uy ayan na pala siya"


We all looked at the entrance of this shop. Kitang-kita ko si Ian na naka-simpleng polo shirt.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.


"Hey" Bati ni Ian sa akin.

"Why are you here?" Medyo pagalit na tanong ko.

"Obviously to see you. Okay lang ba?"


This is wrong.


"Pero kasi...kasama ko sila Gigi at Kenzie ngayon"


"Ano ka ba girl, kami na lang ni Kenken ang magde-date hahaha sige byeee"

NANGIWAN TALAGA? WTH!!!!


Nahihiya akong tumingin kay Killian.


"Ano bang kailangan mo?" I asked him pagkaorder ko ng pizza. Umupo ako sa pinakadulong table para walang masyadong tao.


"Eli, kagabi nung nawala ka, halos tumalon yung puso ko palabas ng dibdib ko. I couldn't think straight. Basta ang nasa utak ko lang, kailangan kitang makita. Sobrang nagalala talaga ako"


Di na ko magpapadala sa mabulaklak mong dila.


Hinawakan niya bigla ang kamay ko.


"At alam mo kung ano pa yung isa kong naisip? Yung feelings ko para sayo"

I looked up to him. "H-huh?"


"Adeline, noon pa lang nagkakagusto na ko sayo. Oo, mahal ko pa nun si jam pero nakikita na rin kita. Training days pa lang bago magintrams, naririnig ko na ang pangalan mo. Sa sobrang pagka-curious ko, pumunta ako sa labas ng classroom niyo. Kita kong napatingin ka sakin kaya umalis agad ako. Pero di kita masyadong nakita noon so I watched your practice once. Doon namangha na agad ako sa galing mo. Napapangiti mo ako tuwing nananalo ka. And then when I saw you in my basketball game, nagtaka ako. You were cheering my name. Napapangiti ako pero natakot din ako. I don't want to cheat on my girlfriend kaya ayokong ma-attract sa iba. Ayun ang dahilan bakit ako umiiwas at nagsusungit sayo"


Hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman.

Is this even real?


"Tapos nung nagbreak kami ni jam, mas lalo na kong lumayo sayo. Bakit? Kasi available na ko eh. May karapatan na kong magkagusto sa iba"


"Kaso ayaw mo kong maging rebound"


"Exactly. Naguguluhan pa ko sa sarili ko noon eh. I kept asking myself, gusto ko na ba talaga si Eli o baka naman gusto ko lang ang comfort na nararamdaman ko everytime I'm with her? I can't answer that kaya nagdecide akong iwasan ka ng tuluyan para malaman ko kung mamimiss ba kita"


"Kaya mo pala ako inunfriend sa facebook noon"


"Sabi mo nga, complicated ako masyado. Mahirap intindihin. Magulo. Pero kahit na ganito ako, di mo pa rin talaga ako iiniwan. Andyan ka palagi. You always try to understand me. At nagpapasalamat ako dahil naghintay ka. You waited for me till this day..."


Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.


"Ngayon kaya ko ng sagutin yung tanong ko sa sarili ko..."

"And what is your answer, Ian?" Naluluhang tanong ko.


"Gusto na nga kita...no erase that...mahal na nga kita"


Napaiyak na ko ng di oras.


"Hala....di nga? Seryoso ka ba diyan? Baka naman magbago na naman isip mo? Hoy Ian ah! Pakshet ka!"


Tumawa siya at tumayo upang lumapit at yumakap sakin.


"Please be my girlfriend"

"Ano ako? Pakawalang babae? No!"

"NO?"


Natawa ako sa reaksyon niya.

Halatang di niya ine-expect yun.


"Kahit nauna akong umamin sayo noon, you still have to court me. Ligawan mo ko, Killian"

He smirked. "Ayun lang ba? Game!"

"Game? Hindi laro to!"

"I mean deal...ayan okay na?"


We both laughed at each other.


WAHHHHHH! AM I DREAMING?

Buti pala naghintay ako! Kasi kung hindi, hindi niya ko magugustuhan.


Ilang buwan akong nagpakipot at nagpabebe pero syempre in the end, sinagot ko pa rin siya.


Oo, kami na ngayon.

I am Killian's girlfriend.

PROUD AND LOUD!


Maga-anniversary na nga kami soon.

Madaming ups and downs sa relationship namin pero naayos naman namin.


"Anong plano natin sa anniv natin?" Excited na tanong ko sa kanya habang nanunuod kami ng tv dito sa bahay niya.


Wala ang parents niya kaya magkayakap kami dito sa sofa ngayon.


"Saan mo ba gusto?" Malambing na tanong niya sabay halik sa buhok ko.

"Kahit sa mall lang. Ayoko namang gumastos pa ng malaki para magout-of-town tayo"

"Sige, okay lang din sakin yan"


I just smiled when he hugged me tighter.


Napatingin naman ako sa phone ko ng bigla itong magvibrate. Nakapatong yun sa table.

Umupo ako at kinuha yun.


From: Gigi

4:15 pm.

KENZIE'S BACK!!!!


Halos mabitawan ko ang phone ko ng mabasa ko ang text message ni Georgina.


"OH MY GHAD! IAN! SI KENZIE, BUMALIK NA DAW!!!!"



*To be continued in My Only Chance (My Only Mistake Book 2 – soon to be posted)*

Continue Reading

You'll Also Like

4M 180K 56
AUDITION GONE WRONG! Macey Ela Sandoval aspires to be a singer. Instead, she ends up in The Search for 7 Wives- a harem reality game, designed by the...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
182K 6.4K 50
A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never noticed her not until she became his per...
88.4M 2.1M 50
[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo, bulakbol at pakikipag-away ang palagi n...